Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Good day, tchr.

Ang iprepresent po namin sa inyo na roleplay ay patungkol sa drug prevention,


entitled, Ano ang pagkukulang ko? Hope na magustuhan nyo po ito.

Ano ang pagkukulang ko?


Preview:
Pete: Ma, kapit lang ma, malapit na po tayo (umiiyak)
Joseph: Ma, nandito po kami, wag ka pong pipikit (pumikit, nagpanic sila pete and joseph)
Pete: (tatakbo sa loob ng hospital natingin sa mga paligid hanggang sa nakita sila ni hannah,
pumunta si hannah kay pete at tinanong kung ano problema)
Hannah: Sir, ano pong problema?
Pete: Doc, ang nanay ko, ang nanay namin, hindi po siya pwedeng mamatay (nakita ang tatay na
sumunod sa kanila, tapos lumingon ulit kay hannah) doc, doc (umiiyak)
Hannah: Sir, ikalma nyo po, nurse ihanda nyo yung emergency room
Joseph: Doc, gawin nyo po lahat, lahat lahat ng makakaya niyong gawin para mabuhay ang nanay ko
(umiiyak)
Hannah: Pangakong gagawin namin na marevive ang nanay nyo sa abot po ng aming makakaya, mag
intay nalang po kayo dito sir, at ikalma nyo po.

Narrator:
Makalipas ang 2 oras, lumabas ang doctor, at doon na nga, nagsimulang maging miserable ang buhay
ng magkapatid na si pete at joseph.

Joseph: Doc, kamusta po nanay namin? (Utal nung nagtatanong)


Doctor: Pasensya na kayo, ginawa namin ang lahat ngunit hindi na talaga kaya ng mama niyo na
mabuhay pa

Pete: (sumugod sa room ng nanay niya) Ma, ma, ma, gumsing ka (umiiyak)

Tatay: Anak tama na yan, patay na ang nanay nyo ( Hinawakan si pete)

Pete: (Pumiglas, hinawakan sa kwelyo si Daniel) Hinde! Bitawan nyo ko, kasalanan nyo ang lahat ng
to, kung hindi mo inaway si mama, kung hindi mo siya sinigawan, kung hindi mo siya pinagbintangan
edi sana buhay pa siya ngayon. (Umalis bigla)
Joseph: (Sinundan ng tingin si Daniel at sumunod na din kay Pete ng galit din ang mukha)
Narrator 2: Makalipas ang 3 araw, araw na ng libing ng kanilang ina. Pagkatapos mailibing ng ina,
ay dumiretso agad sina Pete at Joseph sa bahay, nagimpake at nagplanong umalis.

Tatay: Mga anak anong gusto nyong ula- pasaan kayo? Lalayas ba kayo?

Pete: Wala ka ng pake dun. Aalis kami sa ayaw at sa gusto mo.

Tatay: Pero, nak-

Pete and Joseph: (Akmang aalis na ng pigilan sila ni Maryann "kuya, wag po kayong umalis" ngunit
pumiglas si pete, si maryann ay tumilapon)
Narrator 2: Dahil sa nangyari kagabi, hindi naiwasang maging usap usapan ito sa kanilang barangay.
Chismosa: Mare! Nabalitaan mo ba yung nangyari kina pareng Anton?
Chismosa 2: Yun nan ga mare! Kukuwento ko pa lang sana sayo eh.
Chismosa: Kawawa si pareng anton, nawalan na nga ng asawa, nilayasan pa ng anak.
Chismosa 2: Oo nga mare eh, naku, hindi malabong maging adik yung mga anak nya. Panigurado
magrerebelde yung mga yun.
Chismosa: Naku, tama ka dyan mars!
Chismosa 2: Pano ba yan mars, una nako! Baka sabihin ng makarinig satin pinagchichismisan natin
yung pamilya nila.
Chismosa: Sige mare ingat!
Narrator: Pagkatapos ng paglalayas na pangyayari, nagumpisa ng maging masalimuot ang buhay
eskwela ni Maryann.

Bullies: Wala ng magtatanggol sayo, naglayas ang kuya mo dahil sayo eh HAHAHA

Other one: Oo nga, pangit mo daw kase kasama eh ( natawanan sila )

Maryann: Ano ba, tama na!

Bullies: Bakit, papalag ka?

(takot si maryann)
Other one: HAHAHA, tara na at baka makaiyak pa tong walang kwentang to.

Max at Dylan: (nilapitan sila pete na naglalakad at sinuntok ang dalawa, tinutukan ng baril at
tumawa ng pang adik)
Boss, bagong miyembro na naman to oh

Rabi: (Nilapitan sila pete at kinuwelyuhan) kakasa ba kayo o hindi? (Nagaalangan sila pete) wag
kayong mag alala, (tinulungan ni rabi sila pete na tumayo) hindi namin kayo ilalaglag pag
nagkataong magkahulihan

Narrator: Sapilitang sumama ang magkapatid sa mga sindikatong ito. Hindi nila nagawang pumalag
ni magreklamo manlang sapagkat nanganganib ang buhay nila.

