Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 72

See discussions, stats, and author profiles for this publication at: https://www.researchgate.

net/publication/370023929

Ang Representasyon kay Raden Adjeng Kartini


(1879-1904) sa Dalawang Pangkasaysayang
Pelikulang Indones

Chapter · April 2023

CITATIONS READS

3 302

1 author:

Axle Christien Tugano


University of the Philippines Los Baños
43 PUBLICATIONS 102 CITATIONS

SEE PROFILE

All content following this page was uploaded by Axle Christien Tugano on 05 July 2023.

The user has requested enhancement of the downloaded file.


KULTURANG
POPULAR
NA ASYANO

Mary Dorothy dL. Jose, PhD


Atoy M. Navarro
Jerome A. Ong
mga patnugot

Department of Social Sciences


University of the Philippines Manila
2023
KULTURANG
POPULAR
NA ASYANO
Karapatang-ari 2023

Inilathala ng
Department of Social Sciences
University of the Philippines Manila

ISBN 978-621-96068-6-8 (Paperback/Softbound)


ISBN 978-621-96068-7-5 (PDF)

RESERBADO ANG LAHAT NG KARAPATAN. Nasa


may-akda at tagapaglathala ang lahat ng karapatan sa
publikasyong ito. Hindi maaaring kopyahin o sipiin
ninuman sa anumang paraan ng paglimbag ang
anumang bahagi ng publikasyong ito nang walang
pahintulot mula sa mga may karapatang-ari.

Mary Dorothy dL. Jose, PhD


Atoy M. Navarro
Jerome A. Ong
mga patnugot

Disenyo ng Pabalat: Gabrielle J. Valencia


Pagsasaaklat: Atoy M. Navarro

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas


NILALAMAN

Paunang Salita i
Ma. Paula G. Sioco, PhD

Introduksyon: 1
Ambag sa Araling Pang-Erya
at Araling Kabanwahan:
Mga Pag-aaral sa Kulturang
Popular na Asyano
Mary Dorothy dL. Jose, PhD

Mga Artikulo

Ang Paglitaw ng Anime, 12


Paglaganap Nito sa Mundo,
at Pagpasok Nito sa Pilipinas
Ramilito B. Correa, PhD

Ang Paglaganap ng Hallyu 63


at K-drama sa Pilipinas
Rose Carmelle I. Lacuata

Thai Boys’ Love Series: 94


Pagpapatatag o Paghamon sa mga
Esteryotipikal na Representasyon
ng Pagkalalaking Thai?
Atoy M. Navarro
Ang Representasyon kay 151
Raden Adjeng Kartini (1879-1904)
sa Dalawang Pangkasaysayang
Pelikulang Indones
Axle Christien J. Tugano

Konklusyon: 217
Ang Kahalagahan ng Pag-aaral
sa Kulturang Popular na Asyano
sa Ating Panahon
Jerome A. Ong

Tala Ukol sa mga Kontribyutor 228


ANG REPRESENTASYON KAY
RADEN ADJENG KARTINI (1879-1904)
SA DALAWANG PANGKASAYSAYANG
PELIKULANG INDONES*
Axle Christien J. Tugano

Abstrak

Tuturulin ng artikulong ito na maitampok ang ilang


pangkasaysayang pelikulang Indones bilang
indikasyon ng yumayamang kulturang popular na
Timog Silangang Asyano. Sa Indonesia, matagal na
sinikil ang kanilang representasyon sa mga pelikula
dulot ng namamayaning Kanluraning pelikula (1900-
1920); pelikulang Hapones (1942-1945); at sensura ng
mga nagdaang diktadura (1945-1998). Sa tinatawag
na Post-Soeharto Era (2000-Kasalukuyan), unang
namayagpag ang mga pelikulang Indones, partikular
na ang mga tumuon sa Kasaysayang Buhay ng kani-
kanilang pinagpipitaganang bayani. Kabilang na rito
ang mga pelikulang tumuon kay Raden Adjeng
Kartini (1879-1904), na kinikilalang isa sa
pangunahing nagpunla ng kilusang kababaihan sa
Indonesia noong transisyon ng mga dantaon 19-20.
Susuriin sa artikulong ito ang dalawang pelikulang
nagtampok sa buhay ni Kartini—ang The Postman
and Kartini (2016) bilang halimbawa ng pelikulang
ginagamitan ng kasaysayan bilang konteksto at ang
Kartini: Princess of Java (2017) bilang halimbawa ng
pelikulang gumamit ng tuwirang pangkasaysayang
representasyon. Susuriin ang mga pelikula batay sa
apat na uri ng pagbabasa sa mga teksto—tekstwal,
kontekstwal, subtekstwal, at intertekstwal. Mula sa
tinutuntungang maka-Asyanong balangkas, tatahiin
din ng artikulong ito ang masaklaw na ugnayan ng
152 Kulturang Popular na Asyano

Araling Kabanwahan, Araling Timog Silangang Asya,


at Araling Kababaihan.

Susing salita: Raden Adjeng Kartini, Kasaysayang


Buhay, Araling Kabanwahan, Araling Timog
Silangang Asya, Araling Kababaihan

Abstract

This article will point out some Indonesian historical


films as an indication of the rich popular culture of
Southeast Asia. In Indonesia, their representation in
films has long been suppressed due to the dominance
of Western films (1900-1920); Japanese films (1942-
1945); and the censorship by past dictatorships (1945-
1998). During the so-called Post-Soeharto Era (2000-
Present), Indonesian films flourished, particularly
those that focused on the Life History of their revered
heroes. These include films focusing on Raden Adjeng
Kartini (1879-1904), who is recognized as one of the
main sowers of the women’s movement in Indonesia
during the transition period of the 19-20th centuries.
This article will review two films that featured
Kartini’s life—The Postman and Kartini (2016) as an
example of a film that uses history as context and
Kartini: Princess of Java (2017) as an example of a film
as direct historical representation. Films will be
evaluated based on four types of reading texts—
textual, contextual, subtextual, and intertextual
analyses. This article will also sew together the
comprehensive relationship of Area/Intercultural/
Interpeople Studies, Southeast Asian Studies, and
Women’s Studies from a pro-Asian framework.

Keywords: Raden Adjeng Kartini, Life History,


Area/Intercultural/Interpeople Studies, Southeast
Asian Studies, Women’s Studies
TUGANO: Representasyon kay Kartini 153

PANIMULA

Layunin ng artikulong ito na maitampok ang ilang


pangkasaysayang pelikulang Indones bilang indikasyon
ng yumayamang kulturang popular na Timog Silangang
Asyano, partikular na ang mga tumuon sa Kasaysayang
Buhay ng kani-kanilang pinagpipitaganang bayani.
Kabilang na rito ang mga tumuon kay Raden Adjeng
Kartini (1879-1904), na kinikilalang isa sa pangunahing
nagpunla ng kilusang kababaihan sa Indonesia noong
transisyon ng mga dantaon 19-20. Maliban sa buhay ni
Kartini, naipasundayag ng mga pelikulang The Postman
and Kartini (Lubis & Varidia 2016) at Kartini: Princess of
Java (Bramantyo 2017) ang kahalagahan ng pelikulang
ginagamitan ng kasaysayan bilang konteksto at
tuwirang pangkasaysayang representasyon. Tatlong
balangkas ang nilalayong ambagan sa artikulong ito at
kagyat na magtataas ng diskurso gamit ang talastasang
F/Pilipino—Araling Kabanwahan, Araling Timog
Silangang Asya, at Araling Kababaihan.1

Matagal nang pinagyayaman ang Araling Kabanwahan


(Navarro 2012a; Elumbre 2015a) bilang isang larangan ng
Bagong Kasaysayan na tumutukoy sa pag-aaral ng mga
kaugnay na bayan o kabihasnan at ibang bayan o
kabihasnan na umiinog sa kaunawaan at talastasang
F/Pilipino gamit ang wikang F/Pilipino. Tunay na hindi
lamang ang sariling kabihasnan ang pinahahalagahan
ng mga Pilipino ngunit kasama nitong pinag-aaralan
ang labas partikular na ang rehiyon ng Timog Silangang
Asya. Inanak ng Araling Kabanwahan ang tematikong
pagpapahalaga sa Araling Timog Silangang Asya bilang
Araling Pang-Erya (Navarro 2012a; Elumbre 2015b) na
nagsasabing hindi lamang pasibong tagatanggap ngunit
tagapaglinang din ng sarili o nagsasariling kabihasnan
ang Timog Silangang Asya. Maliban dito, nabigyan din
154 Kulturang Popular na Asyano

ng espasyo sa kasaysayan ang Kasaysayang Sektoral na


nagpahalaga at nagpayaman sa Araling Kababaihan
(Navarro 2012a).

Sa mga disiplinang nabanggit, maaari itong paghugutan


ng iba pang larangan lalo pa’t isinusulong nito ang
kros/trans, multi/pluri, at/o interdisiplinaryong lapit.
Kung gayon, maaaring itambal dito ang Araling
Pampelikula o Film Studies o pag-aaral sa kompleksidad
ng sinema. Malinaw na isa sa mga kasangkapan ang
pelikula upang maipakita ang kabuuang ispektakulo ng
kasaysayan. Ayon kay Atoy Navarro (2008), kadalasang
ginagamit sa pagtuturo ng kasaysayan ang
pangkasaysayang pelikula o pelikulang historikal dahil
nagpapakita ito ng karanasan, kaisipan, kamalayan,
damdamin, halagahin, layunin, at mga tunguhin ng
buong lipunan sa malalayong nakaraan na magiging
kapaki-pakinabang sa kasalukuyang panahon (Navarro
2008). Mahalaga rin ang ipinanukala ni Navarro hinggil
sa dalawang klasipikasyon ng pangkasaysayang
pelikula. Una, ang pelikula ay gumagamit ng
kasaysayan bilang konteksto kung saan tinitingnang
bakgrawnd ang kasaysayan sa salaysay ng pelikula.
Pangalawa, ang tuwirang pangkasaysayang
representasyon na nakasentro sa salaysay ng pelikula sa
mga pinapalagay na tunay na kuwentong buhay ng
kilalang personalidad sa kasaysayan (Navarro 2008). Sa
kabuuan, ang pangkasaysayang pelikula ay maaaring
nakakawing sa isang aktuwal na personalidad o hindi
kaya’y sa aktuwal na kaganapan. Pakatandaan ding
hindi talaga maiiwasang nalalahukan ng piksyonal na
aspekto ang mga pelikula. Sa ganitong parametro
sumailalim ang ilan sa mga pangkasaysayang pelikulang
Indones na panimulang ipapakilala sa susunod na
bahagi.
TUGANO: Representasyon kay Kartini 155

MGA PANGKASAYSAYANG
PELIKULANG INDONES

Katulad ng Pilipinas, inangkin din ng lipunang Indones


ang sinematograpiyang nagmula sa pagkakalinang ng
Kanluran noong huling bahagi ng dantaon 19. Ayon kay
Misbach Biran (2009), taong 1900 unang dumating ang
pelikula sa Indonesia ngunit hanggang dekada 1920,
namamayani pa rin ang maka-Kanlurang perspektiba at
representasyon nito, lalo na ang mga pelikulang
inaangkat mula sa Estados Unidos at Pransya.
Nasundan ito sa panahon ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig (1942-1945), kung kailan lantarang
kinasangkapan ang pelikula upang bulagin ang mga
Indones sa ultranasyonalismong ideolohiya ng Japan
(Kurasawa 1987). Minopolisa ng mga Hapones ang
pagpoprodyus ng mga pelikulang nagsusulong ng
kanilang propaganda. Kaya’t nawalan ng pagkakataon
ang mga Indones na maitampok ang kani-kanilang
pananaw hinggil sa sariling lipunan. Gayumpaman,
hindi pa rin masasabing lumitaw ang pelikulang
Indones hanggang sa paglaya nito noong 1945 sapagkat
transisyon lamang ito sa napakahabang pamamahala ng
mga diktador. Namuno si Pangulong Achmed Soekarno
mula 1945 hanggang 1967, na kumiling sa malawakang
sensura ng mga babasahin at pelikulang ayon sa kanya
ay kumalaban sa administrasyon.

Higit na naging malala ang pagsikil sa kalayaan ng mga


Indones sa ilalim ng pamamahala ni Heneral Soeharto
(1968-1998). Alinsunod sa kanyang Order Baru (New
Order), pinagtibay nito ang sensura sa iba’t ibang
pahayagan, aklat, at maging sa pelikula. Sa panahong
ito, higit 46 na pahayagan ang ipinasara sa paniniwalang
lumalason ang mga ito sa kaisipang makabayan at
sumisimpatya sa Partai Komunis Indonesia (Indonesian
156 Kulturang Popular na Asyano

Communist Party) (Hill 1992). Ipinagbawal ni Soeharto


ang mga pelikulang nagpapalaganap ng anti-
pamahalaang ideolohiya, katulad ng The Year of Living
Dangerously (Weir & Williamson 1982), pelikulang
mula sa Australia na nagpapakita ng malawakang coup
d’etat sa panahon ni Soekarno. Ikinabahala ni Soeharto
na maging mitsa ang pelikulang ito sa muling pag-alab
ng pagkilos ng mga aktibistang Indones kaya’t
ipinagbawal ito hanggang taong 2000 (Murphy 2000).

Pumaimbulog lamang ang industriya ng malaya at


mapagpalayang pelikula sa panahong tinatawag na
Post-Soeharto Era. Sa panahong ito, lumitaw ang iba’t
ibang independent film, dokumentaryo, pelikula ng mga
bakla (waria) at tomboy (lesbi), patalastas, game show,
reality show, at iba pang kulturang popular (Heeren
2012). Pansinin ang malinaw na pagdagsa ng mga
pangkasaysayang pelikulang Indones sa pagpasok ng
dantaon 21, na kalimitang tumuon sa buhay ng mga
personalidad. Kung gagamitin ang panukala ni Navarro
(2008), marami sa mga pangkasaysayang pelikulang
Indones ay maihahanay bilang tuwirang
pangkasaysayang representasyon. Kabilang na rito ang
pelikulang Gie (Riza 2005), hinggil sa Tsino-Indones na
aktibistang si Soe Hok Gie (pinagbibidahan ni Nicholas
Saputra) na kumalaban sa diktadura nina Soekarno at
Soeharto (Anderson 1970). Nakilala si Gie sa kanyang
progresibong akdang Catatan Seorang Demonstran
(1983) at pinatay siya noong 1969. Taong 2010, lumabas
naman sa takilya ang Sang Pencerah (The Enlightener)
(Bramantyo 2010), na pumaksa sa buhay ni Muhammad
Darwis o Ahmad Dahlan (Lukman Sardi), isang iskolar
na pumuna sa amalgamasyon ng adat2 at Islam na
nagdala sa labis na pang-aabuso ng mga relihiyosong
lider. Itinatag ni Darwis ang Muhammadiyah, ang
pinakamalaking organisasyon ng mga Muslim sa
TUGANO: Representasyon kay Kartini 157

Indonesia (Puspitasari et al. 2017). Ang direktor ng


nasabing pelikula ay siya ring luminang ng Soekarno:
Indonesia Merdeka (Bramantyo & Sihombing 2013), na
pumaksa sa buhay ni Pangulong Soekarno (Ario Bayu).
Samantala, taong 2016, naitampok ang buhay ni Widji
Thukul (Gunawan Maryanto) sa pelikulang Istirahatlah
Kata-Kata (Solo, Solitude) (Noen 2016). Si Thukul ay
kilalang kritiko ng diktadurang Soeharto at aktibistang
desaparecido mula pa noong 1998 (Oentari et al. 2018).

