Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Kaligtasan ng Maryknollian, Nasaan?

Sakuna. Peligro. Kalamidad. Paghahanda sa anumang pangyayari, isaalang-


alang. Pahalagahan ang kaligtasan ng mga Maryknollians.
Niyanig ng Intensity Three na lindol ang lalawigan ng Davao del Norte noong Marso 7,
2023, alas dos ng hapon. Ang malakas na pagyanig ay nagdala ng matinding takot at
pagkabahala sa mga estudyante lalo na sa mga okyupante ng Senior High Building.
Dahil sa walang maayos na paghahanda, nagkaroon ng stampede sa hagdanan ng
nasabing building na naglagay ng matinding panganib sa mga mag-aaral na senior
high.
Tila walang maayos na disaster preparedness ang paaralan kung kaya’t nang dumating
ang hindi inaasahang sakuna, nagdulot ito ng peligro sa buhay ng mga estudyante.
Walang solidong pagpaplano at paghahanda ang institusyon at ito ay sumalamin sa
kalunos-lunos na pangyayari. Kaligtasan ay kinaligtaan.
“Naa rami sa 3rd floor pero na feel namo ang kakusog sa linog, what more sa naa sa
5th floor... Grabe ang dinutdutay sa mga students sa stairs”, pahayag ng isang Grade
12 student, okyupante ng ikatlong palapag ng senior high building.
Ayon sa Red Cross Youth Club ng MCPI, walang estudyante ang nasugatan sa
nangyari. Subalit, iilan ay nagkaroon ng panic attack. Isa naman ay isinugod sa
emergency ng isang pagamutan dahil sa kahirapan ng paghinga. Nakapanlulumong
lagay ang masasaksihan sa araw na iyon. Bakas ang trauma at ligalig sa kanilang
mukha. Tinatanong kung sino ang dapat sisihin. Ang sariling walang kaalam-alam sa
ano ang dapat gawin o ang paaralang nagkulang sa pagbabahagi at paghahanda?
Ang kinabukasan ay walang katiyakan. Anumang kalamidad ay walang pinipiling oras.
Bagaman nito, kahandaan at kaligtasan ay matitiyak sa pagsunod ng alinsunod at
pagkakaroon ng sapat at tamang kaalaman. Nararapat na manguna ang paaralan sa
pagtupad at pagsolido ng mga ito. Subalit, hindi lang dapat ang institusyon ang maging
responsable, nararapat na tayo rin na mga estudyante. Sapagkat, buhay natin ang
nakasalalay. Kaligtasan, bago ang pansariling kasiyahan. Pagiging ligtas at handa sa
harap ng kalamidad, tiyakin.

You might also like