Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Mother Theresa Colegio Group of Schools

Patnubay Academy | Mother Theresa Colegio | Noah’s Academy | Colegio de Maharlika

Tesktong Argumentatibo (Ikaanim na Linggo)


Tiyak na Layunin:
Natutukoy ang kahalagahan ng kasanayasn sa komunikasyon sa mabisang paglalahad
ng tekstong prosidyural.
Naibabahagi ang katangian ng tekstong prosidyural
Nakapagsusulat ng sariling tekstong prosidyural
Unang Araw:
Oras: Isang Oras (60 minuto)
I. Pre- Assessment
[UG6.1] Sarap Di Ba?: Magtatanong ang guro sa buong klase na magbahagi ng
kanilang nalalaman kung ano ang hakbang o kung paano nagluluto ang kanilang mga
magulang/ sarili ng paborito nilang pagkain.
II. Facilitated Learning
[GP6.1]Talakayan: Talakayin ang kahulugan, layunin, at uri ng tekstong prosidyural.
Ang Tekstong Prosidyural
Ang tekstong prosidyural ay nagbibigay-panuto. Naglalahad ito ng proseso kung
paano isinasagawa o binubuo ang isang bagay. Ang paglalahad ay nagpapaliwanag ng
mga hakbang-hakbang na paraan sa paggawaopagbuo ng anuman. Ang tekstong
prosidyural ay bahagi ng diskursong paglalahad. Layunin ng paglalahad na bigyang-
linaw sa obhektibong paraan ang kaisipan. Maituturing ito bilang isang pagpapaliwanag
o pagbibigay-katuturan sa mga ideya, pahayag, bagay at iba pa.
Binanggit na Badayos (2001) na, isinusulat ito “sa paraang malinaw, payak,
maikli, at madaling maunawaan” Dagdag pa niya, “ang karaniwang hakbang sa
pagpapaliwanag ay sa paraang kronolohikal (o magkakasunod). Maingat ba inilalahad
ang bawat hakbang mula una hanggang sa pagtatapos ng gawain. Sa pagpapaliwanag
sa bawat hakbang, maaaring kailanganin na magbigay-kahulugan ng ilang mga salitang
ginagamit.
Layunin ng Tekstong Prosidyural
Ang layunin ng tekstong prosidyural ay makapagbigay ng sunod-sunod na direksyon.
(Ingles: Procedure, Step by Step) at impormasyon sa mga tao upang tagumapay na
maisagawa ang gawain sa ligtas at angkop na paraan.
Mother Theresa Colegio Group of Schools
Patnubay Academy | Mother Theresa Colegio | Noah’s Academy | Colegio de Maharlika

Iba’t-ibang uri ng Tekstong Prosidyural


 Paraan ng pagluluto (Recipes) Pinaka karaniwang uri ng Tekstong Prosidyural.
Ito ay nagbibigay ng panuto sa mambabasa kung paano magluto. Sa paraan ng
pagluluto, kailangan ay malinaw ang pagkakagawa ng mga pangungusap at maaring ito
ay magpakita rin ng mga larawan.
 Panuto (Instructions)
Ito ay naggagabay sa mga mambabasa kung paano maisagawa o likhain ang isang
bagay.
 Panuntunan sa mga laro (Rules for Games)
Nagbibigay sa mga manlalaro ng gabay na dapat nilang sundin.
 Manwal
Nagbibigay ng kaalaman kung paano gamitin, paganahin at patakbuhin ang isang
bagay. Karaniwang nakikita sa mga bagay may kuryente tulad ng computers, machines
at appliances.
 Mga eksperimento
Sa mga eksperimento, tumutuklas tayo ng bagay na hindi pa natin alam. Karaniwang
nagsasagawa ng eksperimento sa siyensya kaya naman kailangang maisulat ito sa
madaling intindihin na wika para matiyak ang kaligtasan ng magsasagawa ng gawain.
 Pagbibigay ng direksyon
Mahalagang magbigay tayo ng malinaw na direksyon para makarating sa nais na
destinasyon ang ating ginagabayan.
Halimbawa ng Tekstong Prosidyural
1. Recipe ng spaghetti
2. Recipe ng Adobong Manok
3. Paano magluto ng fried chicken
4. Paano makagawa ng DIY (Do It Yourself) explosion box
Mother Theresa Colegio Group of Schools
Patnubay Academy | Mother Theresa Colegio | Noah’s Academy | Colegio de Maharlika

5. Paano magparehistro upang makaboto sa eleksyo


Pangalawang Araw:
Oras: Isang Oras (60 minuto)
I. Pre- Assessment
[UG6.2] Balikan Mo: Magbalik- tanaw sa naging talakayan sa unang araw.
II. Facilitated Learning
[GP6.2] Talakayan: Talakayin ang bahagi at katangian ng tekstong prosidyural.
Apat na pangunahing Bahagi ng Tekstong Prosidyural
Ang tekstong prosidyural ay nahahati sa apat na pangunahing bahagi, at ito ay ang mga
sumusunod:
 Layunin
Ang nais mong maisagawa pagkatapos ng gawain. Tinutukoy rin nito ang dapat maging
resulta ng susunding prosidyur. Ang layunin ay laging sumasagot sa tanong na
“Paano”.
 Mga Kagamitan / Sangkap
Dito papasok ang mga kagamitan dapat gamitin para maisakatuparan ang gawain. Sa
recipe, kailangan mong ilista ang lahat ng sangkap upang maihanda ng mambabasa
ang kanilang ilalahok sa iluluto.
 Hakbang(steps)/ Metodo(method)
Ang serye o pagkakasunod-sunod ng prosidyur.
 Konklusyon / Ebalwasyon
Sa tekstong prosidyural, ang konklusyon ay nagbibigay ng gabay sa mga mambabasa
kung sa paanong paraan nila maisasakatuparang mabuti ang isang prosidyur.
Mga dapat isaalang sa pagbuo ng tekstong prosidyural
 Ilarawan ng malinaw ang mga dapat isakatuparan. Magbigay ng detalyadong
deskriptyon.
 Gumamit ng tiyak na wika at mga salita
 Ilista ang lahat ng gagamitin
Mother Theresa Colegio Group of Schools
Patnubay Academy | Mother Theresa Colegio | Noah’s Academy | Colegio de Maharlika

