Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region XII
Malungon 3 District
Pablo Omerez Cedeño Memorial Learning Center Inc.
S.Y. 2023-2024

TEACHER: SHEILA MAE S. GABAY TIME: 8:00-8:30


LEVEL: GRADE 1 WEEK:6
DATE: APRIL 8-9,2024 QUARTER:4
MONDAY-TUESDAY

LESSON PLAN IN ESP

I. LAYUNIN

 Natutukoy ang mga bagay na kinalulugdan ng diyos


 Naipapaunawa ang kahalagahan ng pagsunod sa magulang at paggawa ng mabuti sa
kapwa
 Nakalalahok ng masigla sa talakayan

A. Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng


pagmamahal sa Diyos, paggalang sa paniniwala ng iba at pagkakaroon ng pag-asa
B. Pamantayang Pagganap: Naipakikita ang pagmamahal sa magulang at mga
nakatatanda, paggalang sa paniniwala ng kapwa at palagiang pagdarasal
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Nakasusunod sa utos ng magulang at nakatatanda

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Paggawa ng Mabuti, Kinalulugdan ng Diyos
Sanggunian: k to 12 Curriculum guide Grade 1 ESP
Kagamitan: Laptop,Powerpoint Presentation, Mga larawan

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik Aral
Mahalaga ang pagsunod sa utos ng ating mga magulang o nakakatatanda dahil ito
ay nagsisilbing gabay sa ating pang-araw araw na gawain. Magiging matagumpay
ang batang masunurin sa kanilang buhay. Igalang at mahalin ang iyong mga
magulang at nakatatanda sa iyo.

2. Pagganyak
Itaas ang thumbs up kung ang larawan ay nagpapakita ng pagiging masunurin at
thumbs down naman kung hindi.
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Basahin ang tula at sagutin ang mga tanong.

Batang Masunurin
J.Y. Monterola

Ako sa Jose Santos,


Isang batang masunurin.
Madalas napupuri, dahil utos nila’y kay bilis sundin.
Kapatid, nakatatanda o magulang,
Sila’y sinusunod ko.
Marapat na igalang,
Dahil sila’y mahal ko.

Batay sa kwento sagutin ang tanong:


1. Tungkol saan ang tula?
2. Sino ang batang masunurin?
3. Kaninong mga utos ang kanyang sinusunod?
4. Bakit kailangan natin sundin ang utos ng ating mga magulang?
5. Sumusunod ka rin ba sa utos ng nakatatanda? Bakit?

2. Pagtatalakay
Gamit ang show me Board basahin ang pangungusap. Isulat ang TAMA kung ang
pahayag ay wasto at MALI naman kung hindi.

_____1. Ang pagsunod sa utos ng mga magulang ay isang pagpapakita ng


paggalang.

_____2. Ang pagiging masunurin ay isang Magandang kaugalian.

_____3. Kapag ang bata ay sumusunod sa nakatatanda, siya ay kinagigiliwan ng


madla.

_____4. Dapat na sumunod sa utos ng magulang lalo na kung ito ay para sa


ikabubuti ng sarili.

_____5. Ang pagsunod sa utos ay pagpapakita ng pagsuway sa magulang.

Gawain 2: Pangkatang Gawain

Unang pangkat:
Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapakita ng pagsunod sa utos ng
magulang. piliin sa loob ng kahon at ipaskil sa pisara.

Ikalawang pangkat:
Sa loob ng kahon hanapin ang mga larawan na nagpapakita ng pagsunod sa utos ng
magulang o nakatatanda at ipaskil ito sa pisara. Ipaliwanag kung ano ang
pinapakita sa larawan.
Gawain 3: Indibidwal na Gawain
Lagyan ng tsek (✔) kung ang gawain ay nagpapakita ng pagsunod sa utos ng
magulang at ekis (✖) kung hindi.

____1. “Opo, nanay ako na po ang magbabantay kay bunso.”


____2. “Si ate naman po ang utusan ninyo. Lagi nalang ako eh!”
____3. “Kuya, ikaw nalang ang kumuha ikaw naman ang nandyan”
____4. “Sige po, tatay ako na po ang maglalagay nito sa lagayan.”
____5. “Nanay matatapos ko na po linisin ang kwarto ko.”

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat

 Pinagpapala ng Diyos ang batang masunurin sa magulang. Ang pagsunod


sa utos ng magulang lalo na kung ito ay may pagmamahal ay isang
kadakilaan at kabanalan. Maaari rin itong ituring na kabayanihan.

2. Paglalahat
Suriin ng mabuti ang tseklist. Lagyan ng bituin ang kolum ng iyong sagot.

IV. PAGTATAYA
Lagyan ng kung tama ang sinasaad ng sumusunod na sitwasyon at kung hindi.

_____1. Ang pagsunod sa utos ng magulang ay pagpapakita ng pagmamahal sa Diyos.


_____2. Magpasalamat sa Diyos sa mga biyayang natatanggap araw-araw.
_____3. Magkunwaring walang narinig kapag inuutusan ng nanay.
_____4. Ugaliing magdasal at magpasalamat sa Diyos sa mga pagpapapalang binibigay sa
atin.
_____5. Ang mga magulang ay biyaya ng Diyos kaya dapat natin silang mahalin at sundin.

