Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

PAGMAMANO SA MATANDA

Ang pagmamano ay isang paraan ng


paggalang sa nakatatanda. Isa itong
tradisyong ginagawa ng mga Pilipino.
Ginagawa ito sa pamamaraan ng pagkuha
ng kamay ng kung sino mang nakatatanda
na siyang ididikit sa noo tuwing may
pagsasamasama ng tao na mayroong mga
nakatatanda. Nagmula ito sa ating mga
ninuno na siyang tinuturo’t sinasanay
sa mga bata o mula sa ating pagkabata.
BAYANIHAN
Ang Bayanihan ay isang tradisyunal na
kasanayan sa Pilipinas kung saan ang
mga tao ay nagtutulungan upang
maglipat ng bahay mula sa isang lugar
tungo sa iba. Ito ay isang magandang
halimbawa ng pagkakaisa at
pagtutulungan sa bansa.
MAKA DIYOS
Bilang isang bansang may malalim na
pananampalataya sa Diyos, malaking
bahagi ng ating kultura ang
pagpapahalaga sa espiritwalidad. Sa
pamamagitan ng pagiging maka-Diyos,
nagkakaroon tayo ng respeto sa ating
mga simbahan at mga paniniwala. Ito
rin ang nagbibigay sa atin ng lakas at
gabay sa mga hamon ng buhay. 2.
Paggalang sa
MAY MALASAKIT SA
KAPALIGIRAN
Bilang mga mamamayan ng bansang may
magagandang tanawin at likas na yaman,
tungkulin natin na pangalagaan at
protektahan ang ating kapaligiran.
Sa pamamagitan ng wastong pagtatapon
ng basura, pagsunod sa mga batas
pangkapaligiran, at pagsusulong ng mga
proyektong pangkalikasan, nagpapakita
tayo ng pagmamalasakit sa ating
kalikasan
PAGPAPAHALAGA SA PAMILYA
Tinuturing natin ang pamilya bilang
pinakamahalagang bahagi ng ating
buhay.
Sa pamamagitan ng pag-aalaga,
pagbibigayan, at pagtutulungan sa loob
ng pamilya, naipapakita natin ang
kahalagahan ng pagkakaisa at
pagmamahal.Ito ay nagpapalakas sa atin
bilang mga indibidwal at nagpapabuo sa
ating mga relasyon.
MATAPAT SA BAYAN
Ang pagbibigay ng matapat na serbisyo
publiko ay isa sa mga katangiang dapat
taglayin ng bawat pinuno at kawani ng
pamahalaan upang mapaunlad ang ating
bansa.Ang magandang kaugaliang
Pilipino ay nagpapakita sa atin ng
dedikasyon at pagmamahal sa ating
trabaho at tungkulin sa pamahalaan.Ito
ay nagbibigay-daan sa maayos at tapat
na paglilingkod sa ating mga
kababayan.
MALUGOD NA PAGTANGGAP SA
BISITA
Tayong mga Pilipino ay kilala sa ating
kakaibang pamamaraan ng pagtanggap sa
mga bisita. Hindi magpakakaila ang
impresyong ito muhospitality_actualla
sa atin. Kung tutuusin, mismong mga
dayuhan ang nagsasabing tayo ay may
katangi-tanging hospitalidad.
KAUGALIAN
NG MGA
PILIPINO

(SCRAPBOOK)
SUBMITTED BY:
JOSE DAVE A. MABAN

SUBMITTED TO:
MAAM SORALIN JAITONI

You might also like