Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Quezon National High School

Mibando, Quezon, Bukidnon

Filipino 10

SURING BASA

Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante

Ipinasa nina: Ipinasa kay:

Kelsey Sofia L. Rojas Bb. Maria Ethilend Amor O. Terec

Gwyneth Sophia B. Israel

Chris Euan G. Masudog

Dave Andrew L. Manginsay

Cristelyn P. Loon

John Arthur S. Ratunil

Enero 20, 2022


Sinopsis:

Naglakbay sina Thor at Loki sa patungo sa Utgaro. Nagpagpasiyahan nilang magpahinga

sa bahay ng magsasaka at doon nagging alipin si Thjalfi at Roskva. Nang makarating sa Utgaro

ay nakilala nila si Utgaro-Loki na nagbigay sa kanila ng mga paligsahan. Inakala ni Thor na

hindi siya malakas pero hindi niya alam na natakot ang mga nakakita sa Utgaro sa kakayahan ni

Thor. Inamin ni Utgaro-Loki na gumamit siya ng mahika at hindi na muling nagpakita pa.

I. Panimula

Uri ng Panitikan:

Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante ay isang uri ng mitolihoyang norse. Ito ay

ang mitolohiyang nagmula sa mga Norsman (o Norsmen), na ang ibig sabihin ay "mga tao ng

hilaga" ng Europa. Ito ay tumatalakay sa mga kultura, mga diyos at ang kanilang mga karanasan

sa pakikisalamuha sa mga tao.

Bansang Pinagmulan:

Nagmula ang mitolohiyang Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante sa Iceland. Ito

ay sinasabing pinangalanan ng isang Norwegian Viking na tinatawag na Hrafna-Flóki

Vilgerðarson.

Pagkilala sa May-akda:

Ito ay isinulat ng iskolar at istoryador ng Iceland na si Snorri Sturluson noong mga 1220.

Pinahahalagahan ni Snorri Sturluson ang mga orihinal na makasaysayang mga kaganapan kung

kaya’t pinili niya ito na tila parehong makapangyarihan at sumasalamin sa kalikasan ng tao.

Gumawa siya ng isang akda upang bigyang-daan ang mga Icelandic na makata at mambabasa na

maunawaan ang mga mitolohiyang alusyon sa likod ng maraming mga kahulugan sa mga salita.
Layunin ng Akda:

Ang layunin ng akda ay magturo sa atin patungkol sa buhay. Hindi natin kailangang

magyabang para lamang masabi na meron tayong kapangyarihan laban sa iba. Kailangan nating

gamitin ang ating utak sa lahat ng oras.

II. Pagsusuring Pangnilalaman

Tema o Paksa ng Akda:

Ang tema o paksa sa mitolohiyang ito ay tungkol sa paglalakbay ni Thor, Loki, Thjalfti at

Rosvka sa Utgaro na lupain ng mga higante. Pinapakita sa mitolohiyang ito na may mga tao pa

rin handang itulak ang limitasyon ng kakayahan para ipakita na sila ang pinakamahusay.

Mga Tauhan/Karakter sa Akda:

Thor- Ang pangunahing tauhan sa kwento, diyos ng kulog at kidlat, pinakamalakas sa mga diyos

ng Aesir.

Loki- Kasama ni Thor sa paglalakbay at ideneklara ang kaniyang sarili na pinakamabilis kumain

sa buong mundo.

Utgaro-Loki- Ang hari Ng mga higante na may taglay na mahika na kayang lumikha ng mga

ilusyon.

Thjalfi at Roskva- magkapatid na alipin ni Thor.

Skrymir- isang higante na tumulong sa grupo nina Thor na siya ring balat-kayo ni Utgaro-Loki.

Logi, Hugi, at Elli- mga kasama ni Utgaro-Loki at mga kalaban ni Thor, Loki at Thjalfti sa mga

pagsubok.
Tagpuan/Panahon:

Ang Tagpuan/Panahon ng akda ay masasabing itinulad lamang sa mga tauhan nito na

hindi rin kapani-paniwala at talagang masasabing pantasya ito dahil nga piksyonal ang mga tao

dito at nasa anyong mitolohiya.

Bahay ng Magsasaka- saan nanuluyan sina Thor at Loki, kung saan nila nakuha sina Thjalfti at

Roskva na naging kanilang alipin.

