Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Banghay Aralin sa Filipino

Para sa Ika-Walong Baitang


I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Naihahayag ang sariling pananaw tungkol sa mahahalagang isyung mahihinuha sa napanood
na pelikula –F8PD-IIIg-h-32; at
Nagagamit ang kahusayang gramatikal may tamang bantas, baybay, magkakaugnay na
pangungusap/talata) sa pagsulat ng isang suring-pelikula – F8WG-III-g-h-33
II. Paksang Aralin
A. Paksa: Pelikula bilang Lundayan ng Komunikasyong Panlipunan
B. Kagamitan: babasahin, manila paper, pentel pen
C. Sanggunian: Filipino-8-SLMs-3rd-Quarter-Module-7-docx.pdf

III. Pamamaran
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Bago tayo magsimula, maaari bang magsitayo ang Magsisitayo ang mga mag- aaral para sa
lahat para sa isang maikling panalangin. isang maikling panalangin.

Panginoon, maraming salamat po sa araw na ito na


ipinagkaloob niyo sa amin, nawa’y gabayan mo po
kami sa mga gawain na aming gagawin sa araw na
ito. Amen.

2. Pagbati
Magandang umaga Klas! Magandang umaga din po Binibining
Grace.

Bago kayo magsiupo ay maaari niyo muna bang Opo, Ma’am


tignan ang ilalim ng inyong upuan kung ito ay may
mga kalat.

Tapos na ba Klas? Opo

Kung gayon maaari na kayong magsiupo Maraming salamat po.

3. Pagtala ng mga Lumiban


Bago tayo magpatuloy ay magtatala muna ako ng Opo ma’am.
mga liban sa klase. Kapag tinawag ko ang inyong
pangalan ay sabihin niyong narito po.
Isa-isa nang tatawagin ng guro ang mga pangalan
ng mag-aaaral para maitala ang narito at ang mga
liban sa klase.

Mabuti naman at walang liban sa ngayong araw.

Sa aking pagtatalakay ay mayroon lamang akong


tatlong alituntunin na kailangan ninyong sundin.
1. Makinig sa diskasyon.
2. Huwag lumabas sa silid habang ang guro ay
nagtatalakay.
3. Mangyaring huwag makipag-usap sa katabi.

B. Panlinang na Gawain
1. Pagbabalik Aral
Sa nakaraang diskasyon natin sino dito ang may
mga natutunan? Maaari bang magtaas ng kamay
kung sino ang may natutunan? Ang mga mag-aaral ay nagtataas ng
kamay.
Sige nga kung talagang may natutunan kayo ay
magtatanong ako patungkol sa ating tinalakay
noong nakaraang diskasyon. Ang tinalakay po natin ay tungkol sa
mga salitang ginagamit sa mundo ng
Magaling! Ano pa ang inyong natunanan maliban sa pelikula
isinagot ng inyong kaklase?
Nagkaroon kami ng kaalaman sa mga
Magaling Klas! Tunay ngang nakinig kayo sa ating salitang ginagamit sa mundo ng pelikula
nakaraang diskasyon. at kung ano ang halaga nito sa amin
bilang isang mag-aaral.
2.Paganyak
Mayroon ako ritong inihandang gawain na tinawag
ko na “Buoin mo ako”. Ang gagawin niyo lamang
ay ayusin ang mga nakascramble na salita.
Naiintindihan lang ba klas?
Opo Ma’am
Tula 100 Kay Para Stella
Ang mga mag-aaral ay masayang
Palakpakan ang inyong mga sarili dahil nakilahok sa gawain.
napagtagumpayan ninyo ang gawain at tama ang
inyong mga naging kasagutan. Nagpalakpakan ang mga mag-aaral.
Ano ang napansin niyo sa ginawa nating aktibidad?
Para sayo Francine, ano ang kinalaman ng ating
ginawang aktibidad sa ating tatalakayin sa araw na
ito?
Sa tingin ko po ito ay may kinalaman
Tumpak! Ito ay may kinalaman sa ating aralin sa parin sa pelikula at ito po ang ating
ngayong araw. Tama dahil may kaugnayan parin ito tatalakayin ngayon.
sa ating tinalakay kahapon.

