Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

CONCEPCION, MARY JUSTINE S.

SALAWIKAIN

1. Kung hindi ukol, hindi bubukol.


Kahulugan: Ang swerte ay hindi makakamtan kung ito ay hindi para sa iyo.

2. Lahat ng gubat ay may ahas.


Kahulugan: Maraming traydor sa lipunan at sila ay nasa paligid lamang.

3. Kung ano ang itinanim, ay siyang aanihin.


Kahulugan: Kung ano ang ginawa mo ay kadalasang ganun din ang gagawin sa iyo.
Halimbawa kung naging mapagbigay ka sa kapwa ay magiging mapagbigay din ang
mga tao sa iyo.

4. Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.


Kahulugan: Sa tagal ng pinagsamahan ng magkasintahan, ito’y humahantong
sa kasalan.

5. Nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa.


Kahulugan: ‘Di sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin na
magsikap at magkawanggawa upang matamo ang minimithing biyaya.

SAWIKAIN

1. Bukang liwayway
Kahulugan: Malapit nang mag-umaga

2. Bukal sa loob
Kahulugan: Taos puso o tapat

3. Malawak ang isip


Kahulugan: Matalino o Madaling umunawa, maraming nalalaman

4. Galit sa pera
Kahulugan: Gastador

5. Kilos pagong
Kahulugan: Mabagal kumilos

BUGTONG

1. Kapirasong putol na tela, Mga mamamayan pinagsama-sama - Bandila


2. Lumalakad ay walang humihila, Tumatakbo ay walang paa - Bangka
3. Limang puno ng niyog, isa’y matayog - Daliri
4. Berdeng kumot ng kalikasan, bumabalot sa pusalian - Lumot
5. Sundalong negro, nakatayo sa kanto - Poste

You might also like