Ipinagpatuloy ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang naiwang posisyon at tungkulin ng
dating Pngulong Joseph Estrada. Sa eleksiyon na ginanap noong 2004 ipinroklama si Pangulong Gloria Macapagl-Arroyo bilang ikalabing-apat na Pangulo ng Pilipinas. Tinagurian siyang “The Working President” at hinangaan ang tila walang kapaguran niyang pakikipag-ugnayan sa mga mamamayan sa iba’t ibang panig ng bansa. Narito ang ilan sa mga programang kanyang nagawa:
1. Pagkakaroon ng 6 na milyong trabaho sa loob ng 6 na taon sa pamamagitan ng pabibigay
pagkakataon sa mga negosyante; pagtitriple ng halaga ng pagpapautang sa maliliit at di- kalakihang negosyo; at pagpapaunlad sa 1 hanggang 2 milyong lupain para sa negosyong pang- agrikultura; 2. Pagpapatayo ng mga bagong gusaling pampaaralan, silid-aralan, pagkakaroon ng mga upuan at mga aklat para sa mga mag-aaral at pagbibigay scholarship sa mahihirap na pamilya; 3. Pagkakaroon ng desentralisadong pagsulong sa buong bansa sa pamamagitan ng paggamit ng transportasyong nag-uugnay sa mga karatig pook gaya ng roll-on, roll-off at mga digital na inprastruktura; 4. Pagkakaroon ng panustos na kuryente at tubig sa mga barangay sa buong kapuluan; 5. Pagpapaluwag sa Metro Manila sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sentrong pampamahalaan at pabahay sa Luzon, Visayas at Mindanao; 6. Pagpapaunlad sa Clark at Subic bilang sentro ng rehiyon na may pinakamaayos na pandaigdigang paglilingkod at lohistika (logistics); 7. Gawing automated ang proseso ng eleksiyon sa bansa; 8. Pagtangkang sugpuin ang korupsiyon sa tulong ng EPS o Electronic Procurement System na naging dahilan ng higit na maayos at modernisadong pagkuha ng mga serbisyo para sa pamahalaan; 9. Pagpapatupad ng SEA-K Program o Self Employment Assistance-Kaunlaran upang matulungan ang mahihirap na Filipino. Ito ay naglalayong bigyan ng puhunan para sa pagsisimula ng negosyo ang libo-libong mga Pilipinong walang hanapbuhay. 10. Pagkakaroon ng Tindahan ni Gloria Labandera Rolling Stores na naglalayong mabigyan ng pagkakataon ang mahihirap na mamamayang makabili ng pagkain at gamot sa mas mababang halaga 11. Pagpapatupad ng Strong Republic Nautical Highway o RORO na naging dahilan upang mabawasan ang gastusin sa transportasyon mula Mindanao hanggang Luzon. 12. Pagpapatibay ng batas hinggil sa Power Reform Program Act, Anti-Money Laundering Act at E- VAT 13. Pag-akit sa lokal at dayuhang mamumuhunan 14. Pagpapaunlad ng teknolohiya lalo na sa larangan ng impormasyon at transportasyon 15. Pagpapatupad sa Kagawaran ng Edukasyon ng Basic Education Curriculum upang higit na mapataas ang kalidad ng edukasyon sa bansa at pagbibigay-diin sa paggamit ng wikang Ingles sa lahat ng paaralan upang maging globally competitive ang mga Filipino.
