Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Las Piñas City

FILIPINO 5
LESSON EXEMPLAR
Paaralan Baitang Ikalima

Guro Markahan Ikatlo

Petsa/Oras Reader Category INDEPENDENT LEVEL

Layunin sa Kagamitan Pamamaraan Pagtataya


pagkatuto

- Nakabubuo - DepEd TG A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o Pagsisimula ng Bagong Aralin I. Pagtataya ng
ng mga Filipino 5 Tara na! Simulan na natin basahin ang talaarawan ni Edrian para malaman Aralin
tanong - Q3 DBOW - mo ang nilalaman nito. Sigurado akong naalala mo pa ito dahil tungkol ito Panuto: Basahin
matapos DepEd sa nakaraan mong leksyon. ang kuwento sa
mapakingga ADM Ika-14 hulyo, 2014, alas-2 ng hapon, Sabado ibaba. Sagutin ang
n ang isang Module 3 Maagang nagising ang aking mga magulang para mamili ng mga ihahanda mga tanong
salaysay - Powerpoint - nilang pagkain para sa kaarawan ng bunso kong kapatid na babae bukas. pagkatapos.
(FSPS-lllb-e Tsart Nalungkot ako nang pagbukas ko ng telebisyon ay nalaman ko na ang Ligtas ang Malinis
3.1) - Bar Graph - Laoang ang posibleng tatamaan ng paparating na bagyong Glenda. Taimtim ni Emelinda D.
- interpret Mga akong nagdasal na sana lumihis o humina ang bagyo. Tesorero
data Kuwento Ika-15 Hulyo 2014, alas-10 ng umaga, Linggo Si Matt ay isang
presented in Kaarawan ni Edril, ang bunso kong kapatid. Maaga silang nagsimba ni batang malusog at
a double bar nanay para magpasalamat sa Panginoong Diyos. Tanghali ng manalasa ang malinis sa katawan.
graph or a bagyong Glenda sa aming bayan. Nalungkot ako dahil hindi natuloy ang Araw-araw niyang
double line selebrasyon para sa ika-7 taong kaarawan ng aking kapatid na babae. ginagawa ang mga
graph. Ika-16 Hulyo 2014, alas-6 ng umaga, Lunes gawaing gagabay sa
(Week 2 F2) Nakita ko ang malaking pinsala ng bagyong Glenda sa aming lugar. kanya upang
Taimtim akong nagdasal na sana makayanan naming lahat ang pagsubok mapanatiling
na ito lalong lalo na doon sa mga nawalan ng tirahan at pangkabuhayan. masigla at malakas.
Tumulong ako sa paglilinis sa aming barangay. Sa umaga,
pagkagising pa lang
Ika-17 Hulyo 2014, alas-7 ng gabi, Martes
ay kaagad niyang
Napag desisyunan ng mga magulang ko na ibenta ang baboy na gagamitin
nililigpit ang
sana na panhanda sa kaarawan ng aming bunso. Ipinambili ng mga gamit
kanyang hinigaan,
para mapaayos ang bubong ng bahay ng lolo at lola ko na nasira ng bagyo.
Laking pasasalamat ng mga ito sa aking mga magulang ng makita nila na mabilis kinukuha
maipapaayos na ang bubong ng kanilang bahay. Paglilinis naman ng bahay ang bimpo upang
ang ambag ko sa aking mga magulang. naghihilamos ng
mukha kasabay ang
Jesusan G. Tulipas, P.M. Geta MCES Laoang II District pagmumumog at
pagsisipilyo ng
Gawain Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa ibaba, at sikaping buoin ngipin. Matapos
ang daloy ng mga pangyayari. Pagsunod-sunurin ang mga ito batay sa iyon ay tumutulong
talaarawang binasa. Isulat sa iyong kuwaderno ang letrang A para sa siya sa kanyang
pangyayaring dapat mauna, B, C, D, ng mga kasunod na pangyayari at E nanay upang
para sa huling pangyayari. maghanda ng
almusal. Mahilig
__ 1. Napagdisiyunang ibenta ang baboy na gagamitin sana panghanda sa kumain ng
kaarawan ng bunsong kapatid ni Edrian. masustansyang
__ 2. Kaarawan ni Edril. pagkain si Matt.
__ 3. Nakita ni Edrian ang malaking pinsalang dulot ng bagyong Glenda Kumakain siya
sa kanilang lugar. palagi ng prutas at