Utgaro/Lupain ng mga Higante- kung saan naganap ang mga pagsubok na ibinigay ni Utgaro-

Loki kina Thor, Loki at Thjalfti.

Thruovangar- ang mundo ng mga diyos.

Balangkas ng mga Pangyayari:

1. Naglakbay sina Thor at Loki patungong Utgaro hanggang sa nagpahinga sila sa bahay ng

isang magsasaka. Sa mga sumunod na mga pangyayari, naging alipin ni Thor ang kanilang mga

anak na si Thjalfi at Roskva. Sa patuloy nilang paglalakbay, nagpahinga sila sa isang silid nang

biglang lumindol ng malakas at nakita nila ang isang higante na si Skrymir na nagging kasama

nila sa kanilang paglalakbay.

2. Tuwing umiinit ang ulo ni Thor at kapag laging tulog si Skrymir ay pinupukpok niya nang

tatlong beses ang ulo ni Skrymir gamit ang kaniyang maso. Ngunit sa tuwing gigising si Skrymir

ay inaaakala lang nito na nahuhulugan lang siya ng dahon o di kaya’y acorn sa ulo.

3. Dinala ni Skrymir sina Thor kay Utgaro-Loki, ang hari ng mga higante. Pagdating nila roon,

hinamon sila ng hari sa paligsahan.

4. Una, pabilisang kumain na kung saan nakaharap ni Loki si Logi. Buto na lamang ang naiwan

sa parte ni Loki ngunit walang butong natira sa parte ni Logi. Sumunod ay paligsahan naman na

pabilisan sa pagtakbo na nilahukan ng batang si Thjalfi laban sa bata rin na si Hugi. Sa unang

laban, masyadong malayo ang agwat ni Hugi. Inulit ito nang talong beses ngunit hindi talaga

maabot ni Thjalfi si Hugi.


5. Tinanong ni Utgaro-Loki si Thor kung anong kakayahan naman ang ipapakita nito. Kaya't

tinawag ni Utgaro-Loki ang kaniyang cupbearer upang makaharap ni Thor sa pabilisan ng pag-

inom kung saan tila walang nabawasan ang laman ng tambuli.

6. Sumunod na paligsahan ay ang pagbuhat ni Thor ng malaking pusa ngunit paa lamang ang

kaniyang naiangat. Inulat ni Utgaro-Loki "Ni hindi niya kayang buhatin ang pusa ko, paano kung

sa akin? Matagumpay kaya niyang matalo ako?" Tinawag niya ang kinalakihan niyang ina, ang

matandang Elli upang patumbahin si Thor. Pumagitna si Utgaro-Loki at sinabing itigil na ang

labanan. Malalim na ang gabi kaya't nagpahinga sila. Kinaumagahan, si Thor at ang kaniyang

mga kasamahan ay nagbihis at humanda na sa paglalakbay. Sumagot si Thor na hindi niya

maikakaila na nalagay siya sa kahihiyan sa kanilang pagtatagpo at marahil iniisip nito na siya ay

walang halaga at hindi niya ito gusto.

7. Bago sila makapagpatuloy sa kanilang paglalakbay, may ipinagtapat si Utgaro-Loki sa kanya.

May kapangyarihan siya at ‘di na niya kailangang bumalik kasi ‘di na siya papapasukin dahil sa

kaniyang lakas na maaaring magdulot ng sakuna. Ginamitan niya ng mahika si Thor sa kanilang

unang pagkikita. Sumunod ay ang mga hampas ni Thor ay inilagay ang burol na hugis kabayo sa

harap ng mga hampas. Ikatlo, ang kanilang mga paligsahan ay ginamitan rin niya ng mahika.

8. Nang marinig ito ni Thor, kinuha niya ang kaniyang maso upang ipukol ngunit wala na si

Utgaro-Loki. Sa kaniyang paglingon ay wala na rin ang kuta kundi isang malawak lamang na

kapatagan. Muli siyang lumisan at ipinagpatuloy ang paglalakbay hanggang sa makabalik sa

Thruovangar, ang mundo ng mga diyos.

