DMRS 97

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

DMRS 97.

4
Radyo Asintado
Inosluban, Marawoy

CJ:Mula sa bulwagang pambalitaan, himpilan at sandigan ng bayan. Magmamasid sa anumang lupalop ng


daigdig. Narito na ang DMRS sa inyong mga radio.

Ahara:DMRS 97.4. Radyo Asintado

CJ:Unang una sa balita

Ahara:Estasyong maasahan

CJ:Kaagaapay ng mga mamamayanan

Ahara:Saloob ng limang minute ihahatid ang mga balitang siksik at sulit na sulit.

CJ:Ako si Christan Juniel Ravanes

Ahara:Ako naman si Ahara Ashbel Ajero at


:Ito ang D..D.DMRS 97.4

Both:RADYO ASINTADO

*INTRO SONG*
*SFX HEADLINE SOUND*

CJ:Para sa ating talakayan ngayong araw pag uusapan natin ang isa sa pinaka mainit na usapin ng ating
sambayanan, ang teenage pregnancy

Ahara:Isa sa mga salik nan gating sambayanan sa kasalukuyan ang usaping ito

CJ:Nag imbita kami nang eksperto upang bigyan tayo nang kaalaman tungkol sa teenage pregnancy

*PATALASTAS*

Anak:Ma, Pa may masama po akong balita

Tatay:Ano yun?

Anak:Buntis po ako

Yhori:Handa kana bang harapin ang mga responsibilidad ng pagiging magulang?

Huwag hayaang ang isang sandal ng pagnansa ay magdulot ng habambuhay na mga hyamon.
Tandaan, nasa iyong kamay ang iyong hinanaharap. Ipagkait ang pagiging bata magulang at tanggapin ang isang
mas Maganda at maaliwalas na kinabukasan. Pumili nang wasto, pumili ng pag-asa.

Mark:Narito ang DMRS TEEN SUPPORT< ang inyong kasama sa bawat hakbang.

Yhori:Huwag mag-alala, hindi ka nag iisa. Tawag na sa aming hotline sa 09006141991

Mark:o bisitahin ang aming website sa www.dmrs974teensupports.com para sa dagdag na impormasyon.

Mark&Yhori:Magpasya nang may kaalaman. DMRS TEEM SUPPORT sa inyo, para sa kabataan
*END OF COMMERCIAL SFX*

Both:At muli kayong nag babalik sa ating programa.

CJ:Narito na po ang ekspertong aming inimbita upang bigyan tayo nang kaalaman. Ms. Jasmine?

Jasmine:Hello? Ayan, maraming salamat sa pag imbita saakin. Sa kabila ng pagiging masalimuot ng panahon ng
kabataan ngayon, mahagala ang tamang kaalaman at suporta mula sa mga eksperto sa kalusugan upang matiyak
na ang mga kabataan ay nakakakuha ng sapat na impormasyon at suporta sa kanilang kalusagan sa sekswal at
reproductive. Dapat rin nating bigyan ng pansin ang mga hamon at limitasyon sa pag-ibig at pag-aasawa, lalo na
sa mga kabataan, upang maiwasan ang mga hindi kanais-nais na kaganapan na maaaring makaapekto sa kanilang
kinabukasan.

CJ:Maraming salamat Jasmine, so partner ayon sakanya ay dapat tayong dumulog o humingi nang tulong sa mga
kinauukulan, eksperto at nakakaalam upang matulungan tayo.

Ahara:Tama ka partner, gabay at payo talaga ang kailangan ngayon nang mga bata
Dito muna tayo mag dako sa ating pinaka iintay na segment ang Tawag mo, Opinyon mo, muli ito po ang
numerong inyong tatawagan upang ating matalakay ang opinion ninyo 09006141991

*RING RING*

CJ:Partner ito na may mag bibigay na nang kanyang opinyon, Hello po? Sino po sila?

Jay-ann: Magandang umaga po, Jay-ann po, Ahm pinaniniwalaan ko po na ang teenage pregnancy ay pagiging
resulta ng curiosity ng mga kabataan sa panahon ngayon, sa palagay ko ang mga kabataan na nagiging ganto ay
kulang sa payo ng mga magulang at naiimpluwensyahan ng kapwa kabataan at sana ito ay matugunan o
maagapan na upang ang mga kabataan ay maiwasan ito at mag focus nalang sa kanilang pag-aaral

Ahara:Ayan maraming salamat Jay-ann so para sa kanya ay ito lamang ay isang curiosity or kumabaga e gusto
nilang subukan. Tama naman diba partner?

CJ:Oo partner, Samantala may isang caller naman ulit ang tumawag habang kausap mo siya partner. Hello?
Pakilala po.

Jandee:Hello po, Jande po pala, sa opinyon ko po ay ang teenage pregnancy ay isang nakaka alarma dahil marami
pong teenagers ang nabubuntis sa murang edad. Ito po ay maaaring maging hadlang sa kanilang pamumuhay. Ito
din po ay pedeng humantong sa mga sakit, dahil maaaring makuha sa pakikipagtalik.

CJ:Salamat Jandee, tungkol naman sakanya ay nakakahadlang daw ito sa buhay, tama nga naman, partner?

Ahara:Ito naman din po ang isang caller, Hello po?

Ezickyell:Hello po, Ezickyell po, a sa opinyon ko naman po ay ang teenage pregnancy ay isang resulta nang hindi
maayos nap ag dedesisyon at kawalan ng proper sex education. Marami po sa atin ay pedeng mabuntis sa
murang edad dahil nga po sa kanilang pagiging curios at maaaring dahil din po sa kanilang pag mamahal sa taong
minamahal nila.Sana po ay maibsan o matigil na ang problemang ito.

Ahara:Salamat sa opinyon mo sir, partner may caller paba tayo dyan?

CJ:Oo partner, paalala lamang po na huli na ito, sige po, Hello?

Pauleen:Magandang umaga po sa lahat nang tagapakinig,ako nga po pala si Pauleen, para po saakin ang teenage
pregnancy po ay nakakasagabal sa lahat nang aspekto nang buhay. Nakakasagabal po ito dahil napipigilan po nito
ang isang teenager na makapag-aral, makisalamuha at mamuhay nang normal. Hindi narin niya kayang makipag
laro. Napipigilan nito ang isang pamumuhay nang bata.
CJ:Salamat Pauleen, tungkol sa kanilang lahat, ang teenage pregnancy ay isang hadlang sa pamumuhay

Ahara:Oo partner sang-ayon din ako sakanila, maaring hindi lamang natin sila nakikita ngunit limitado na ang
galaw nila sa kanilang pamumuhay.

CJ:Oon ga partner sana ay maagapan na ito nan gating gobyerno, may comment kaba sa kanilang sinabi o sa
iyong napakinig, i-message lamang kami o tumawag sa aming hotline.

Ahara:Paano bayan partner mukang tapos na ang ating takdang oras

CJ:Oo nga partner, muli maraming salamat sa pakikinig

Ahara:Mula sa himpilan nang aming istasyon, ako si Ahara Ashbel

CJ:at ako naman si Christan Juniel

Both:At ito ang DMRS 97.4 Radyo Asintado. Hanggang sa muli

*OUTRO*

You might also like