Professional Documents
Culture Documents
Assessment ESP Quiz 1
Assessment ESP Quiz 1
Pangalan:_______________________________ Iskor:____________
Baitang/Seksiyon:________________________
Panuto: Basahin mo at unawaing mabuti ang mga katanungan. Isulat ang titik ng iyong sagot
bago ang numero.
Para sa bilang 13 at 14, basahin ang pangungusap at sagutin ang mga tanong.
Si Jay ay madalas naglalasing kaya nagkaroon sya ng malubhang karamdaman
dahil dito naging maingat na siya sa kaniyang kalusugan.
12. Bakit kinaya ni Jay na kontrolin ang sarili at ang udyok ng kaniyang damdamin?
a. ang tao ay may kamalayan sa sarili
b. malaya ang taong pumili o hindi pumili
c. may kakayahan ang taong mangatwiran
d. may kakayahan ang taong maag-abstraksiyon
13. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa kakayahan ng tao sa sitwasyong ito?
a. Magagawa ng taong kontrolin ang kaniyang pandama at emosyon at ilagay ang paggamit
nito sa tamang direksiyon.
b. Ang tao ang namamahala sa kaniyang sarili at walang ibang makapagdidikta sa kaniya
ng kailangan niyang gawin.
c. Kailangang maging maingat ang tao sa kanyang kalusugan upang maiwasan ang
magkasakit.
d. Hindi maaaring pantayan ng hayop ang kakayahang taglay ng tao kaya nga ang tao ay
natatangi.
14. Sa paanong paraan tunay na mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos?
a. pagpapalakas ng kontrol sa sarili o disiplina
b. pagdaan ng mahabang proseso ng pag-iisip at pamimili
c. tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob
d. pagsangguni sa mga taong nakaaalam at puno ng karanasan
15. Ayon kay Max Scheler, may kakayahan ang taong maramdaman at gawin ito sa katangian
ng tao na umiiral na nagmamahal, Ano ang katumbas ng pahayag na ito sa wikang Latin?
a. amor omnia vincit c. ens amans
b. salve d. semper fidelis
16. Alin ang nagpapahayag sa katangian ng tao bilang indibidwal?
a. Ang tao ay may matibay na paninindigan, pagpapahalaga, at paniniwalang bukod-tangi sa
lahat.
b. Hiwalay ang tao sa ibang tao dahil noong siya ay isinilang, nagsimula na siyang mag-
okupa ng espasyong hiwalay sa ibang sanggol
c. Lahat ng tao ay pantay-pantay kahit magkakaiba ang mga katangian, pangarap at
pagpapahalaga ng bawat isa.
d. Bukod-tangi ang tao at naiiba sa kaniyang kapuwa dahil siya ang lumilikha ng kaniyang
pagka-sino.
17. Ang pinakamataas na layunin ng isip ng tao ay:
A. birtud B. katotohanan C. karunungan D. pag-alam