__ 4. Napanood ni Edrian sa telebisyon ang balita tungkol sa paparating na gulay na inaani pa
bagyo. __ 5. Masaya ang lolo at lola ni Edrian nang malamang may nila sa likod ng
pampaayos na sa kanilang bubong.
B. Pagbabahagi ng Layunin ng Aralin kanilang bakuran.
Mahilig din siyang
May mga nakikita ka bang katanungan mula sa binasa mong talaarawan? kumain ng isda at
Mula sa binasa mong talaarawan, ano ang maaari mong itanong gamit ang umiinom ng gatas.
Sino, Kailan, Ano, Bakit, Ilan. Hindi rin niya
kinakalimutang
Ano ang nabubuo sa ating isipan kung hindi maliwanag na naiintindihan uminom ng
natin ang ating mga naririnig at nababasa? bitamina upang
palakasin ang
C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin kanyang
Gawain Panuto: Basahin at sagutin mo ang mga tanong sa ibaba. Isulat sa resistensya. Araw-
papel ang iyong sagot. araw din siyang
naliligo upang
Si Pedro mapanatiling
Si Pedro ay pitong taong gulang. Siya ay punong-puno ng pangarap, ngunit malinis ang
sila ay mahirap lamang. Ang kanyang ina ay mananahi at ang kanyang ama kanyang katawan
ay may kapansanan. May mga pagkakataon na hindi siya pumapasok sa at preskong isipan.
paaralan. Iniisip na lamang niya kung paano makatatapos ng pag-aaral. Hindi siya
Naisip ni Pedro na pumunta sa ibang bayan para maghanap ng trabaho. At nagkakasakit dahil
doon ay nakahanap naman siya sa palengke. Araw-araw siyang gumigising sa maayos na
nang maaga. Bago pa mag-alas siyete ng umaga ay nakahanda na siyang pangangalaga niya
pumasok sa paaralan. Sa uwian naman ay balik trabaho siya. Sa kanyang sa kaniyang
pag-uwi galing trabaho, palagi siyang may dalang ulam at gamot para sa katawan.
kanyang ama. Nakatapos nang pag-aaral si Pedro, at siya ay kasalukuyang Batay sa
manager ng isang malaking kumpanya. Naging inspirasyon si Pedro sa mga kuwentong iyong
kabataan ngayon. binasa, gumawa ng
-Hango sa Reginal Test Item Bank Filipino 5 limang tanong
1. Tungkol saan ang binasa mong kuwento? gamitin ang mga
2. Kung ikaw ang magbibigay ng pamagat, anong pamagat ang akma sa panandang tanong
iyong binasang kuwento? sa pagbuo nito.
3. Naibigan mo ba ang iyong binasa? Bakit? 1.
4. Paano mo bubuoin ang iyong tanong kung ang gusto mong tukuyin ay
ang katangian ng tauhan sa kuwento? Sino_______________
5. Paano mo bubuoin ang iyong tanong kung ang gusto mong tukuyin ay ___________________
ang kalagayan ng mga nasalatanda ng bagyo? ___________________
_____?
2.
Ano_______________
D. Pagtalakay sa Bagong Konsepto at Pagtalakay sa Bagong Kasanayan #1 ___________________
Gawain Panuto: Basahin ang sitwasyon at pag-aralan grap. Pagkatapos ___________________
maunawaan ang binasang sitwasyon at graph ay bumuo ng mga tanong ______?
gamit ang mga salitang pananong na Saan, Kailan, Ano, Alin, at Sino. Gawin 3.
ito sa sagutang kuwaderno. Saan______________
Si Aling Leni ay may dalawang panaderya sa Ilaya at Daniel, araw-araw ___________________
niyang inililista ang kanyang mga kinikita sa bawat panaderya niya, ___________________
Gumagamit siya ng bar graph upang mabilis niyang matukoy ang pagtaas ______?
at pagbaba ng kita sa bawat tinapay sa kanyang ibinebenta. 4.
Bakit______________
ALING LENI PANADERYA ___________________
80 ___________________
70 ______?
60 5.
50 Paano_____________
40 ___________________
30 ___________________
20 ______?
10
0
Pandesal Pandecoco Kababayan Hopya
Ilaya Daniel
Ang tanong sa unang bilang ay binuo ko na, gawin mo na lamang
ang mula sa ikalawa hanggang lima.

