Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Paaralan Global Reciprocal Colleges May-akda Amado V.

Hernandez
Propesor JASPHER JOHN O. DELGADO Pangalan John Aries T. Sollano
PANUNURING Uri ng Petsa na
PAMPANITIKAN TULA Nobyembre, 24, 2023
Panitikan Natapos
Pamagat Kabataa’t Katandaan Grado

I. A. Pamagat ng Akda: Kabataa’t Katandaan

“Kabataa’t katandaan” ang naging pamagat ng katha, sa kadahilanan na ang tulang ito ay
nag lalarawan sa mga kabataan na mayroong pangarap ngunit may mga pagdadaanan
muna na paghihirap, nangsagayon habang sila ay tumatanda na ay maranasan muli nila
ang kanilang pinagdaanan ng may kaginhawaan na. Halimbawa na lamang nito ang sabi sa
salawikain na “Papunta ka pa lang, pa balik na ako”. Ang tulang ito ay naglalarawan ng
mga aspeto ng buhay na puno ng lungkot, panghihinayang, at pag-asa, na maaring
maramdaman sa iba’t ibang yugto ng buhay ng indibidwal.

B. May-akda: Amado Vera Hernandez

Kilala bilang makata, manunulat, at lider ng kilusang mangagawa sa Pilipinas at dahil rito
tinagurian si Ka Amado bilang “Manunulat ng mga mangagawa”. Siya ay pinanganak noong
Setyembre 13, 1903, at sumalangit siya noong Marso 24, 1970.

Pinanganak si Ka Amado sa Hagonoy, Bulacan. Siya ay lumaki sa pamilyang hirap o salat


sa buhay, gayunpaman nakatapos siya ng Batsilyer sa Sining sa Pilosopiya sa Unibersidad
ng Pilipinas noong 1924. Muling bumalik siya sa paaralan para magturo at kumuhang
kursong abogasya.

Bilang lider ng kilusan, Binigyan niya ang kaniyang kilusan ng boses para punahin at suriin,
nakita niya na walang katarungang nagaganap sa Pilipinas noong kanyang kapanahunan.
Nakulong sa Ka Amado dahil sa pakikipag-ugnayan niya sa mga kilusang makakomunista,
nag wakas ang hukom sa tagal na 13 taon. Sa loob ng kulungan siya ay may mga
nalathalang mga tula na nagsilbing nilalaman ng kanyang aklat na nalimbag na Tudla at
Tudling (1921-1970) kasama rito ang isa sa mga mahahalagang tula niya ay ang “Isang
Dipang Langit”.

Kasabay nito ang kanyang mga nobela na “Luha ng Buwaya” at “Ang ibong mandaragit” na
naglahad ng katiwalian at kalupitan sa lipunan. Nagsilbi si Ka Amado bilang isang
kinatawan sa Kongreso ng Pilipinas mula 1946 hanggang 1970, kanyang itinatatag niya
ang Unyon ng mga manunulat (Umphil)

II. Buod:

Unang saknong: mayroong isang bata na umiiyak dahil nawasak ang kanyang manika.
Ang kaganapan na ito ay nagbibigay ng malalim na lungkot at panghihinayang sa kanyang
puso.
Pangalawang saknong: may isa pang batang umiiyak sa kadahilanan na nawawala ang
matamis niyang pagkain. May pagdududa siya na ang kanyang kapatid ang kumuha nito, at
ang kanyang tahuan ay tila kinukuwestiyon ng kaniyang isipan. Ang panghihinayang at
pananabik ay lumabas sa kanyang puso, at ang pag-iyak niya ay tila naglalarawan ng
lungkot at pangungulila.

Huling saknong: binanggit rito ang paglipas ng panahon at ang karanasang lahat tayo’y
dumaan sa pagkabata. Ipinakikita dito ang pag-usbong ng mga pangarap at ang
pagbabago ng mga bagay sa ating paligid habang tayo’y tumatanda. Binanggit ang
masalimuot na aspeto ng pag-ibig na maaring mawasak ang dangal at magdulot ng
pagdurusa sa ating buhay.

