Professional Documents
Culture Documents
Panukalang Proyekto
Panukalang Proyekto
Panukalang Proyekto
Proposal Para sa Pagsasagawa ng Tree Planting Activity at Charity Program ng mga Mag-
aaral sa Ika-12 na Baitang
1. Pamagat ng Proyekto: Tree Planting Activity at Charity Program ng mga Mag-aaral sa Ika-
12 na Baitang
3. Deskripsyon ng Proyekto:
Ang Tree Planting Activity at Charity Program na isasagawa ng mga mag-aaral sa ika-12
na baitang ay isang inisyatibong proyektong inilatha ng Samahang S.E.E.D.S, isang
organisayong binubuo ng mga mag-aaral sa Senior High School na nagbibigay-halaga sa
kapakanan ng kapaligiran at pati na rin sa sitwasyon ng mga tao, lalo na iyong mga nasa
laylayan. Ang pagpapatupad ng proyektong ito ay nakatutulong sa mga mag-aaral ng Grade
12 upang sa kanilang pagtatapos ay may naitulong sila para sa ating kapaligiran at sa buhay
ng mga nangangailangan.
4. Rasyonal ng Proyekto:
Sa paglipas ng panahon, ang sitwasyon na kinakaharap ng ating planeta ay lalong
lumalala. Isa sa mga malalang hamong kinakaharap ng buong mundo ay ang climate change
na labis na nakaaapekto sa iba’t ibang aspeto ng ating pamumuhay. Gayunpaman, sa kabila
ng hamong ito ay mayroong isang epektibog solusyon para rito – ang pagtatanim ng mga
puno.
Ang pagsasagawa ng Tree Planting Activity ay naglalayong mapalawak ang
pagpapahalaga at kamalayan ng mga mag-aaral sa kahalagahan ng pangangalaga sa
kalikasan. Ang pagtatanim ng mga puno ay isang mabisang paraan upang maibsan ang
epekto ng climate change at makatulong ito sa pagpapanatili ng balanse sa ating kapaligiran.
Sa kabilang dako, ang charity program ay isang inisyatibong naglalayong magbigay ng
tulong, suporta, o donasyon sa grupo ng mga taong higit na nangangailangan ng mga ito.
Mahalaga ito sa paraang binibigyan nito ng positibong epekto ang pamumuhay ng mga tao,
at ang diwa ng mga Pilipinong nakasentro sa pagmamalasakit at pagtutulungon ay
nabibigyang-halaga.
5. Layunin ng Proyekto:
5.1. Pangkalahatang Layunin: Makapagsagawa ng mga paraan upang makatulong sa
kapaligiran at sa mga taong nangangailangan
5.2. Mga Tiyak na Layunin:
Maipamulat sa mga mag-aaral ang mga sitwasyon ng kapaligiran at ng mga
taong nasa laylayan
Mabigyang-solusyon ang climate change at maibsan ang mga epekto nito sa
ating kapaligiran
1
Matulungan ang mga taong nangangailangan sa pamamagitan ng pagbibigay
ng mga libreng school supply sa mga bata, at mga charitable goods para sa
mga pamilya
Mabigyan ng mahalagang karanasan ang mga mag-aaral ng Grade 12 bago
sila magtapos ng high shool
6. Estratehiya
Ang tree planting activity at charity program ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng
sumusunod ng mga estratehiya:
Una, ang paghingi ng aprubasyon mula sa mga magulang o guardian ng mga mag-aaral
na lalahok sa aktibidad.
Pangalawa, ang pagpaplano ng badyet at ang pangangalap ng donasyon para sa mga
aktibidad. Pag-iisipan kung paano maabot ang kinakailangang halaga ng pera upang
makapagsimula na sa proyekto.
Pangatlo, ang paghahanda ng mga kagamitan at pangangailangan. Mangangalap ng mga
kagamitan tulad ng punla ng puno, mga tool para sa pagtatanim, at iba pang kailangan para sa
tree planting activity. Gayundin, maghanap ng mga pangangailangan mula sa mga lokal na
negosyo, organisasyon, o indibidwal para sa mga donasyon ng pambili ng mga kagamitan.
Pang-apat, ang pagpili ng lokasyon at pagpaplano sa pagsasagawa ng mga aktibidad.
Susuriin at paghahandaan ang lokasyon kung saan isasagawa ang tree planting activity.
Sisiguraduhin ring angkop ang lupaing pagtataniman at may sapat na suporta para sa
proyekto. Gagawa rin ng detalyadong plano para sa araw ng aktibidad, kabilang ang oras,
petsa, at mga hakbang na dapat sundin.
Pang-lima, ang pamamahagi ng impormasyon at pakikisangkot sa komunidad.
Makikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan, mga barangay, at iba pang sektor ng komunidad
upang ipaalam ang mga layunin at detalye ng proyekto.
7. Implementasyon at Iskedyul
2
8. Mga Kasangkot sa Proyekto
9. Badyet