Kulturang Maisasalamin sa Akda

Ang akdang Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante ay isang norse
mitolohiya na nagpapakita ng kultura na nakasentro sa pakikidigma, at ang mga diyos na
ito ay niluwalhati na mga mandirigmang tao na nakakakuha ng kanilang paraan sa
pamamagitan ng puwersa. Naniniwala din sila na may kabilang buhay.
III. Pagsusuring Pangkaisipan

Mga Kaisipan/Ideyang Taglay ng Akda:

Gaano ka man kagaling at kung ano ang ginagawa mo, hindi ka dapat magmayabang sa

iba. Ipinapakita rin nito na ang hindi makontrol na mga emosyon ay hindi gumagawa ng

mahusay na mga desisyon at sa katunayan mahalagang tandaan na dapat nating kontrolin ang

anumang emosyon na mayroon tayo.

Estilo ng Pagkasulat ng Akda

Maganda at malikhain ang pagkasulat ng Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante.

Ito ay naglalarawan ng karakter nang napakahusay at sikat sa mga mambabasa dahil ito ay

bahagi ng pantasya, na walang mga karaniwang katangian ng karakter. Nagpapakita rin ito ng

hindi inaasahang kapangyarihan.


IV. Buod

Naglakbay sina Thor at Loki patungo sa Utgaro, lupain ng mga higante sakay ang
karuwahe. Nang sumapit na ang gabi, nagpahinga sila sa bahay ng isang magsasaka na
may dalawang anak na sina Thjalfi at Roskva. Napagdesisyonan nilang katayin ang
kambing para sa hapunan. May ini-utos si Thor na hindi nila sinunod kaya nagalit si
Thor. Dahil sa takot na naramdaman ng buong pamilya ay naging alipin sina Thjalfi at
Roskva ni Thor bilang kapalit. Pinagpatuloy nila ang kanilang paglalakbay kasama sila.
Sa pagsapit ng dilim, napagpasyahan nilang manatili sa isang malaking pasilyo. Sa
pagsapit ng hatinggabi, naramdaman nila ang malakas na lindol at nagiba ang kanilang
kinatatayuan. Nakita nila ang isang higanting nagngangalang Skrymir na inaakala nilang
silid. Sumama ito sa kanilang paglalakbay. Ilang beses niya itong pinagtangkaang patayin
ngunit hindi ito umubra. Sa mga sumunod na araw, ginising ni Thor si Skrymir dahil
malapit na sila sa kaharian ni Utgaro ngunit narinig pala ng higante ang kanilang
bulangan na wala syang kwentang higante kayat nagpayo siya kay Thor na kung
makarating sa Utgaro ay huwag siyang magpapakita ng pagmamataas kay Utgaro-Loki.
Pagdating sa Utgaro, nakaharap na niya ang hari na si Utgaro-Loki at hinamon sya nito
ng paligsahan. Ang unang paligsahan ay pabilisang kumain na kung saan nakaharap ni
Loki si Logi. Buto na lamang ang naiwan sa parte ni Loki samantalang ni walang butong
natira sa parte ni Logi. Sumunod na paligsahan naman ay ang pabilisan sa pagtakbo na
nilahukan ng batang si Thjalfi laban sa bata rin na si Hugi. Inulit ito ng tatlong beses
dahil hindi talaga maabutan ni Thjalfi si Hugi. Sa pangatlong labanan naman ay ang
pabilisan sa pag-inom ni Thor laban sa cupbearer na kung saan tila walang nabawasan
ang laman ng tambuli. Sumunod ay ang pagbuhat ni Thor ng malaking pusa ngunit paa
lamang ng pusa ang kanyang naiangat. Nagalit na si Thor at hinarap si Elli para
makipagbuno. Kinaumagahan, si Thor at ang kaniyang mga kasama ay handa na umalis
nang may ipinagtapat si Utgaro-Loki sa kanya. Una ginamitan niya ng mahika si Thor sa
kanilang unang pagkikita. Sumunod ay ang mga hampas ni Thor ay inilagay ang burol na
hugis kabayo sa harap ng mga hampas. Ikatlo, ang kanilang mga paligsahan ay ginamitan
niya ng mahika. Nang marinig ni Thor ang mga ito, kinuha niya ang kaniyang maso
upang ipukol ngunit wala na si Utgaro-Loki at sa kaniyang paglingon ay isa na lamang
malawak na kapatagan. Ipinagptuloy niya ang paglalakbay hanggang sa makabalik sa
Thruovangar, ang mundo ng mga diyos.

You might also like