Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

ARALING PANLIPUNAN 10

IKAAPAT NA MARKAHAN
Pangalan: ________________________ Pangkat : ________ Guro: ___________

ARALIN Konsepto at Katuturan ng Pagkamamamayan


1 (Citizenship)

MELC / Kasanayan
Naipaliliwanag ang kahalagahan ng aktibong pagkamamamayan.

Inaasahan

Ang mamamayan ay isa sa elemento ng estado na may mahalagang gampanin


tungo sa pagbabagong panlipunan. Ang aktibong pakikilahok ng mamamayan ay susi
sa pagkakaroon ng maayos , mapayapa at maunlad na bansa. Ang pag-alam sa legal
na batayan ng pagkakamamayan ay makatutulong upang higit na mapangalagaan
ang mga karapatan at pribilehiyo na dapat taglayin.

Ang modyul na ito ay ginawa upang malaman at maunawaan ang kahalagahan


ng aktibong pagkamamamayan. Pagkatapos basahin ang modyul na ito ay
inaasahang:

1. Nailalarawan ang katangian ng aktibong mamamayan;


2. Natatalakay ang konsepto at katuturan ng pagkamamayan;
3. Nasusuri ang legal na batayan ng pagkamamayan sa Pilipinas;
4. Nabibigyang halaga ang pagkamamamayan daan upang maging aktibong bahagi ng
lipunan.

Paunang pagsusulit
Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

___1. Alin sa sumusunod ang HINDI katangian ng isang aktibong mamamayan?


a. Disiplinado sa sarili at sumusunod sa mga batas
b. Aktibo sa pagtupad ng mga gawaing pansibiko
c. Masipag at may kusang-palong gawin ang mga bagay
d. Tinatanggap ang lahat ng impormasyon sa social media

___ 2. Bakit mahalaga ang aktibong pakikilahok ng mamamayan sa mga gawaing


pansibiko ng bansa?
a. Maiwasan ang kaguluhan
b. Maipakita na masipag ang mamamayan
c. Magkaroon ng mapayapa at maunlad na lipunan
d. Maipamalas ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga tao

AP 10 – Qtr 4 – Week 1 - 2
ARALING PANLIPUNAN 10
IKAAPAT NA MARKAHAN
___ 3. Ito ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng
isang pamayanan o estado.
a. Pagkamamamayan c. Pagkamakabansa
b. PagkamakaDiyos d. Pagkamakakalikasan
___ 4. Ano ang tawag sa lungsod estado na bumuo sa Kabihasnang Griyego?
a. Caste b. Hellas c. Oikos d. Polis
___ 5. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng karapatan at tungkulin
ng aktibong mamamayan?
a. Si Aling Nena ay nagpapa-aral ng anak sa pampublikong paaralan.
b. Si Adolfo ay nagtatrabaho para maitaguyod ang kaniyang pamilya.
c. Si Andrea ay isang OFW madalas na nagpapadala ng remittance para sa ina.
d. Si Anthony ay sa bumoto ayon sa katangian ng isang mabuting pinuno.
___ 6. Anong uri ng pananaw ng pagkamamamayan na nakabatay sa batas?
a. Lehitimong Pananaw c. Lumalawak na Pananaw
b. Legal na Pananaw d. Positibong Pananaw
___ 7. Anong Saligang Batas ng Pilipinas sa kasalukuyan ang sinusunod na batayan
sa usaping legal na pagkamamamayan?
a. Saligang Batas ng 1935 c. Saligang Batas ng 1987
b. Saligang Batas ng 1973 d. Saligang Batas ng 1983
___ 8. Anong artikulo ng kasalukuyang Saligang Batas ng Pilipinas nakapaloob ang
legal na batayan sa usapin ng pagkamamamayan?
a. Artikulo I b. Artikulo II c. Artikulo III d. Artikulo IV
___ 9. Ano ang legal na paraan kung saan ang isang dayuhan na nais maging
mamamayan ng isang bansa ay sasailalim sa isang proseso sa korte?
a. Naturalisasyon c. Ispesyalisasyon
b. Lokalisasyon d. Kontekstwalisasyon
___10. Anong prinsipyo ng pagkamamayan ang tinutukoy kung saan nakabatay sa
lugar ng kapanganakan?
a. de facto b. de jure c. jus sanguinis d. jus soli