V. TAKDANG ARALIN
Ugaliin ang pagsunod sa magulang
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region XII
Malungon 3 District
Pablo Omerez Cedeño Memorial Learning Center Inc.
S.Y. 2023-2024
TEACHER: SHEILA MAE S. GABAY TIME: 8:00-8:30
LEVEL: GRADE 1 WEEK:6
DATE: APRIL 10-11,2024 QUARTER:4
WEDNESDAY-THURSDAY

LESSON PLAN IN ESP

I. LAYUNIN

 Naipakikita ang pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa utos at payo


ng magulang at mga nakatatanda
 Nakasusunod sa utos ng magulang at mga nakatatanda
 Nakalalahok ng masigla sa talakayan

A. Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng


pagmamahal sa Diyos, paggalang sa paniniwala ng iba at pagkakaroon ng pag-asa
B. Pamantayang Pagganap: Naipakikita ang pagmamahal sa magulang at mga
nakatatanda, paggalang sa paniniwala ng kapwa at palagiang pagdarasal
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Nakasusunod sa utos ng magulang at nakatatanda

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Paggawa ng Mabuti, Kinalulugdan ng Diyos
Sanggunian: k to 12 Curriculum guide Grade 1 ESP
Kagamitan: Laptop,Powerpoint Presentation, Mga larawan

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik Aral
Sabihin ang salitang hooray kung Tama ang wasto ng pangungusap at hep! hep
naman kung Mali ang wastong ng pangungusap.

_____1. Ang pagmamahal sa Diyos ay napapakita sa pagsunod sa utos ng mga


magulang.
_____2. Hindi na dapat ipagpasalamat ang mga kaloob ng Diyos na hindi mo
hiningi.
_____3. Ang pagdarasal ay isang paraan ng pagpapasalamat sa Diyos.
_____4. Dapat ding sundin ang utos ng ibang nakatatandang kasapi ng pamilya.
_____5. Unahin ang paglalaro kapag inuutusan ng magulang.

2. Pagganyak
Bilugan ang mga biyaya o pagpapala ng Diyos na natatanggap mo araw-araw.

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ano ang iyong gagawin sa mga sumusunod na sitwasyon. Piliin sa dalawang
larawaan ang tamang gawin.
2. Pagtatalakay
Ang pagmamahal sa Diyos ay pagsunod sa utos ng mga magulang. Dapat tayong
magpasalamat sa Diyos sa pagkakaloob niya sa atin ng mga biyayang tinatamasa
araw-araw.

Isang paraan ng pasasalamat sa Diyos ay ang pagdarasal. Ito ay mabisang gawain


na kinalulugdan niya.

Gawain 1: Pangkatang Gawain


Paunahan ng pagtaas ng masayang mukha kung nagpapakita ng pagsunod sa utos
ng magulang o nakatatanda at malungkot na mukha ☹ kung hindi.

_____1. Nagpatulong si kuya sa pagbuhat ng pinamili ni nanay kaya agad ko


siyang tinulungan.
_____2. Narinig ko na tinatawag ako ni lolo kaya nagkunwaring natutulog ako.
_____3. Inutusan ako ni nanay na bumili ngunit hindi ko ito sinunod dahil
nanonood ako ng telebisyon.
_____4. Sinunod ko kaagad ang utos ni tatay na magwalis ng aming bakuran.
_____5. Padabog na sumunod sa inuutos ng ate.

Gawain 2: Indibwal na Gawain


Ipaskil ang puso kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagsunod sa utos ng
magulang o pagmamahal sa Diyos at bilog naman kung hindi.

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
sagutin ang tanong sa ibaba.
 Ano-ano ang iba't ibang paraan upang maipakita ng isang batang katulad
ninyo ang pagmamahal sa magulang sa salita at sa gawa.
2. Paglalapat
Sabihin kung tama ang pangngusap at mali naman ang pangngusap.

______1. Huwag nating isabay sa hapag-kainan ang mga matatanda sapagkat


mabagal silang kumain.
______ 2. Sundin kaagad ang utos ni nanay o ni tatay.
_______3. Ang pag-aaral ng mabuti ay isang paraan ng pagpapakita
ng pagmamahal sa magulang.
_______4. Huwag tayong makinig sa kuwento ni lolo sapagkat nakakasawa na ito.
_______ 5. Dapat nating akayin o tulungan ang mga matatanda na
nahihirapan sa paglalakad.
IV. PAGTATAYA
A. PANUTO: Isulat ang letra ng tamang sagot.

B. Panuto: Basi sa larawan piliin parin ang tamang letra ng sagot.


V. TAKDANG ARALIN
Ipakita ang pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa magulang at iba pang
nakatatanda.

You might also like