May ilan ding pangkasaysayang pelikulang Indones ang


nagtampok sa kababaihan. Isa ring halimbawa ng
tuwirang pangkasaysayang representasyon ang
pelikulang Tjoet Nja Dhiem (Djarot 1998), na tungkol sa
buhay ng bayaning si Tjoet Nja Dhiem o Cut Nyak
Dhien (Christine Hakim). Si Dhien (1848-1908) na
tubong Lampadang, Aceh ay naging aktibo at humawak
ng sariling hukbo sa panahon ng Digmaang Aceh (1873-
1904) laban sa mga Olandes pagkatapos mamatay ng
kanyang asawang si Teunku Umar (Blackwood 2005).
Muling sisibol sa Post-Soeharto Era ang mga pelikulang
tumalakay sa kababaihang Indones, katulad na lamang
ng Merry Riana: Mimpi Sejuta Dolar (Saputra & Endah
2014) na sumentro sa buhay ni Merry Riana (Chelsea
Islan). Si Riana ay isang Tsino-Indones, etnisidad na
kinastigo sa panahon ni Soeharto. Tumakas si Riana
patungong Singapore dahil sa lumalalang riot noong
1998 sa Hilagang Sumatra, Jakarta, at Surakarta bunsod
ng pagbagsak ng diktadurang Soeharto, krisis pinansiyal
noong 1997, at mga hate crime sa katulad niyang Tsino-
Indones. Sa pagbasa nina Fitri Apriyanti at Rahmi
Nurdini (2021), isang halimbawa ng Feministang Liberal3
ang pelikulang ito sapagkat ipinaglaban ni Riana ang
pantay na karapatan ng kababaihan at kalalakihan sa
edukasyon.
158 Kulturang Popular na Asyano

Edukasyon din ang naging pangunahing adhikain ni


Raden Adjeng Kartini (1879-1904) kaya’t naidugtong ito
sa kanyang representasyon, hindi lamang sa mga
historikal na babasahin, kundi maging sa mga kulturang
popular katulad ng pelikula. Sa unang hati ng dantaon
21, lumabas sa Netflix ang dalawang pelikulang
nagtampok sa buhay at mga gawa ni Kartini. Gumamit
ng kasaysayan bilang konteksto ang pelikulang Surat
Cinta Untuk Kartini (The Postman and Kartini) (Lubis &
Varidia 2016) samantalang tuwirang pangkasaysayang
representasyon naman ang Kartini: Princess of Java
(Bramantyo 2017). Bago suriin ang pelikula,
mahalagang kilalanin muna ang maikling historikal na
pagkakakilanlan kay Kartini.

SI RADEN ADJENG KARTINI (1879-1904)

May dalawang kasaysayang biograpikal (Toer 1962;


Soeroto 1977) ang naisulat sa wikang Indones tungkol sa
buhay ni Kartini. Ayon sa mga ito, nagmula sa angkan
ng mga priyayi (maharlika) ngunit may pagmamahal sa
wong cilik (masa) si Kartini (tingnan ang Larawan 1).
Ipinanganak siya noong Abril 21, 1879 sa Mayong, Jepara
sa Sentral Java, Indonesia sa mga magulang na sina
Raden Sosroningrat, kilalang bupati (pinuno) ng
kabupaten (regency) at sa concubine nitong si Ngasirah.
Ngunit ayon sa kinasanayang kulturang adat, hindi nila
kinikilala bilang ina ni Kartini si Ngasirah. Sa kultura
ng mga priyayi, tinatawag na patmi ang kinakasama at
inaasawang babae ngunit selir naman ang hindi. Sa
huling uri nabibilang si Ngasirah ngunit siya ang unang
pinakasalan ng bupati (Beekman 1984; Bilj & Chin 2020).
Gayumpaman, hindi lamang ang mga priyayi ang
nananamantalang mapakasalan at gawing concubine
ang mga nasa mababang saray ng lipunan. Ginagawa rin
TUGANO: Representasyon kay Kartini 159

Larawan 1: Raden Adjeng Kartini (1879-1904) (Tania 2016).

ito ng mga Olandes at ng mga Tsino (peranakan) sa mga


nyai o katutubong concubine (Chin 2020).

Nagpakasal lamang si Sosroningrat kay Moerjam upang


magkaroon ng posisyon sa pamahalaan. Samakatwid, si
Moerjam ang patmi at Raden Ayu ng bupati. Ikalima si
Kartini at ikalawang matandang babae sa labing-isang
anak ng bupati, kabilang sina Soelastri, Roekmini, at
Kardinah, at dalawang lalaking sina Sosrokartono at
Slamet (sila lamang ang nabigyan ng pangalan sa mga
talang pangkasaysayan). Walo sa kanila, kasama ng
limang lalaki, ay nagmula sa sinapupunan ni selir
Ngasirah (Beekman 1984). Gayumpaman, hindi katulad
ng ilang bupati, si Sosroningrat ay naging maluwag sa
kanyang mga anak na babae. Pinag-aral niya ang mga
160 Kulturang Popular na Asyano

ito ng wikang Olandes lalo pa’t ang kanyang ninunong


si Pangeran Tjondronegoro ang kauna-unahang priyayi
sa Java na nakapagpaaral ng anak sa edukasyong
Olandes (Haag 2022).

Nabuhay sa isang patriyarkal na lipunan si Kartini kung


saan mababa ang tingin sa kababaihan, i.e. walang
karapatan sa edukasyon, hindi maaaring maglakbay, at
may mandatoryong pagsailalim sa pingitan (seklusyon)
na magdadala sa mga arranged marriage kahit na labag
ito sa kalooban ng isang babae (Taylor 1989). Naipakita
ni Kartini ang ganitong katotohanan sa kanyang mga
liham na nasusulat sa wikang Olandes, sa pagitan ng
Mayo 25, 1899 hanggang Setyembre 7, 1904 (Putri &
Mulatsih 2020). Bihasa siya sa nasabing wika at ayon
kay Noel Teodoro (1996), naisalin ang mga nasulat niya
sa iba’t ibang wika katulad ng Pranses (Damais 1960),
Bahasa Indonesia (Toer 1962), Ingles (Symmers 1976), at
maging sa F/Pilipino (Mabanglo 1987). At sa ibang tala
ay mas maaga pa itong naisalin sa wikang Arabiko
noong 1926 (Rutherford 2020). Dahil sa mga nasabing
salin, nabasa ng maraming nasyonalidad ang sinulat ni
Kartini. Halimbawa sa mga ito si Anna Eleonor
Roosevelt, kilalang Amerikanong aktibista na humanga
at nagbasa sa mga sulatin ni Kartini (Natih 2009). Ang
mga nasabing salin ay nagbigay-daan upang itampok
ang buhay ni Kartini sa anyo ng mga nobela at pelikula
(Taylor 1989).

Nangarap na makapunta si Kartini sa Olanda upang


masaksihan ang mataas na pagtingin sa kababaihang
Olandes lalo na sa edukasyon at upang matutunan kung
paano mawawakasan ang mga tradisyong kanyang
kinamumuhian sa Java. Mas umigting ang ganitong
pagnanasa nang magkaroon siya ng pagpapalitang-
liham kina Mevrouw Ovink-Soer (Solekhah 2018) at
TUGANO: Representasyon kay Kartini 161

Juffrouw Stella Zeehandelaar, isang kilalang liberal na


aktibista sa Olanda (Teodoro 1996). Nagtatrabaho noon
si Zeehandelaar sa isang post office sa Olanda at mula
noo’y nababasa niya ang liham ni Kartini sa De
Hollandsche Lelie (Solekhah 2018). Maliban sa
pagsusulat, nahumaling din si Kartini sa pagbabasa ng
mga progresibong akda. Katulad ni Rizal, humanga si
Kartini sa nobelang Max Havelaar ni Eduard Douwes
Dekker (1860) (cf. Teodoro 1998) na nagsiwalat ng pang-
aabuso ng mga Olandes sa mga katutubong Indones.
Ani Pramoedya Toer (1999), ang nobela ang akdang
pumatay sa kolonyalismo sa Indonesia. Nabasa rin ni
Kartini ang isa pang aklat ni Multatuli na Minnebrieven
(Love Letters). Gayundin ang iba pang aklat katulad ng
De Stille Kracht (The Hidden Force) ni Louis Couperus;
Die Waffe Nieder (Lay Down Your Arms) ni Berta von
Suttner; at magasing De Hollandsche Lelie, isang
politikal, kultural, at siyentipikong pahayagan ng mga
Olandes (Robinson 2020).

Pagdating sa edukasyon, naniniwala si Kartini na hindi


lamang natatapos sa pingitan at pagtuturo ng sembah
(paglalakad nang nakaupo) ang dapat matutunan ng
kababaihan. Nagkaroon ng pagkakataon si Kartini na
makilala ang mga prominenteng opisyal ng
pamahalaang kolonyal ng Olandes lalo na ang mga
Abendanon. Personal na kilala ni Kartini si Jacques
Abendanon, ang pinuno ng Dutch Colonial Minister of
Education (Bilj & Chin 2020). Sa tulong ng asawa ni
Jacques na si Rosa Abendanon-Mandri, nakapagsulat si
Kartini ng mga artikulo sa dyornal na may kinalaman sa
karapatang pang-edukasyon, pagtutol sa polygamiya, at
maagang pag-aasawa. Noong 1901, sinabi ni Kartini kay
Abendanon-Mandri ang tatlong bagay na kanyang
natutunan mula sa mga Europeo na nais niya at ng
kanyang mga kababayan na isabuhay—pag-ibig, awa sa
162 Kulturang Popular na Asyano

sarili, at pagtindig sa konsepto ng tama (Bijl 2017). Higit


na tinutuligsa ni Kartini ang sistema ng pag-aasawa sa
Java na nakasalig sa adat. Isang pag-aasawa itong nasa
desisyon ng angkan at hindi ng sarili bilang babae
(Teodoro 1996). Para sa kanya, ang pag-aasawa ay
umiinog lamang sa kapaboran sa mga lalaki. Gayundin,
ang pagtatalik sa iba’t ibang lalaki o babae, ayon kay
Kartini, ay gawain lamang ng mga hayop. Tinutulan din
niya ang seksismo, rasismo, at eksotisismo ng mga
Olandes laban sa mga katutubong Indones (Bijl 2020a).
Maliban sa edukasyon, ipinaglaban din ni Kartini ang
kaunlaran sa sining at hanapbuhay. Hinikayat niya ang
wong cilik, na lalong pagyamanin ang industriya ng
batik at paglililok ng kahoy upang maibenta sa Batavia
at Semarang. Sa katunayan, noong 1901, personal na
nag-aral si Kartini ng handicraft making sa ilalim ng
Vereeniging Oost en West (East and West Association).
Ito ay upang pangunahan ang pagtuturo ng ganitong uri
ng kabuhayan sa kanyang mga kababayan, na malao’y
ipagpapatuloy ng kanyang kapatid na si Roekmini
pagkatapos mamatay ni Kartini noong 1904 (Cote 2020).

Mulat din ang kamalayan ni Kartini sa usaping politikal


at panlipunan. Tinutulan niya ang nakababahalang
paglaganap at pagkalulong ng kanyang kababayan sa
opyo o apyan, na para kay Kartini ay “Isang Dakilang
Peste ng Java.” Marami sa mga wong jowo (mamamayan
ng Java) ang nalululong sa ganitong bisyo. Gayundin,
tinuligsa niya ang pagbibigay ng menyuap (suhol) na
laganap sa lipunang Indones at ang pangangamkam ng
mga dayuhan sa pag-aari ng mga magsasakang Indones
(Teodoro 1998).

Ang ganitong pagpupunla ni Kartini sa isyung politikal,


ekonomiko, at sosyo-kultural ay nagbigay sa kanya ng
daan upang mag-aplay ng iskolarsyip sa mga
TUGANO: Representasyon kay Kartini 163

unibersidad ng Olanda. Nilayon ni Kartini na makapag-


aral sa Europa katulad ng ilan sa kanyang mga kapatid
na lalaki. Pinayagan naman siya ng amang si
Sosroningrat na kalauna’y dinapuan ng karamdaman—
dahilan upang maudlot ang kanyang pangarap na
makapag-aral sa Olanda. Kinalaunan, mauuwi na ito sa
isang arranged marriage at panahon na rin upang
maging Raden Ayu si Kartini. Kahit labag sa kanyang
kalooban, nagpakasal siya noong Nobyembre 8, 1903 kay
Raden Adipati Djojo Hadiningrat, ang bupati ng
Rembang, Sentral Java. Bago ikasal, nagkaroon ng mga
kondisyon si Kartini na nakaumang pa rin sa
pagsusulong ng karapatang pangkababaihan—i.e. hindi
niya huhugasan ang paa ng asawa; susuportahan siya ng
asawang bupati sa adhikaing makapagtayo ng paaralan;
hindi niya susundin ang tradisyonal na etiketa ng mga
Raden Ayu; at hiniling niya sa mga kapatid na ituring
bilang isang ina at hindi bilang Yu (katulong) si
Ngasirah. Naging maselan ang kanyang panganganak
sa supling niyang si Raden Mas Singgih noong
Setyembre 13, 1904 (Haag 2022). Apat na araw lamang
pagkatapos nito, binawian ng buhay si Kartini sa edad
na 25.

KASALUKUYANG PAGKILALA
AT PAGPAPAHALAGA KAY KARTINI

Kahit maaga ang naging pagyao ni Kartini, nag-iwan ito


ng ilang natatanging pagkilala sa kasalukuyang
Indonesia. Sa pagitan ng mga taong 1920 hanggang
1960, kinilala si Kartini sa loob at labas ng Indonesia at
Olanda (Bijl 2020a). Sa pamumuno ni Pangulong
Soekarno, na noo’y naniniwala sa konsepto ng gotong
royong (katulad ng bayanihan sa Pilipinas) (Teodoro
1996), kanyang idineklara ang Abril 21 bilang Hari
164 Kulturang Popular na Asyano

Kartini (Araw ni Kartini) bilang simbolo ng


pembangunan (kaunlaran) at si Kartini mismo bilang
isang Pahlawan Nasional (Pambansang Bayani) noong
1964 (Robinson 2018). Kasabay ni Kartini, idineklara ni
Soekarno ang iba pang kababaihang bayani na sina Cut
Nyak Dhien at Cut Meutia na kapwa tubong Aceh
(Robinson 2020; Tugano 2021).

Makikita rin sa silangang bahagi ng Monas (National


Monument) o Merdeka Square ang monumento ni
Kartini na ibinigay ng Japan sa Indonesia bilang tanda
ng pakikipagkaibigan (KPKMN w.tn.). Ang Merdeka ay
simbolo ng kalayaan ng Indonesia na sinimulang itayo
sa panahon ni Soekarno at nagtapos naman sa panahon
ni Soeharto (Ford 1993; Macdonald 1995). Panahon din
ni Soekarno nang maitampok si Kartini bilang kauna-
unahang babaeng Indones na nailagay sa kanilang
salapi, partikular na sa Lima Rupiah (5 IDR) na nasa
sirkulasyon noon pang 1953. Kalauna’y nailagay siya
muli sa Sepuluh Ribu Rupiah (10,ooo IDR), ang
pinakamalaking denominasyong papel noong 1985-1988
(Tugano 2021).

