Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

Pang-Uri

Ikalawang Markahan
Ikawalong Linggo

May Akda: Joanne Marie M. Concepcion


Silang Central School
Silang,Cavite
Paunang Salita
Mahal na mag-aaral,

Ang modyul na ito ay para sa


mga mag-aaral sa Filipino 3.
Inihanda ito upang paunlarin pa
ang kaalaman sa mga salitang
naglalarawan.
Hangad ko na magamit ninyo
ang modyul na ito sa inyong pag-
aaral.
Gumamit ng bukod na sagutang
papel sa pagsasagot.
Inaasahan kong masisiyahan
kayo sa paggamit ng modyul na ito.

May Akda
Layunin

Nakapaglalarawan
ng mga tao, hayop,
bagay at lugar sa
pamayanan
F3WG-IIIc-d-4
Subukan Natin!

Paano mo ilalarawan ang


nakikita mo?
Basahin Mo!

1. Ang sorbetes ay
matamis.
2. Ang unan ay
malambot.
3. Ang bola ay bilog.
4. Ang sapatos ay
pula.
5. Ang basura ay
mabaho.
6. Si Marian Rivera
ay maganda.
Sagutin Mo!
1. Ano ang lasa ng
sorbetes?
2. Ano ang tekstura
ng unan?
3. Ano ang hugis ng
bilog?
4. Ano ang kulay ng
sapatos?
5. Ano ang amoy ng
basura?
6. Ano ang itsura ni
Marian Rivera?
Alamin Mo!

1. Ang sorbetes
ay matamis.

Ang salitang matamis


ay ginamit upang
ilarawan ang lasa ng
sorbetes.
Alamin Mo!

2. Ang unan ay
malambot.

Ang salitang malambot


ay ginamit upang
ilarawan ang tekstura
ng unan.
Alamin Mo!

3. Ang bola ay
bilog.

Ang salitang bilog ay


ginamit upang ilarawan
ang hugis ng bola.
Alamin Mo!

4. Ang sapatos
ay pula.

Ang salitang pula ay


ginamit upang ilarawan
ang kulay ng sapatos.
Alamin Mo!

5. Ang basura
ay mabaho.

Ang salitang mabaho ay


ginamit upang ilarawan
ang amoy ng basura.
Alamin Mo!

6. Si Marian
Rivera ay
maganda.

Ang salitang maganda


ay ginamit upang
ilarawan ang anyo ng
babae.
Alamin Mo!

7. Mayroon akong
limang lapis.

Ang salitang lima ay


ginamit upang ilarawan
ang dami o bilang ng
lapis.
Alamin Mo!

Ang mga salitang


ginamit upang ilarawan
ang lasa, tekstura,
hugis, kulay, amoy,
itsura at bilang o dami
ng isang pangngalan ay
tinatawag na Pang-
Uri.
Piliin Mo!
A. Basahin ang sumusunod at
tukuyin ang pang-uri na ginamit
sa bawat na pangungusap.

1. Limang rosas ang ibinigay


niya sa kanyang ina.
2. Mapula ang mga labi ni
Rosa.
3. Maasim ang sinigang pero
gustong gusto ko ito.
4. Makinis ang bagong
pinturang pader ng kwarto ko.
5. Masarap ang lutong adobo
ni nanay kagabi.
6. Ang nabili niyang bagong
damit ay maganda.
7. Ang kwarto ko ay
parisukat pala.
Ilarawan Mo!
B. Sumulat ng isang salita na
makakapaglarawan sa
sumusunod na mga larawan.
Tandaan!
Pang-Uri ang
tawag sa mga
salitang ginamit sa
paglalarawan ng
anyo, hugis, kulay,
amoy, lasa,
tekstura, sukat at
bilang o dami ng
mga bagay.
Pagsasanay!
B. Sumulat ng pangungusap gamit
ang sumusunod na pang-uri.

1. makinis
__________________________
__________________________
2. malawak
__________________________
__________________________
3. mabango
__________________________
__________________________
4. parihaba
__________________________
__________________________
5. asul
________________________
________________________
Sagutan Natin!
A. Piliin ang angkop na pang-uri na
maglalarawan sa sumusunod.

1. Nakita mo na bago ang damit ni Mila


ngunit ito ay masyadong malaki sa kanya.
Paano mo ilalarawan ang bagong damit ni
Mila?
a. ”Mila ang ganda naman ng damit mo may
kalakihan lang sayo pero bagay na bagay
naman sayo.”
b. ”Mila, ang pangit ng damit mo.”
c. ”Mila, nagmukha kang malaki sa damit
mo.”
d. Mila, ang ganda ng damit mo. Saan mo
iyan nabili?”

2. Piliin ang angkop na pang-uri na


maglalarawan sa araw.
a. mainit
b. matamis
c. mabango
d. masarap

3. Piliin ang angkop na pang-uri na


maglalarawan sa damit.
a. maganda
b. malawak
c. masaya
d. mataas
Mahusay!
Binabati kita sa
matagumpay
na pagtatapos
ng modyul na
ito.

You might also like