Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Kanlungan (Haven)

Sa loob ng yong mapupungay na mata,


Ang luhang nagkukubli ng takot at pangamba,
Sa loob ng yong matatamis na ngiti,
Alam kong tinatago mo ang paghikbi,

Ang ‘yong mga tawang kay saya


Ay halakhak ng kadilimang bumabalot sayong paligid ,
Ang ‘yong puso na dating kay lamig,
Ngayo’y nagsisimula na muling pumintig,

Dahilan para maranasan mong umibig,


Nabuo sa hula ng numero,
Sa pagtipa ng siyam, sais, dos, kwatro,
Nagawa mong humikbi sa oras na kumplikado,

Ang buhay mo’y nag iba at napalitan ng bago


May nagbukas sa puso mong noon pa nakakandado,
Tila ba para itong susi na ginawa para sa puso mo
Nagawa nitong buksan ang akala mo’y sarado.

Walang araw ang lumipas ang sinayang mo,


Ginawa mo ang lahat, upang wag mawala sayo,
Ang nag iisang susi sa puso na,
Nag iisa at walang katulad,

Nagsilbing iyong kanlungan,


Na syang nagsisilbing kasiyahan,
Kahit sa pait at kalungkutan,
Isang bagay na hindi mo kayang iwan,

Handang masugatan sa gitna ng laban,


Handang tumikim ng dugo at sakit,
kahit kaagaw mo pa ng kalwakan,
Ganyan ka magmahal,
Handang mag alay ng lahat kahit mahirap,

Iyan ang kio na nakilala ko,


Kio na hindi sumusuko,
Kulang ang mga salita
Ngunit kulang din ba ang oras natin?
Kulang nga ba? O Wala na talagang oras?

Nais kong magtanong,


Kung bakit ka sumuko sa laban?
Andito ako nakahawak,
Bakit ka bumitaw?

Alam kong nais mo ng magpahinga dahil pagod ka na,


Hayaan mo ako ang maging kanlungan,
Maging sa iyong huling hantungan,
Kung nasaan ka man, tanggap ko na aking mahal.

Nais kong malaman mong lumaban ka


Nais kong tandaan mong matapang ka
Nais kong iparating sayo na matatag ka
At nais ko ipahiwatig sayong mahal kita
A fan poetry by
Aprilyn ( lay_poem’s)

You might also like