3. Pagtatalakay
Magbabasa ng isang babasahin na mula sa isang
pelikula na pinamagatang “100 Tula Para Kay
Stella” Ang mga mag-aaral ay nakikinig sa
Suring-Pelikula diskusyon.
Mga Hakbang na Dapat Sundin sa Pagsusuri ng
Pelikula
1. Isulat ang pamagat ng pelikulang susuriin.
2. Simulan ang talata gamit ang gramatika sa paglalahad
ng paksa at buod ng pelikula.
3. Sa ikalawang talata, isusulat ang mga papuri/puna sa
tauhang nagsiganap.
4. Sa ikatlong talata, ilalahad ang puna tungkol sa
direksiyon/direktor ng nasabing pelikula.
5. Sa ikaapat na talata naman ang sinematograpiya at
musika.
6. Sa ikalimang talata, isusulat ang isyung mahihinuha
sa pelikula na may kaugnayan sa kasalukuyan.
Pormat ng Panunuring Pampelikula
I. Pamagat
II. Buod ng Pelikula
III. Mga Tauhan
IV. Direksiyon/Direktor
V. Mga Aspektong Teknikal
a. Sinematograpiya
b. Musika
VI. Isyung mahihinuha sa pelikula na may kaugnayan sa
kasalukuyan
Sa pagsulat ng suring-pelikula, dapat isaalang-alang
ang mga kahusayang gramatikal tulad ng
sumusunod:
1. Tamang Pagbabantas
Ang paggamit ng tamang bantas sa pagsulat ng isang
suring pelikula ay kailangan upang maging epektibo ang
pagsulat. Ang maling paggamit ng bantas ay
nagbubunga ng maling interpretasyon sa ipinahihiwatig
na ideya.
2. Tamang Baybay
Kailangang maipakita ang tamang baybay ng salita sa
suring pelikula upang hindi mapulaan ang isang
manunuri na hindi maayos ang pagkakasulat ng
kaniyang pagsusuri. Makailang basahin ito upang makita
ang kawastuhan sa baybay.
3. Pagkakaugnay-ugnay ng mga Pangungusap
Upang maging mabisa ang pagkakabuo ng mga
pangungusap, kailangang wasto ang gamit ng mga salita
sa loob ng pangungusap, gayundin ang organisasyon ng Opo Ma’am
mga ideya.

Nakakasunod lang ba kayo klas? Naiintindihan lang


ba?
Mabuti naman kung ganon.

C. Pangwakas na Gawain
1. Aktibiti
Gayong naintindihan ninyo na ang ating aralin sa
araw. Aking susubukin kung talagang ito’y totoo.
Panuto: May ipapakita akong mga salita at ang
tangi niyo lamang gagawin ay tukuyin kung ano
ang mali sa salita na aking iapapakita. Handan a ba Opo Ma’am
ang lahat?

Stella at fidel Nakita mo ba si Fidel.

!Gusto kita Sana pala hindi nalang


kita minahal?

Bigyan natin ang masigabong palakpak ang bawat


isa dahil ang lahat ay nakilahok sa isinagawang Ang mga mag-aaral ay nagpalakpakan.
aktibiti.

2. Analisis
Kung kayo ang tatanungin bakit kailangan na
maihayag natin ang ating sariling papanaw hinggil Kailangan na maihayag din po natin ang
sa napanood o nabasa nating pelikula? ating mga saloobin o hinanaing
Ipaliwanag sapagkat mas napapalalim nito ang
ating isipan sa kung ano ang mga
problema o suliranin na hinaharap ng
mga tauhan sa pelikula. Sa
Maraming salamat klas. pamamagitan din nito ay naihahambing
natin ang ating mga karanasan sa ating
3. Abstrakyon napanood.
Alam ko na may mga kaalaman na kayo tungkol sa
ating tinalakay ngayong araw, bakit kailangan
nating pag-aralan ang ang pagsusuri ng isang Para po sa akin Ma’am, kailangan
pelikula? Ano ang maitutulong nito sa inyo bilang nating pag-aralan ang pagsusuri ng
mag-aaral? isang pelikula dahil sa pamamagitan
nito ay nagkakaroon tayo ng malalim na
pag-unawa sa ating pinanood na
pelikula at upang mas maunawaan natin
Tama,magaling. ang mensaheng nakapaloob sa isang
Maraming salamat. Bigyan naman natin ng wow pelikula.
clapang inyong kaklase.
4. Aplikasyon
Sa puntong ito ay ating susukatin kung kayo ay may
malawak na kaalaman patungkol sa ating tinalakay.
Panuto: Batay sa ating binasa na “100 Tula Para Ang mga mag-aaral ay nagsagawa ng
Kay Stella”, ihayag ang inyong sariling pananaw gawain.
tungkol sa mahahalagang isyung mahihinuha dito.
Sundan ang pormant at gawin ito sa hiwalay na
papel.