Balik Tanaw

Ano – ano ang hakbangin na ginagawa ng pamahalaan sa kasalukuyan na


nagla layon na sugpuin ang karahasan at diskriminasyon sa kalalakihan ,
kababaihan at LGBT?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

AP 10 – Qtr 4 – Week 1 - 2
ARALING PANLIPUNAN 10
IKAAPAT NA MARKAHAN

Maikling Pagpapakilala
Sa Aralin

Ang isang bansa na kakikitaan ng aktibong mamamayan ay may malaking


potensyal na magkaroon ng mapayapa, maayos at maunlad na lipunan. Sa bawat
pagkilos na isinasagawa ay naroon ang pagpapahalaga para sa kapakanan ng
nakararami. Nakikiisa sa mga proyekto na ang layon ay maging mataas ang kalidad
ng pamumuhay, nakikilalahok sa mga gawaing pansibiko at politikal upang matiyak
ang pamamahala ng kinauukulan ay naayon sa itinakda ng batas. Nakikialam
gayundin naman nagbibigay ng solusyon sa mga isyu ng bayan at isinusulong ang
kabutihang panlahat at pambansang kapakanan.

Paksa : Konsepto at Katuturan ng Pagkamamamayan (Citizenship)

LEGAL NA KONSEPTO NG PAGKAMAMAMAYAN

Ang konsepto ng citizenship (pagkamamamayan) o ang kalagayan o katayuan ng


isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado ay maaaring iugat sa
kasaysayan ng daigdig. Tinatayang panahon ng kabihasnang Griyego nang umusbong
ang konsepto ng citizenship. Ang kabihasnang Griyego ay binubuo ng mga lungsod-
estado na tinatawag na polis. Ito ay isang lipunan na binubuo ng mga taong may
iisang pagkakakilanlan at iisang mithiin.

Ang polis ay binubuo ng mga citizen na limitado lamang sa kalalakihan. Ang


pagiging citizen ng Greece ay isang prebilehiyo kung saan may kalakip na mga
karapatan at tungkulin. Ayon sa orador ng Athens na si Pericles, hindi lamang sarili
ang iniisip ng mga citizen kundi maging ang kalagayan ng estado. Ang isang citizen ay
inaasahan na makilahok sa mga gawain sa polis tulad ng paglahok sa mga
pampublikong asembliya at paglilitis. Ang isang citizen ay maaaring politiko,
administrador, husgado, at sundalo. Sa paglipas ng maraming panahon, ay nagdaan
sa maraming pagbabago ang konsepto ng citizenship at ng pagiging citizen.

Sa kasalukuyan, tinitingnan natin ang citizenship bilang isang legal na


kalagayan ng isang indibidwal sa isang nasyon-estado. Ayon kay MurrayClark Havens
(1981), ang citizenship ay ugnayan ng isang indibidwal at ng estado. Ito ay
tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibidwal sa isang estado kung saan
bilang isang citizen, siya ay ginawaran ng mga karapatan at tungkulin. Sa Pilipinas,
inisa-isa ng estado sa Saligang-batas ang tungkulin at karapatan ng mga
mamamayan nito. Dito rin makikita kung sino ang mga maituturing na citizen ng
isang estado at ang kanilang mga karapatan at tungkulin bilang isang citizen. Bilang
halimbawa, tunghayan ang kasunod na teksto. Ito ay tungkol sa ikaapat na artikulo
ng Saligang Batas ng1987 ng Pilipinas na nagpapahayag ng tungkol sa
pagkamamamayan. Iniisa-isa rito kung sino ang maituturing na mamamayan ng
Pilipinas.

AP 10 – Qtr 4 – Week 1 - 2
ARALING PANLIPUNAN 10
IKAAPAT NA MARKAHAN

ARTIKULO IV PAGKAMAMAMAYAN

SEKSIYON1. Ang sumusunod ay mamamayan ng Pilipinas: (1) yaong mamamayan ng


Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang-batas na ito; (2) yaong ang mga ama o
mga ina ay mamamayan ng Pilipinas; (3) yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17,
1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa
karampatang gulang; at (4) yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
SEK. 2. Ang katutubong inianak na mamamayan ay yaong mamamayan ng Pilipinas mula
pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano mang hakbangin upang
matamo o malubos ang kanilang pagkamamamayang Pilipino. Yaong mga nagpasiya na
maging mamamayang Pilipino ayon sa Seksiyon 1, Talataan 3 nito ay dapat ituring na
katutubong inianak na mamamayan.
SEK. 3. Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa
paraang itinatadhana ng batas.
SEK. 4. Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mamamayan ng Pilipinas
na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila
ay ituturing, sa ilalim ng batas, na nagtakwil nito.
SEK. 5. Ang dalawahang katapatan ng mamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa
at dapat lapatan ng kaukulang batas.
Sanggunian: Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas. (1987, February 2). Ang Konstitusyon
ng Republika ng Pilipinas 1987. Retrieved August

