Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Intro

(1)Aaron: Mula sa estasyin ng Radyo ng Pilipinas ito ang BNB, Boses ng Bayan (sound)

(2)Aaron: Kumakalat na balitaan, hindi namin titigilan hangga’t hindi pinakikinggan.

(3)Angela: Kumakalat na chismisan, maraming estudyante ang nagrereklamo ukol sa


mabahong amoy ng kanilang silid aralan

(4)Lapaz: Anuman ang kanilang opinyon at pinanggalingan ay atin ng pag uusapan.

(5)Tomy: Ngunit bago ang lahat kami ang inyong kaibigan, Tomy Alcantara

(6)Lapaz: Kami’y inyo ring sandigan, Ramwell Lapaz

(7)Angela: At sa balita’y tunay na inyong maasahan, Ako si Angela Bawag

(8)Angela,Lapaz,Tomy: At ito ang BNB, Boses mo ay ang Boses ng Bayan.

(BGM)

(9)Aaron: Ang oras natin ngayong Pebrero bente kwatro taong dalawang libong
dalawamput apat ay alas siyete ng umaga.

(10)Angela: Maraming sabi sabi na gaya ng chismis ‘sing bilis nito ang pagkalat ng hindi
kaaya ayang amoy sa loob ng paaralan lalo na ang Grade 8 building. Para sayo pars ano
kaya yung amoy na ito?

(11)Lapaz: Siguro dahil yan sa mga nabubulok na basurang tinatapon ng estudyante sa


likod ng paaralan.

(12)Tomy: May saysay naman yung hula mo pare, pero ayon sa mga estudyante na
nakakaamoy nito galing daw ito sa kanilang mga banyo at ang kanal sa likod ng gusali ng
ikawalong baitang dahil kanal raw ito ng kantina, dito lumalabas yung tubig na
pinaghugasan at iba pa mula sa kantina.

(13)Angela: May mga estudyante tayo mula sa paaralan ng AMANAHIS na ating hiningan
ng kanilang interpretasyon patungkol sa isyu na ito. Atin itong pakikinggan sa pagbabalik
ng BNB,Boses mo ay Boses ng Bayan (BGM slowly fades)

(Music of the commercial slowly rising)

(14)Hernando: Hoy Pare! Sabayan mo ko dito oh, mainit masarap magbabad sa tubig

(15)Genesis: Naku pare, tignan mo tong nag aawasang tubig oh, sayang!

(16)Hernando: Wag mo na problemahin yan pare, Hindi naman nauubos ang tubig
tignan mo oh!

(17)Genesis: Wag kang magsasayang ng tubig dahil magiging delikado tayo pagdating ng
El Niño
(18)Aaron: Wag tayong magsayang ng tubig, bagkus ito’y ating ipunin. Ang El Niño ay
sabay sabay nating sugpuin, kagamitan sa tubig ay ating tipirin. Isang mahalagang
paalala mula sa Amadeo Water District (BGM slowly fading)

(News BGM slowly rising)

(BGM) (19)Aaron: Muling nagbabalik ang BNB, Boses mo ay Boses ng Bayan

(20)Tomy: Muling nagbabalik ang BNB, ating babalikan ang ating naiwang
usapan.Ngayon ay ating pakikinggan ang boses ng estudyante sa paaralan, Mareng
Reinalyn anong balita dyan?

(21)Reinalyn: Ayon na nga Pare, nagsagawa kami ng survey sa sampung estudyante,


Narito ang kanilang mga kasagutan ( ) porsyento ang sinasabing sila raw ay
nakararanas ng hindi kaaya ayang amoy na ito, samantalang ( ) porsyento naman ang
nagsasabing hindi raw nila naamor ito.

(22)Reinalyn: Illan sa mga napanayan nating estudyang ay nagpahayag ng kanilang


interpretasyon patungkol sa isyung ito.

(RECORDINGS)

(23)Lapaz: Salamat sayo Mareng Reinalyn, ngayong narinig na natin ang Boses nila, atin
namang pakinggan ang boses dito studyo, Mareng Angela anong masasabi mo?

(24)Angela: Sa tingin ko, ang ganitong sitwasyon dapat inaaksyom na kaagad ng


paaralan dahil delikado ito sa kalusugan ng mga mag aaral lalo na kung hindi malakas
ang resistensya nila.

(25)Tomy: Tama ka jan Mare. Naku tapos na pala ang ating usisaan, kita kita tayong muli
sa susunod na balitaan muli kami ang inyong kaibigan, Tomy Alcantara

(26)Lapaz: Kami’y inyo ring sandigan, Ramwell Lapaz

(27)Angela: At sa balitaan kami’y inyong tunay na maasahan, ako si Angela Bawag

(28)Angela, Lapaz, Tomy: At ito ang BNB, Boses mo ay Boses ng Bayan (BGM aloud, then
slowly fades)

You might also like