Isang bata pa rin ang nagpapanangis


dahilan sa ilang nawalang matamis,
Kabataa’t Katandaan binababag pati ang kanyang kapatid
na hinihinalang kumuha’t nang-umit,
ni Amado Vera Hernandez sa kanyang taguan doon iniligpit,
Mayo 19, 1931 yaon baga kaya’y tinatangay ng lintik?...
panghihinayang din saka pananabik
Isang munting bata ang nag-uumiyak ang ngayon ay kanyang buong dinidibdib.
Dahilan sa kanyang manikang nabagsak,
ang panghihinayang at ang pagkahabag Ang lahat ng tao’y galing at nagdaan
ay siyang sa kanya’y nagbibigay saklap, Sa araw ng ating mga kamusmusan,
nabali ang kamay, ang ulo’y nabiyak, noong tayo’y bata ay iniiyakan
saka ang katawa’y kung saan lumagapak ang konting kakanin at ilang laruan;
–Oh, kawawa naman itong aking anak– nguni’t kung tumanda’y may lalo pang mahal
ang kanyang nasabing luha’y nalalaglag. na ipagdurusa nang kamatay-matay
ito ang pag-ibig na napagtaksilan,
nasawing pag-asa, nawasak na dangal!

III. Pagsusuri

A. Uring Panitikan: TULA

Ang uri ng panitikan sa tulang ito ay ginamitan ng Tulang liriko o Pandamdamin

Ang tulang ito ay aking itinuturing na isang tulang liriko o padamdamin. Sapagkat,
masusing inilarawan ni Amado Vera Hernandez ang kanyang damdamin at karanasan ng
tauhan sa tula, na naglalaman ng emosyon gaya ng lungkot, panghihinayang, at
pagmumuni-muni higgil sa buhay. Ayon sa aking pagsusuri ng kanyang tula, nakita ko na
ang kanyang personal na nadarama ang kanyang pangunahing motibasyon para
magsilbing bigay ng anyo at kulay ayon sa pagnanais niyang maipahayag na emosyon.

Pagpapatunay:

Ang linyang “Ang paghihinayang at ang pagkahabag ay siyang sa kanya’y


nagbibigay saklap,” Pinakikita rito ang tulang liriko sa pamamaraang naglalarawan
ng malalim na lungkot at pag-aalala. Ang salitang “panghihinayang” at “pagkahabag”
pinakikita dito ang malasakit at awa sa kalagayan ng batang umiiyak.
Ang linyang “Sa kanyang taguan doon iniligpit, yaon baga kaya’y tinatangay ng
lintik?...” Pinakikita rito ang kanyang pagdududa hinggil sa kanyang kapatid na
nagtago ng matamis. Dahil sa pananabik ng batang ito na kainin ang matamis,
nanghinayang ang bata, sapagkat hindi niya na ito naabutan. Kaya ngayon
dinidibdib ito ng batang nagpapanangis sa lungkot.

Ang linyang ‘ito ang pag-ibig na napagtaksilan, nasawing pag-asa, nawasak na


dangal!” Inilalarawan dito na ang malupit na sakit at pagdurusa dulot ng pag-ibig.
Ang paggamit ng salitang ’napagtaksilan,” “nasawing pag-asa,” at “nawasak na
dangal” ay nagpapahayag ng masalimuot na karanasan at nagbibigay buhay sa
damdamin ng makata.

B. Istilo ng Paglalahad

Ang pamamaraan ng paglalahad ni Amado V. Hernandez ay nakabantig ng kalahat-


lahatan o perspektibang paglalahat (third-person perspective) kanyang inilahad ang
isang bata na kaawa-awa at batang nakaranas ng pananabik at panghihinayang. Kanya
ring inilahad na “ang lahat ng tao’y galing at nagdaan sa araw ng ating mga kamusmusan,”
pinakikita niya rito na ang bawat indibidwal ay may punto sa buhay na makararanas ng
paghihirap.

Gayundin, siya rin ay gumamit ng malikhaing pagpapahayag, kung saan naka sentro ang
kanyang imahinasyon, naka-angkla rito ang naging kanyang damdamin, opinyon, at
karanasan.

Ginamit niya rin ang teknikalidad sa pagsulat na nagbibigay ng kaisipan sa ating mga
manunuri o mambabasa, gumamit siya ng iilan sa taludtod na nag bigay ng ekspositori
upang lubusang maunawaan ang buong saknong sa tula.

C. Tayutay
1. Mga halimbawa ng bawat tayutay na natagpuan sa kathang sinuri.
2. Maikling paliwanag tungkol sa bawat tayutay na hinalaw

UNANG SAKNONG:
1.
Isang munting bata ang nag-uumiyak
Dahilan sa kanyang manikang nabagsak,

Sa taludtod na ito ay ginamitan ng pagmamalabis (Hyperbole). Ibig sabihin nito ay lubos ang
kaniyang naging reaksyon. Maihahalintulad ito sa mga pagiging mapusok na damdamin na may
katotoohan sa mga henerasyon ngayon.