Higit na pinahalagahan si Kartini ng kababaihan—mula


sa kabataan, kababaihan, hanggang sa mga migranteng
manggagawa. Kinilala ng Sukarelawati si Kartini. Ang
Sukarelawati ay binubuo ng mga babaeng boluntir na
ipinadala ni Soekarno sa Borneo, alinsunod sa
kautusang Dwiroka (People’s Double Command), upang
makibahagi sa Konfrontasi, isang digmaang sinimulan
ng Indonesia laban sa Gran Britanya bilang pagtutol sa
napipintong pagbuo ng Pederasyong Malaya na
magsusulong lamang ng neokolonyalismo (Putra 2012).
Hindi mandirigma si Kartini ngunit ginamit ang
kanyang katapangan upang maging inspirasyon sa
pagtatanggol sa sariling bansa. Samantala, mas lalong
TUGANO: Representasyon kay Kartini 165

pinagtibay ang edukasyon para sa kababaihan. Katulad


ni Soekarno, naniniwala rin si Soeharto sa kaisipan ni
Kartini na kailangang mabigyan ng edukasyon ang
kababaihang Indones. Kaya’t sa ilalim ng kanyang
Rencana Pembangunan Lima Tahun (REPELITA), higit
na nabigyan ng mga pribilehiyo ang kababaihan na
makapasok at makapagtapos sa kanilang pag-aaral
(Thoolen 1987). Ginawa ring ehemplo si Kartini ng mga
nabuong kilusang kababaihan at unang kilusang
feminista sa Indonesia (Jose 2015).

Sa panahon din ni Soeharto, gayumpaman, sa


pangunguna ng kanyang asawang si Raden Ayu Siti
Hartinah, binuo sa ilalim ng Orde Baru (New Order) ang
Dharma Wanita (Mandated for Civil Servants’ Wives)
bilang isang liberal na samahang pangkababaihan na
magbubuwag sa pagsasakasariang nakabatay sa uri at
katayuang panlipunan (Chin 2020). Sa ilalim ng
programang New Order Kartini ni Soeharto, kasabay ng
Dharma ang pagbuo sa Pembinaan Kesejahteraan
Keluarga (PKK) o Guidance for Family Welfare na kapwa
rin nakasandig sa pananaw ni Kartini hinggil sa
karapatan ng mga asawang babae sa bawat pamayanan
(Robinson 2020).

Niyakap na rin si Kartini ng ilang migranteng


manggagawang Indones. Katulad ng Pilipinas, ang
Indonesia ay bultuhang nagpapadala ng kanilang mga
tenaga kerja wanita (TKW) [katumbas ng overseas
Filipino workers (OFW)] sa iba’t ibang bansa. Kung para
sa atin, ang OFW ay mga Bagong Bayani, para sa
Indonesia, ang kanilang mga TKW ay Pahlawan Devisa
(foreign exchange heroes) (Tugano 2020; Piocos 2021;
Piocos 2023). Ayon kay Dinita Setyawati (2013), mas
komprehensibo pa ang Philippine Republic Act No. 10022
pagdating sa karapatan ng mga migranteng
166 Kulturang Popular na Asyano

manggagawa, kompara sa Indonesia Law No. 39, 2004,


na limitado ang proteksyon para sa mga ilegal nilang
mamamayang pumapasok at nagtatrabaho sa ibang
bansa. Kaya’t hindi gaanong napoproteksyonan ang
mga inaabusong Indones sa ibang bansa. Sa mga
nabuong organisasyon, isa si Kartini sa mga bayaning
kanilang kinikilala bilang inspirasyon upang labanan
ang lumalalang domestikong pang-aabuso sa mga
Indones. Matatandaang noong 2015, kasamang
nakipaglaban ang mga Pilipinong nasa Hong Kong para
sa katarungan ng migranteng manggagawang Indones
na si Erwiana Sulistyaningsih na inabuso ng kanyang
amo (Forsythe 2015; Piocos 2023). Sa kabila nito, aktibo
ring sinuportahan ng mga Indones ang Pilipinong si
Mary Jane Veloso na noo’y nahaharap sa napipintong
pagbitay. Habang siya’y nakakulong sa Wirogunan,
Yogyakarta, aktibong nakikibahagi si Veloso sa taunang
selebrasyon ng Hari Kartini bilang simbolo ng pag-asa
at katatagan ng kababaihan (Holmes 2016).

Panghuli, kinilala rin si Kartini sa kulturang popular. Sa


ilang awiting Indones, binansagan siya bilang Ibu Kita
Kartini (Ang Inang Kartini); Putri Sejati (Tunay na
Prinsesa); Putri Indonesia (Prinsesa ng Indonesia); at
Harum Namanya (Ang Halimuyak ay nasa Pangalan)
(Woodward 2015); gayundin, sa mga pelikula.
Maituturing ang R.A. Kartini (1982) bilang unang
pelikulang nagtampok sa buhay ni Kartini.
Pinagbidahan ito ni Jenny Rachman (Djaya 1982).
Matagal ito bago masundan muli ng dalawang pelikula
tungkol sa kanya—ang Surat Cinta Untuk Kartini (The
Postman and Kartini) (2016) at Kartini: Princess of Java
(2017). Kapwa lumabas ang dalawang pelikula sa Netflix
na orihinal na nasa wikang Bahasa Indonesia at may
subtitle sa iba’t ibang lenggwahe. Sa susunod na bahagi,
TUGANO: Representasyon kay Kartini 167

ipapakilala ang maikling nilalaman ng mga nasabing


pelikula.

THE POSTMAN AND KARTINI (2016)

Binubuo ng 118-minutong palabas ang The Postman and


Kartini (TPAK) (2016) (tingnan ang Larawan 2) na
dinirehe ni Agar Kinoi Lubis batay sa panulat ni Vera
Varidia. Nagsimula ang kuwento sa isang paaralan, sa
modernong panahon, kung saan nagtuturo si Dian
(Melayu Nicole) ng Sejarah Nasional (Kasaysayan).
Aburido at maingay ang kanyang mga batang mag-aaral
dahil anila, halos paulit-ulit na itinuturo ni Dian ang
buhay ni Raden Adjeng Kartini. Nakita ng kapwa-
gurong si Master Rangga (Chicco Jerikho) ang pag-
iingay ng mga bata kung kaya’t pumasok ito sa klase ni
Dian at nagbahagi ng panibagong kuwento—tungkol sa
karterong si Sarwadi (nasa katauhan din ni Jerikho).
Nagbabalik-tanaw ang kuwento sa malayong nakaraan.

Isang janda (balo) si Sarwadi ngunit may babaeng anak


na si Ningrum (Christabelle Grace Marbun). Upang
mabuhay, nagtrabaho bilang tukang pos (kartero) si
Sarwadi sa isang post office na pagmamay-ari ng mga
Olandes sa Jepara. Isa sa mga unang liham na kanyang
naihatid ay para kay Kartini (Rania Putri Sari) na noo’y
nasa tahanan ng bupati na si Sosroningrat (Donny
Damara). Nanggaling ang liham kay Mrs. Rosa
Abendanon-Mandri na nagpahayag ng kanyang suporta
kay Kartini sa pagpapatayo ng paaralan sa Bumiputera.
Para sa nakararami, isang aneh (wirdo) si Kartini kaya’t
bagay sa kanya ang palayaw na Trinil, na ang ibig-
sabihin ay burung tidak berhenti berkicau (ibong hindi
tumitigil sa kakahuni) dahil sa pagsusulong ng mga
adbokasiya sa edukasyon at karapatan ng mga babae.
168 Kulturang Popular na Asyano

Larawan 2: The Postman and Kartini (2016) (IMDb 2016).

Nalaman ni Sarwadi kinalaunan ang mga pangarap na


ito ni Kartini kaya’t noong minsang nagkatagpo sila,
sinabi ng kartero sa prinsesa na nais niyang matutong
bumasa at sumulat ang kanyang anak na si Ningrum.
Ikinatuwa ito ni Kartini ngunit walang lugar para
pagdausan ng pagtuturo. Kaagad na nag-isip ng paraan
TUGANO: Representasyon kay Kartini 169

si Sarwadi at nagtayo siya ng maliit na paaralan sa


tabing-ilog. Doo’y nagsasagawa ng pagtuturo si Kartini,
kasama ng kanyang dalawang kapatid. Hindi naglaon,
dumami ang kabataang babaeng nais maturuan ni
Kartini. Unti-unting nahulog ang loob ni Sarwadi kay
Kartini. Minsan nang tinangka ni Sarwadi na bigyan ng
liham si Kartini na nagsisiwalat ng kanyang lihim na
pagtingin.

Ipinakita ng TPAK ang buhay nina Kartini, gayundin ng


kanyang dalawang kapatid—sina Kardinah (Nina
Syaheda), na nagnanais maging nars, at Roekmini
(Oktavia Owe), na may inklinasyon sa sining. Mahigpit
na tinutulan ng mga bupati ng ibang kabupaten ang
pangarap ng kababaihang ito na makapag-aral. Anila,
ginagawa lamang itong “palusot” upang takasan ang
buhay at responsibilidad sa Java. Gayumpaman,
nagpatuloy pa rin sa pagtuturo si Kartini hanggang
isang araw ay bumisita ang bupati ng Rembang sa Jepara
upang pakasalan si Kartini. Nabalitaan ito ni Sarwadi na
naging dahilan ng kanyang pagkakasakit.

Nagkalayo na ng landas sina Sarwadi at Kartini.


Bumalik ang kartero at kanyang anak sa Semarang
samantalang tuluyang naikasal si Kartini kay Adipati.
Dala-dala ni Ningrum ang mga aral mula kay Kartini,
dahilan upang magturo rin ito sa mga kababayang nais
magbasa at magbilang. Isang araw, napagdesisyunan ni
Sarwadi na bumalik sa Jepara upang dalawin si Kartini.
Sa kanyang pagdating, nabalitaan niya mula sa kutsero
ang kamatayan ni Kartini.
170 Kulturang Popular na Asyano

KARTINI: PRINCESS OF JAVA (2017)

Dinirehe ni Hanung Bramantyo ang pelikulang Kartini:


Princess of Java (KPOJ) (2017) (tingnan ang Larawan 3)
na tumagal ng 119-minuto (Simanjuntak 2017). Ipinakita
kaagad sa pelikula ang pagtutol ng batang si Kartini
(Neysa Chan) sa kagustuhan ng bupati (Deddy Sutomo)
at kanyang mga kapatid na lalaki, hinggil sa kanilang
relasyon kay Ngasirah (Nova Eliza). Dahil sa isang selir
si Ngasirah, hindi nila ito tatawagin bilang Ibu (Nanay),
bagkus, isang Yu (katulong) lamang sa kabupaten.
Tinuruan ni Ngasirah ang nagdadalagang si Kartini
(Adelheid Bunga) sa pagbabasa, na bilang paghahanda
sa pingitan, na unang hakbang sa maagang pag-aasawa.

Lumaki si Kartini (Dian Sastrowardoyo) na mababa ang


tingin ng lipunan sa kedudukan wanita (kababaihan).
Anu’t anupaman, naging maluwag ang bupati kay Kartini
sa panahon ng kanyang seklusyon sapagkat nakalalabas
siya at nagagawa niya ang anumang maibigan. Ipinakita
ng pelikulang KPOJ ang katangian ng kanyang mga
kapatid. Malaki ang naitulong ni Sosrokartono (Reza
Rahadian) kay Kartini sapagkat ipinakilala niya rito ang
iba’t ibang aklat na magpapalaya ng kanyang kaisipan.

Salungat ito sa kagustuhan ng isa pa niyang kapatid na


si Slamet (Denny Sumargo) na tutol sa edukasyong
ninanais ng kanyang mga kapatid na babae. Iba ang
naging tadhana ng mga babaeng priyayi. Unang
ipinaasawa si Soelastri (Adinia Wirasti) sa isang bupati
kaya’t si Kartini ang naatasang gumabay sa mga
nakababatang kapatid na sina Kardinah (Ayushita
Nugraha) at Roekmini (Acha Septriasa). Sa halip na
ituro ni Kartini ang etiketa ng pag-aasawa at seklusyon,
minulat niya ang kamalayan ng dalawang kapatid sa
kahalagahan ng edukasyon.
TUGANO: Representasyon kay Kartini 171

Larawan 3: Kartini: Princess of Java (2017) (IMDb 2017).

Itinampok din sa KPOJ ang paghanga ng mga Olandes


kay Kartini—katulad nina Mevrouw Soer, Juffrouw
Stella Zeehandelaar, mag-asawang Abendanon, Van
Knoll, at marami pang iba. Maliban sa pakikipagpalitan
ng mga radikal na liham, aktibong nagsusulat ng
artikulo si Kartini sa ilang magasin at pahayagang
Olandes tungkol sa karapatan ng kababaihan.
172 Kulturang Popular na Asyano

Gayumpaman, hindi lamang ang kababaihan ang


pinagtuunan ng pansin ni Kartini. Hinikayat din niya
ang mga wong cilik at pinuno nitong si Mr. Singowiryo
na pagyamanin ang industriya ng engraved art katulad
ng disenyong wayang na maaaring iluwas at ibenta sa
Olanda nang sa gayo’y magkaroon ng hanapbuhay ang
buong lokalidad.

Sumailalim si Kartini sa superbisyon ng madrastang si


Raden Adjeng Moerjam (Djenar Maesa Ayu), ang patmi
ng bupati at tunay na ina ni Roekmini. Mahigpit nitong
ipinapasunod sa mga babaeng priyayi ang wastong
etiketa ng mga susunod na Raden Ayu. Hindi inalintana
ni Kartini ang mga ninanais ni Moerjam. Sa halip,
ipinagpatuloy pa rin niya ang kanyang adbokasiya sa
pagsusulong ng malaya at mapagpalayang edukasyon.
Sa tulong ni Van Knoll, napapayag ni Kartini ang amang
bupati na makapag-aral siya sa Olanda. Kinalaunan,
naging Raden Ayu si Kartini ng bupati ng Rembang.
Ipinakita ng pelikulang KPOJ na may mga kondisyon si
Kartini bago tanggapin ang kasal na tinutulan noong
una ni Moerjam. Dumating ang iskolarsyip ni Kartini
ngunit ipinagkaloob na lamang ito kay Haji Agus Salim
ng Padang. Sa huli, nagawa pa rin ni Kartini na
magpagawa ng mga eskwelahan para sa kababaihan.
Ipinagpatuloy ng kanyang mga kapatid na babae ang
kanyang mga nasimulan.

PAGSUSURI SA DALAWANG
PANGKASAYSAYANG PELIKULANG INDONES
TUNGKOL KAY KARTINI

Bahagi ng yumayamang kulturang popular na Indones


ang mga pangkasaysayang pelikulang TPAK at KPOJ,
kaya’t mahalagang mabigyan ito ng pagsusuri. Kung
TUGANO: Representasyon kay Kartini 173

gagamitin ang balangkas ni Navarro (2008),


maituturing na kasaysayan bilang konteksto ang TPAK
sapagkat tiningnan bilang bakgrawnd ang kasaysayan sa
salaysay ng pelikula. Sumentro ang TPAK sa pakikibaka
ni Kartini sa edukasyon noong maagang bahagi ng
dantaon 20 ngunit naroon ang piksyonal na karakter
katulad ni Sarwadi. Sa kabilang banda, isang tuwirang
pangkasaysayang representasyon ang KPOJ sapagkat
tumuon ito sa salaysay ng pelikula hinggil sa mga
“tunay” na kuwentong buhay ng mga karakter.
Gayumpaman, kahit na “tunay” ang mga nasabing
tauhan, walang pagtatangkang sabihing totoo o
absoluto ang lahat ng iyon.