B. Benigno Simeon C. Aquino III (Hunyo 2010 – Hunyo 2016)
1. Paglaban sa kurapsiyon. “Kung walang corrupt , walang mahirap!”
2. Paglikha ng Republic Act No. 6713 o mas kilala sa tawag na Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employeesupang higit na maprotektahan ang karapatan ng mga mamamayan. Sa pamamagitan ng batas na ito ay nabibigyan ng halaga ang karapatan ng mga mamamayang matiyak na ang mga taong niluklok nila sa posisyon ay maglilingkod nang tapat sa kanilang mga trabaho at tungkulin. 3. Pagtatatag ng KALAHI-CIDDS – sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at sa pakikipag-ugnayan nito sa World Bank ay nalikha ang proyektong Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services o KALAHI-CIDSS. Proyekto ito ng DSWD na mahango sa kahirapan ang mga Filipino. 4. Paglulunsad ng programang Run After Tax Evaders (RATE) – sa pangunguna ng Kawanihan ng Rentas Internas o Bureau of Internal Revenue (BIR) na naglalayong ang bawat Filipino ay nagbabayad nang wasto at husto ng kanilang buwis. Ang di pagbabayad ng buwis ay itinuturing na isang krimen kaya sinumang mapararatangan ng kasong tax evasion ay maaaring maparusahan. 5. Pagtatatag ng Botika ng Barangay (BnB) kung saan mabibili ang mga murang gamot na aprobado ng Bureau of Food and Drugs (BFAD) na abot-kaya ng perang kinikita ng mahihirap na pamilya. 6. Pagsasagawa ng Expanded Program on Immunization (EPI) na inilunsad ng pamahalaan upang ang mga bagong silang na sanggol at mga bata ay magkaroon ng pagkakataong makatanggap ng libreng bakuna mula sa mga Barangay Health Center. 7. Sa bisa ng Republic Act No. 10152 o mas kilala sa Mandatory Infants and Children Health Immunization Act of 2011 ang bawat batang Pilipinong may gulang limang taon pababa ay dapat mapasailalim sa EPI o Expanded Program on Immunization. Ang anim (6) na pangunahing vaccine-preventable diseases na kabilang sa EPI ay ang gamot para sa tuberkulosis, polio, diptheria o pagtatae, tetanus, pertussis o ubong-dalahit, at tigdas. 8. Pagpapalawak ng Saklaw ng mga Programang Pangkalusugan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) – higit na pinalawak ng pamahalaan ang saklaw o sakop ng PhilHealth at ang mga serbisyong isinasagawa nito. 9. Paglulunsad ng K to 12 Program – programa sa edukasyon na naglalayong baguhin ang sistema ng edukasyon ng bansa upang makatugon ito sa pangangailangan ng lipunan. Sa bisa ng Republic Act 10533 o ang K to 12 Basic Education Reformay higit na humaba o tumagal ang pag-aaral sa ilalim ng basic education. 10. Pagbibigay ng iskolarsyip sa mahihirap ngunit matatalinong mag-aaral na makapag-aral sa kolehiyo – sa ilalim ng Republic Act 10648 o Iskolar ng Bayan Act of 2014 na nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III, ay itinadhana ng pamahalaan na ang sampung mangungunang mag-aaral na magtatapos sa bawat pampublikong paaralan sa bansa ay pagkakalooban ng iskolarsyip upang makapag-aral din ng libre sa kolehiyo. 11. Paglulunsad ng Abot-Alam Program – noong 2014 ay sinimulan ng pamahalaan ang pagpapatupad ng Abot-Alam Program sa buong bansa sa pangunguna ng Department of Education at National Youth Commission (NYC). Layunin ng programang ito na turuan at gawing produktibo ang kabataang may gulang na 15 hanggang 30 na hindi nag-aaral o out of school youth (OSY) sa tulong ng programang Alternative Learning System (ALS). 12. Pagpapatupad ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program– pangunahing karapatan ng mga mamamayan ay ang magkaroon nang maayos at matiwasay na pamumuhay. Layunin ng programang ito na tulungan ang mahihirap na pamilya sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinansiyal o cash grant para sa pangangailangan sa nutrisyon, kalusugan, at edukasyon ng mga batang nasa edad 0-14 na taon. 13. Pagpapabuti ng Kariton Klasrum – tinatawag din ang proyektong ito na K4(Kariton, Klasrum, Klinik, Kantin) dahil bukod sa pagkakaloob ng alternative education ay layunin din ng proyektong ito na pagkalooban ang mga batang mahihirap ng pangangalagang pangkalusugan, pagkain, at tirahan sa pamamagitan ng Modified Conditional Cash Transfer (MCCT) ng programa ng DSWD. 14. Pagtataguyod sa pagkakapantay-pantay ng mga kasarian(gender equality) sa lahat ng pagkakataon sa lahat ng aspeto ng pampublikong patakaran at mga parograma. 15. Paghahanap ng malawakang pagsuporta sa makatarungang kapayapaan at pagtutuwid sa matagal na kawalang pansin sa mga Moro at iba pang mga tao sa Mindanao.