1. Saan matatagpuan ang mga panaderya ni Aling Leni?


2. Kailan ________________________________________________
3. Ano __________________________________________________
4. Alin __________________________________________________
5. Sino __________________________________________________

E. Pagtalakay sa Bagong Konsepto at Pagtalakay sa Bagong


Kasanayan #2
Gawain Panuto: Basahin at sikaping unawain. Bumuo ka ng mga
tanong gamit ang mga salitang pananong na Paano? Bakit? Sino?
Ano? Ilan? Gawin mo ito sa iyong kuwaderno.
Ang Magkapatid
Ang magkapatid na sina Teng at Enjeza ay kapuwa matalino.
Masipag magaral si Teng. Mahilig manood ng telebisyon si Enjeza.
Tumutulong si Teng sa mga gawaing bahay samantalang naglalaro
si Enjeza. Higit na ibig ni Enjeza na maglaro samantalang
pagbabasa ng mga aklat si Teng. Kahit na may mga pagsusulit
kinabukasan, maagang natutulog si Enjeza samantalang
nagpupuyat sa pag-aaral si Teng. Nang dumating ang pagtatapos
ng klase, karaniwang nagtapos si Enjenza. Nagkamit ng unang
karangalan sa klase si Teng.
-Hango sa Regional Test Item Bank Filipino 5
F. Panglinang sa Kabihasaan)

Gawain Panuto: Basahin nang may pag-unawa ang kasunod na maikling


salaysay. Mula rito bumuo ng mga tanong gamit ang mga salitang
pananong. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Taniman sa Bukid
Isa sa pinakamasayang panahon sa kabukiran ang pagtatanim. Masiglang
isinagawa ng mga magsasaka ang gawaing ito. Nasa takdang panahon ang
pagtatanim.
Naniniwala ang mga magsasaka na hindi aani ng maganda kung ‘di mabuti
ang panahon ng pagtatanim. Nasa kabukiran ang kaligayahan ng
magsasaka. Maluwag sa loob nilang tinanggap ang anumang kapalaran.
Maligaya nilang hinaharap ang kaloob sa kanila ng Maykapal.

Marunong makipagsapalaran ang mga magbubukid. Taimtim nilang


idinadalangin na sana’y ang susunod na anihan ay maging masagana.
-Hango sa DepEd Teacher’s Guide Filipino 5
G. Paglalapat sa Aralin sa Pang araw-araw na Buhay
Gawain Panuto: Basahin ang kuwento at punan ito ng mga pananong na
Saan, Ano, Sino, Paano, Bakit, sagutin ang mga tanong pagkatapos. Isulat
ito sa papel.