Sa pangkabuuan, ang pangkasaysayang pelikula ay


maaari naman talagang nakabatay sa isang tunay na
karakter o tunay na kaganapang pangkasaysayan.
Hinalimbawa ni Navarro (2008) bilang isang tuwirang
pangkasaysayang representasyon ang pelikulang Lapu-
Lapu (Mayo & Tirazona 2002) dahil tumuon ito sa buhay
ng bayani na talagang nabuhay noong dantaon 16.
Samantala, para sa kanya, ang mga pelikulang Damong
Ligaw (Avellana 1997) na sumentro sa Himagsikang 1896
at Dekada ’70 (Roño 2002) na tumalakay sa Batas Militar
ay pawang mga halimbawa ng kasaysayan bilang
konteksto (Navarro 2008). Totoo ang kasaysayan ngunit
piksyonal ang mga pangunahing karakter. Hindi
maiiwasan at kalikasan talaga na may piksyonal na
aspekto ang mga pangkasaysayang pelikula. Sa
partikularidad, may mga kategorya rin ang
pangkasaysayang pelikula katulad ng history as drama o
mga pelikulang drama ngunit nakabatay sa kasaysayan
ang mga tauhan at eksena (Rosenstone 2006; Atienza
2022) kaya’t pasok dito ang TPAK. Nagtataglay ang
melodrama o drama bilang anyo ng pelikula ng
sensasyonal na dula ng mga kapana-panabik na mga
174 Kulturang Popular na Asyano

tauhan o eksena upang makapanghikayat ng atensiyon


(Evasco et al. 2011). Gayundin, ang topical film o mga
pangkasaysayang pelikula na nakatuon lamang sa isang
historikal na tauhan o kaganapan (Atienza 2022). Pasok
dito ang tunguhin ng KPOJ. Gayumpaman, katulad ng
nabanggit, kailangang asahan ang TPAK at KPOJ na
hindi makapaghahain ng isang daang porsyentong
katotohanan o aktuwalidad. Sa kulturang popular
halimbawa, katulad ng anime, isa itong non-canonical
na adaptasyon ng mga kaganapang historikal na
maaaring hinugot mula sa iba’t ibang naratibo o
reticular history, kaya’t napapalamutian na ito ng
tinatawag nating mga filler (Hernandez-Perez 2019).

Malaya at mapagpalayang pagsusuri ang magiging


tunguhin ng rebyung ito. Ang anumang pelikulang
pinanood ay magiging pagmamay-ari na ng manonood,
kaya’t nakabatay ito sa kanyang sariling pagbasa,
pagtingin, at pananaw, sasang-ayon o sasalungat man sa
“totoong” layunin ng bawat pelikula. Ginawang
relatable sa masa ang katauhan ni Kartini upang
masundan ng mga manonood lalo pa’t matagal nang
nailagay sa pedestal ang buhay ng mga bayani (Navarro
2022). Kung gayon, pasok din ang TPAK at KPOJ bilang
mga halimbawa ng Kasaysayang Pangmadla o Public
History sapagkat salaysay ito tungkol sa malayong
nakaraan at naglayon ng kaunawaang pambayan gamit
ang wikang naiintindihan ng lahat. Sa kaso ng TPAK at
KPOJ, gumamit ito ng Bahasa Indonesia. Malinaw na
ang pelikula ay iniaalay mismo sa lipunan at
kaunawaang Indones. Ayon kay Michael Charleston
Chua:

Public History is the practice of bringing history


closer to the people. Therefore it is a very broad
field covering history-telling in the traditional
TUGANO: Representasyon kay Kartini 175

media and the social media; in comic books and


children’s books; in the arts and cinema; in
monuments and museums, in stamps; in
coinages and paper money; and even in events.
Simply put, it is the telling of history using public
platforms and the most current technologies of a
certain era (Chua 2020) (akin ang diin).

Isa pang mahalagang bagay, sa tuwing nagsusuri ng mga


pangkasaysayang pelikula, dapat lamang na suriin ito
bilang kulturang popular, bahagi ng sining at
Kasaysayang Pangmadla at hindi nakaangkla lamang sa
mahigpit na parametro at pagtingin sa Kasaysayan
bilang disiplina (Navarro 2022). Hindi patas na suriin
lamang ito batay sa tinatawag nating historical accuracy
sapagkat hindi naman ito katulad ng mga documentary
film, mga historikal na akda o historikal na salaysay na
kailangang isailalim sa panloob at panlabas na
kritisismo. Kaya nga’t kailangang basahin ito bilang
sining at Kasaysayang Pangmadla.

Ngunit paano ba maaaring suriin ang sining at


Kasaysayang Pangmadla?

Sa akda nina Eugene Evasco, Navarro, Will Ortiz, at


Mary Jane Rodriguez-Tatel na Saliksik: Gabay sa
Pananaliksik sa Agham Panlipunan, Panitikan, at Sining
(2011), naghain sila ng apat na uri sa pagbabasa ng mga
teksto. Bagama’t mauugat sa kritisismong
pampanitikan, maaari rin itong ilapat sa pagsusuri ng
mga pelikula. Hindi lamang nakakulong sa mga literal
na babasahin ang maituturing natin bilang literatura.
Ang mga pelikula ay maituturing din bilang literatura
sapagkat sinusuri o binabasa natin ito katulad sa kung
paano natin suriin o basahin ang tradisyonal na
literaturang nakasulat. Sa pag-aaral nina Kathryn Stout
176 Kulturang Popular na Asyano

at Richard Stout (2016), itinuring nila ang mga pelikula


bilang isang sub-bahagi ng literatura. Gayumpaman,
pinagyayaman pa rin ang paglalapat ng kritisismong
pampanitikan sa mga gumagalaw na larawan katulad ng
mga pelikula (Naskar & Maiti 2016).

Maaaring basahin at suriin ang TPAK at KPOJ gamit ang


(1) pagsusuring tekstwal o pagtukoy sa literal na anyo ng
tekstong pinag-aaralan; (2) pagsusuring kontekstwal o
pag-uugnay ng mananaliksik sa mga teksto tungo sa
lipunang pangkaganapan at kinapapaloobang kultura
ng gumawa—maaaring gamitan ng historikal, kultural,
personal, politikal, panlipunan o panlinggwistikang
konteksto; (3) pagsusuring subtekstwal o paghahanap sa
nakatagong elemento ng pinag-aaralang paksa na nasa
anyo ng mga simbolo, pangalan, eksena, lunan,
panahon, talinhaga, tono, at damdamin; at (4)
pagsusuring intertekstwal o ang pag-uugnay sa isang
partikular na teksto sa iba pang tekstong umiiral
(Evasco et al. 2011). Maliban pa sa mga ito, maaari ring
maging lapit sa pagsusuri ng mga pelikula ang
moralismo, arketipal, feminismo, panunuring malay sa
kasarian, formalismo, Marxismo, at mga teoryang
postkolonyal (Evasco et al. 2011).

Pagsusuring Tekstwal

Maraming salik ang posibleng makita sa pagsusuring


tekstwal ng mga pelikula. Nariyan ang analisis hinggil
sa kamera (tuon), pag-eedit, mga galaw (motion), tunog,
pag-arte, pananamit (costume), daloy ng kuwento, at
iba pang istruktura at nilalaman (Pessoaibfilm w.tn.).
Isa sa mga wika ng pelikula ay ang anggulo. Nariyan ang
master shot o mahabang sequence ng mga pangunahing
tagpo samantalang ang cover shot ay iyong maiikli
TUGANO: Representasyon kay Kartini 177

ngunit dramatikong mga tagpo (Evasco et al. 2011). Sa


buong pelikula ng TPAK at KPOJ, makikita ang
dalawang elementong ito.

Historikal ang teksto ng dalawang pelikula. Malinaw na


makikitang hindi ito batay sa modernong panahon
kundi sa malayong nakaraan—transisyon ng dantaon 19
at 20. Kapwa ipinakita ng TPAK at KPOJ ang Jepara
bilang simula at sentro ng buhay ni Kartini. Mababakas
dito ang karangyaang kanyang kinamulatan bilang
bahagi ng priyayi sa kabupaten. Halimbawa, nariyan
ang pagkakaroon ng pengangkutan (karuwahe),
mamahaling kagamitan, mga pelayan (katulong), at
eleganteng kraton (palasyo). Ipinakita ng TPAK at
KPOJ na si Kartini ay makailang beses na sumakay sa
karuwahe, nagtaglay ng mamahaling gamit, may
katulong, at nakatira sa palasyo. Sa Java, gawa sa
matataas na bato o ladrilyo ang mga pader ng kraton.
Maliban sa pagiging tahanan ng bupati, ang mga kraton
ay lagakan ng mga hinabing tela ng batik at tagpuan ng
mga mangangalakal (Brenner 1991) at mga bupati na
nag-aayos ng mga arranged marriage. Ganito ipinakita
ng TPAK at KPOJ ang mga nangyayari sa loob ng kraton.

Yamang nabanggit ang pananamit, naipakita ng mga


pelikula ang estadong dala-dala ng mga kasuotan. Sa
lipunang Java, mabilis matukoy ang kinabibilangang uri
batay sa kasuotan. Ang mga priyayi ay nakapagsusuot
ng mamahaling sarong, kebaya, at kasuotang yari sa
batik (tingnan ang Larawan 4). Sa panahon ni Kartini,
batayan ng pagiging “sibilisado” at “moderno” ang
magagarbong kasuotan. Isang tradisyonal na kasuotan
para sa mga lalaki ang sarong ngunit dahil sa ilang
impluwensiya ng mga Olandes, may ilang priyayi ang
hindi nagsusuot nito. Pinagpalit nila ang kanilang
sarong at kebaya sa pantalon, kamiseta, at kurbata
178 Kulturang Popular na Asyano

(Meer 2020) dahil sa paniniwalang nagmumukha silang


“katulad ng babae” kapag nagsusuot ng sarong.
Bagama’t hindi kabilang sa mayayamang angkan,
tingnan bilang halimbawa si Sarwadi ng TPAK na
nakapantalon. Samantala, ang mga babae ay nanatiling
nakapagsusuot ng batik na sarong at puting kebaya.
Ngunit sa kaso ng Jepara, ang mga tradisyonal na
kasuotan ay nananatiling simbolo ng karangyaan.

Madali ring makikita sa TPAK at KPOJ na ang setting ay


nasa panahon ng kolonyalismong Kanluranin. Makikita
ang paghahalo-halo ng “kayumanggi” at “puting” kulay
ng mga tauhan. Indikasyon na paroo’t parito ang mga
Olandes sa Nusantara o Insulindia. Marami sa kanila
ang gumamit ng payung (payong) o parasol, telang
batik, alahas, at magagarbong karuwahe bilang simbolo
ng aristokrasya (Kehoe 2015; Meer 2020).
Kinasangkapan ng mga Olandes ang paggamit sa batik
bilang bahagi ng umiiral na Nieuwekunst (Art Nouveau)
sa buong Europa noong mga panahong iyon (Carlano
1995).

Sa kulturang popular, mahalagang makita ang tekstwal


na ginagampanan ng mga artista sa pelikula. Makikita
sa TPAK at KPOJ ang mga extra character na gumanap
bilang wong cilik (masa) na simple o hindi magagarbo
ang pananamit, kayumanggi, at hindi nakaayos.
Pinagtibay ng pelikula ang esteryotipong nakasalig sa
Orientalismo at Eurosentrismo—sa kung paano tingnan
ng mga Olandes ang ordinaryong Indones. Samantala,
ang mga bidang artista sa TPAK at KPOJ ay
magagandang lalaki at babae. Halimbawa nito ang mga
bidang gumanap na Kartini—Rania Putri Sari (TPAK) at
Dian Sastrowardoyo (KPOJ) (tingnan ang Larawan 5).
Batay sa datos, ang kulay ng kanilang balat (skin tone)
sa totoong buhay ay maputi (WSB w.tn.). Pansinin pa
TUGANO: Representasyon kay Kartini 179

Larawan 4: Representasyon ng mga Priyayi at


Mamahaling Kasuotan. Itaas: Pamilya ni Kartini (gitna) sa
Jepara kasama ang amang bupati, Raden Moerjam, at mga
kapatid, batay sa The Postman and Kartini (2016). Ibaba: Kasal
nina Kartini at bupati ng Rembang batay sa Kartini: Princess
of Java (2017). Kuhang larawan mula sa Netflix (Lubis &
Varidia 2016; Bramantyo 2017).

ang matangos na ilong, may katangkaran, at mapusyaw


na mga mata. Malayo ito sa pisikal na hitsura ni Kartini
(cf. Larawan 1), na kayumanggi, bilugang mata, at hindi
matangos na ilong.
180 Kulturang Popular na Asyano

Larawan 5: Mga Artistang Gumanap kay Kartini (Xwhos


w.tn.). Ginampanan nina Rania Putri Sari [The Postman and
Kartini (2016)] at Dian Sastrowardoyo [Kartini: Princess of
Java (2017)] ang papel na Kartini.

Ang ganitong realidad ay umiiral naman talaga sa mga


pelikula. Sa konsepto ng democratization of beauty ni
Marlis Schweitzer (2005), bahagi ng pagiging artista ang
ideya ng kagandahan kaya’t sila ang nagiging modelo sa
mga patalastas at pelikula. Mapagbibigyan ang
ganitong realidad dahil sa mundo ng pelikula, mahalaga
ang estetika lalo sa mga bidang artista. Ito ang idinulot
ng lumalalang colonial mentality na tinitingnan ang
kulay bilang anyo ng kagandahan—i.e. mga
esteryotipong puti ay kagandahan samantalang may
kakulangan sa kayumanggi. Tila lumalabas na
kinakailangan pang gumamit ng tan/brown skin make-
up upang maging kawangis ni Kartini, sa halip na
gampanan ito ng halos malapit sa pisikal na katangian
ni Kartini—bilang representasyon ng babaeng Indones
sa panahong iyon.
TUGANO: Representasyon kay Kartini 181

Anu’t anupaman, ang namamayaning larawan ni Kartini


sa TPAK at KPOJ ay halimbawa ng babaeng Indones na
sinikil ng seksistang patriyarka ng kanyang panahon na
kalauna’y nagdala sa kamalayan upang igiit ang sariling
karapatan at ang paglabas ng kababaihan sa
kinamumuhiang tradisyon, at higit sa lahat, igiit ang
ninanais na edukasyon ng kababaihan. Gayumpaman,
mas naipakita ito sa KPOJ kung ihahambing sa TPAK.
Nagtuturo si Kartini batay sa dalawang pelikula ngunit
mas maraming beses na ipinakita sa KPOJ si Kartini na
nagbabasa ng maraming aklat, nagtuturo sa mga
kapatid na sina Roekmini at Kardinah, nagkakaroon ng
talastasang pangkaisipan sa isa pang kapatid nitong si
Sosrokartono, nagsusulat ng mga artikulo at liham, nag-
aaplay ng iskolarsyip, at sa araw bago siya ikasal sa
bupati ng Rembang, nagsusulong ng isa sa kanyang mga
kahilingang suportahan ang pangarap niyang
makapagpatayo ng sariling paaralan. Hindi ito gaanong
naitampok sa TPAK. Sa katunayan, problematiko ang
ilang naging representasyon ni Kartini sa TPAK. Naging
desentralisado ang kuwentong buhay ni Kartini at tila
lumabas na kuwento talaga ito ng buhay ni Sarwadi.
Ang mahabang pakikibaka ni Kartini sa edukasyon at
karapatan na sentralisadong ipinakita sa KPOJ ay tila
pinagkasya lamang sa ilang minuto sa huling bahagi ng
TPAK, na tila lumalabas bilang filler o epilogue lamang
ng pelikula.

