Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

lOMoARcPSD|27577794

Detalyadong Banghay Aralin sa Filipino Elemento ng Pabula

Education (Bohol Island State University)

Scan to open on Studocu

Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university


Downloaded by Therese Pauline Ruallo (theresepaulineruallo101503@gmail.com)
lOMoARcPSD|27577794

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO


IKAAPAT NA BAITANG
I. Layunin
Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Matutukoy ang mga elemento ng pabula.
b. Makasasagot sa mga tanong tungkol sa kwentong napakinggan.
c. Naibibigay ng malinaw ang mahalagang detalyeng ipinahihiwatig
ng kwento sa malikhaing paraan.
II. Paksang Aralin: Mga Elemento ng Pabula
“Ang Uwak at ang Gansa”
Kagamitan: Mga kagamitang biswal, Mga larawan ng hayop,
cartolina, at marker.
Estratehiya: Masining na pagkukwento
Sanggunian: K-12 Teacher’s Guide Filipino Grade 4

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain

1. Pagbati
Magandang araw mga bata! Magandang araw rin po, ma’am!

Isa nanamang panibagong araw


para matuto. Handa na ba Handa na po ma’am.
kayo?

2. Panalangin
Bago tayo magsimula,
inaanyayahan ko ang lahat na
tumayo at ating sisimulan ang
ating aralin ng isang munting
(Magsisitayo ang mga mag-aaral
panalangin.
at susundan ang panalangin ng
guro.)

Downloaded by Therese Pauline Ruallo (theresepaulineruallo101503@gmail.com)


lOMoARcPSD|27577794

(Pamumunuan ng guro ang


pagdarasal)
(Aayusin ng mga mag-aaral ang
mga upuan at pupulutin ang mga
kalat.)
3. Pagsasaayos ng silid-
aralan
Bago kayo umupo, pakiayos
muna ang inyong mga upuan at
pulutin ang mga kalat.
Wala po, ma’am.

Maari na kayong umupo.

4. Pagtala ng liban sa klase


Mayroon bang liban sa klase?

Mabuti naman kung ganoon.

B. Panlinang na Gawain

1. Balik-aral
Mga bata, natatandaan niyo pa
ba ang pinag-aralan natin
kahapon? Opo, ma’am.

Tungkol saan ito? Ma’am, ang tinalakay po natin


kahapon ay tungkol sa alamat.

Tama! Ano na nga muli ang Ma’am, ang alamat po ay isang


alamat? kwentong bayan na
nagpapaliwanag kung saan
nanggaling ang isang bagay.

Tama! Magbigay nga kayo ng


halimbawa ng alamat? Alamat ng pinya po ma’am.

Ano pa? Alamat ng paru-paro ma’am.

Ano pa? Alamat ng rosas ma’am.

Downloaded by Therese Pauline Ruallo (theresepaulineruallo101503@gmail.com)


lOMoARcPSD|27577794

Mahusay mga bata! Mayroon pa


ba kayong katanungan tungkol sa
ating nakaraang aralin? Wala na po, ma’am.
C. Pagganyak
Ngayon, dadako na tayo sa ating
panibagong aralin. Ngunit
magkakaroon muna tayo ng isang
gawain at ito ay pinamagatang “Sino
ako?”.
Sa Gawain, ito, kailangan ko ng apat
na mag-aaral. Sinong gustong (Magboboluntaryo ang apat na
mag-aaral)
magboluntaryo?
Halina kayo dito sa harap. (pupunta sa harap ang mga bata)

Mayroon akong inihandang limang


litrato sa kahong ito.
(magpapakita ng kahon)

Bawat isa sa inyo ay bubunot ng


isang litrato na siyang huhulaan ng
inyong mga kamag-aral. Kayo na ang
bahala kung paano ninyo ito
ipapahula sa kanila. Maaari ninyong
gayahin ang galaw o huni ng mga
mabubunot ninyo upang madaling
mahulaan ng inyong mga kamag-aral.

Naunawaan ba mga bata? Opo, ma’am.


Handa na ba kayo?
Opo, ma’am.
Kung ganoon, maaari na kayong
magsimula.

Downloaded by Therese Pauline Ruallo (theresepaulineruallo101503@gmail.com)


lOMoARcPSD|27577794

(Mga litrato na huhulaan ng mga


bata)

Ibon

Pusa

Isda

Baka

Baboy

Mahusay mga bata! Ang lahat ng


inyong mga kasagutan ay tama.
Palakpakan ninyo ang inyong mga
sarili.
(Papalakpak ang mga bata)
D. Pagsusuri
Mga bata, ano ang napansin ninyo sa
mga larawang hinulaan ninyo? Ma’am! (magtataas ng kamay)

Mga hayop po ma’am.