Pamagat ng Pelikula
Isyung mahihinuha_______________________
______________________________________
Sariling pananaw________________________
______________________________________

IV. Ebalwasyon
Gawain 2: Paggamit ng Kahusayang Gramatika Panuto: Mula sa mga pangyayari sa pelikulang, “100 Tula
Para Kay Stella” gumamit ng kahusayang gramatikal sa pamamagitan ng tamang baybay at bantas upang
maging magkakaugnay ang mga pahayag. Isulat muli sa hiwalay na papel ang wastong sagot.
sapagtataposmahihinuhanasifidelaymapapaibigkay
solatganoondinsisolsakaniyabeholdthisisanew
chapterforsomeonewiserandstrongerthanapebble
nowbolder

1. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Ngunithabangsila’ynaglalakadpauwi,
tinawagniyasiStellaatsinabiniyanaangnilalaman
nghulingtulaay“Gustokita.Mahalkita”atsimula
freshmenpalangaynararamdamannaniyaito.
2. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
AngpangyayaringitoangnagbunsodkayFidelupangmaging
siguradonasakaniyangsitwasyon,itoangmagpatuloyngpag-aaral
saMaynila,kungsaanditomaiiwasanniyanasiStella
atmakakapagpokussiyangmag-aral.
3. ___________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

V. Takdang Aralin
Panuto: Pumili ng isang pelikulang nais mo, isulat ang buod nito sa hiwalay na papel. Bigyang-tuon ang
paggamit ng wastong bantas sa bawat pangungusap at talatang isusulat.

Inihanda ni:

RONA GRACE D. DORILLO


BSED- FILIPINO 4
100 Tula Para Kay Stella
2017 Philippine romantic film directed by Jason Paul Laxamana
Stella (Bela Padilla) Fidel (JC Santos)