Rabi: (nakita si Tamara)

Tamara: Dad, pwede bang pahingi ng money? Mag shopping lang ako sa mall, don't worry, punta po
ako with my bodyguard naman

Rabi: Sige, mag iingat ka (Tamara, smile)

Rabi: (Tumingin sa dalawa, pete and joseph) Eto, ang hideout namin, dito namin isinasagawa lahat
ng mga hindi namin maisagawa sa labas. Wag kayong mag alala, masasanay din kayo.

Narrator 2:
Makalipas ang 3 buwan, kampante silang lahat na ligtas ang hideout nila ngunit sa mga oras na iyon
ay hindi nila natalos ang sasapitin nila.

Prince:
Boss, boss (kay Jesse) nalaman ko na may secret hideout dun sa may loteng yun sa pateros, may
pumasok po doong lalaki na may mga dalang pakete ng pinagbabawal na gamot.

Jesse and others: (sumugod) itaas nyo ang inyong mga kamay at ibaba ang mga matatalim na bagay
ngayon na.

(Hindi sila sumunod bagkus, itinulak nila si Pete at Joseph, tumakbo sila at ang nahuli lang ay si
Pete at Joseph)
Narrator: Hindi makapaniwala ang dalawa na sa loob ng 3 buwan na pagsasama nila ay iiwan din
sila ng mga ito sa ere. Bilang isang menor de edad, sila ay ilalagay at iiwan sa dswd, upang
mapangalagaan sila.

Narrator 2:
Ilang linggo silang tengga at walang saysay ang mga ginagawa hanggat sa dumating ang araw na
siyang nagbigay ng panibagong pagasa sa kanila.

Motivational speaker part:


Xian: Magandang araw po sa inyong lahat. Naririto po kami, hindi upang kayo’y mapahiya kundi
upang kayo ay tulungan na malagpasan ang suliranin na ito, sa inyong kabataan. Alam nyo, hindi
natin matatanggi na nakakagawa talaga tayo ng mga maling bagay at nandito kami para sabihin sa
inyo na wag kayong mawalan ng pag asa. Sisinag din ang araw, itong naransan niyo sa kabtaan niyo
ang magsisilbing guide nyo kung baga sa inyong paglaki.

Another motivational speaker: Oo, wag kayong mawalan ng pag asa. Maaaring tayo ay na tempt lang
na gawin yun sapagkat tayo ay hapit na mag explore ng mga bagay o dikaya biktima lang tayo ng
malaimpyernong galaw sa mundong ito. Hindi habang buhay ay ganito ang magiging takbo ng buhay
natin, nakikita ko na kayo sa hinaharap ay magiging isang successful na doctor, engr, architect at kung
ano pa man na propesyon. Basta’t, padayon lang mga kaibigan, at tiyak na makakamit nyo ang
minimithi ninyong tagumpay. Muli, wag mawawalan ng pag asa at magpatawadan na sa isat isa.

Kasalukuyan:
Joseph: Hanggang ngayon hindi ko padin makalimutan ang mga salitang binigkas ng taong iyon na
bumisita sa dswd na iyon (tumawa)

Pete: Oo nga, grabe 2 taon na ang nakakalipas pero fresh na fresh pa din sa utak ko ang mga katagang
wag mawawalan ng pag asa. At ito tayo ngayon, napatawad tayo at nakamit natin ang ninanais natin
na tagumpay sa gulang na 18 (tumawa din)

Tatay: Oh, mga anak hali na kayo dito, malapit ng mag pasko. Gisingin mo nga si Maryann dun
( tumawa)

(tumunog na ang alarm)

All: Maligayang pasko!!!!


Joseph: Tay, salamat. Salamat po sa muling pagtanggap nyo po samin, kahit na kami po ay-

Tatay: Anak, anak ko kayo, mahal ko kayo, magdradrama ka na naman dyan uy (tumawa)

Pete: Tatay, wala man si nanay na, salamat pa din at hindi po kayo nagkulang samin kahit na kami’y
nagkulang sa inyo

Tatay: (tumawa) oo naman, ay siya kumain na tayo at may pasok pa bukas si maryann, ihahatid nyo
pa yan (tumawa)

Narrator: Hindi lahat ng pagkakataon ay nakakagawa tayo ng mabuti ngunit hindi din tayo pwedeng
manatili sa ating mga kamalian. Move forward at tiyak na ang katanungan na “ano ang pagkukulang
ko?” ay masasagot mo. Muli, ang kwento na ito ay para din sa mga tao na kung saan parang hindi na
nila alam kung ano ang gagawin sapagkat sila’y nalulong sa droga. Sabi nga, habang buhay ay may
Pagasa. Lahat tayo ay may pagkakataon na magbago, kaya, padayon!

(Lapit tayo sa isat isa, then hawak kamay, then bow)

The end!

You might also like