Pagsusuring Kontekstwal

Mahalaga ang pagsusuring ito dahil iniuugnay ng mga


manonood ang pelikula sa mga totoong nangyayari sa
lipunan. Kinikilala ang teksto bilang isang natatanging
produkto ng kasaysayan at iniluwal ng buong lipunan
(Evasco et al. 2011). Isa sa mahalagang makita ang
182 Kulturang Popular na Asyano

pagiging babad ng mga direktor sa realidad ng lipunang


Indones. Gayumpaman, sa pagitan nina Agar Lubis
(TPAK) at Hanung Bramantyo (KPOJ), higit na
maraming naidireheng pelikulang pangkasaysayan ang
huli. Nabanggit na siya rin ang nasa likod ng mga
pelikulang Sang Pencerah (2010) at Soekarno (2013).

Kailangang pansinin ang konteksto ng panahon kung


bakit naipalabas ang TPAK at KPOJ sa takilya. Taong
2016 lumitaw ang TPAK. Sa panahon ding iyon, itinala
ng National Commission for the Eradication of Violence
Against Women (Komnas Perempuan) ang 259,150 kaso
ng domestikong pang-aabuso sa kababaihan, na lumobo
ng 25% (348,446) noong 2017 (Fierdha & Vasandani
2018), kung kailan naman lumabas ang KPOJ. Nasa
rurok ito ng suliraning panlipunan sapagkat noong 2018,
kaagad na trinabaho ni Pangulong Joko Widodo ang
isang keputusan presiden (Presidential Decree) na
nagbabawal sa ilang pang-aabuso ng kababaihan lalo na
ang sapilitang pagpapakasal sa kabataang Indones
(Sparks 2020). Lumala ang ganitong suliranin mula sa
pagkakapasa ng Marriage Law noong 1974 (Katz & Katz
1975), na maaaring ikasal ang batang nasa edad 16 taon.

Ngunit sa pagsusuring kontekstwal, hindi umayon at


tumugon ang TPAK sa nag-aalab na isyung panlipunang
kontra-kababaihan. Bagama’t naipamalas din ang
pakikibaka ni Kartini sa edukasyon, ginawa lamang
siyang palamuti sa bidang si Sarwadi. Kung gagamitin
ang lente ng feminismo, masasabing naging
problematiko at desentralisado ang representasyon ni
Kartini sa pelikula. Ayon kina Asri Bariqoh, Setya
Yuwana Sudikan, at Endang Surachni (2018), layunin ng
TPAK na ipakita ang kuwentong pag-ibig sa pagitan ng
ordinaryong lalaki at babaeng nobilidad. Ngunit hindi
ito ang naging mensahe sa mga manonood na katulad
TUGANO: Representasyon kay Kartini 183

ko. Sa TPAK, lumabas na higit na api ang lalaki


kompara sa babae. Kabalintunaan na lumalala noong
2016 ang pang-aabuso sa kababaihang Indones.
Makikita kung paano nasaktan ang puso ni Sarwadi sa
dalawang pagkakataon (tingnan ang Larawan 6). Una,
nang nalaman nitong ikakasal si Kartini, nalugmok,
nagkasakit, at halos pagbawalan ang anak niyang si
Ningrum na mag-aral bilang tanda ng kanyang poot kay
Kartini. Pangalawa, sa kanilang huling pagtatagpo,
habang pinipigilan ni Sarwadi na magpakasal ang
prinsesa sa bupati, mapait niyang winikang hindi
magagawa ni Kartini na maipagpatuloy pa ang
pakikipaglaban sa ngalan ng kababaihan, sa oras na
siya’y maikasal. Ang pahayag ay isang indikasyon ng
patriyarkal na pagtingin sa kasal bilang “katapusan” ng
pangarap ng mga babae.

Sumaliwa rito ang naging tunguhin ng KPOJ. Inilagay


nito ang kababaihan sa sentro. Mula sa pamagat na
Kartini, mababakas ang nagsariling identidad ng mga
babae (Simanjuntak 2017) at walang pinagkakautangang
anyo na kinakailangang idugtong sa iba upang makilala.
Pinuri sa isang Indonesian Forum ng University of
Melbourne, Australia ang apat na kalakasan ng KPOJ
bilang makababaeng pelikula. Una, inantagonisa ng
KPOJ ang sistemang patriyarkal ng Java noong dantaon
19, i.e. pingitan (seklusyon), arranged marriage, at
polygamiya (Pausacker et al. 2017). Para kay Kartini, ang
polygamiya ay isang kasalanan. Mahigpit niya itong
tinutulan, bago siya maging biktima rin nito (Sundari
2019). Ipinakita sa KPOJ ang masamang idinulot ng
polygamiya sa kababaihan. Halimbawa nito ang
nabigong buhay ni Soelastri; ang hindi masayang
pagpapakasal ni Kardinah sa bupati ng Pemalang; ang
pagdurusa ni Ngasirah; at ang kasal na walang pag-ibig
ayon kay Raden Moerjam. Nirepresenta ng pelikulang
184 Kulturang Popular na Asyano

Larawan 6: Bigong Pag-ibig ni Sarwadi kay Kartini.


Kuhang larawan mula sa Netflix (Lubis & Varidia 2016).

ito ang mapanikil na batas ng kasalukuyang Indonesia


sa kababaihan.

Pangalawa, maliban sa edukasyong pampaaralan,


ipinakita ng KPOJ ang pagsusulong ng edukasyong
TUGANO: Representasyon kay Kartini 185

pangrelihiyon ng kababaihang Indones. Ipinaalala ng


pelikula sa mga Muslim na karapatan ng anumang
kasarian ang edukasyon (Pausacker et al. 2017).
Natuklasan ni Kartini mula sa kyai o imam na ipinag-
uutos ng Qur’an ang pagkatuto ng kababaihan. Sa
maagang kamalayan ni Kartini, nangarap itong maisalin
sa wikang Javanese mula Arabiko ang Qur’an dahil hindi
ito naiintindihan ng nakararami. At dahil sa hindi
maunawaan, nagdadala lamang ito sa pag-aabuso at
pagkontrol sa kanilang kalayaan at kaisipan.

Pangatlo, ipinakita ng KPOJ ang kapangyarihang


sumaliwa ng kababaihan sa etiketang ipinamulat sa
kanila ng patriyarka (Pausacker et al. 2017). Makikitang
si Kartini ay umuupo sa paraang duduk bersila (upong
panlalaki) bukod pa sa pagtawa nang malakas. Itinuro
niya sa mga kapatid na sina Roekmini at Kardinah
(tingnan ang Larawan 7) na tawagin lamang siya sa
pangalang Kartini. Ayaw ni Kartini ng pagtratong
pormal na laganap sa kamaharlikahan. Sa kulturang
Javanese, ginagamit ang kromo at kromo inggil bilang
wika ng mapitagan at magalang na kamaharlikahan.
Samantala, ang ngoko ay wikang di-pormal na laganap
sa mga ordinaryong tao (Teodoro 1996). Kung gayon,
nais ni Kartini na kinakausap siya sa wikang ngoko.

Panghuli, ang KPOJ ay maaaring batis pangkasaysayan


(Pausacker et al. 2017; Simanjuntak 2017). Ngunit hindi
rin isinasantabi ang TPOK sa pagkakataong ito dahil
kahit papaano ay may aspektong pangkasaysayan din
ito bilang historical fiction. Kung gayon, kahit na may
kakulangan ang TPOK o kahit siguro ang KPOJ, mainam
na gamitin ang dalawang pelikula upang maunawaan
ang kasaysayan ng kilusang kababaihan sa Indonesia.
Sa kontekstong historikal, mahalaga ang naging pag-
aaral ni Mary Dorothy Jose (2015) upang muling tingnan
186 Kulturang Popular na Asyano

Larawan 7: Si Kartini sa Pagiging Malaya. Kuhang larawan


mula sa Netflix (Bramantyo 2017).

ang masaklaw na Araling Kababaihan. Sa Indonesia,


madalas ituring ang kilusang feminista bilang bahagi
lamang ng kilusang panrelihiyon o kung minsa’y
naihihiwalay pa sa kilusang nasyonalista. Malinaw na
nasyonalismo ang pinagmulan ng kilusang feminista ng
kababaihang Indones. Naging mahalaga ang unang hati
ng dantaon 20 sapagkat dito nila nilayon ang
pagkakapantay-pantay sa lahat ng larangan. Sa kaso ng
mga Indones, dagok para sa kababaihan na pagsabayin
ang paggigiit ng nasyonalismo mula sa mga kolonisador
at karapatan bilang mga babae laban sa mga seksistang
kalalakihan (Jose 2015). Minsan, nag-iiba ng landas ang
kilusang feminista at kilusang nasyonalista. May ilang
radikal na feminista ang kumalas dahil naniniwala
silang hindi prayoridad ng kilusang nasyonalista na
buwagin ang sistemang sumisikil sa kanilang karapatan,
lalo na ang polygamiya (Jose 2015). Makikita ito
halimbawa sa pelikulang KPOJ, hati ang pananaw ng
mga babaeng priyayi hinggil dito. Bagama’t isang proto-
feminista si Kartini, matagal na niyang kinokondena
TUGANO: Representasyon kay Kartini 187

ang polygamiya. Ngunit para sa ibang Raden Ayu na


nahihirapan din sa sistemang patriyarkal, makikita pa
rin sa kanila ang labis na pagsunod sa kautusang adat na
siyang nagpapatibay sa polygamiya. Gayumpaman, ang
aral ni Kartini ay naging inspirasyon sa ilang feminista
na kalauna’y makaramdam din ng mga katangiang
nasyonalista.

Pagsusuring Subtekstwal

Nabahiran ng elementong subtekstwal ang dalawang


pelikula tungkol kay Kartini. Sa pamamagitan ng
pagsusuring ito, sinisipat ang kahulugan ng maliliit o
espesipikong katangian ng pelikula. Tinatangkang
mahukay ng mambabasa o manonood ang halos mga
pribadong sinasabi ng manunulat o direktor. Pag-alam
ito sa lihim na kahulugan ng mga pangalan, eksena,
lunan, panahon, talinhaga, tono, at damdamin (Evasco
et al. 2011). Malapit ang ganitong pagsusuri sa layunin
at katangian halimbawa ng isang alegorya, na esensiyal
sa pormulasyon ng mga kahulugan at pagpapalaki o
pagpapalawak ng isang maliit na diskurso (Hurley 2010;
Tolentino 2011). Kinakasangkapan sa alegorya ang isang
piksyonal na bagay, lugar, tao, o pangyayari upang (1)
ikubli ang katotohanan at (2) bumuo ng
interpretasyon/reinterpretasyon ang mga bumabasa o
manonood.

Yamang pagmamay-ari na ng mga manonood ang


kahulugan ng isang pelikula, sang-ayon o salungat,
sadya o hindi sadya sa totoong layunin ng direktor,
kailangan pa rin itong iugnay sa realidad. Kaya’t halos
nagkatulad ang kontekstwal at subtekstwal (Evasco et
al. 2011). Maraming makikitang simbolo sa mga
pelikulang TPAK at KPOJ. Halimbawa, ang piksyonal
188 Kulturang Popular na Asyano

na karakter ng batang si Ningrum. Ipinakita ng TPAK


na isa siya sa mga batang babaeng pinagkaitang
makapag-aral. Naging magandang pagkakataon para sa
kanya ang maturuan ni Kartini na kalauna’y
nakapaghikayat ng maraming batang babae. Sa kabila
ito ng pagtutol ng kanilang mga magulang na hindi
makakapaglaman ng sikmurang gutom ang pagpasok sa
paaralan. Maabilidad at nagpupursigi si Ningrum—
nagbabasa at nagsusulat kahit sa liwanag lamang ng
apoy. Matapos ang paghihiwalay ng landas nina Kartini
at Sarwadi, isinama ng huli ang kanyang anak pabalik sa
Semarang. Dala-dala ni Ningrum ang aral at ideyang
nakuha kay Kartini. May isang eksena sa TPAK na
nagdamit pa ito katulad ng kay Kartini (tingnan ang
Larawan 8). Magtuturo na rin pala siya sa mga
kababayang Indones at ito’y ikinatuwa ni Sarwadi.

Ano ang subtekstwal na kahulugan ni Ningrum bilang


isang piksyonal na karakter? Sinasagisag niya ang mga
paaralan at tagasunod ni Kartini pagkatapos ng kanyang
kamatayan noong 1904. Maaaring ipagpalagay na
sagisag si Ningrum ni Raden Dewi Sartika (1884-1947)
ng Cicalengka, Bandung na kinilala rin sa pagbubukas
ng edukasyon sa kababaihan. Sa edad 18, tinuruan niya
ang kabataang taga-Bandung sa likod ng kanilang
tahanan kung paano bumasa at sumulat. Ang ganitong
inisyatiba ni Sartika ay nagdala sa pagbubukas ng
sampung sangay ng paaralan sa Indonesia (Tugano
2021). Maaaring simbolo rin si Ningrum ni Ibu
Abdoerachman, na isang priyayi at nagtatag ng Poeteri
Merdeka (Babaeng Malaya) noong 1913 at ilang
paaralang isinunod kay Kartini sa Bogor noong 1919
(Teodoro 1996). Gayundin, maiuugnay si Ningrum kay
Ibu Rahma El Junusia, na nagbukas ng paaralang
Islamiko para sa kadalagahan ng Minangkabau, Sumatra
noong 1992. Noong 1913, nagtatag din ang pamahalaang
TUGANO: Representasyon kay Kartini 189

Larawan 8: Si Ningrum na Nakaposturang Kartini.


Kuhang larawan mula sa Netflix (Lubis & Varidia 2016).

Olandes ng isang Kartinifonds (Pondong Kartini) para


paglaanan ng pondo ang pagpapatayo ng paaralan ng
kababaihang Indones (Teodoro 1996). Maliban sa
Kartinifonds, bínuo rin noong 2000 ang The Kartini
Prize ng isang alkalde sa The Hague upang kilalanin ang
mga natatanging babaeng nakapag-ambag sa lipunan.
Gayumpaman, kung minsan, ang nasabing patimpalak
ay nagdadala ng kalabuan at diskriminasyon sa pagitan
ng mga autochtoon (mga isinilang sa lupa ng Olanda) at
ng mga allochtoon o allochtonen (mga isinilang sa labas
ng Olanda), sa anyo halimbawa ng mga migranteng
mula sa Asya (Bilj 2020b).

Maliban sa malayang edukasyon, maaari ring tingnan si


Ningrum bilang simbolo ng mga kilusang kababaihang
sumunod sa aral at ideolohiya ni Kartini. Ilan sa mga ito
ang Putri Mardika (1912) sa Java; Aysyiyah (1917);
Pertjintaan Iboe Kepada Anak Toeroen (PIKAT) (1917) sa
Manado; Poetri Boedi Sedjati (1919) sa Surabaya; Sarekat
Kaoem Iboe Soematra (1920) sa Bukittinggi; Wanita
Taman Siswa (1922), Wanita Katolik (1924), at
190 Kulturang Popular na Asyano

Damesafdeeling Jong Islamieten Bond (1925) sa


Yogyakarta; Ina Toemi (1927) sa Ambon; at Poetri Setia
(1928) sa Manado (Jose 2015).

Samantala, ipinagpapalagay kong malalim ang mensahe


ng isang eksena sa KPOJ lalo sa pag-uusap nina Kartini
at kapatid nitong si Sosrokartono. Malungkot si Kartini
dahil sa seklusyon kaya’t bago umalis si Sosrokartono
papuntang Olanda, ibinigay niya sa kapatid ang susi ng
isang aparador na punong puno ng aklat na para sa
kanya ay magpapalaya kay Kartini. Napag-usapan din
ng dalawa si Pandita Ramabai Saraswati (1858-1922)4 na
isang manlalakbay at aktibista mula sa India. Batay sa
KPOJ, naiinggit si Kartini kay Ramabai na malayang
naglakbay at hindi sumailalim sa seklusyon katulad
niya. Sumakto ang paglalapat ng direktor kina Ramabai
at Kartini. Bukod sa halos magkasingkaarawan ang
dalawa (Abril 21, 1879 si Kartini at Abril 23, 1858 si
Ramabai), kilala rin si Ramabai sa pagbubukas ng
Sharada Sadan o paaralang para sa kababaihang caste
(Hazard 2009).