Noong 2004, sa unang taon sa kolehiyo – Pampanga Agricultural College sa kursong Sikolohiya,
isang 17 taong gulang na nagngangalang Fidel ang nagpakilala sa kaniyang mga kaklase at mula dito siya
ay nakilala bilang isang taong uutal utal kapag kinausap, duwag at may mababang loob. Sa mismong
araw din na iyon, nakilala niya si Mrs. Barloza na isa sa nagmungkahi upang siya ay magpatuloy sa
pagsulat ng mga tula at inanyayahan ito na magpasa sa diyaryo ng paaralan, ang Seedling. Dahil siya ay
isa pa lamang freshmen, naglakas loob siyang pumunta sa event ng kanilang paaralan “Freshies night”
kung saan niya unang nakita si Stella. Si Stella ang tumulong sa kaniya at nagpagaang nang kaniyang
loob dahil sa ang pantalon nito ay may mantsa sa nakakahiyang parte. At sa mismong gabing iyon, unang
tumibok ang puso ni Fidel kay Stella ng nakita niya na ang babaeng tumulong sa kaniya ay ang babaeng
kumakanta sa harapan kasama ang banda.
Sa pangyayaring iyon, nagkaroon na siya ng inspirasyon, inspirasyon na nagdulot sa kaniya
upang magsulat ng mga tula na may pinaglalaanan. Naging mas madalas magkasama si Fidel at Stella
dahil magkaklase sila sa mga asignatura gaya ng P.E. at nagpatuloy ang pagkikilala sa bawat isa pati ang
damdamin ni Fidel sa kaniya ay tuluyan ngang lumalago. Ngunit dumating ang panahon na hindi
tinanggap ang mga tula ni Fidel para ipublish sa diyaryo, ito sana ang magsisilbing paraan upang masabi
niya ang kaniyang nararamdaman para kay Stella. Sa parehong panahon na iyon, unang naranasan ni
Fidel ang “heartbreak” dahil nakita niyang may kasamang lalaki si Stella na kasintahan pala niya, noong
ibibigay na sana ni Fidel ang mga tula dito. Kaya naman mas pinagbuti at tinutukan niya muna ang
kaniyang pag aaral at samahan sa kaniyang mga kamag-aral. Ngunit si Stella ay muli bagsak nanamang
muli at nakita siya ni Fidel at dito niya nabuhos ang concern kay Stella.
Nagbigay daan din ito para tulungan niya si Stella na turuan ito sa kaniyang pag-aaral sa susunod
na taon. At sa panibagong yugto ng kanilang pag-aaral nagbukas din ito ng panibagong pinto para kay
Stella, kung saan ang kaniyang pananamit at mga bagay na nakakasira sa kaniyang pag- aaral ay kaniya
nang inalis kaya naman lalong nabighani si Fidel. Natuto naring mag-ayos si Fidel. Bukod pa rito,
nagbigay din ito ng panibagong samahan sa pagitan ni Stella at Fidel dahil magkaklase sila sa dalawang
asignatura. Isang araw humingi ng tulong si Stella kay Fidel na kung pwede turuan siya nito sa kanilang
subject dahil malapit na ang mid-terms, nagtakda sila ng araw kung saan pwede siyang turuan nito sa
kanilang bahay. Labis na pinaghandaan ni Fidel ang araw ng Linggo at umaga palang naglilinis na siya ng
bahay, di mapakali sa pagdating ni Stella pagsapit ng gabi. Dahil sa mismong araw na iyon sasabihin niya
na din ang kaniyang lihim na pag tingin kay Stella.
Ngunit sa kasamaang palad, hindi nakarating si Stella dahil sa ang kasama nito ay si Barrie dahil
sa oportunidad na kaniyang nakita para matupad ang kaniyang pangarap na sumikat bilang isang mang-
aawit. Doon siya aksidenteng nagpalipas ng gabi dahil hindi siya nito pinaalis. Kinabukasan, dito na
nangyari ang pagkakasira ng pagkakaibigan nila. Nagtalo si Fidel at Stella, inilabas ni Fidel ang sama ng
loob niya dito, na mas inuna niya pa si Barrie. Pinapili niya si Stella kung pag-aaral ba o pag babanda,
kanyang nalaman na hindi talaga pag-aaral ang gusto nito.
Ang pangyayaring ito ang nagbunsod kay Fidel upang maging sigurado na sa kaniyang
sitwasyon, ito ang magpatuloy ng pag-aaral sa Maynila, kung saan dito maiiwasan niya na si Stella at
makakapagpokus siyang mag-aral. Ito ay sa Philippine Republic University. Sa Maynila na siya mag-
aaral. Sa kolehiyong ito, nakilala niya si Chuck na isang homosekswal na nagbebeatbox at ito ang isa sa