Dalawang Prinsipyo ng Pagkamamamayan

Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan


Jus sanguinis ng isa sa kaniyang mga magulang. Ito ang prinsipyong sinusunod sa
Pilipinas.

Jus soli o jus loci Ang pagkamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak.
Ito ang prinsipyong sinusunod sa Amerika.

Sa kabila nito ay maaaring mawala ang pagkamamamayan ng isang indibidwal.


Unang dahilan ay kung siya ay sasailalim sa proseso ng naturalisasyon sa ibang
bansa. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
1.Ang panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa;
2.)tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag may digmaan, at
3.) nawala na ang bisa ng naturalisasyon.

AP 10 – Qtr 4 – Week 1 - 2
ARALING PANLIPUNAN 10
IKAAPAT NA MARKAHAN

Gawain

Gawain A: Talarawan

Ilarawan ang komunidad na iyong kinabibilangan at magtala ng mga gawain na


nagpapakita ng aktibong pakikilahok ng mamamayan.

Gawain B: Tuklasin Mo

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan at isulat ang sagot sa loob ng kahon.

Ano ang pagkamamamayan?

Ano – ano ang batayan sa usapin ng legalidad ng pagiging ganap na


mamamamayang Pilipino?

Paano mawawala ng legalidad ng pagiging isang ganap na Pilipino?

Bakit mahalaga na pag-aralan ang usapin ng legal na batayan ng


pagkamamamayan ?

Gawain C : Suri – Kaalaman

Panuto: Punan ang tsart sa ibaba ng mga hinihinging impormasyon kaugnay

sa binasang teksto.

Paksa: ALAM KO NATUTUHAN KO


LIGAL NA KONSEPTO NG ( Kaalaman sa paksa bago (Kaalaman na natamo
PAGKAMAMAMAYAN basahin ang teksto matapos basahin ang teksto
Pagkamamamayan
Ligal na Batayan ng
Pagkamamamayan
Dalawang Prinsipyo ng
Pagkamamamayan
Dahilan ng pagkawala ng
Ligalidad ng
Pagkamamamayan

AP 10 – Qtr 4 – Week 1 - 2
ARALING PANLIPUNAN 10
IKAAPAT NA MARKAHAN

Tandaan

Pagkamamamayan ay Katangian ng aktibong


tumutukoy sa kalagayan o mamamayan ay isinusulong
katayuan ng isang tao bilang ang kabutihang panlahat at
miyembro ng isang pambansang kapakanan.
pamayanan o estado

Isinasaad sa Artkilulo IV ng
Saligang Batas ng1987 ng Nilalaman ng Saligang Batas
Pilipinas ang tungkol sa legal ng Pilipinas ang mga
na batayan ng
karapatan at tungkulin ng
pagkamamamayan ng
mamamayan.
Pilipino.

Maaaring mawala ang


May dalawang prinsipyo ng pagkamamamayan ng isang
pagkamamamayan ang indibiduwal kung sasailalim
Jus Sanguinis at sa proseso ng naturalisasyon
Jus soli o jus loci sa ibang bansa.

Pag- alam sa mga


Natutuhan

Matagumpay mong natapos ang modyul na ito , bilang pangwakas na gawain ,


dugtungan mo ang mga sumusunod na pahayag.

Nabatid ko na _____________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

Mahalagang maunawaan ang paksa dahil


____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

Naliwanagan ako sa kaalaman na


_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

AP 10 – Qtr 4 – Week 1 - 2
ARALING PANLIPUNAN 10
IKAAPAT NA MARKAHAN

Panghuling Pagsusulit

Bigyang pakahulugan ang mga sumusunod ayon sa iyong kaalaman na natamo.