Sa parehong eksena, kapansin-pansin din ang paghawak


at pagtugtog ni Kartini ng gamelan (tingnan ang
Larawan 9). Kung napansin ng ilang rebyu ang pag-upo
ni Kartini sa posisyong duduk bersila (Pausacker et al.
2017) na para lamang sa lalaki, napansin ko ang lihim na
mensahe ng gamelan. Isang panlalaking gawain ang
pagtugtog ng orkestrang gamelan at ipinagbabawal ito
sa kababaihan. Ayon sa paniniwalang Indones,
malamya at kulang sa bakat (talento) ang mga babae
kaya’t gawaing pantahanan lamang ang nababagay sa
kanila at hindi ang pagtugtog ng mga instrumento
(Diamond 2008). Patriyarkal ang Gamelan Beleganjur.5
Mahalaga kay Kartini ang gamelan sapagkat minsan
na siyang nahumaling dito (Celarent 2015). Ito rin ang
TUGANO: Representasyon kay Kartini 191

Larawan 9: Si Kartini sa Pagpapatugtog ng Gamelan.


Kuhang larawan mula sa Netflix (Bramantyo 2017).

nagbukas noong dekada 1960 upang pag-aralan ng


kababaihan ang gamelan. Nabuo ang Konservatori
Karawitan o Sekolah Mengengah Karawitan Indonesia
bilang isang paaralang magtuturo sa kababaihan ng
pagtugtog (Bakan 1997). Kaya’t dumami na rin sa
ngayon ang Belaganjur Wanita (babaeng tumutugtog ng
gamelan) na naniniwala sa emansipasi wanita (babaeng
malaya) at mapagpalayang pagtugtog ng mga babae.
Halimbawa na rito ang Ibu Kita Kartini Gamelan Mini.

Pagsusuring Intertekstwal

Sa pagsusuring intertekstwal, nagkakaroon ng mga


hinuha ang mambabasa o manonood na ang akda o
pelikula ay nagkakaugnay o mayroong pinagmulang
dakilang bukal (Evasco et al. 2011). Higit na natukoy sa
pagsusuring ito ang pinanggagalingang tradisyon at
impluwensiya o kapookan ng direktor. Gayundin ang
kaugnayan ng teksto sa iba pang teksto. Malinaw na
umusbong ang mga pelikulang TPAK at KPOJ sa mga
tekstong historikal na nariyang makikita at mababasa.
192 Kulturang Popular na Asyano

Malamang nagbasa-basa at sumangguni sina Lubis at


Varidia (TPAK) at Bramantyo (KPOJ) sa mga iskolar at
iba pang teksto. Nabanggit naman sa kabuuan ng pag-
aaral na ito ang ilang babasahing direktang tumalakay
sa buhay ni Raden Adjeng Kartini—i.e. mga salin
(Damais 1960; Toer 1962; Symmers 1976; Beekman
1984); mga artikulo (Taylor 1980; Teodoro 1998;
Celarent 2015; Woodward 2015; Bijl 2017); mga wikang
F/Pilipinong akda (Mabanglo 1987; Teodoro 1996); at
nagdaang pelikula (Djarot 1998). Natural naman talaga
sa nagsisimulang mambabasa o gagawa ng pelikula na
magbasa ng mga literaturang mayroong kaugnayan sa
nilalayong paksa.

Gayumpaman, dahil usapin ito ng kulturang popular,


hindi talaga maaasahan ang absolutong representasyon
ng mga tauhan at kaganapan. Katulad ng TPAK, umikot
sa malikot na imahinasyon ng direktor na isang artistic
liberty, na marahil mayroon itong rason kung bakit
hindi siya gumamit ng totoong karakter (Atienza 2022).
Anuman ang rasong iyon, tanging direktor lamang ang
nakakaalam. Sa paglitaw ng TPAK at KPOJ, nagluwal
ito ng samu’t saring komentaryo, rebyu, at ilang
artikulong sususog sa kalagayan ng kababaihan sa
panahon ni Kartini (Pausacker et al. 2017; Simanjuntak
2017; Bariqoh et al. 2018; Solekhah 2018; Robinson 2018;
Sundari 2019; Putri & Mulatsih 2020; Haag 2022).
Maiuugnay ang lahat ng ito sa kasalukuyang lipunan.

Bagama’t nabanggit na sa pagsusuring kontekstwal ang


pinag-ugatan ng pelikula, mahalagang ipagdiinan ang
panahon bago ang 2016. Lumalala pa rin ang mga child
marriage sa Indonesia. Nagdulot ito upang tanghalin
ang Indonesia bilang pangalawa sa Timog Silangang
Asya (Missiyah 2016) at buong Asya-Pasipiko (Sparks
2020) sa mga bansang delikado para sa kababaihan.
TUGANO: Representasyon kay Kartini 193

Kaya’t noong Abril 22, 2016, bilang paggunita sa ika-137


Araw ni Kartini, kinondena ng ilang kababaihan at
kabataan sa Semarang ang child marriage. Maliban pa
rito, iginiit nila ang karapatan, benepisyo, at proteksyon
sa paggawa. Noong 2013, nagtatrabaho ang kababaihan
hanggang 15 oras kapalit ang 38 dolyar (USD) bawat
buwan (Missiyah 2016). Maliban sa mga babasahin
tungkol sa buhay ni Kartini, maiuugnay ang pelikula sa
iba pang teksto.

Ayon kay Dina Afrianty (2018), dahil sa lumalalang


karahasan kontra-kababaihan, gumawa ng panukalang
batas ang pamahalaang Indones na magwawakas sa mga
sekswal na karahasan. Ito ang panukalang Dewan
Perwakilan Rakyat Republik Indonesia na naisabatas
bilang Peraturan Pemerintah Pengganti Undang-
Undang o Undang-Undang Perlindungan Anak (Law No.
1 of 2016 on Child Protection). Layunin ng batas na
suplungin ang may sala at pangalagaan ang kababaihan
at kabataan mula sa child marriage at ilang krimen
katulad ng panggagahasa. Pinalawak din ang batas
kontra-diskriminasyon sa kababaihan noong 2016.
Layunin din ng nasabing batas na sugpuin ang iba pang
krimen sa lipunang Indones lalo na ang lumalalang kaso
ng panggagahasa. Tumaas ang reyt ng panggagahasa sa
kabataang Indones noong 1965-1966, kasagsagan ng
Indonesian Communist Purge; 1974-1999, okupasyon ng
pamahalaang Indonesia sa Timor Leste bago ito maging
hiwalay na bansa; 1998, taon ng binansagang May 1998
Riots na humantong sa pagkakabagsak ng rehimeng
Soeharto; at 1998-2001, panahon ng militarisasyon sa
Maluku at Poso, Sulawesi, bilang mga halimbawa (AJAR
2020).

Maiuugnay rin ang mga pelikulang TPAK at KPOJ


bilang paghahanda sa sentenyal na selebrasyon ng
194 Kulturang Popular na Asyano

kilusang kababaihan sa Indonesia. Lalo na ang KPOJ,


eksaktong ika-100 taon ito ng pagkakatatag ng Aysyiyah
bilang pinakamatandang organisasyong
pangkababaihan sa Indonesia, na lumalaban para sa
awtonomiya, edukasyon, at kasarinlan at naghawan ng
landas pagdating ng huling bahagi ng dantaon 20 at
maagang bahagi ng dantaon 21 (Jose 2015). Sa inilabas
na pag-aaral, A Hundred Years of Feminism in Indonesia
nina Gadis Arivia at Nur Imam Subono (2017), sinabing
bagama’t progresibo ang kilusang feminista sa
Indonesia, nakararanas pa rin ito ng ilang suliranin at
marhinalisasyon mula sa mga pundamentalista,
konserbatibo, at right-wing populist. Pinagdiinan din
nila ang ilang hakbang upang mas lalong pagyamanin
ang kamalayan sa pagsusulong ng karapatang
pangkababaihan. Anila,

Third World or Indonesian feminist scholarship


should be supported to develop its own
production, publication, distribution, and
consumption of ideas and be used as an
analytical and strategic tool to develop its own
gender knowledge and practices (Arivia &
Subono 2017).

Mula sa pahayag na ito, masasabing kabilang ang mga


pelikulang TPAK at KPOJ sa ahenteng nagsulong ng
produksyon at distribusyon ng mga ideya at kaalaman
tungkol sa kababaihang Indones. Samakatwid, ang
taong 2016 kung kailan pinagtibay ang mga batas
pangkababaihan; na nasundan ng taong 2017 kung
kailan ginunita ang sentenyal na Araw ng Kababaihan
ay intertekstwal na pinanggalingan ng produksyon ng
mga pelikulang TPAK at KPOJ. Anu’t anupaman ang
nilalaman at kaibahan ng mga pelikulang ito, posibleng
TUGANO: Representasyon kay Kartini 195

tingnang tumugon ang mga ito sa pangangailangan ng


lipunang Indones.

PANGWAKAS

Napagtantong larawan ng isang lipunan ang kulturang


popular katulad ng mga pangkasaysayang pelikula.
Itinuro tayo ng TPAK at KPOJ sa tatlong pagpapahalaga.
Una, sa Araling Kabanwahan, upang siyasatin ang
ugnayan ng Indonesia at Pilipinas dahil sa maraming
elemento, pagkakataon, at aspekto, nagkakatulad ang
dalawang lipunan. Pangalawa, sa Araling Timog
Silangang Asya, nang sa gayo’y maunawaan ang
rehiyonalismong Asyano na may kakayahang luminang
ng sarili nitong kultura na angkop sa pangangailangan
ng kani-kanilang bayan. Inangkin at hindi lamang basta
kopya ang naging tunguhin ng TPAK at KPOJ dahil
malinaw na ipinakita sa mga ito ang panlasa ng mga
Indones pagdating sa kulturang popular. Pangatlo, sa
Araling Kababaihan, na nagtampok kay Raden Adjeng
Kartini (1879-1904) hindi lamang bilang isang babae
ngunit maimpluwensiyang indibidwal na humawan sa
landas na tinatamasa ngayon ng kababaihang Indones.

Sa pagsusuring tekstwal, kontekswal, subtekstwal, at


intertekstwal, induktibong napaghimay ang kabuuang
anyo ng kulturang popular na Asyano-Indones—mula
sa representasyon, layunin, hanggang sa moralismo,
formalismo, at feminismong katangian na maaaring
makuha rito. Higit pa, nakatulong ang mga pelikula
upang muling buhayin ang Pilipinong kamalayan sa
lipunang Indones. Paghahanap ito ng halaga ng
Indonesia sa Pilipinas at ang lugar ng Pilipinas sa
Indonesia. Posible ito sa pagpopook ng mga indibidwal
(Teodoro 1996; Navarro 2012b; Guillermo 2013; Victoria
196 Kulturang Popular na Asyano

2015; Tugano 2019) o pangkat (Jose 2015; Tugano 2021)


na nagpapahalaga sa Kasaysayang Buhay ng mga
Pilipino at Indones bilang Timog Silangang Asyano.

Talahuli
*
Binasa ang bahagi ng papel na ito sa pagpaksa kay “Si Raden
Adjeng Kartini (1879-1901) at ang Maagang Kilusang
Kababaihan sa Indonesia” sa webinar na may temang Mga
Babaeng Palaban: Ang Kasaysayan ng Kilusang
Pangkababaihan sa mga Piling Bansa sa Timog Silangang Asya
ng Office of the Gender Program (OGP), College of Arts and
Sciences (CAS), University of the Philippines (UP), Manila;
UP Manila Center for Gender and Women Studies (CGWS);
Bahagsari UP Manila; at Organization of Area Studies Majors
(OrgASM), UP Manila, Marso 29, 2022. Nirebisa para sa
publikasyong ito.
1
Maipapaliwanag sa susunod na bahagi ang ideya ng Araling
Kabanwahan bilang kontra-diskurso sa Area Studies at
Regionalism Studies na nakapadron sa kaisipang Kanluran.
Hindi lamang nito tuon ang erya ng pagsisiyasat ng mga
kaugnay na bayan at/o ibang bayan ngunit sinasaklaw rin nito
ang pag-aaral tungkol sa diplomasya, migrasyon, at ugnayang
panlabas ng Pilipinas at kaugnay na kabihasnan at/o ibang
kabihasnan (Navarro 2012a).

Ang Araling Timog Silangang Asya naman ay kabaliktaran ng


Southeast Asian Studies na problematikong tinitingnan ang
rehiyon ng Timog Silangang Asya bilang ekstensiyon at
pasibong tagatanggap ng mga “naghaharing sibilisasyon” sa
daigdig. Kaya’t nagtaas ito ng diskursong nagsasabing
tagapag-ambag din ang Timog Silangang Asya ng isang
kabihasnan (Navarro 2015). Gayundin ang tunguhin ng
Araling ASEAN bilang kontra-diskurso sa ASEAN Studies.
Ang Araling ASEAN ay nagtanghal ng taumbayan sa rehiyong
ASEAN na bagaman ay hindi naman nangangahulugang hindi
maitatanghal ang relasyong estado-sa-estado at/o nasyon-sa-
TUGANO: Representasyon kay Kartini 197

nasyon, ipinangako nitong higit na talakayin ang implikasyon


ng pag-aaral sa mga mamamayan ng Timog Silangang Asya
(Navarro 2015).

