Ang Kongreso NG Malolos

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANG KONGRESO NG MALOLOS

Alam mo ba kung ano ang gusaling ito? Mahalaga ang pangyayaring


naganap dito. Basahing mabuti ang mga pangungusap at subukang sagutin ang
mga tanong pagkatapos.

Ito ang Simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan. Makikita rin ang


larawan ng simbahan na ito sa lumang sampung piso dahil mahalaga ang
ginampanan ng gusaling ito sa kasaysayan ng Pilipinas.
Sa pagnanais ng mga Pilipino na maging malaya, minarapat nilang
tumawag ng kongresong bubuuin ng mga kinatawang halal ng mga lalawigan.
Noong Setyembre 15, 1898, pinasinayaan ang Kongreso ng Malolos sa
Simbahan ng Barasoain. Ang mga kinatawan nito ay ang 85 mamamayang
nabibilang sa may mataas na pinag-aralan, matalino, at mayroong kaya sa
buhay. Naihalal ang mga pinuno ng Kongreso na sina: Pedro Paterno bilang
Pangulo; Benito Legarda bilang Pangalawang Pangulo; at Gregorio Araneta at
Pablo Ocampo bilang mga Kalihim.
Napakahalaga ng Kongreso ng Malolos sa kasaysayan. Kabilang sa mga
naisagawa ng Kongreso ay ang mga sumusunod:
1. Pagpapatibay ng kalayaan ng Pilipinas.
2. Paggawa ng Saligang-Batas ng Malolos.
Binuo ng 19 na mga kagawad ang tatlong sipi ng Saligang-Batas na
isinumite upang pag-aralan. Ang mga ito ay ang plano ni Mabini, plano ni
Paterno, at plano ni Calderon. Pagkatapos ng masusing pag-aaral, napili ng
komite ang plano ni Calderon. Sa pamumuno ni Felipe G. Calderon, ang mga
kinatawan ng kongreso ay naghanda ng Saligang Batas. Ang Saligang Batas ng
Malolos ay nagtadhana ng isang pamahalaang demokratiko.
3. Pinagtibay ang Konstitusyon ng Malolos.
Noong Nobyembre 29, 1898, pinagtibay ng mga kagawad ng kongreso
ang konstitusyon. Itinatag ng konstitusyon ang isang malayang Republika ng
Pilipinas.
Pinasinayaan ang Unang Republika ng Pilipinas noong Enero 23, 1899 at si
Heneral Emilio Aguinaldo ang nahalal bilang unang pangulo nito.
Ang itinatag na Republika ng Pilipinas ay binubuo ng tatlong sangay:
 Tagapagpaganap o ehekutibo
 Tagapagbatas o lehislatibo
 Hudikatura
Ang mga ito ay may magkahiwalay ang kapangyarihan. Pinaghiwalay rin
nito ang tungkulin ng simbahan sa tungkulin ng estado. Ang mga karapatan ng
tao, ang kapangyarihan at tungkulin ng mga opisyal ng pamahalaan ay nakasulat
din dito. May kalayaan ang mga mamamayan sa pagpili ng kanilang relihiyon.
Ang kapangyarihan sa paggawa ng batas ay nakaatang sa Asamblea at ang
mga kasapi nito ay inihalal ng mga tao. Ang Pangulo ay ang tumatayong
tagapagpaganap kasama ang pitong kalihim. Ang mga kalihim ay hinirang ng
Pangulo at ang mga ito ay mananagot sa Kongreso.

You might also like