Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Encarnacion Subd.

Elementary School
Sto. Nino, !st, San Jose City
July 10, 2023

Nanay at Tatay,

Ako po ay sumulat ng liham para sa inyo upang ipabatid ang aking taos pusong pasasalamat. Ako po
ay nagpapasalamat sa pagmamahal na ibinibigay nyo po sa akin mula ng ako ay isilang. Marami pong
salamat sa inyong suporta sa aking pag – aaral at sa pagbibigay ng aking mga pangangailangan sa abot po ng
inyong makakaya. Salamat po sa walang hanggang pag-unawa sa aking mga kakulangan at sa laging
pagtatama ng aking mga pagkakamali, alam ko po na hangad nyo lamang ang aking kabutihan, kaya naman
marami pong salamat sa laging pagaala-ala ng aking kinabukasan.
Nay, Tay patawad po sa mga nagagawa kong hindi maganda, kung minsan po ay nasasagot ko kayo o
kaya po ay kung minsan mahirap po akong utusan sa gawaing bahay. Patawad din po sa pagsuway sa mga
bilin at payo nyo. Sisikapin ko pong mas maging responsable at mabuting anak.
Muli po, marami pong salamat sa lahat ng sakripisyo nyo sa akin upang mabigyan po ako ng maayos
na buhay, ipinapangako ko po na unti unti kong susuklian ang lahat ng paghihirap nyo sa pamamagitan po ng
pagiging mabuting bata at ipinapangako ko po na magtatapos po ako ng pag -aaral at magiging matagumpay
dahil alam ko po na iyon ang pangarap ng bawat magulang para sa kanilang anak.
Nay, Tay, hindi ko man po palaging nasasabi, mahal na mahal ko po kayo at muli po maraming
salamat.

Nagmamahal,
Ang inyong anak

Encarnacion Subd. Elementary School

You might also like