2.
Ang panghihinayang at ang pagkahabag
ay siyang sa kanya’y nagbibigay saklap,

Sa taludtod naman na ito ay ginamitan ng pagwawangis (Metaphor). Kanyang pinanghambing


ang panghihinayang at pagkahabag na nag-uugnay ng masaklap na karananasan ng bata.
3.
nabali ang kamay, ang ulo’y nabiyak,
saka ang katawa’y kung saan lumagapak

Sa taludtod na ito ay ginamitan ng paripantig (Alliteration). Ito ay hayag na repetisyon, ang bawat
unang ponema ay magkaparepareho at malapit sa mga susunod na salita. “kamay at katawa’y” at
ang “nabiyak at lumagapak”.

4.
–Oh, kawawa naman itong aking anak–
ang kanyang nasabing luha’y nalalaglag.

Sa taludtod na ito ay ginamitan ng panawagan (Apostrophe). Binigyang buhay niya ang kanyang
tinutukoy na “Oh, kawawa naman itong aking anak” sapagkat ang kanyang mga luha ay nag
mistulang kanyang pasubali.

PANGALAWANG SAKNONG:
5.
Isang bata pa rin ang nagpapanangis
dahilan sa ilang nawalang matamis,

Ang taludtod na ito ay matutukoy rin bilang pagmamalabis (Hyperbole). Dahil nagpakita ito nag
pasidhi ng kalabisan niya ukol sa matamis, nang dahil lamang roon ay nagpanangis na siya.

6.
binababag pati ang kanyang kapatid
na hinihinalang kumuha’t nang-umit,

Sa taludtod na ito ay ginamitan ng personipikasyon (Personification). Sapagkat ang salitang


binababag ay nangahuhulugang “pagkabalisa”. Ibig sabihin ay ang kanyang kapatid ay nababalisa
dahil pinagkakamalan na siya ang kumuha.

7.
sa kanyang taguan doon iniligpit,
yaon baga kaya’y tinatangay ng lintik?...

Ginamitan din ang taludtod na ito ng tayutay na tanong retorikal (Rhetorical Question). “yaon baga kaya’y
tinatangay ng lintik?...” nagpapahayag ang taludtod na ito ng walang alinlangan dahil maalam ang tauhan
kung saan ito iniligpit.

8.
panghihinayang din saka pananabik
ang ngayon ay kanyang buong dinidibdib.

Ang taludtod na ito ay may tayutay na senekdoke (synecdoche). Sapagkat ang konsepto sa
taludtod na ito ay naka-pokus lamang sa kanyang nadarama.

PANGATLONG SAKNONG:

9.
Ang lahat ng tao’y galing at nagdaan
sa araw ng ating mga kamusmusan,
Ang taludtod na ito ay ginamitan ng tayutay na pagtutulad (Simili). Ang salitang “ating mga” ay
nagsilbing paghahambing nito na ang tao ay dumaan sa kamusmusan.

10.
noong tayo’y bata ay iniiyakan
ang konting kakanin at ilang laruan;

Ang taludtod na ito ay ginamitan ng tayutay na epipora o padulo (epistrophe), ang gamit ng
“iniyakan” at “laruan” sa dulo ng bawat taludtod nito ay nangahuhulugang epipora, dahil pareho
salita ito.

11.
nguni’t kung tumanda’y may lalo pang mahal
na ipagdurusa nang kamatay-matay:

Ang taludtod na ito ay ginamitan rin ng pagtutulad (Simili), upang ipakita ang paglalarawan ng
pag-ibig sa pamamagitan ng paghahambing sa pag lipas ng panahon. Ang pagtanda ay inilarawan
bilang isang kondisyon na nagdadala ng mas matindi at mas mabigat na pagdurusa sa pag-ibig.

12.
ito ang pag-ibig na napagtaksilan,
nasawing pag-asa, nawasak na dangal!

Sa taludtod na ito, ang ginamit na tayutay ay ironiya (Irony), sapagkat ang taludtod na ito ay
nagbibigay-diin sa negatibong aspeto ng pag-ibig. Sa halip ipakita ang pag-ibig bilang maganda
na tumutungon sa pag-asa at dignidad, ang pahayag ay naglalarawan ng masalimuot na
karanasan ng pag-ibig na may kasamang panghihinayang, trahedya, at pagkasira.