Ang Mahiwagang Buslo

May mag-ina na nakatira sa tabi ng maliit na sapa sa gitna ng bukid sa


nayon ng Busubisi. Sila ay si Aling Huling at anak niyang si Lala. Si Lala ay
isang batang maliit. Katu-katulong siya ng kanyang nanay sa mga gawaing-
bahay. Ang tatay niya ay namatay sa sakit noong siya ay maliit pa, kaya’t siya
na lamang ang kasama ng kanyang nanay. Nangingisda ang kanyang nanay
tuwing madaling araw at ang kaniyang mga huli ay dinadala sa palengke
para itinda. Ito ang kinukuhanan nila ng kanilang ikinabubuhay. Minsan,
nagkasakit si Aling Huling at siya ay hindi makapangisda. Nagpaalam si Lala
sa kanyang ina na siya na lamang ang pupunta sa sapa upang mangisda at
dumiretso sa palengke upang itinda ang kanyang mahuhuli. Hindi pa siya
nakalalayo ay may nakasalubong siyang isang matandang babae na tila bigat
na bigat sa kaniyang kipkip na balutan. Tinulungan ni Lala ang matandang
babae na dalahin ang kipkip nito at nag-alok na ihahatid ito sa bayan kung
saan daw ito patungo. Kahit tumanggi na ang matanda na siya ay ihatid pa,
nagpilit si Lala na tulungan ito. Dahil sa ipinamalas na kabutihan at
kasipagan ni Lala, labis itong hinangaan ng matanda. Bago naghiwalay ang
matanda at si Lala binigyan siya ng matandang babae ng isang buslo at
sinabing lagi itong gamitin sa pangingisda. Nagpasalamat si Lala sa matanda
at patakbong tumungo sa sapa. Paglusong niya sa tubig, inilublob niya ang
buslo upang ito ay mahugasan, halos hindi niya mabuhat ang buslo sa bigat
sapagkat ito’y punong-puno ng isda. “Mahiwagang buslo pala ito!” ang nasabi
ni Lala sa kaniyang sarili. Mulanoon, naging masagana na ang pamumuhay
ng mag-ina dahil sa buslong ibinigay ng mahiwagang matanda kay Lala.
1. _________ ang pangunahing tauhansa kuwento?
2. _________ ang kanyang ginagawa upang matulungan ang kaniyang ina?
3. _________ patungo ang matandang kanyangtinulungan?
4. _________ tinulungan ng bata ang matanda?
5. _________ ginantimpalaan ng matanda ang batang babae?

H. Paglalahat ng Aralin
-Paano natin natutukoy o nasasagot ang mga tanong na angkop sa salaysay
na napakinggan?
-Paano bumuo ng tanong matapos mapakinggan ang isang salaysay?
Sa pagbuo ng mga tanong dapat ito ay maliwanag, at nauunawaan ng
kausap. Tandaan na ang pangungusap na patanong, ay palaging nagtatapos
sa tandang pananong (?). Ginagamitan ito ng mga salitang pananong tulad
ng sumusunod;
a. Ano - ang tanong kung ang nais malaman ay bagay, pangyayari, katangian
o pagpapahalaga.
b. Sino - ang tanong kung ang nais tukuyin ay tao o tauhan.
c. Saan - ang tanong kung ang gustong tukuyin ay lugar.
d. Kailan - ang tanong kung ang nais tukuyin ay oras o panahon.
e. Alin - ang tanong kung pumipili sa pagitan ng dalawang tao, hayop, lugar
o pangyayari.
f. Ilan - ang tanong kung ang itinatanong ay dami o bilang.
g. Bakit -ang tanong kung kailangan nang paliwanag na sagot.
h. Paano - ang tanong kung tinatanong ay paraan o pagkaganap ng kilos.
Nangyayari ang pagtatanong upang mabigyan ng pagkakataon ang bawat isa
na mag-isip tungkol sa mga bagay na pinag-uusapan. Pinupukaw nito ang
kamalayan ng bawat tao sa mga nangyayari sa kanyang kapaligiran. Napag-
uugnay rin sa pagtatanong ang mga napag-aralan at karanasan ng tao.

You might also like