Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Kasalukuyan (Edsa Revolution)

Isang mapayapang demonstrasyon na nagtagal ng apat na araw sa Pilipinas, mula Pebrero 22


hanggang Pebrero 25 ng taong 1986

Nag-ugat ang nasabing rebolusyon sa serye ng mga kilos protesta ng mga tao laban sa
diktaturyang pamumuno ni Ferdinand Marcos, lalo na noong napaslang si Ninoy Aquino noong
1983

Narito Isang akdang nailimbag noong panahong ito.

Giting Bayan ni Francisco Soc. Rodrigo

Akala ni Marcos, ay pampalagiang

Kaniyang mabobola't mapaglalaruan

Ang dating maamo at sunud- sunurang

Mga matiisin nating taong bayan.

Salamat sa Diyos, ngayon ay gumising

Itong baying dati'y waring nahihimbing

Salamat at ngayo'y sumiklab ang giting Nitong Bayang dati ay inaalipin.

Kaya nama't ngayon ay taas noo Nating Pilipinoo sa harap ng mundo

Pagkat tayo'y laang magsakripisyo

Sa ngalan ng laya ng tama't totoo.

Ang tula ay isang pahayag ng pasasalamat sa Diyos at pagbibigay-galang sa lakas at


determinasyon ng sambayanang Pilipino, lalo na sa panahon ng panunungkulan ni Ferdinand
Marcos. Binabanggit nito ang pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos at pag-asa sa kabila
ng pagsubok at pang-aapi ng pamahalaan. Ipinapahayag din nito ang pagbabago sa pananaw
ng mga Pilipino, na hindi na nagpapatali sa pag-aalipin at nagtataguyod na ngayon ng
kagalingan at kalayaan. Ang tula ay nagpapahayag ng pagmamahal sa bayan at determinasyon
na ipaglaban ang tama at totoo, sa kabila ng mga pagsubok at sakripisyo na kinakaharap ng
sambayanan.

You might also like