Professional Documents
Culture Documents
Kwentong Bayan, Mito, Alamat at Pabula
Kwentong Bayan, Mito, Alamat at Pabula
Kwentong Bayan, Mito, Alamat at Pabula
Kwentong Bayan
•Ang kuwentong-bayan (Ingles: folklore) ay mga kathang isip na kuwento o salaysay na ang mga
kumakatawan ay ang mga pag-uugali at mga uro ng mga mamamayan sa isang lipunan. Ito ay
nabuo ng mga manunulat upang kanilang maipahayag ang mga sinaunang pamumuhay at upang
maging gabay ng mga tao sa kasalukuyang pamumuhay. Maari nilang gawing basehan lalo na
ang mga wastong pag-uugali at mga aral na gustong ibigay ng kuwento.
• Ito ay anyong panitikan ng isang bansa mula sa mga katutubong panitikan. Mayroon ng
kuwentong bayan ang mga ninuno noon bago pa man tayo nasakop ng mga kastila at iba pang
dayuhang mananakop.
• Ang kuwentong bayan ay isang panitikan na may kaugnayan sa ugali, tradisyon, pamumuhay
ng mga tao sa iisang pook, rehiyon o lupain. Malaki ang ambag nito sa pagpapanatili ng kultura,
tradisyon, panitikan at lahi ng mga Pilipino.
Mga Katangian ng Kwentong Bayan
Mulamat o Mito
• Ang nga mito ay mga kuwentong partikular na tumutukoy sa mga Diyos at Diyosa at kung
paano nakikipag-ugnayan sa kanila ang mga tao o kung paano sila nakikipag-uganayan sa mga
tao.
• Ito ay ang mga sinauna o matatandang kuwento at sinasabing pinakaugat o pinagmulan ng
lahat ng mga kuwento sa daigdig.
• Naglalaman ito ng mga buhay at pakikipagsapalaran ng iba't ibang diyos at diyosa na ang
layunin ay mailarawan ang ritwal, tradisyon o kultura ng mga bansang pinanggalingan nito.
• Ang Mitolohiya ay isang halos magkakabit-kabit na kumpol ng mga tradisyon na kuwento o
mga na binubuo ng isang partikular na relihiyon o paniniwala.
ALAMAT
Ang alamat ay isang uri ng kwentong bayan at panitikan na nagsasalaysay ng mga pinagmulan
ng mga bagay-bagay sa daigdig.
Ang salitang alamat ay panumbas sa salitang "Legendus" ng wikang latin at "Legend" ng wikang
Ingles na ibig sabihin ay "upang mabasa".
Sinasabi na bukod sa nakaaaliw ito sa mga mambabasa ay nakapagtuturo rin ito ng aral upang
makamit natin ang kabuuang kaunlaran.
TAUHAN- kung sino-sino ang magsisiganap sa kwento at kung ano ang papel na
gagampanan ng bawat isa. Maaaring bida, kontrabida, o suportang tauhan.
TAGPUAN-nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon, insidente, gayundin
ang panahon kung kalian naganap ang kwento.
SULIRANIN-nagsasaad ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.
GITNA
Alamat ng Makahiya
Alamat ng Saging
Ang Alamat ng Bayabas
Alamat ng Pakwan
Alamat ng Sampaguita
PABULA
• Ang pabula ay isang akdang naglalaman ng mga pangyayaring kapupulutan ng aral na sadyang
ginawa upang makapagbibigay aliw sa mga mababasa lalo na ang mga bata. Ang pabula ay
kwento na may mga tauhang ginagampanan ng hayop na kumikilos, nagsasalita at nag-iisip na
tulad ng tao. Habang lumilibang sa mga mambabasa, nagbibigay nama naman ito ng hindi
matatawarang aral. Masasalamin sa pabula ang kultura ng rehiyong pinagmulan nito na dapat
ipagmalaki at pahalagahan.
•Si Aesop ang tinaguriang ama ng pabula. Siya ay ay isinilang na kuba at may kapansanan sa
pandinig. Siya ayunang lumaki na isang alipin subalit sa kanyang ipinakitang sipag, katapatan, at
talino ay pinagkalooban siya ng kalayaan ng kanyang amo at hinayaang maglakbay at makilahok
sa mga kilos pambayan. Dito lumabas at nakilala ang kanyang talino at pagiging makatarungan.
Siya ay lumikha ng mga pabula upang turuan ang mga tao sa tamang pag-uugali at pakikitungosa
kapwa. Tinataya na siya ay lumikha ng mahigit sa 200 pabula nang siyaay nabubuhay pa.
MGA ELEMENTO NG PABULA
Tauhan - Ito ay tumutukoy sa mga panauhin sa kwento.
Tagpuan- Ito ay tumutukoy kung saan naganap ang kwento
Banghay - Ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento
MGA BAHAGI