Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

MODYUL 5: DULA

Ano ang Dula?


isang uri ng panitikan na naglalayong
maitanghal sa tanghalan upang
makapagturo, manlibang, makapagmuni-
muni at makaantig ng damdamin. Ito’y isang
masining na paraan ng panggagaya sa mga
nangyayari sa tunay na buhay. Maaaring
bunga rin ito nang malaya at malikhaing pag-
iisip ng isang manunulat.
Tagpo ang tawag sa paglabas-masok ng tauhan sa
tanghalan.

Sa isang dula, ang kasiningan ng akda ay higit


pang pinatitingkad ng mga gumaganap na
karakter o aktor. Bukod dito, mahalagang bahagi
rin ang iskrip ,direktor, manonood, tanghalan at
dayalogo. Ito ang mga tinatawag na mga
elemento/ sangkap ng dula.

Melodrama naman ang tawag sa dulang


nagtataglay ng malulungkot na pangyayari ngunit
sa huli ay may kasiya-siyang wakas.
MODYUL 6: SARBEY
isang pag-aaral na ginagamit para sukatin
ang umiiral na pangyayari nang hindi
nagtatanong kung bakit ganoon o ganito
ang isang bagay, paksa o pangyayari.
Gayundin, ito ay isang anyo ng pagtugon
sa papel at lapis sa isang intensibo, one-on
one at malalim na interbyu.
MODYUL 6: SARBEY
Layon ng sarbey ay kumuha ng impormasyon
sa pamamagitan ng pagtatanong sa tao.
Maaring makuha o makolekta ang mga
impormasyon sa pamamagitan ng
pagtatanong buhat sa paraang interbyu at
pagrerekord ng sagot o kaya ay nabasa o
narinig na tanong ng isang tao at pagrerekord
ng kaniyang sagot.
LAYUNIN SA PAGSASAGAWA NG SARBEY

Sa bawat ginagawa natin ay mayroon tayong


tiyak na layunin kung bakit natin ito ginagawa, at
upang higit nating maunawaan, narito ang mga
layunin ng pagsasagawa ng sarbey:
1. Makatuklas ng mga bagong impormasyon,
ideya at konsepto.
2. Mabigyang-linaw ang isang mahalagang isyu o
paksa.
3. Makapagbigay ng mungkahing solusyon sa
problema.
PARAAN SA PAGSASAGAWA NG SARBEY

1. Pumili o bumuo muna ng isang mabisa at


magandang paksa o pamagat.
2. Alamin ang layunin ng iyong gagawing
sarbey.
3. Batay sa napiling pamagat, bumuo naman
ng makabuluhang mga
tanong.
4. Pumili ng magiging respondente.
LAWAK NG SARBEY
1. Sarbey - ilang bahagi lamang ng populasyon
2. Sensus - isang pag-aaral na sumasaklaw sa buong
target na populasyon

PARAAN NG PAGKUHA NG DATOS


1. TALATANUNGAN-Isa sa pangkaraniwang ginagamitsa
pagkuha ng datos kung saan isinusulat ang mga tanong at
pinasasagutan sa mga respondente nito. Ito rin ang
pinakamadaling paraanng pangangalap ng datos.
Dalawang Uri ng Talatanungan

1.1 Open Ended - ang mga


respondente ay malaya sa
pagsagot
1.2 Close Ended – uri ng
talatanungan na may
pagpipilian
2. Pakikipanayam - Ito ay
isinasagawa kung posible ang
interaksyong personal.
Dalawang Uri ng Pakikipanayam
2.1 Binalangkas na Pakikipanayam - ang mga tanong ay
nakalahad nang tiyak sa permanenteng listahan o tinatawag din
itong gabay sapakikipanayam o interview guide.
2.2 Di-Binalangkas na Pakikipanayam—bagaman ang
kumakapanayam ay may listahan ng mga tanong, hindi niya
kinakailangang sundin ang pagkakasunod-sunod ng mga ito.
3. Obserbasyon— kinapalolooban ito ng obserbasyon ng
mananaliksik sasitwasyong pinag-aaralan. Ang mananaliksik
ay nakatugon sa tuwirang paglalarawan ng sitwasyong
pinag-aaralan at ang pinakamabuting paraan para
makamit ang layuning ito ay ang pagmamasid.

Dalawang Uri ng Obserbasyon


3.1 Di-Pormal na Obserbasyon-itinatala ang mga napag-
usapan at walang limitasyon sa mga impormasyon.
3.2 Pormal na Obserbasyon– itinatala rito kung ano lamang
ang nais obserbahan at ang mga posibleng kasagutan ay
binalangkas. Limitado lamang ang mga impormasyon.

You might also like