naging matalik niyang kaibigan. Sa una nilang pagkikita, kaniyang narinig na may angking boses si Fidel.
Kaya naisip niyang isali ito sa kanilang grupo. Sa kabila ng di pagtanggap dahil sa kababaan ng loob nito,
siya ay lumago at nakilala ang kanilang grupo sa kanilang paaralan lalong lalo na siya. Ang dating di
makabasag pinggan ay ngayong nakakaharap na sa ibang tao ng may kompiyansa sa sarili at ang
kaniyang pananamit at kilos ay gumanda at umayos.
Si Fidel ay inimbitahan ni Danica, na nagpakita nang selos ng biglaang dumating si Stella.
Nagkita sila muli ni Stella noong nagkaroon ng reunion ang kanilang block sa dati nitong paaralan at kita
sa mga mata ni Fidel na mahal pa rin niya ito. Sa pagkakataon na iyon, muli nilang binalikang pag-usapan
ang mga pinagsamahan nila noong sila’y magkaibigan pa at nag karoon ng pagkaklaro bukod sa
pagmamahal ni Fidel sa kaniya. Hanggang sa dumating ang oras kung saan naglaro sila ng spin the bottle
at si Stella na ang tinanong. Hindi niya sinagot ang tanong na kung sino nga ba ang papasa sa kaniya para
maging boyfriend niya dahil may kasintahan na daw siya. Ngunit si Danica na nagseselos at naiirita na sa
tabi at nag aabang sa sagot niya ay muli siyang tinano ng. Ngunit naputol ito ng may sumuka sa kanilang
grupo.
Samantala, nagkita ang dating magkakilala noon na si Stella at si Von na alam ang bawat sikreto
nito, ang bilang kung ilan na ang kanyang naging kasintahan at kung ano ang mga pinaggagawa niya
noon. Noong aalis na si Fidel upang bumalik sa Maynila, tinangka nanaman niyang ipaalam kay Stella
ang nararamdaman niya. Iniwan niya ang lahat ng bagay na magpapaaalala sa kaniya tungkol kay Stella
para tuluyan na siyang makalimot ngunit kinuha niya itong muli. At ito na nga, sinundo na si Stella ng
kaniyang panibagong boyfriend upang dumiretso sa isang record bar upang ipasa ang kaniyang kanta
ngunit hindi ito tinggap dahil hindi na ito bago sa pandinig. Iminungkahi nila na sumali nalang muna si
Stella sa isang grupo na walang ginawa kundi ang gumiling. Sa mismong araw na iyon, buhat sa kanilang
pagtatalo nalaman ng kanyang kasintahan na ginagamit lang talaga siya ni Stella kaya naghiwalay na sila.
At muli nanaman siyang napariwara lalo sa buhay dahil di niya naabot ang pangarap niya. Nagtalo sila ng
kaniyang kapatid at ito ang nagtulak sa kaniya upang maglayas at humingi ng tulong kay Fidel.
Nagkita silang muli, nag-usap at labis na umiyak si Stella kay Fidel. Di ito matiis ni Fidel lalo na
nang sinabi nito na wala siyang matutuluyan at kinuhanan pa niya ito ng sariling apartment si Stella. Sa
apartment na iyon, ay pinatuloy saglit ni Stella si Fidel at hinalikan siya ni Stella. Nagulat siya sa padalos
dalos nitong ginawa at sinabing hindi niya magawang samantalahin ang kahinaan nito. Sa gabing iyon,
sinamahan siya ni Fidel. Kinabukasan inimbita ni Fidel si Stella upang manood ng kaniyang pagkanta
kasama ang kaniyang grupo sa paaralan. Labis itong ikinagalak ng isang manonood at binigyan siya ng
oportunidad na kumanta sa kaininan nito. Ngunit si Stella ay nakaramdam ng pagkainggit.
Bumalik na si Stella sa kanilang tahanan, sinalubong siya ng kaniyang kapatid ng may pag-aalala
ngunit mas pinili niyang umalis at piliin pa rin ang kaniyang pangarap. Naglayas siyang muli at sa
paglayas niyang iyon wala na siyang matuluyan, sinubukang magnakaw ng pagkain at nagpabasa sa ulan.
Ngunit nakita siya ni Von na basang-basa na sa ulan, kinupkop siya nito pansamantala sa kaniyang bahay.
Habang si Fidel ay patuloy pa ring nagsusulat ng mga tula para kay Stella at umabot na ito ng 90.
Kapansinpansin din ang lalong paghusay nito sa pagsulat habang tumatagal. Kung noon tagalog lamang
ang kaniyang gamit, ngayon Ingles na at palalim ng palalim ang kahulugan.
Sa pagtagal ng pamamalagi ni Stella sa bahay nila Von, dumating ito sa punto na gusto niyang