Downloaded by Therese Pauline Ruallo (theresepaulineruallo101503@gmail.com)


lOMoARcPSD|27577794

Sige, Joana

Tama! Sino sa inyo ang may mga


(Magtataas ng kamay ang mga
alagang hayop sa bahay? bata)

Anong hayop ang mga ito? Aso ma’am.

Pusa ma’am.
Ano pa?
Ibon ma’am.
Ano pa?

Hindi ma’am.
Nagsasalita ba sila?

Ang ating aralin ngayon ay konektado


sa mga hayop.

E. Pagtatalakay
Mga bata, pakibasa nga ang nasa
harap. Mga Elemento ng Pabula

Ito ang ating pag-aaralan sa araw


na ito. Malalaman ninyo ang mga
element ng pabula, ngunit ano
nga ba ang pabula?

Pakibasa. Ang pabula ay isang maikling


kwento kung saan ang mga hayop
ang gumaganap. Ito ay Karaniwang
isinasalaysay sa mga bata para
aliwin gayundin ang magbigay ng
pangaral.

Ang pabula ay isang kwentong


kathang isip lamang dahil ang
mga hayop na gumaganap dito ay
kumikilos at nagsasalita na tulad
ng mga tao.

Downloaded by Therese Pauline Ruallo (theresepaulineruallo101503@gmail.com)


lOMoARcPSD|27577794

Ngayon, magkakaroon tayong


muli ng isang gawain. Tignan
lamang inyo ang “Word search
box” na ito at bilugan ang limang
mga salitang nakapaloob rito.
Maliwanag ba mga bata? Opo ma’am.
(Limang mag-aaral ang
P A M A G A T S Y magboboluntaryong sasagot sa
S R D F G H A P A harap.)

C A S W Z T U M Q
P A M A G A T S Y
T L B A N G H A Y
S R D F G H A P A
J D X Z O V A L W
C A S W Z T U M Q
T A G P U A N P M
T L B A N G H A Y
K G S X E T A M P
J D X Z O V A L W
T A G P U A N P M
K G S X E T A M P

(babasahin ng mga bata ng


Mahusay mga bata! Pakibasa nga malakas at sabay-sabay ang mga
ng sabay-sabay ang mga salitang salita)
inyong binilugan.

Ang mga salitang ito ay ang


limang elemento ng Pabula. Atin
itong tatalakayin isa-isa.

Una ay ang pamagat. Pakibasa. Pamagat- Isang salita o parirala


kung saan isinisiwalat ang isang
paksa.
Ang pamagat ay nagpapahintulot sa
mga mambabasa na magkaroon ng
isang indikasyon sa kung ano ang
tungkol sa kwento.

Pangalawang elemento ay ang


tauhan. Pakibasa. Tauhan- Sila ang mga gumaganap

Downloaded by Therese Pauline Ruallo (theresepaulineruallo101503@gmail.com)


lOMoARcPSD|27577794

sa kwento.

Sa isang pabula, ang mga tauhan ay


hindi mga tao kundi mga hayop.
Ngunit, ang mga problema at mga
aral na makukuha rito ay
maisasalamin sa totoong buhay.

Ang pangatlong elemento ay ang


tagpuan. Pakibasa Tagpuan- Tumutukoy ito sa oras,
panahon, at lugar ng pinagdausan
Ang tagpuan ay naglalarawan sa ng isang kwento.
panahon, lugar o pook na kung saan
naganap ang mga pangyayari sa
pabula.

Susunod ay ang banghay. Pakibasa


Banghay- Ito ang kabuuang
pangyayari ng isang kwento.

Ang banghay ay naglalarawan sa


pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa kwento. Ito ay
mayroong simula, gitna, at wakas.

Ang huling element ng pabula ay ang Aral- Ito ay tumutukoy sa


aral. Pakibasa. mahalagang natutunan sa isang
kwento.

Lahat ng kwento ay may aral na


makukuha. Kadalasan sa isang
pabula, makikita natin an mga
msasamang epekto ng mga desisyon
ng kontrabida at kung paano na-iba
ang mga pangunahing tauhan sa
kwento.
Opo, ma’am.
Naunawaan baa ng mga elemento ng
pabula mga bata?

Downloaded by Therese Pauline Ruallo (theresepaulineruallo101503@gmail.com)


lOMoARcPSD|27577794

Kung ganon, mayroong akong


tatalakaying isang kwento. Ang
pamagat nito ay “Ang Uwak at ang
Gansa”

Isang uwak ang nakaramdam ng


pagkasawa sa pang-araw-araw na
gawain. Sawa na siya sa paglipad sa
kalawakan. Sawa na rin siya sa
pamamasyal sa matarik na
kadundukan at malawak na
kagubatan.