1. Mamamayan 6. Ligal na Batayan ng Pagkamamamayan

2. Pagkamamamayan 7. Aktibong Mamamayan

3. Polis 8. Jus sanguinis

4. Karapatan 9. Jus soli o jus loci

5. Saligang Batas 1987 10. Naturalisasyon

Pagninilay

A. Ang ating bansa ay dumaranas ng matinding pagsubok dala ng Covid 19


maraming mga hakbangin ang ginawa ng pamahalaan upang matugunan ang mga
pangangailangan ng bansa. Sa barangay kung saan ikaw ay kabilang nakita mo ba
ang pagiging aktibo ng mga opisyales ng barangay at ng mamamayan sa pagtugon sa
suliraning dulot ng pandemiya? Itala mo ang mga hakbangin na ginawa ng inyong
barangay at suriin kung epektibo o hindi.

____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

B. Kaabit ng pagiging lihitimong mamamayan ay ang mga karapatan na dapat


matamo sa panahon na pandemiya ay mga napabalitang mga karapatan na nalabag,
bilang mag-aaral sa iyong palagay ay bakit nagaganap ang mga paglabag na ito?
Magbigay ka ng mga suhestiyon kung paano maaring masolusyunan ang mga
naitalang paglabag sa karapatan.

____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

AP 10 – Qtr 4 – Week 1 - 2
ARALING PANLIPUNAN 10
IKAAPAT NA MARKAHAN
PALASAGUTANG PAPEL QTR 4 – WEEK 1 – 2

Pangalan: ________________________ Pangkat : ________ Guro: ___________

PAUNANG PAGSUSULIT
1. 2. 3. 4. 5.
6. 7. 8. 9. 10.

BALIK TANAW

Ano – ano ang hakbangin na ginagawa ng pamahalaan sa kasalukuyan na ang layon


ay sugpuin ang karahasan at diskriminasyon sa kalalakihan , kababaihan at LGBT?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Gawain A: Talarawan

Ilarawan ang komunidad na iyong kinabibilangan at magtala ng mga gawain na


nagpapakita ng aktibong pakikilahok ng mamamayan.

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Gawain B: Tuklasin Mo

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan at isulat ang sagot sa loob ng kahon.

Ano ang pagkamamamayan?

Ano – ano ang batayan sa usapin ng ligalidad ng pagiging ganap na


mamamamayang Pilipino?

Paano mawawala ng ligalidad ng pagiging isang ganap na Pilipino?

Bakit mahalaga na pag-aralan ang usapin ng legal na batayan ng pagkamamamayan


?

AP 10 – Qtr 4 – Week 1 - 2
ARALING PANLIPUNAN 10
IKAAPAT NA MARKAHAN
Gawain C : Suri – Kaalaman

Punan ang tsart sa ibaba ng mga hinihinging impormasyon kaugnay sa binasang


teksto.

Paksa : LIGAL NA ALAM KO NATUTUHAN KO


KONSEPTO NG ( Kaalaman sa paksa bago ( Kaalaman na natamo
PAGKAMAMAMAYAN basahin ang teksto ) matapos basahin ang
teksto)
Pagkamamamayan

Ligal na Batayan ng
Pagkamamamayan

Dalawang Prinsipyo ng
Pagkamamamayan

Dahilan ng pagkawala
ng Ligalidad ng
Pagkamamamayan

AP 10 – Qtr 4 – Week 1 - 2
ARALING PANLIPUNAN 10
IKAAPAT NA MARKAHAN
Pag- alam sa mga Natutuhan
Matagumpay mong natapos ang modyul na ito , bilang pangwakas na gawain ,
dugtungan mo ang mga sumusunod na pahayag.

Nabatid ko na _____________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

Mahalagang maunawaan ang paksa dahil


___________________________________________

_____________________________________________________________________________________

Naliwanagan ako sa kaalaman na


____________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

PANGHULING PAGSUSULIT

Bigyang pakahulugan ang mga sumusunod ayon sa iyong kaalaman na natamo.

1. Mamamayan

2. Pagkamamamayan

3. Polis

4. Karapatan

5. Saligang Batas 1987

6. Ligal na Batayan ng Pagkamamamayan

7. Aktibong Mamamayan

8. Jus sanguinis

9. Jus soli o jus loci

10. Naturalisasyon

AP 10 – Qtr 4 – Week 1 - 2

You might also like