Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

PAGSUSULIT SA FILIPINO (3RD Quarter)

Panuto: Tingnan ng mabuti ang bawat larawan. Tukuyin wastong salita at kahulugan
na nagtutugma sa bawat larawan. Piliin ang letra ng tamang sagot.

Panuto: Tingnan ang larawan sa bawat pangungusap. Piliin ang wastong pangngalan
upang mabuo ang pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot.

6. Maagang nagising si _______upang maglinis ng kanilang tahanan.


A. nanay B. ate C. lola

7. Maganda ang _______ na binili sa akin ni nanay kahapon.

A. payong B. sapatos C. damit

8. Kasama ni Mang Berto ang kaniyang alagang _________ sa pag-araro sa bukid.

A. kabayo B. kalabaw C. kambing

9. Pumunta ang magkakaibigang Lito, Ben at Arman sa _______ kung saan makikita
ang bantayog ni Dr. Jose P. Rizal.

A. Fort Santiago B. Rizal Park C. Star City


10. Tuwing Disyembre, masayang ipinagdiriwang ng buong pamilya nila Maria ang
_______.

A. kaarawan B. Bagong Taon C. Pasko

Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na panghalip panao upang mabuo
ang diwa ng pangungusap. Isulat ang sagot sa inyong papel.

11. (Tayo, Ikaw) ba ay nakaranas nang lumangoy sa dagat?

12. (Ako, Sila) ay may nakatutuwang karanasan sa dagat. Bakasyon noon, nagpunta
kami sa dinarayong Boracay beach.

13. Pagdating sa dagat ay agad kaming lumusong ni Roy. (Ikaw, Siya) ang pinsan
kong makulit.

14. Sumunod sa amin sina ate, kuya at Tatay Ben. Masaya (tayong, silang)
nakitampisaw sa amin.

15. Hindi ko makalilimutan ang karanasang ito na nagdulot nang kasiyahan sa aming
lahat. Kung nagbabalak kayong maligo sa dagat, sa Boracay (tayo, kayo) magtungo.

Panuto. Isulat ang S kung ang nakasalungguhit na grupo ng mga salita ay sanhi at B
kung ito ay bunga.

16. Kaarawan mo ngayon kaya naman niregaluhan ka ng sapatos ng iyong tatay.

17. Sumakit ang ngipin ni Adolfo habang nagkaklase kung kaya dinala siya sa klinik
ng kaniyang guro.
18. Hindi kumakain sa tamang oras si Eddie kaya sumasakit ang kaniyang tiyan.

19. Palagi akong nagsasanay magbasa kaya mabilis na ako ngayon magbasa.

20. Nakikipagtulakan si Jose habang bumaba ng hagdan kaya siya ay nadulas sa


pagbaba.

Panuto: Basahin at unawain ang kwento at sagutin ang mga tanong. Isulat ang letra
ng tamang sagot sa iyong papel.

Langgam

Galing sa kaldero ang isang langgam. May pasan-pasan itong isang butil ng
kanin. May nakasalubong itong isa pang langgam. Nagkiskisan sila ng sungot.
Nagpatuloy na sila sa kani-kanilang lakad. Maya-maya, may butil ng kanin na ring
pasan-pasan ang pangalawang langgam.

21. Ano ang pamagat ng kuwento ?

A. Langgam B. Paruparo C. Gagamba

22. Saan galing ang unang langgam?

A. sa pinggan B. sa kaldero C. sa tasa

23. Ano ang pasanpasan nito?

A. tinapay B. isang butil ng kanin C. ulam

24. Ano ang nasalubong nito?

A. butiki B. ipis C. langgam

25. Ano ang kanilang pinagkiskisan?

A. paa B. sungot C. tiyan


Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Isulat kung ang pariralang may
salungguhit ay sanhi o bunga.

26.Siya ay nagkasakit sapagkat naglaro siya sa ulan.

27. May mga lugar na may baha dahil sa malakas na ulan.

28. Suspendido ang klase sapagkat may bagyo.

29. Nag-aral nang mabuti si Jessa sa pagsusulit kaya nakakuha siya ng mataas
na iskor.

30. Hindi kumakain sa tamang oras si Mark kaya sumakit ang kanyang tiyan.

Panuto: Tukuyin ang katangian o ugali ng tauhan batay sa kaniyang pahayag o


ginawa. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

31. Si Angel ay laging handa sa klase at aktibo sa talakayan.

32. “Tumigil ka nga!, Kanina pa kita sinasaway, ” ang sabi ng nanay kay Daniel.

33. Kapag walang gumagamit, pinapatay ni Jenny ang gripo.

34. Sinusunod ng mga bata ang mga napagkasunduang patakaran sa silid-


aralan.

35. Natutuwa si Armand na magbigay ng tulong sa mga kaklase niyang nasalanta


ng bagyo.

You might also like