Ano kaya ang dapat niyang gawin


upang malibang? Bigo siya sapagkat
di niya makita kung anong bagay ang
makapagpapaligaya sa kaniya.

Isang araw, dumapo siya sa sanga ng


punong manga. Tiningnan niya sa
ibaba ang malinaw na batis. Kitang-
kita niya ang kekembot-kembot na
paglalakad ng isang pulutong na mga
gansa. Noon lamang napansin ng
uwak ang mapuputing balahibo ng
pinapanood. Masasaya ang mga
gansa sapaglangoy nila sa batis.
Maririnig moa ng malalamyos nilang
tinig.
“Masasaya na sila, magaganda pa!
Pagkapuputi ng mga balahibo nila.
Mga bata, pakibasa ang sabi n uwak.
Maitim na maitim ako.
Pagkapangit-pangit ko. Siguro,
nakapagpapaputi,

Downloaded by Therese Pauline Ruallo (theresepaulineruallo101503@gmail.com)


lOMoARcPSD|27577794

nakapagpapaganda, at
nakapagpapaligaya ang batis na
pinaglalanguyan nila.”

Upang makalangoy din,


nakipagkaibigan siya sa isa sa mga
gansa.
“Binibining gansa, maaari bang
Ano ang sabi ni uwak? sumabay sa iyong paglalangoy?”

“Aba, oo. Halika. Ang batis ay


Ano ang sagot ng gansa? kalikasang handog ng Panginoon.
Halika, sumabay ka sa akin!”

Kumislap ang mga mata ng uwak. Sa


wakas ay makakalangoy na rin siya.
Subalit, di tulad ng mga gansa, ang
uwak ay hindi marunong lumangoy.
Sapagkat gustong-gustong madaling
pumuti, gumanda, at lumigaya, pinilit
niyang lumangoy na malayo sa
gansang kinaibigan niya. Sa
kasamaang palad ay nabasa ang mga
pakpak ng uwak at natangay siya ng
rumaragasang alon.

Naunawaan ba ninyo ang pabulang Opo, ma’am.


ating binasa?

Ano nan gang muli ang pamagat ng Ang Uwak at ang Gansa ma’am.
pabulang ating binasa?

Tama. Sino ang mga tauhan sa Ang Uwak at ang Gansa ma’am.
kwento?
Sa batis ma’am.
Saan nagana pang kwento?

Downloaded by Therese Pauline Ruallo (theresepaulineruallo101503@gmail.com)


lOMoARcPSD|27577794

Ano ang nangyari sa unang bahagi ng


kwento? Nagsawa ang uwak sa araw-araw
niyang gawain ma’am.

Tama. Ano naman ang nangyari sa


gitnang bahagi ng kwento? Nakita ng uwak ang mga gansa sa
batis at nainggit ito sa kanila
ma’am kaya nakipagkaibigan siya
sa isa sa mga gansa at sumabay sa
paglalangoy.

Dahil gusto niyang pumuti ma’am.

Gusto niyang gumanda ma’am.


Tama. Bakit gusto niyang lumangoy
sa batis? Gusto niyang lumigaya ma’am.

Ano pa?

At..?

Magaling mga bata! Sumabay si uwak


na lumangoy sa batis dahil ang akala
niya, nakakapagpapaputi, Nabasa ang pakpak ng uwak
nakakaganda, at nakapagpapaligaya ma’am at natangay siya ng alon.
ang batis kung saan lumalangoy ang
mga gansa. Ngunit anong nangyari sa
wakas n kwento? Huwag maiinggit ma’am.

Tanggapin ang sarili ma’am.


Tama. Sa tingin ninyo, ano ang aral na
mapupulot natin rito?

Ano pa?

Tama. Ang bawat isa ay nilikha ng


Diyos na espesyal at may kanya-
kanyang katangian. Iwasang mainggit Opo, ma’am.
sa iba dahil ang inggit ay nagbubunga

Downloaded by Therese Pauline Ruallo (theresepaulineruallo101503@gmail.com)


lOMoARcPSD|27577794

ng kapahamakan.

Naintindihan ba mga bata?

F. Paglalapat

Ngayon, magkakaroon tayo ng


pangkatang gawain. Mga bata,
ano ang dapat nating tandaan
kapag may pangkatang gawain? Huwag mag-ingay ma’am.

Ano pa? Makipagtulungan ma’am.

At..? Iwasang makipag-usap sa ibang


grupo ma’am.

Maliwanag ba ang ating


patakaran? Opo, ma’am.

Ngayon, papangkatin ko kayo sa (Mapapangkat ang mga mag-


limang grupo. aaral sa limang grupo.)

Bawat grupo ay pipili ng isang


envelope at gagawin ang
nakasulat rito.