D. Sariling Reaksyon

1. Pananalig Pampanitikan/Teorya

TEORYANG BIYOGRAPIKAL

Naniniwala ang mga biyograpikalista na ang manunulat ay nagsusulat ng mga bagay na


personal niyang nararanasan at nakikita sa kanyang paligid. – (Wikipedia Teoryang
Pampanitikan)

Ang "Kabataan at Katandaan" ni Amado Hernandez ay maaaring ituring na biyograpikal dahil


ipinapakita nito ang mga personal na karanasan, damdamin, at pananaw ng may-akda hinggil sa
kanyang sariling pag-usbong mula sa kabataan tungo sa katandaan. Ito'y naglalaman ng mga
retrospektibong pagninilay-nilay at pagmumuni-muni sa kanyang sariling buhay, kung saan
maaaring makuha ang mga pahayag ng kanyang sariling karanasan at opinyon. Ang pagtingin sa
sariling buhay ng may-akda ay naglalarawan ng kanyang pag-usbong, pag-angat sa hamon ng
buhay, at ang pag-unlad ng kanyang sariling kamalayan.

TEORYTANG ARKETIPO
Gumagamit ng modelo o huwaran upang masuri ang elemento ng akda, binibigyan diin nito
ang mga simbolismong ginagamit upang maipabatid ang pinakamensahe ng akda. –
(Wikipedia Teoryang Pampanitikan)

Ang tulang ito ay maaaring makita bilang Teoryang Arketipo o Teoryang Simbolo, kung saan ang
mga elemento ng kwento, gaya ng bata, manika, kapatid, at iba pa, ay maaaring ituring na mga
simbolo na may mas malalim na kahulugan. Ang mga pangyayari at damdamin ng mga tauhan ay
maaaring tingnan bilang pagsasalaysay ng mga pangkaraniwang karanasan at emosyon na
maaaring magkaroon ng unibersal na kahulugan.

TEORYANG HUMANISMO

Ipinapakita na ang tao ang simula ng mundo. Binibigyang-tuon ang kalakasan at


mabubuting katangian ng tao. – (Wikipedia Teoryang Pampanitikan)

Maari itong gamiting teorya sapagkat pinakikita ng akda ay ang pakiramdam ng bata,
paglalakbay sa buhay, pagtanggap sa emosyon, at pag-asa at kabatiran. Narito ang patunay
kung bakit ito teoryang humanismo;

Naglalarawan ito ng dalawang pangyayari kung saan ang bawat isa ay naglalarawan ng
damdamin ng isang batang umiiyak. Sa unang bahagi, ang batang ito ay umiiyak dahil sa
pagbagsak ng kanyang manika. Ang tula ay naglalarawan ng sakit at panghihinayang na
nararamdaman ng bata, pati na ang pagluha nito. Sa pangalawang bahagi, isang bata rin ang
umiiyak dahil sa nawawalang matamis, at nag-aakalang ito ay kinuha ng kanyang kapatid. Ang
panghihinayang at pananabik ng batang ito ay tila naglalarawan ng masalimuot na aspeto ng
kanyang buhay. Sa pangkalahatan, ang tula ay nagtatampok ng mga damdamin at karanasan ng
mga bata, at maaaring naglalaman ng mga mensahe hinggil sa pag-usbong, pagbabago, at pag-
asa sa buhay.

2. Mga Pansin at Puna


a. Mga tauhan

Sa unang saknong, ang tauhan ay nagpapakita ng kanyang kapusukan at karupukan


sa isang bagay na sobrang halaga para sa kaniya. Kung makikita sa taludtod pang-
lima at pang-anim ay makikita ang pagkasira ng kaniyang manika, na siyang nag
prepresinta ng kanyang emosyon.

Sa pangalawang saknong, ang tauhan naman rito ay nagpapakita ng pagiging


gahaman. Dahil sa simpleng matamis na pagkain lamang ay humantong pa siya sa
punto na panghihinayang na dinala niya hanggang sa kanyang dibdib.