Samantala ang Araling Kababaihan (at Araling Pangkasarian)


ay bumalangkas sa katuruan ng Bagong Kasaysayan na
itaguyod ang pagsusuring malay-sa-kasarian at pag-aadhika
ng hustisyang pangkasarian at pangkalahatang
pagkakapantay-pantay—na ipinapaliwanag sa wikang
F/Pilipino (Kimuell-Gabriel 2017). Sa kaso ng artikulong ito
hinggil kay Kartini, gumamit ito ng isang neolohismong
konsepto ng Feminismong Kabanwahan (Tugano 2021), mula
sa kambal na pagpapahalaga sa Araling Kabanwahan (Navarro
2012a) at Feminismong Bayan (Jose 2020; Jose 2021a; Jose
2021b). Ang Feminismong Kabanwahan ay isang pag-aaral sa
kababaihan na may layuning pag-ugnayin at/o pag-ugnay-
ugnayin ang Pilipinas at ibang bayan (Tugano 2021). Malaki
ang impluwensiya rito ng binuong Feminismong Bayan ni
Mary Dorothy Jose. Aniya:

Sa pagsusuri sa imahen ng kababaihan sa mga akda


sa paglalakbay, ginamit ang balangkas ng
feminismong-bayan bilang yunit ng analisis upang
maitaguyod ang kagalingan ng kababaihan at
malabanan ang pagsasagilid at pagsasawalang-
kapangyarihan sa kanila sa kasaysayan at lipunan.
Bilang isang malawakang lapit sa pag-aaral at
pagkilos ng kababaihan sa kontekstong Pilipino,
nakabatay ang feminismong-bayan sa pagkilala sa
pagkakaugnay at pag-uugnay sa mga
nagsasangandaang diskurso’t talastasan tungkol sa
feminismo at bayan, maging sa loob man o labas ng
bayan (Jose 2020).
2
Ang adat ay kalipunan ng mga nilikhang batas (customary
law) o mga pre-Islamikong kagawian na “labas” at/o ‘di-
tanggap ng mga konserbatibong Javanese. Sa kasaysayan ng
Indonesia, likas na ang mga ganitong tunggalian. Maliban sa
alitan ng mga ratu ng negara at ng mga adjar, makikita
halimbawa sa Minangkabau, Sumatra ang tunggalian ng mga
198 Kulturang Popular na Asyano

padris o traditionalist kabilang ang mga ulama (iskolar ng


Islam na nakarating sa Arabiya) at ng mga adat. Tinutulan ng
mga padris ang ilang kagawiang adat katulad ng folk Islam,
pagsusugal at pagbibisyo, at ang direktang pag-uugat ng
matrilinyal (matriarchaat) na uri ng pamumuno ng
kababaihan sa isang pamayanan (Tugano 2019).
3
Ang Feministang Liberal ay higit na nakatuon sa sosyo-
ekonomikong karapatan at kagalingan ng kababaihan sa
usapin ng paggawa at/o paghahanapbuhay, karapatan sa
politika, at karapatan sa edukasyon. Kadalasan din nitong
ipinaglalaban ang pagkakapantay-pantay sa benepisyo,
suweldo, at paglaban sa mga pang-aabusong sekswal lalo na
sa pook-pinagtatrabahuhan (cf. Taguiwalo 2011; Kimuell-
Gabriel 2023). Ayon kay Mary Dorothy Jose (2021b), malaki
ang naiambag ng mga feminismong klasikal katulad ng
Feministang Liberal—kasama na ang Feminismong Marxista,
Feminismong Sosyalista, at Feminismong Radikal—sa pag-
usbong ng iba pang uri ng feminismo sa mga susunod na
yugto.
4
Una kong nakilala si Pandita Ramabai Saraswati (1858-1922)
sa lekturang Alternative Sociologies, Counter-Sociologies nina
Syed Farid Alatas at Vineeta Sinha (2020) ng National
University of Singapore (NUS). Kilala si Ramabai sa kanyang
aklat na Pandita Ramabai’s American Encounter: The Peoples
of the United States (1889), unang akdang pangmanlalakbay
ng isang babaeng taga-India na nagpakita ng pagtuligsa sa
namamayaning rasismo at Orientalismo (Chandorkar 2013).
5
Sinasagisag ng beleganjur ang keberanian = berani o wanen
(katapangan); kepahlawanan (kabayanihan); at kekerasan
(kalakasan) (Bakan 1997; Downing 2010).

Sanggunian

Afrianty, Dina. 2018. Agents for Change: Local Women’s


Organizations and Domestic Violence in
TUGANO: Representasyon kay Kartini 199

Indonesia. Bijdragen tot de Taal-, Land- en


Volkenkunde 174, blg. 1: 24-46.

Asia Justice and Rights (AJAR). 2020. Submission to the


UN Committee on the Elimination of All Forms
of Discrimination Against Women (CEDAW) for
Its Review of Indonesia. Jakarta: Asia Justice and
Rights, PASKA, at Papuan Women Working
Group.

Alatas, Syed Farid at Vineeta Sinha. 2020. Alternative


Sociologies, Counter-Sociologies: Jose Rizal and
Pandita Ramabai Saraswati’s Contributions to
Sociological Theory. Papel na binasa sa
Anthropological and Sociological Initiatives of
the Ateneo Seminar Series on the Web,
Department of Sociology and Anthropology,
Ateneo de Manila University, Quezon City,
Philippines, Setyembre 22.

Anderson, Benedict. 1970. In Memoriam: Soe Hok-Gie.


Indonesia 9 (Abril): 225-227.

Apriyanti, Fitri at Rahmi Aulia Nurdini. 2021. An


Analysis of Feminism in Merry Riana: Mimpi
Sejuta Dolar Movie. Ed-Humanistics 6, blg. 2:
817-823.

Arivia, Gadis at Nur Iman Subono. 2017. A Hundred


Years of Feminism in Indonesia: An Analysis of
Actors, Debates and Strategies. Jakarta:
Friedrich Ebert Stiftung.

Atienza, John Adrianfer. 2022. Personal na


komunikasyon ni Axle Christien Tugano.
Facebook Messenger, Abril 1.
200 Kulturang Popular na Asyano

Avellana, Jose Mari, dir. at iskrip. 1997. Damong Ligaw.


Premiere Entertainment.

Bakan, Michael. 1998. From Oxymoron to Reality:


Agendas of Gender and the Rise of Balinese
Women’s Gamelan Beleganjur in Bali,
Indonesia. Asian Music 29, blg. 1: 37-85.

Bariqoh, Asri, Setya Yuwana Sudikan, at Endang


Surachni. 2018. Hyperreality in Surat Cinta
Untuk Kartini’s Film. Advances in Social
Science, Education and Humanities Research
222: 253-256.

Beekman, E., tsln. 1984. Kartini: Letters from a Javanese


Feminist, 1899-1902. The Massachusetts Review
25, blg. 4: 579-616.

Bijl, Paul. 2017. Legal Self-Fashioning in Colonial


Indonesia: Human Rights in the Letters of
Kartini. Indonesia 103, blg. 1 (Abril): 51-71.

Bijl, Paul. 2020a. Hierarchies of Humanity: Kartini in


America and at UNESCO. Nasa Appropriating
Kartini: Colonial, National, and Transnational
Memories of an Indonesian Icon, mga pat. Paul
Bijl at Grace Chin, 46-72. Singapore: ISEAS
Yusof Ishak Institute.

Bijl, Paul. 2020b. Kartini and the Politics of European


Multiculturalism. Nasa Appropriating Kartini:
Colonial, National, and Transnational Memories
of an Indonesian Icon, mga pat. Paul Bijl at
Grace Chin, 157-174. Singapore: ISEAS Yusof
Ishak Institute.
TUGANO: Representasyon kay Kartini 201

Bijl, Paul at Grace Chin. 2020. Introduction. Nasa


Appropriating Kartini: Colonial, National, and
Transnational Memories of an Indonesian Icon,
mga pat. Paul Bijl at Grace Chin, 1-16.
Singapore: ISEAS Yusof Ishak Institute.

Biran, Misbach. 2009. Sejarah Film 1900-1950: Bikin Film


di Jawa (History of Film 1900-1950: Making Films
in Java). Jakarta: Komunitas Bambu.

Blackwood, Evelyn. 2005. Gender Transgression in


Colonial and Postcolonial Indonesia. The
Journal of Asian Studies 64, blg. 4 (Marso): 849-
879.

Bramantyo, Hanung, dir. 2010. Sang Pencerah (The


Enlightener). MVP Pictures.

Bramantyo, Hanung, dir. at iskrip. 2017. Kartini:


Princess of Java. Legacy Pictures.

Bramantyo, Hanung, dir. at Ben Sihombing, iskrip. 2013.


Soekarno: Indonesia Merdeka. Dapur Film at
MVP Pictures.

Brenner, Suzanne. 1991. Competing Hierarchies:


Javanese Merchants and the Priyayi Elite in
Solo, Central Java. Indonesia 51, blg. 1
(Oktubre): 55-83.

Carlano, Marianne. 1995. Wild and Waxy: Dutch Art


Nouveau Artistic Dress. Art Journal 54, blg. 1:
30-33.

Celarent, Barbara. 2015. Letters from Kartini by Raden


Ajeng Kartini; On Feminism and Nationalism
202 Kulturang Popular na Asyano

by Raden Ajeng Kartini. American Journal of


Sociology 121, blg. 3 (Nobyembre): 1004-1015.

Chandorkar, Leena. 2013. The Circle of Travel and the


Journey of Life: Rereading Pandita Ramabai’s
American Travelogue. Indian Literature 57, blg.
6 (Nobyembre-Disyembre): 160-172.

Chin, Grace. 2020. Ambivalent Narration: Kartini’s


Silence and the Other Woman. Nasa
Appropriating Kartini: Colonial, National, and
Transnational Memories of an Indonesian Icon,
mga pat. Paul Bijl at Grace Chin, 73-102.
Singapore: ISEAS Yusof Ishak Institute.

Chua, Michael Charleston. 2020. Xiao Talks: Defining


Public History, Kasaysayang Pangmadla and
Pamana. YouTube channel ni Xiao Chua, pinost
noong Mayo 3, https://bit.ly/3LFKFzP (nakuha
noong Marso 26, 2022).

Cote, Joost. 2020. Crafting Reform: Kartini and the


Imperial Imagination, 1898-1911. Nasa
Appropriating Kartini: Colonial, National, and
Transnational Memories of an Indonesian Icon,
mga pat. Paul Bijl at Grace Chin, 17-45.
Singapore: ISEAS Yusof Ishak Institute.

Damais, Louis Charles, tsln. 1960. Lettres de Raden


Adjeng Kartini: Jave en 1900. Paris at La Haye:
Mouton & Co.

Dekker, Eduard Douwes. 1860. Max Havelaar, of de


koffiveilingen der Nederlandsche Handel-
Maatschappy. London: Penguin Classics, 2013.
TUGANO: Representasyon kay Kartini 203

Diamond, Catherine. 2008. Fire in the Banana’s Belly:


Bali’s Female Performers Essay the Masculine
Arts. Asian Theatre Journal 25, blg. 2: 231-271.

Djarot, Eros, dir. 1998. Tjoet Nja’ Dhien. Kanta Indah


Film.

Djaya, Sjuman, dir. 1982. R.A. Kartini. PT Nusantara


Film.

Downing, Sonja Lynn. 2010. Agency, Leadership, and


Gender Negotiation in Balinese Girls’ Gamelans.
Ethnomusicology 54, blg. 1: 54-80.

Elumbre, Adonis. 2015a. Lokalisasyon at Kabanwahan


Bilang mga Lapit sa Rehiyonalismo ng Timog
Silangang Asya. Nasa Pantayong Pananaw:
Pagyabong ng Talastasan; Pagbubunyi kay Zeus
A. Salazar; Tomo I: Araling Pangkapaligiran,
Pilipinolohiya, Sikolohiyang Pilipino,
Pilosopiyang Pilipino, at Araling Kabanwahan,
mga pat. Atoy Navarro, Mary Jane Rodriguez-
Tatel, at Vicente Villan, 262-284. Quezon City:
Bahay-Saliksikan ng Kasaysayan/Bagong
Kasaysayan, Inc.

Elumbre, Adonis. 2015b. Pagpopook ng Araling Timog


Silangang Asya at Araling ASEAN sa Araling
Kabanwahan. SALIKSIK E-Journal 4, blg. 2
(Nobyembre): 1-26.

Evasco, Eugene, Atoy Navarro, Will Ortiz, at Mary Jane


Rodriguez-Tatel. 2011. Saliksik: Gabay sa
Pananaliksik sa Agham Panlipunan, Panitikan,
at Sining. Quezon City: C & E Publishing, Inc.
204 Kulturang Popular na Asyano

Fierdha, Shenny at Chandni Vasandani. 2018. Violence


Against Women on the Rise in Indonesia:
Report. Websayt ng Anadolu Agency, pinost
noong Agosto 3, https://bit.ly/3u6Avm0
(nakuha noong Marso 29, 2022).

Ford, Larry. 1993. A Model of Indonesian City Structure.


Geographical Review 83, blg. 4 (Oktubre): 374-
396.

Forsythe, Michael. 2015. Migrant Worker Wins Hong


Kong Abuse Case. Websayt ng The New York
Times Magazine, pinost noong Pebrero 10,
https://nyti.ms/3uYmHJD (nakuha noong
Marso 25, 2022).

Gie, Soe Hok. 1983. Catatan Seorang Demonstran.


Jakarta: Pustaka LP3ES Indonesia, 2005.

Guillermo, Ramon. 2013. Andres Bonifacio: Bayaning


Proletaryo ng Pilipinas at Indonesia. Nasa Salita
ng Sandata: Bonifacio’s Legacies to the People’s
Struggles, mga pat. Bienvenido Lumbera, Judy
Taguiwalo, Rolando Tolentino, Gerry Lanuza, at
Gonzalo Campoamor II, 173-183. Quezon City:
IBON Foundation, Inc.

Haag, Karin Loewen. 2022. Kartini (1879–1904).


Websayt ng Encyclopedia.com,
https://bit.ly/3NMOvJp (nakuha noong Marso
24, 2022).

Hazard, Sonia. 2009. Pandita Ramabai: Student, Seeker,


and Visionary Leader. Websayt ng Hurights
Osaka, https://bit.ly/3r15ZIo (nakuha noong
Abril 1, 2022).
TUGANO: Representasyon kay Kartini 205

Heeren, Katinka van. 2012. Contemporary Indonesian


Film: Spirits of Reform and Ghosts from the Past.
Leiden: Brill.

Hernandez-Perez, Manuel. 2019. Looking Into the


Anime Global Popular and the Manga Media:
Reflections on the Scholarship of a
Transnational and Transmedia Industry. Nasa
Japanese Media Cultures in Japan and Abroad:
Transnational Consumption of Manga, Anime,
and Media-Mixes, pat. Manuel Hernandez-
Perez, 1-14. Basel: Palgrave Macmillan.

Hill, David. 1992. The Press in a Squeeze: Operating


Hazards in the Indonesian Print Media.
Southeast Asian Journal of Social Science 20, blg.
2: 1-28.

Holmes, Oliver. 2016. Mary Jane Veloso: What


Happened to the Woman Who Escaped
Execution in Indonesia? Websayt ng The
Guardian, pinost noong Abril 28,
https://bit.ly/3u88cn5 (nakuha noong Marso
25, 2022).

Hurley, James. 2010. Titanic Allegories: The Blockbuster


as Art Film. Strategies: Journal of Theory,
Culture & Politics 14, blg. 1 (Agosto): 91-120.

Internet Movie Database (IMDb). 2016. The Postman


and Kartini (2016). Websayt ng IMDb,
https://imdb.to/3JfkCOf (nakuha noong Abril 7,
2022).

Internet Movie Database (IMDb). 2017. Kartini:


Princess of Java (2017). Websayt ng IMDb,
206 Kulturang Popular na Asyano

https://imdb.to/3uNc7Vq (nakuha noong


Marso 25, 2022).

Jose, Mary Dorothy. 2015. Pagsisimula ng Kilusang


Feminista sa Pilipinas at Indonesia: Panimulang
Paghahambing. SALIKSIK E-Journal 4, blg. 2
(Nobyembre): 27-58.

Jose, Mary Dorothy. 2020. Imahen ng Kababaihan sa


mga Aklat Paglalakbay sa Harap ng
Imperyalismong Amerikano: Isang Feministang
Pagsusuri. Diliman Gender Review 3, blg. 1: 20-
51.

Jose, Mary Dorothy. 2021a. Pambungad: Mga


Natatanging Babaeng Bayani ng Kamaynilaan sa
Panahon ng Himagsikan. Nasa Mga
Natatanging Babaeng Bayani ng Kamaynilaan sa
Panahon ng Himagsikan, mga pat. Mary
Dorothy Jose at Atoy Navarro, 1-4. Manila:
Office of the Gender Program & Manila Studies
Program at College of Arts and Sciences,
University of the Philippines Manila.

Jose, Mary Dorothy. 2021b. Kababaihan, Potograpiya, at


Kasaysayan: Isang Pagsusuri sa Imahen ng
Kababaihan sa Potograpiyang Kolonyal sa
Harap ng Imperyalismong Amerikano. Ph.D.
disertasyon sa Philippine Studies, University of
the Philippines Diliman.