(pipili ang bawat grupo ng


envelope)

Gawan ng poster slogan ang


pamagat ng pabulang
nabasa. Ipaskil ito sa harap.
Iguhit ang mga tauhan sa
pabulang nabasa. Ipaskil ito
sa harap.
Iguhit ang tagpuan sa
pabulang nabasa. Ipaskil ito
sa harap
Iguhit ang simula, gitna, at
wakas ng pabulang nabasa.

Downloaded by Therese Pauline Ruallo (theresepaulineruallo101503@gmail.com)


lOMoARcPSD|27577794

Isalaysay ito sa harap.


Gawan ng slogan ang aral sa
pabulang nabasa. Isalaysay
ito sa harap.

Opo, ma’am.

Naintindihan ba mga bata? (Magsisimula nang gawin ng mga


bata ang gawain)
Kung gayon, maaari na kayong
magsimula. Opo, ma’am.

Tapos na ba mga bata? (Magsasalaysay ang mga bata sa


harap)
Maaari na ninyong ipaskil ang
inyong mga gawa sa harapan.
(Papalakpak ang mga bata)
Mahusay mga bata! Napakaganda
ng inyong mga gawa! Palakpakan
ninyo ang inyong mga sarili.

G. Paglalahat

Mga bata, naintindihan ba ninyo


ang ating aralin sa araw na ito? Opo, ma’am.

Ano na ngang muli ang pabula? Ma’am! Ang pabula po ay isang


maikling kwento kung saan ang
mga hayop ang gumaganap.

Tama. Ilan ang element ng


pabula? Lima po ma’am.

Anu-ano ang mga ito? Pamagat, tauhan, tagpuan,


banghay, at aral po ma’am.

Ano ang pamagat? Ma’am, ang pamagat po ay isang


salita o parirala kung saan
isinisiwalat ang isang paksa.

Downloaded by Therese Pauline Ruallo (theresepaulineruallo101503@gmail.com)


lOMoARcPSD|27577794

Ano naman ang tauhan? Ma’am, ang tauhan po ay ang mga


gumaganap sa kwento.

Ano naman ang tagpuan? Ang tagpuan po ay tumutukoy sa


panahon at lugar ng pinagdausan
ng isang kwento.

Ang banghay naman ay..? Ang banghay po ay ang kabuuang


pangyayari ng isang kwento.

Ano ang tatlong bahagi ng


banghay? Simula, gitna, at wakas po ma’am.

Ano naman ang aral?


Ma’am, ang aral po ay tumutukoy
sa mahalagang natutunan sa isang
kwento.
Mahusay mga bata! Lahat ng
inyong mga sagot ay tama.

Mayroon pa ba kayong mga


katanungan tungkol sa ating
aralin? Wala na po ma’am.

Kung gayon, dumako na tayo sa


indibidwal ninyong gawain.

Downloaded by Therese Pauline Ruallo (theresepaulineruallo101503@gmail.com)


lOMoARcPSD|27577794

IV. Pagtataya
A. Matching Type.
Panuto: Hanapin sa hanay B ang kahulugan ng salitang nasa hanay
A. Pagtugmain ito.

Hanay A Hanay B
1. Pamagat • • Tumutukoy sa panahon at
lugar ng pinagdausan ng
isang kwento.

2. Tauhan • • Tumutukoy sa mahalagang


natutunan sa isang kwento.

3. Tagpuan • • Isang salita o parirala kung


saan isinisiwalat ang isang
paksa.

4. Banghay •
• Ito ang kabuuang
pangyayari ng isang kwento.

5. Aral •
• Sila ang mga gumaganap
sa kwento.

B. Tama o Mali
Panuto: Iguhit ang hugis puso ( )kung ang isinasaad ng
pangungusap ay Tama at hugis bituin( ) naman kung Mali.
Iguhit ang inyong sagot sa patlang.

_____ 1. Ang pabula ay kathang isip lamang.


_____ 2. Mga tao ang gumaganap sa pabula.
_____ 3. Sa pabula, ang mga hayop ay nagsasalita.
_____ 4. Walang aral na matututunan sa pabula.
_____ 5. Ang pabula ay nagbigigay aliw sa mga mambabasa.

V. Takdang Aralin

Downloaded by Therese Pauline Ruallo (theresepaulineruallo101503@gmail.com)


lOMoARcPSD|27577794

Basahin ang pabula na pinamagatang “Si Pagong at si Matsing” at


isulat sa inyong kwaderno ang aral na mapupulot rito.

Inihanda ni:
LEA MAE MACABANGON
BEED-2A

Downloaded by Therese Pauline Ruallo (theresepaulineruallo101503@gmail.com)

You might also like