Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

I.

LAYUNIN

Pagkatapos ng aralin ang mga mag aaral ay inaasahang:

a. natutukoy ang katauhan ng pangunahing karakter sa akda,


b. naisasabuhay ang pagtulong sa totoong buhay,
c. nakagagawa ng reaksiyong papel hinggil sa sinapit na hirap ni Pinkaw para mailigtas ang mga anak.

II. NILALAMAN
Paksa: Si Pinkaw (Maikling kwento) ni Isabelo S. Sobrevega
Sanggunian: Pagbasa at pagsulat sa Piling Larangan
Kagamitan: Projector, Laptop at kariton na yari sa popsicle stick

III. PAMAMARAAN
a. Pagganyak: Ipapakita ang maliit na kariton sa klase at tanungin kung saan ito ginagamit at sino o sinu-sino ang kadalasang gumagamit nito?
Sa tatalakaying akda ito ay ginagamit na panghanap buhay ng pangunahing tauhan

b. Talasalitaan: Pangkatin ang klase sa tatlo. Magkakaroon ng pangalan ang bawat grupo. Ang unang pangkat ay Poray, Basing ang ikalawang pangkat at
Takoy ang ikatlong pangkat. Sa pamamagitan ng larong 4 Pics 1 word, tukuyin ang kasingkahulugan ng mga sumusunod na salita;
1. Isang kahig, isang tuka: sapat lamang ang kita para sa araw na iyon
2. Dumungaw: sumilip sa bintana
3. Gula-gulanit: punit punit
4. Epilepsy: isang uri ng disorder kung saan nag iiba ang aktibidad ng utak
5. Pumapangos: ngumunguya
6. Panunudyo: panunukso
7. Umatras: umurong
8. Bumabalani: umaakit
9. Lubak- lubak: butas butas, maputik na daanan
10. Hele: isang awiting pampatulog ng bata

c. Pagbasa ng teksto
Sa dati pa ring pangkat. Ibibigay ng guro ang buod ng kwento at gagawan ito ng mga mag aaral ng banghay. Tutukuyin ng unang pangkat ang Simulang bahagi
ng kwento. Sa ikalawang pangkat naman ang Saglit na kasiglahan at Gitnang kasukdulan at ang ikatlong pangkat ay ang kakalasan at wakas. Mayroon lamang
10 minuto upang gawin ito. Pagkatapos ay magtatalaga ang bawat grupo ng isa upang basahin sa harapan ang isinulat na banghay.

d. Pabalikin ang mga mag aaral sa kani- kanilang mga upuan. Habang ipinapatugtog ang awiting “Kanlungan” ni Carol Banawa ay pagpapasapasahan ng mga
mag aaral ang kariton na naglalaman ng mga gabay na tanong, pag huminto ang tugtog, ang may hawak ng maliit na kariton ay bubunot ng isang gabay
na tanong at babasahin ang gabay na tanong at saka ito iisa isahing sasagutin.
1. Sinu-sino ang mga tauhan sa binasang akda? Sino ang pangunahing tauhan?
2. Ano ang estado ng pamumuhay nila Pinkaw? Ano ang kanyang hanapbuhay?
3. Bakit pinamagatang Si Pinkaw ang akda?
4. Ano ang representasyon ni Pinkaw sa totoong buhay?
5. Ano ang nangyari sa mga anak ni Pinkaw? Ito ba ang dahilan ng kanyang pagkabaliw?
6. Paano ipinakita ni Pinkaw ang pagmamahal niya sa kanyang mga anak?
7. Ano ang o mga suliraning Nakita mo sa kwento?

e. Integrasyon
Mayroong iba’t ibang programa ng pamahalaan na particular na itinakda para sa layunin ng pagtulong sa mga nag iisang ina na wala o kakaunti ang
kinikita tulad ng Temporary Assistance for Needy Families (TANF). Upang makinabang sa programang ito, ang mga kalahok ay kinakailangang magtrabaho
ng part-time. Mayroon ding WIC na isang programang naka- setup na nasa isip ng mga kabbaihan, sanggol at bata. May mga serbisyo din sa kalusugan ng
pag iisip kagaya ng mga serbisiyong Espesyalidad sa kalusugan ng pag iisip.

f. Paglalahat
Walang papantay sa pagmamahal ng isang ina. Huwag ipagkait ang tulong sa mga nangangailangan. Huwag ding balewalahin ang mga taong kapos sa
buhay. Maging pantay sa lahat ng tao.

IV. Ebalwasyon
Isahang gawain. Sagutin ang mga tanong (2 puntos bawat aytem). Pagkatapos ay gumawa ng reaksiyong papel tungkol sa sinapit ni Pinkaw at ng
kanyang mga anak. Gawin ito sa isang buong papel.

Criteria para sa Reaksiyong Papel:


Nilalaman- 10
Kaugnayan sa akdang binasa- 10
Kaayusan- 5
Gramatika-5
KABUUAN 30 puntos
1. Anong pangyayari sa kwento ang pinaka naantig ka at bakit?
2. Ilarawan si Pinkaw bilang isang babae? Bilang isa ina?
3. Ang kalupitan at pagiging makasarili ba ng mga tao ay maituturing na dahilan ng pagkabaliw ni Pinkaw?Ipaliwanag,
4. Maaari bang kasalanan ni PInkaw kung bakit ganon lamang ang estado nila sa buhay? Pangatwiranan.
5. Ipagpalagay mo na ikaw ang president ng Pilipinas papaano mo tutugunan ang kahirapan?

V. Takdang aralin
Gawin at sagutan ang mga sumusunod.Isulat ang sagot sa isang kalahating papel.
1. Gawan ng sariling bersyon kung ano ang maaaring wakas ng kuwento kung sakaling may tumulong kay Pinkaw noon upang magamot ang kanyang mga
anak.
2. Ano ang tungkulin ng gobyerno? Sa papaanong paraan matutugunan ang pangangailangan ng mga taong katulad ni Pinkaw?

You might also like