magpakamatay ginupit-gupit niya ang kaniyang buhok dahil sa matinding emosyon, sa depresyon na
idunulot ng halo-halong problema na kaniyang pinagdadaanan. Inaawat siya ni Von. Kinabukasan ninais
ni Stella na umalis na sa bahay ni Von ng walang kasiguraduhan kung saan siya makikituloy. Ngunit hindi
siya hinayaan nito at pinilit na manatili sa bahay niya.
Samantala, si Fidel naman ay puno ng galak dahil natapos na niya ang 100 tula na kaniyang
ibibigay sa mismong araw na iyon para kay Stella. Dumayo pa siya sa kaniyang dating kolehiyo noon
para magtanong tanong tungkol kay Stella ngunit wala na silang balita dito. Hanggang sa nakita siya ni
Danica. Labis itong natuwa kasi akala niya siya ang pinunta ni Fidel ngunit ito ay dahil may ibibigay at
aamin na siya kay Stella dahil tanggap nito na si Stella ang gusto niya. At dito inamin din ni Danica na
may pagtingin siya noon kay Fidel ngunit tapos na ito pagkasabi niya ng masamang balita. Ikinasal na ito
kay Von noong nakaraang linggo. Kaya labis itong ikinagulat ni Fidel. Pinunit punit niya ang mga tulang
para dapat kay Stella. Kita sa kaniya ang galit, paano n angyari iyon at bakit si Von ang pinili nito. Sinabi
ni Danica na dahil si Von ang kasama nito noong mga panahong kailangan siya ni Stella.
Sa pagbalik ni Fidel, labis niya itong dinamdam. Pati ang pag-aaral niya maging ang grupo niya
ay naapektuhan. Ngunit muling pinalakas ni Chuck ang loob ni Fidel na hindi dapat niyang gawing
miserable ang kaniyang buhay ng dahil kay Stella. At dahil dito nagpatuloy ang kaniyang buhay siya ay
nakapagtapos ng pag-aaral. Sa kasamaang palad, limang buwan na hindi pa din siya nakakakuha ng
trabaho at dahil pa rin kay Stella. Muli siyang tinawagan ni Stella sa kasagsagan ng paghahanap niya ng
trabaho dahil na kuha na pala niya ang mga tula na ginawa ni Fidel para sa kaniya. Ibinigay ito ni Danica.
Nagkita sila ni Fidel sa Pampanga at sinumulan ni Stella ang pagsasalita patungkol sa mga tula
na halatang halata ang galing nito sa pagsusulat habang tumatagal, na ang totoong buhay ni Stella ang
sinasalamin ng mga tula pero sa kalahating dulo, hindi na. Habang pinagmamasdan nila ang bundok
Arayat, tinanong ni Fidel kung nabasa niya na ang pang100 na tula, ngunit ito ay burado sabi ni Stella
kaya hindi pa niya ito nababasa. Tinatanong niya si Fidel kung anong pamagat o nakasulat dito hindi na
niya maalala. At nagpasya nalang siya na umuwi. Ngunit habang sila’y naglalakad pauwi, tinawag niya si
Stella at sinabi niya na ang nilalaman ng huling tula ay “Gusto kita. Mahal kita” at simula freshmen
palang ay nararamdaman na niya ito.
Sa parteng ito, mararamdaman ang makabagbag damdaming eksena nila. Nagtaka si Stella kung
bakit ngayon niya lang sinabi, kung bakit ngayon kung kailan huli na ang lahat. Sa seryosong pagsasalita
niya itinanong ito kay Fidel, kung parehas sila ng nararamdaman. Ang sagot ni Stella ay oo simula third
year noong nakita niya na handang magsakripisyo si Fidel para sa kaniya sa pamamagitan ng pagbibigay
sa kaniya ng oportunidad na siya na ang kumanta sa resto bar.
Mahal niya si Fidel kaya lang hindi niya ito naipaglaban dahil sa ayaw niyang gamitin niya lang
ito para sa pangarap niya. Mahal niya si Fidel ngunit hindi na maari. Dahil nagdadalang tao na siya at
kasal na siya kay Von na tinuruan siyang magmahal ng hindi nanggagamit, kaya hiniling niya na
kalimutan nalang nila ang isa’t isa. At bilang pagtatapos, natanggap ni Fidel ang katotohanang hindi na si
Stella ang para sa kaniya. Masaya siya at nagpapatuloy ng buhay ng normal. Hanggang nagkita sila sa di
inaasahan ng kaniyang guro noon na si Mrs. Barloza kasama ang kaniyang anak na si Sol. Sa pagtatapos,
mahihinuha na si Fidel ay mapapaibig kay Sol at ganoon din si Sol sa kaniya. “Behold this is a new
chapter. For someone wiser and stronger. Than a pebble now bolder. This world he… WE conquer.

You might also like