Sa pangatlong saknong. Sa kanyang pagmumuni-muni, napagtanto niya na ang


pag-ibig ay masalimuot, habang sa kanyang pagtanda ay babalikan niya ang
nakagawian niyang buhay. Sapagkat sa pagkasawi niya sa pag-ibig tila sawi na rin
ang kanyang pag-asa.

b. Galaw ng pangyayari
Malinaw ang daloy ng katha na ito, pawang nagingiliti ang bawat taludtod kung ito ay
babasahin, kiliti na tatagos sa puso ng mambabasa. Malinaw ang pagkahahati ng
sesura nahihinto sa 6 na taludtod na may sukat na 12, ang saknong ay 3 lamang
pero binubuo ito ng 8 taludtod. Malumay ang tugmaan ng tula, kung saan ay
binibigkas ng dahan-dahan at walang impit, ang patnigan na ito ay patuloy na
ginagamit ang katinig-patinig. Ang tono ng tula ay malungkot ng dahil sa tema nito
na may persona.

c. Bisang pangkaisipan

a. Bisa sa Isip

Ang tulang ito ay nagpapakita ng bisa ng kaisipan sa pamamagitan ng paglalarawan


ng emosyon at pagtutok sa mga pangyayari sa buhay ng mga bata. Pagpapahayag
ng panghihinayang, pag-aakusa, at pagdurusa ng mga batang nasa tulang ito. Ito'y
naglalarawan ng paglago ng kaisipan mula sa simpleng pangangarap at kaligayahan
ng kabataan tungo sa masalimuot na realidad ng pagtanda, kung saan ang
pagkakamali at pagkakasakit ay nagdudulot ng mas malalim na sakit at paghihirap
sa loob ng isang tao.

b. Bisa sa Damdamin

Ang damdamin na ipinapakita ng tulang ito ay may bisa sa pag-uyam ng puso ng


mambabasa. Sa pamamagitan ng paglalarawan ng mga trahedya at lungkot na
nararanasan ng mga bata, nailalabas ng makata ang malalim na damdamin ng
panghihinayang, lungkot, at pangungulila. Ang pag-iyak ng mga bata sa tulang ito ay
nagpapahayag ng hindi malilimutang sakit at pasakit na maaaring maramdaman ng
sinuman, anuman ang edad.

c. Bisa sa Kaasalan

Ang bisa nito sa asal ay maaaring magbigay inspirasyon sa mga mambabasa na


maging mas maunawain, mapagpasensya, at mapagmalasakit sa kapwa. Ito'y
nagbibigay-halaga sa pag-aaral ng kahalagahan ng pagtulong at pagbibigay ng
suporta sa mga taong nangangailangan, lalo na sa mga oras ng pangangailangan at
pagdurusa.

d. Bisa sa Lipunan

Bilang isang anyo ng sining, ang tulang ito ay may potensyal na makaapekto sa
karanasan at pananaw ng mga mambabasa, maaaring magbukas daan sa masusing
pag-iisip at pag-uusap hinggil sa mga suliraning panlipunan. Ang ganitong uri ng
panitikan ay maaaring maging instrumento ng pagbabago at pag-unlad sa lipunan.

e. Gintong Kaisipan/Balyus

Ang gintong kaisipan o balyu sa likod ng tulang ito ay maaaring isang pag-asa para
sa kinabukasan, pagbabalik-tanaw sa mga simpleng kasiyahan ng kabataan, at
pangungulila sa paglipas ng mga panahon. Maaaring itong naglalaman ng
apelasyon sa mga mambabasa na maging mas maunawain at masigla sa pagtulong
sa mga nangangailangan.

f. Mga Mungkahi

Para sa akin. Kumpleto na ang diwa ng kathang ito, simula sa tema, sa


pormalistikong pagsulat, simbolismo ng bawat payag at ang emosyon na inilahad ay
perpekto na. Wala akong nakitang pagkakamali, o wala akong mapupuna ukol sa
tula na ito. Bagkus, ito ay nagtulak sa akin upang lumalim hinggil sa pag sulat ng tula.
Ngayon ay nalaman ko ang mga stratehiya at pamamaraan ni Amado Vera
Hernandez, nalulugod ako na sumulat muli ng obra.

Sa pagsusuring ito, napagtanto ko na kahit malawak ang imahinasyon mo, pero


kung hindi mo mararanasan ang imahinasyon na ito. Hindi ito mabibigyan ng buhay
at mananatili lamang itong imahinasyon.

Maraming salamat Ginoong Amado Vera Hernandez! Mabuhay ka!

Inihanda ni :
John Aries T. Sollano

Sinuri ni: JASPHER JOHN O. DELGADO


Katuwang na Propesor, GRC

Binigyang-pansin ni: JOY B. BADILLA


Dekana, Kolehiyo ng Edukasyon

Pinatibay ni : BERLY A. GAGARIN


Pangkalahatang Dekana, GRC

You might also like