Cherry

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Dakilang kawayan

Isang araw, nagkaroon ng pagtitipon ang lahat ng mga halaman sa kanayonan. Lahat ay
nagpapayabangan sa kanilang naibibigay at naiaambag sa kalikasan at sa mga tao. Unang nagmayabang
ni punong Narra. Ako!, ako sa lahat ng halaman ang pinakamatatag at pinakamatibay . Gamit ako ng mga
tao sa paggawa ng mga magagandang muwebles sa bahay.Hahaha! Yan lang ba ang kaya mong ibigay?
Ang natatawang wika ni punong Niyog. Ako si Niyog, ang tinaguriang “Puno ng Buhay”. Mula saking mga
ugat, katawan at bunga, ako ay napapakinabangan ng mga tao Ako naman si kawayan, ang nahihiya at
nakayukongsabi ni punong Kawayan.Angtinginngkaramihansaakin ay isa lamang akong hamak na puno.
Ang wika ko sa kanila, ako’y hindi isang puno kundi isang uri ng damo. Subalit naturingan man akong
isang damo, marami naman akong maaaring maibigay sa mga tao katulad ng kasangkapang upuan,
lamisa, gamit sa pagluluto at pati na rin pangdingding sa bahay.Lahat ay natigilan at humanga sa tinuring
ni Kawayan. Lahat ay nagpalakpakandahilsakabilangkanyang pagiging damo ay buong
pagpapakumbabang sinabi nya ang kanyang naiaambag sa mga tao. Mula noon ay patuloy nang
hinangaan si Kawayan ng kanyang mga kapwa halaman, dahil sa kabila ng kanyang matayog na katayuan
ay makikitang lagi lamang itong nakayuko at nakatingin sa ibaba.

Ang ating pamayanan ay sagana sa mga materyales na likas na matatagpuan sa paligid. Ilan sa mga ito
ay mga halamang itinatanim katulad ng mais, palay at iba paBawat materyales ay naaayon sa uri ng
kapaligiran na mayroon tayo. Ang mga materyales na ito ay may angkop na gamit na dapat nating
alamin/isaalang-alang upang makagawa ng higit na maganda at matibay na proyekto na ating
pakikinabangan. Ilan sa mga materyales na matatagpuan sa pamayanan ay ang mga sumusunod:

Kawayan

Ang kawayan ay isanguri ng damo na madalas matagpuan sa mga liblib na lugar. Ito ay matibay aAt
maraming gamit Kadalasang ginagamit ang kawayan sa pag-gawangbahaykuboatiba pang parte ng
bahay. Ilan pa sa mga produktongmaaaring gawin gamit ang kawayan ay mga upuan at mesang
kinakainan, lampshade, plorera, alkansya at marami pang iba.

Nag tabla at kahoy

mga aparador na ating pinaglalagyan nang iba’t-ibang kagamitan, ding-ding, kisame ng bahay,
mesaatupuanayilanlang samgahalimbawangmga kagamitan na yari sa kahoy at tabla. Ang kahoy at tabla
ay nagmula sa iba’t-ibang uri ng punong kahoy katulad ng acacia, molave, yakal, apitong, dao, narra,
kamagong at marami pang iba. Tiyakin na ang kahoy at tabla na gagamitin sa paggawa ng proyekto o
produkto ay tuyong tuyo upang maiwasan ang pag-urong, pagkiwal, at madaling pagkabulok nito, maari
kasing maging dahilan ng madaling pagkasira ng proyekto ang paggamit ng sariwang kahoy o tabla
Ang puno ng niyog
ang tinatawag nating “Puno ng Buhay” dahil sa ang bawat bahagi nito ay may gamit. Mula sa ugat
hanggang sa dahon Ay maari kang makagawa ng makabuluhang bagay o proyekto. Mainam gawing
gamot ang mga ugat nito lubid o pisi na ginagamit kahit na sa ibang bansa.at maari ring gawing palamuti
sa ating mga tahanan.Angmgahiblang bunot nito ay maaaring gawing bag, lubid, at pwede ka ring
gumawa ng pahiran ng paa. Ginagamit din ang katawan ng niyog sa paggawa ng sahig, ding-ding at haligi
ng bahay. Maari ring gumawa ngmesa at upuan gamit ang katawan nito. Ang mga dahon naman ay
maaring gawing walis at bubong ng bahay. Ang sabaw ng bunga nito ay maaaring inumin. Ang gata
naman nito ay ginagamit sa pagluluto ng gulay. Ang bao nito ay maaring gawing alakansiya, sandok at
iba pang gamit sa kusina.

Abaka

Ang abaka ay isang uri ng halaman na nahahawig sa puno ng saging maliban sa mga dahon nito, dahil
higit na malapad ang dahon nito kaysa sa dahon ng saging. Karaniwan itong itinatanim sa mga lalawigan
ng Bicol nakilala sa malawak na taniman ng abaka. Ang mga hibla nito buhat sa puno ang siyang
ginagamit sa paggawa ng mga basket, punasan ng paa, tsinelas, sinturon, mga palamuti, at iba pang
kagamitang pambahay. Dahil matibay ito, kilala rin ang abaka sa paggawa ng lubid o pisi na ginagamit
kahit na sa ibang bansa.

Damo

Kilala sa mga halamang damo na may halaga ay ang tambo at tikiw. Ang damong tikiw ay kalimitang
tumutubo sa mga latian at pampang. Makikita rin ito sa mga bakanteng lote na malapit
satanimanngpalay.Itoay kalimitang pinatutuyo sa araw upang magamit sa paggawa ng bag, tsinelas at
iba pa. Ang tambo naman ay karaniwang tumutubo sa batis kung saan may mga lugar na mamasa-masa
tulad ng gilid ng sapa. Mainam gamitin ang damo sa paggawa ng walis.

You might also like