Kantor Pengelola Kawasan Monumen Nasional


(KPKMN). w.tn. Statue Kartini. Websayt ng
Google Arts & Culture, https://bit.ly/3NPj1Ce
(pinost noong Marso 24, 2022).
TUGANO: Representasyon kay Kartini 207

Katz, June at Ronald Katz. 1975. The New Indonesian


Marriage Law: A Mirror of Indonesia’s Political,
Cultural, and Legal Systems. The American
Journal of Comparative Law 23, blg. 4: 653-681.

Kehoe, Marsely. 2015. Dutch Batavia: Exposing the


Hierarchy of the Dutch Colonial City. Journal of
Historians of Netherlandish Art 7, blg. 1: 1-35.

Kimuell-Gabriel, Nancy. 2017. Ang Araling Kababaihan


at Kasarian sa Araling Pilipino at Wikang
Filipino: Kalagayan at Hinaharap. SALIKSIK E-
Journal 6, blg. 2 (Nobyembre): 1-96.

Kimuell-Gabriel, Nancy. 2023. Ang Paglabas ng Bansa


Bilang Pagpasok sa Realidad ng Manggagawa at
Kababaihan sa Buong Daigdig. Nasa Banwa at
Layag: Antolohiya ng mga Kuwentong
Paglalakbay ng mga Pilipino sa Ibayong Dagat,
pat. Axle Christien Tugano, 96-102. Manila:
Limbagang Pangkasaysayan.

Kurasawa, Aiko. 1987. Propaganda Media on Java Under


the Japanese, 1942-1945. Indonesia 44
(Oktubre): 59-116.

Lubis, Azhar Kinoi, dir. at Vera Varidia, iskrip. 2016.


Surat Cinta Untuk Kartini (The Postman and
Kartini). MNC Pictures.

Mabanglo, Ruth Elynia, tsln. 1987. Kartini, Raden


Adjeng: Mga Liham ng Isang Prinsesang
Javanese. Manila: Solidaridad Publishing
House.
208 Kulturang Popular na Asyano

Macdonald, Gerald. 1995. Indonesia’s Medan Merdeka:


National Identity and the Built Environment.
Antipode 27, blg. 3: 270-293.

Mayo, William, dir. at Jerry Tirazona, iskrip. 2002.


Lapu-Lapu. Calinauan Cineworks, Seeds of Zion
Film, at Classic Films.

Meer, Arnout van. 2020. Performing Power: Cultural


Hegemony, Identity, and Resistance in Colonial
Indonesia. Ithaca, New York: Cornell University
Press.

Missiyah. 2016. 137 Years After Kartini, It’s Time to End


Child Marriage. Websayt ng The Jakarta Post,
pinost noong Abril 22, https://bit.ly/3jdfK1u
(nakuha noong Abril 3, 2022).

Murphy, Dan. 2000. A Taboo Film No Longer Labeled


“Dangerous” in Indonesia. Websayt ng The
Christian Science Monitor, pinost noong
Nobyembre 10, https://bit.ly/3J94ePi (nakuha
noong Marso 27, 2022).

Naskar, Deep at Abhik Maiti. 2016. Japanese Anime and


its Transcultural Literary Significance: The
Development and Evolution of Isolated Escapist
Fiction and its Relation with Mainstream
Canonised Literature. International Journal of
English Language, Literature, and Translation
Studies 3, blg. 4: 475-485.

Natih, Susan. 2009. Kartini, Her Life and Letters.


Websayt ng SDN Pondok Bambu 10 Pagi Jakarta,
pinost noong Agosto 7, https://bit.ly/3j5qqzj
(nakuha noong Marso 24, 2022).
TUGANO: Representasyon kay Kartini 209

Navarro, Atoy. 2008. Kasaysayan at Pelikula:


Panonood-Pelikula sa Pagtuturo ng Bagong
Kasaysayan. Nasa Kaalaman at Pamamaraan sa
Pagtuturo ng Kasaysayan, mga pat. Atoy
Navarro, Alvin Campomanes, at John Lee
Candelaria, 133-138. Quezon City: Limbagang
Pangkasaysayan.

Navarro, Atoy. 2012a. Araling Kabanwahan,


Kasaysayang Kabanwahan, at Araling Timog
Silangang Asya. SALIKSIK E-Journal 1, blg. 2
(Setyembre): 1-32.

Navarro, Atoy. 2012b. Dalawang Hari ng Kapuluang


Timog Silangang Asya Noong Dantaon 19:
Panimulang Tala kina Pangeran Diponegoro at
Hermano Puli. Nasa PULI: Paniniwala,
Ugnayan, Lipunan, at mga Imahe sa Panahon ni
Apolinario de la Cruz, pat. Ryan Palad, 107-122.
Tayabas: Alternatibong Tahanan ng mga Akda
at Gawang Nasaliksik (ATAGAN), Inc.

Navarro, Atoy. 2015. Kasalimuotan ng mga


Pagkakakilanlan sa Timog Silangang Asya:
Tungo sa Pagtatampok sa Taumbayan sa
Araling Timog Silangang Asya at Araling
ASEAN sa Diwa ng Araling Kabanwahan.
SALIKSIK E-Journal 4, blg. 1 (Nobyembre): 139-
146.

Navarro, Atoy. 2022. Personal na komunikasyon ni Axle


Christien Tugano. Facebook Messenger, Abril 1.

Noen, Yosep Anggi, dir. at iskrip. 2016. Istirahatlah


Kata-Kata (Solo, Solitude). Limaenam Films,
210 Kulturang Popular na Asyano

KawanKawan Film, Partisipasi Indonesia, at


Yayasan Muara.

Oentari, Brigitta Sita, Rebecca Thalia Carissa Halim, at


Gabriel Fajar Sasmita Aji. 2018. Tracing the
Abuse of Political Power in Indonesia Through
Wiji Thukul’s “Catatan ’97.” Nasa Proceedings;
The 6th Literary Studies Conference, mga pat.
Naomy Bunga Rastafari at Harris Hermansyah
Setiajid, 10-15. Yogyakarta: Universitas Sanata
Dharma.

Pausacker, Helen, Dina Afrianty, Hani Yulindrasari, at


Joost Cote. 2017. Reviewing the History Behind
and Themes in Hanung Bramantyo’s Kartini.
Websayt ng Inside Indonesia, pinost noong
Hulyo 21, https://bit.ly/3LBycx4 (nakuha noong
Marso 29, 2022).

Pessoaibfilm. w.tn. Textual Analysis in Film. Websayt


ng Pessoaibfilm, https://bit.ly/3uPl5Se (nakuha
noong Marso 26, 2022).

Piocos, Carlos. 2021. Affect, Narratives, and Politics of


Southeast Asian Migration. London at New
York: Routledge.

Piocos, Carlos. 2023. Ang Sunday Day-off ng Isang


Iskolar ng Diaspora: Mga Produktibong
Tensiyon sa Pagitan ng Pananaliksik at
Pakikisangkot sa mga Naratibo at Pakikibaka ng
Migranteng Kababaihan sa Hong Kong. Nasa
Banwa at Layag: Antolohiya ng mga Kuwentong
Paglalakbay ng mga Pilipino sa Ibayong Dagat,
pat. Axle Christien Tugano, 125-130. Manila:
Limbagang Pangkasaysayan.
TUGANO: Representasyon kay Kartini 211

Puspitasari, Dyah Gayatri, Setiawan Sabana, Hafiz Azis


Ahmad, at Hanny Wijaya. 2017. Modernism in
Sang Pencerah Film Directed by Hanung
Bramantyo. Advanced Science Letters 23, blg. 4
(Abril): 3137-3139.

Putra, Nyoman Darma. 2012. Getting Organized:


Culture and Nationalism in Bali, 1959-1965.
Nasa Heirs to World Culture: Being Indonesian,
1950-1965, mga pat. Jennifer Lindsay at Maya
Liem, 315-342. Leiden: Brill.

Putri, Benedikta Atika at Maria Vincentia Eka Mulatsih.


2020. Kartini’s Teacher Concept and Principles
in Letters of a Javanese Princess. Journal of
Language and Literature 20, blg. 2 (Oktubre):
212-220.

Ramabai, Pandita. 1899. Pandita Ramabai’s American


Encounter: The Peoples of the United States
(1889). Tsln. Meera Kosambi. Bloomington:
Indiana University Press, 2003.

Riza, Riri, dir. at iskrip. 2005. Gie. Sinemart Pictures.

Robinson, Kathryn. 2018. Kartini and “Kartini.”


Websayt ng New Mandala, pinost noong Abril
21, https://bit.ly/3r4lQ8V (nakuha noong Marso
24, 2022).

Robinson, Kathryn. 2020. Call Me Kartini? Kartini as a


Floating Signifier in Indonesian History. Nasa
Appropriating Kartini: Colonial, National, and
Transnational Memories of an Indonesian Icon,
mga pat. Paul Bijl at Grace Chin, 131-156.
Singapore: ISEAS Yusof Ishak Institute.
212 Kulturang Popular na Asyano

Roño, Chito, dir. 2002. Dekada ’70. Star Cinema.

Rosenstone, Robert. 2006. History on Film/Film on


History. New York: Routledge, 2016.

Rutherford, Danilyn. 2020. Unpacking a National


Heroine: Two Kartinis and Their People. Nasa
Appropriating Kartini: Colonial, National, and
Transnational Memories of an Indonesian Icon,
mga pat. Paul Bijl at Grace Chin, 103-130.
Singapore: ISEAS Yusof Ishak Institute.

Saputra, Hestu, dir. at Alberthiene Endah, iskrip. 2014.


Merry Riana: Mimpi Sejuta Dolar (Merry Riana:
A Million Dollar Dream). MD Pictures.

Schweitzer, Marlis. 2005. The Mad Search for Beauty:


Actresses’ Testimonials, the Cosmetics
Industry, and the Democratization of Beauty.
The Journal of the Gilded Age and Progressive Era
4, blg. 3 (Hulyo): 255-292.

Setyawati, Dinita. 2013. Assets or Commodities?


Comparing Regulations of Placement and
Protection of Migrant Workers in Indonesia and
the Philippines. Austrian Journal of South-East
Asian Studies 6, blg. 2: 264-280.

Simanjuntak, Tertiani. 2017. Kartini: A Politically


Correct Version of Her Story. Websayt ng The
Jakarta Post, pinost noong Abril 21,
https://bit.ly/3NGtEHA (nakuha noong Marso
27, 2022).

Soeroto, Sitisoemandari. 1977. Kartini: Sebuah Biografi.


Jakarta: Gunung Agung.
TUGANO: Representasyon kay Kartini 213

Solekhah, Heny. 2018. Kartini: A Priyayi and her


Confronting Thought About Limited Education
During Dutch Colonialism. International
Journal of Multidisciplinary Thought 7, blg. 3:
371-380.

Sparks, Bailey. 2020. Women’s Rights in Indonesia.


Websayt ng The Borgen Project, pinost noong
Oktubre 17, https://bit.ly/3NQkQPC (nakuha
noong Marso 29, 2022).

Stout, Kathryn at Richard Stout. 2016. Movies as


Literature. Wilmington, DE: Design-A-Study.

Sundari, Misana Tri. 2019. Raden Adjeng Kartini:


Between Education and Feminism in Letters of
a Javanese Princess. Martabat: Jurnal
Perempuan dan Anak 3, blg. 2 (Disyembre): 271-
296.

Symmers, Agnes Louise, tsln. 1976. Letters of a Javanese


Princess. Kuala Lumpur: Heinemann
Educational Books (Asia) Ltd.

Taguiwalo, Judy. 2011. Babae, Obrera, Unyonista: Ang


Kababaihan sa Kilusang Paggawa sa Maynila
(1901-1941). Quezon City: University of the
Philippines Press.

Tania, Marisa. 2016. Kebaya Kartini, The Original White


Dress of Indonesia. Websayt ni Marisa Tania,
pinost noong Pebrero 25,
https://bit.ly/3uWq3wr (nakuha noong Abril 6,
2022).
214 Kulturang Popular na Asyano

Taylor, Jean Gelman. 1989. Kartini in Her Historical


Context. Bidragen tot de Taal-, Land-en
Volkenkunde 145, blg. 2-3: 295-307.

Teodoro, Noel. 1996. Ang Kontekstong Pangkasaysayan


ng mga Kaisipan ni Raden Adjeng Kartini (1879-
1904), Ibu Wanita Indonesia. Professorial Chair
Paper 11.

Teodoro, Noel. 1998. Rizal and Kartini. Public Policy 2,


blg. 2 (Abril-Hunyo): 117-129.

Thoolen, Hans, pat. 1987. Indonesia and the Rule of Law


Twenty Years of “New Order” Government: A
Study Prepared by the International Commission
of Jurists and the Netherlands Institute of
Human Rights (SIM). Geneva: International
Commission of Jurists.

Toer, Pramoedya Ananta. 1962. Panggil Aku Kartini


Sadja. Djakarta: Nusantara-Bukittinggi.

Toer, Pramoedya Ananta. 1999. Best Story; The Book


That Killed Colonialism. Websayt ng The New
York Times Magazine, pinost noong Abril 18,
https://nyti.ms/3NMVgLj (nakuha noong
Marso 24, 2022).

Tolentino, Rolando. 2011. Sipat Kultura: Tungo sa


Mapagpalayang Pagbabasa, Pag-aaral at
Pagtuturo ng Panitikan. Quezon City: Ateneo
de Manila University Press.

Tugano, Axle Christien. 2019. Hermano Puli at Imam


Bondjol at ang Kanilang mga Kilusang
Mapagpalaya sa Timog Silangang Asya: Mga
TUGANO: Representasyon kay Kartini 215

Tala sa Tungkulin ng Bayan sa Pagyabong ng


Kasaysayang Panlipunan. Nasa Independencia
1843: Ang Rehimentong Tayabas sa Daloy ng
Kasaysayan ng mga Kilusang Mapagpalaya, mga
pat. Raymundo Andres Palad at Estelita
Valdeavella-Llanita, 107-145. Tayabas City,
Quezon: Alternatibong Tahanan ng mga Akda
at Gawang Nasaliksik (ATAGAN) Inc. at
Tayabas Studies and Creative Writing Center.

Tugano, Axle Christien. 2020. Hidden Sacrifices:


Narratives of Select Filipina Overseas Workers
in Southeast Asia. Social Sciences and
Development Review 12, blg. 1: 95-116.

Tugano, Axle Christien. 2021. Numismatikong Pag-aaral


sa Kababaihan sa mga Salaping Pilipino at
Indones sa Panahong Post-Kolonyal: Isang
Panimulang Paghahambing. Diliman Gender
Review 4, blg. 1 (paparating).

Victoria, Ferdinand Philip. 2015. Muling Pagtuklas sa


Isang Kinalimutang Bayani: Isang Pagtalakay sa
mga Bagong Pag-aaral Tungkol kay Tan Malaka.
SALIKSIK E-Journal 4, blg. 2 (Nobyembre): 59-
88.

Weir, Peter, dir. at David Williamson, iskrip. 1982. The


Year of Living Dangerously. United
International Pictures at MGM/UA
Entertainment Company.

Woodward, Amber. 2015. Historical Perspectives on a


National Heroine: R.A. Kartini and the Politics
of Memory. Independent Study Project (ISP)
Collection 2189.
216 Kulturang Popular na Asyano

WSB. w.tn. Dian Sastrowardoyo: Biography, Age,


Height, Family, Wiki & More. Websayt ng Wiki
Bio, https://bit.ly/3x8xnb5 (nakuha noong
Marso 27, 2022).

Xwhos. w.tn. Rania Putri Sari. Websayt ng Xwhos


https://bit.ly/3u8tUY5 (nakuha noong Marso
27, 2022).

View publication stats

You might also like