Professional Documents
Culture Documents
Kahalagahan NG Florante at Laura.
Kahalagahan NG Florante at Laura.
Kahalagahan NG Florante at Laura.
REHIYON V
Sangay ng Camarines Sur
Pambansang Mataas na Paaralan ng Lupi-Iligan
Lupi, Camarines Sur
• Pagbati
Mapagpalang umaga sainyong Magandang umaga po
lahat.
• Pagtalaga ng alituntunin
Bago natin simulan ang bagong
aralin may mga alituntunin ako na
dapat sundin sa loob ng silid.
Mga alituntunin:
1. Irespeto ang nag sasalita
2. Huwag mag-iingay sa oras ng
talakayan.
3. Itago ang mga bagay na hindi
angkop o kailangan sa ating
asignatura.
4. Inaasahan ang Kooperasyon.
Nauunawaan po ba?
• Balik-aral Opo.
Noong nakaraan, kung inyong
natatandaan ay tinalakay natin ang
patungkol sa Kontemporarayong
Pampelikula
Jose Rizal
Apolinario Mabini
Huseng sisiw o Jose dela Cuz
Francisco Balagtas
Florante at Laura
1. Paglalahad
Ngayon nagkaroon ba kayo ng ideya
kung ano ang paksang ating
tatalakayin ngayon? Ito po ay maaaring patungkol sa
kasaysayan ng Florante at Laura.
Saaking palagay ito ay mga naranasan
niya sa pamamahala ng mga Espanyol
Dito sa pilipinas.
Ito ay patungkol sa Florante at Laura
kung saan tatalakayin natin dito ang
kaligirang pangkasay sayan ng
Florante at Laura, mga katangian,
mga layunin at ang kahalagahan ng
pag-aaral nito.
2. Pagtatalakay
Si Francisco Balagtas ay nag
himagsik laban sa mga maling
pamamalakad ng mga Espanyol sa
Pilipinas. Ayon kay Lope K. Santos
Ang apat na himagsik ni Balagtas ay
idinaan niya sa pamamagitan ng
panulat at panitikan, ngayon ay pag-
uusapan at subukan nating tukuyin o
alamin ang nais i-pakahulugan ni
Francisco sa kanyang akda. Narito
ang mga himagsik ni Balagtas sa
kanyang pagsulat ng Florante at
Laura.
Una ang himagsik laban sa malupit na
pamahalaan.
Napakahusay!
Saiyong palagay Bakit kaya siya TInawag - Kilala bilang “Prinsipe ng manunulang
na Ama ng Balagtasan? tagalog” o “Ama ng Balagtasan”.
- Kilala siya sa palayaw na Kiko.
- Ipinanganak noong ika-2 ng Abril
taong 1788 sa Panginay, Bigaa
(Balagtas), Bulacan.
3. Pangkatang Gawain
Hahatiin ko ang klase sa tatlo na
Pangkat, ang bawat pangkat ay mag
bubunot ng kanilang gagawing Dula-
dulaan na itatanghal sa buong klase.
Nais ko na isadula ninyo ang mga
pangyayari noong panahon ng
pananakop ng mga espanyol, at
ihango sa mga nangyayari sa
kasalukuyan at ilahad kung paano ito
ma sosolusyonan.
Pagpipilian:
1. Himagsik laban sa malupit na
pamahalaan.
2. Himagsik laban sa maling
kaugalian.
3. Himagsik laban sa Hidwaang
pananampalataya.
Pamantayan:
Batayan Puntos
Nilalaman, 40
Presentasyon 30
Kooperasyon 15
ng pangkat.
Natatapos sa 15
takdang oras
Kabuuang 100
puntos
4. Paglalahat
Ano ano nga Ulit ang mga Himagsik
na nais isiwalat ni Fransisco Balagtas
sa pag sulat ng akda?
5. Paglalapat
Bakit mahalaga na pag aralan natin
ang Florante at Laura ayon sa ating
mga binangit na pahiwatig. Ang pag-aaral ng kaligirang
pangkasaysayan ng Florante at
Laura ay mahalaga upang maunawaan
natin ang konteksto kung saan ito isinulat.
Ito ay isinulat noong panahon ng Kastila
kung saan ang mga Pilipino ay labis na
naaapi.
Napakalahaga ng pag-aaral ng Florante
at Laura para imulat tayo sa mga
kaganapan at mga pangyayari sa
panahon ng naisulat ito. Isa pa para
malaman din natin ang mga kaisipan at
layuning nais ipahayag ng may-akda.
IV. Pagtataya
I. Panuto: tukuyin ang hinihinging kasagutan sa bawat bilang, isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.
1. Siya ay kilala bilang “Prinsipe ng manunulang tagalog” o “Ama ng Balagtasan”.
a. Jose Rizal c. Jose Dela Cruz
b. Apolinario Mabini d. Francisco Balagtas
V. Takdang-aralin
1. Gumawa kayo ng mga pahayag na pumapatungkol sa mga himagsik ni
Balagtas.
2. Basahin ang buod ng Florante at Laura at Isulat ang mga tauhan sa
awitin.
Inihanda ni:
Jan Enar L. Pateño
Mag-aaral
Nabatid ni:
Cherie B. Calayo
Guro