 Ang tekstong prosidyural ay laging nakasulat sa ikatlong panauhan (third person


point of view)

Mga Tiyak na Katangian ng Wika ng Isang Tekstong Prosidyural


1. Nakasulat sa kasalukuyang panahunan.
2. Nakapokus sa pangkalahatang mambabasa at hindi sa iisang tao lamang
3. Tinutukoy ang mambabasa sa pangkalahatang pamamaraan sa pamamagitan ng
paggamit ng panghalip.
4. Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa para sa introduksyon.
5. Gumagamit ng malinaw na pang-ugnay at cohesive devices upang ipakita ang
pagkakasunod-sunod at ugnayan ng mga bahagi ne teksto
III. Formative Assessment
[FA6.1] Maikling Pagtataya: Magbibigay ang guro ng maikling pagtataya upang
masukat ang kaalaman ng mag- aaral. (Ang guro na ang bahala sa katanungan, ito ay
binubuo lamang ng 1-15 na aytem- Written Works Recorded)
Pangatlong Araw: Pagpapatuloy
Oras: Isang Oras (60 minuto)
I. Facilitated Learning
[GP6.3] Ilalaan ng guro ang isang oras para sa pagsulat ng mga mag- aaral na
kanilang sariling tekstong Prosidyural. Ang paksa ay iikot lamang sa pagbibigay
direksyon o kung paano mapupuntahan ang kanilang lugar o di kaya’y kilalang tanawin
sa kanilang lugar.
(Performance Task- Recorded)
Pamantayan
Pamantayan 5 puntos 4 puntos 3 puntos 2 puntos 1 puntos
Sulatin ay puno
Ang direksyon May ilang
ng mga malalim
Angkop at Sulatin ay may ay medyo direksyon na Direskyon ay
na pag-iisip at
Malinaw na magagandang malabo at hindi mahirap silang kulang o hindi
malinaw na
Pangangatwiran direksyon. gaanong maunawaan o maipaliwanag.
pagbibigay
malinaw. hindi malinaw.
direksyon
Mother Theresa Colegio Group of Schools
Patnubay Academy | Mother Theresa Colegio | Noah’s Academy | Colegio de Maharlika

May ilang May mga


Napakagaling
Magagaling na paggamit ng pagpapahayag
na gumamit ng
gumamit ng matatalinhagang na Kulang o hindi
matatalinhagang
Mga matatalinhagang pagpapahayag matatalinhaga maayos ang
pagpapahayag
Matatalinhagang pagpapahayag subalit hindi subalit may paggamit ng
na nagbibigay-
Pagpapahayag na nagdaragdag talaga kaunting matatalinhagang
dagdag na
ng kasiningan nagdaragdag ng pagkukulang sa pagpapahayag.
kasiningan sa
sa sulatin. kasiningan sa kasiningan sa
sulatin.
sulatin. sulatin.
Taglay ang Maaring
May nagawang May ilang
malakas na naramdaman ng
pagpapahiwatig pagpapahayag
damdaming mambabasa Kulang o wala
ng damdamin ng damdamin
Damdaming naglalayon na ang ilang ang
subalit hindi subalit hindi
Naglalayon sa bulahin ang damdamin pagpapahiwatig
gaanong nagtagumpay
Mambabasa mambabasa at ngunit hindi ng damdamin sa
nagtaas ng na magpakilos
magtamo ng gaanong sulatin.
damdamin ng o magpaantig
malalim na malalim ang
mambabasa. ng damdamin.
pagkaantig. epekto.
May May ilang May mga
May malinaw na
magandang bahagi ng bahagi ng Maayos na
pagkakasunod-
pagkakasunod- sulatin na hindi sulatin na hindi organisado at
Organisasyon at sunod ng ideya
sunod ng ideya gaanong gaanong may malinaw na
Pagkakasunod- at mahusay na
at malinaw na maayos ang maayos ang pagkakasunod-
sunod ng Ideya organisasyon ng
organisasyon ng pagkakasunod- pagkakasunod- sunod ng ideya
mga bahagi ng
mga bahagi ng sunod ng ideya sunod ng ideya ang sulatin.
sulatin.
sulatin. o organisasyon. o organisasyon.
May ilang
Wastong gamit Mahusay na May mga
bahagi ng
ng wika na may gamit ang wika malalaking
sulatin na may
kasuwato ang ngunit may ilang kamalian sa Mali ang gamit
mga maliit na
Wastong Gamit tono at ugnayan bahagi na may paggamit ng at malabo ang
kamalian o hindi
ng Wika sa isat-isa ng kaunting wika na pagkakasulat ng
gaanong
mga pagkakamali o nagdudulot ng wika sa sulatin.
malinaw na
pangungusap at hindi gaanong kalituhan sa
paggamit ng
talata. malinaw. sulatin.
wika.

Personalized
[L6] Basahin at pag- aaralan ang susunod na aralin.

You might also like