Billionaire True Love

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

CHAPTER 3

Tapos na ang kasal namin ni Gabriel.


As in hangang ngayon lutang pa rin ako.
Hindi ako makapaniwala sa bilis ng pangyayari.
Hindi ko alam kong paano umakto.

Basta sa kaloob- looban ng puso ko, natatakot ako.


Nandito ako sa aking kwarto ngayon
para ayusin ang mga gamit ko.
Kailangan ko ng sumama kay Kuya Gabriel
kasi yan ang napag usapan bago ang kasal.
Kahit masama ang loob ko sa aking
mga magulang dahil halos ipagtabuyan
nila ako wala akong magagawa.
Kailangan ko silang sundin kahit
labag sa aking kalooban.

Nakaharap ko na din
ang mga magulang ni Kuya Gabriel
at hindi ko alam kong paano aakto
sa harap nila. Alam kong ang pagkakaalam
nila si Ate Ara ang girlfriend ng anak nila.
Siguro ang baba ng tungin nila sa akin.

Mukhang mababait naman sila


Pero malay ko bang nagkukunwari lang sila.
Ang alam ko kasi sa mga mayayaman
istrikta sila at mahirap pakisamahan.
Si Kuya Gabriel naman alam
kong galit siya sa akin. Kuya ang tawag ko
sa kanya kasi yun ang nakasanayan ko noon pa.
Nakikita ko sa mga mata nya
ang galit at pagkapoot sa akin
tuwing tinitingnan niya ako.

Hayst hindi ko alam ang gagawin ko.


Hindi pa kami masyadong nakakapag-usap nila
Mommy at Daddy pati na din si Ate Ara.

Basta sabi lang nila hindi na daw


ako pwede magtagal dito sa bahay
kasi nasasaktan si Ate Ara sa mga nangyari.
Nasasaktan din naman ako ah.
Hindi ko nga alam kong bakit nangyari lahat ito.

Alam kong mas mahal nila Mommy at Daddy


si Ara kaysa sa akin. Minsan napapaisip ako
kung anak ba talaga nila ako kasi
kahit noon hindi ko maramdaman
na nag eexist ako sa pamilyang ito.
Si ate Ara lagi ang kanilang pinapaboran.
Lahat ng gusto ni Ate binibigay nila
samantalang wala silang pakialam sa akin.

Nakakalungkot lang kasi hindi ko


maramdaman kung importante
ba ako sa pamilyang

Ito. Sa ngayon aalis na ako sa bahay na ito.


Hindi ko alam kung anong kapalaran
ang naghinhintay sa akin.

Hindi ko pa din nabanggit sa


Mga kaibigan ko ang kinasadlakan
kung sitwasyon ngayon. Tiyak na magugulat
sila kapag mlaman nila na kinasal
na ako. Tsaka ko nlng siguro
Sabihin sa kanila pagpasok ko
sa school. Sa ngayon kailangan ko
Munang magfocus sa kung
anong buhay ko ngayon kasama si Kuya
Gabriel. Sana lang maging mabait
siya sa akin at wag nyang isisi sa akin ang nangyari.

“Oh tapos ka na ba mag ayos


ng mga gamit mo”?
“Kanina pa naghihintay si Gabrie
l sayo sa baba. Bilisan mo ang kilos mo.
Kahit kailan napakalamya mo talaga.”
Pabulyaw na sabi sa akin ni Mommy.

“Malapit na po Mommy. Inaayos ko


lang itong mga gamit ko sa school.
Sinisigurado ko na wala akong nakalimutan.”
Sagot ko kay Mommy.

“Ngayong kasal na kayo ni Gabriel


siya na bahala sa iyo.

Wala na kaming pakialam


kung ano man ang desisyon
nya tungkol sa pagsasama niyo.
Next week pupunta ang ate mo sa New York
para ituloy at tuparin ang kanyang
pangarap na maging modelo
at para na din makalimot.

“ pahayag ni Mommy. Nagulat man ako


sa sinabi nito hindi na lang ako kumibo
at pinagpatuloy ko ang aking ginagawa.

Alam ko noon pa pangarap ni Ate


na umalis ng bansa at pumunta sa
New York para maging sikat na modelo.

“Mommy sana mapatawad ako ni Ate


sa mga nangyari. “ Kahit ako naguguluhan
pa rin hangang ngayon bakit nangyari ito.”
Malungkot kong sabi.

Ang sabihin mo pinairal mo ang kalandian.


Hayst ewan ko ba kung kanino ka nagmana.
Puro pasakit ang binibigay mo sa pamilyang ito..
“ pagalit na sambit ni Mommy sa akin.

“Ang sakit mo naman po magsalita Mommy.


Alam ng Diyos na hindi ko ginusto lahat ito.
“ tumutulo na ang luha ko na sabi sa kanya.

Tigilan mo na nga yan kadramahan mo.


Bilisan mo ng kumilos para makaalis na kayo.”
Galit niyang sabi. Wala itong pakialam
sa nararamdaman ko. Siguro wala talaga
itong pagmamahal na nararamdaman sa akin.
Kung ituring ako parang hindi ako nito anak.

Lalong nag-uunahan sa pagtulo


ang aking luha sa sinabi ni Mommy.
Masakit para sa akin na marinig
ang mga masasakit na salita.
Parang hindi talaga nila ako anak.
Hindi ko man lang maramdaman na mahal nila ako.

“ Mom bakit po ganyan kayo sa akin.


Bakit hindi ko maramdaman na
mahal niyo din ako?” hindi ko natiis na sabi sa kanya.

“letche! Tigilan mo na nga yang


kadramahan mo na yan.
Alam naman natin pareho na lamang si
Ate Ara mo sa lahat ng bagay.
Siya ang magdadala ng swerte sa
pamilyang ito. Ikaw ano ang ambag
mo sa pamilyang ito?” galit na sabi ni Mommy.

“Mula noong bata pa laging nagbibigay


ng karangalan sa pamilya natin
si Ate Ara mo. Palagi siyang panalo
sa mga pageant na sinasalihan niya.
Matalino ang ate mo at may pangarap
sa buhay. Eh ikaw anong meron ka.
Diba wala? Wala kang pangarap sa buhay”.
Kaya wag mo akong tanungin bakit
mas pinapaboran namin si ate Ara
mo kaysa sayo.. Kasi mas marami
siyang lamang kaysa sayo.”
Mahabang litanya ni Mommy sa akin.

Lalo akong napaiyak sa mga sinabi


ni Mommy sa akin. Ang sakit na marinig
sa sarili mong ina na kinukompara ka
sa kapatid mo. Parang tinutusok ng karayom ang puso ko.

Hindi nalang ako umimik at pinagpatuloy


ko na lang ang pagliligpit ko sa akin mga gamit.
Masama ang loob ko kay Mommy pero ayaw ko
na lang magsalita kasi baka lalong
madagdagan ang sama ng loob ko sa kanya.

“Sige na bilisan mo na ang kilos mo


at baka mainip na si Gabriel sa
paghihintay sayo.”Sabay labas sa aking kwarto ni Mommy.

Sakay na ako ngayon sa sasakyan ni Gabriel.


Nasa passenger set siya kasi may
driver naman at ako naman nandito sa
likod ng kotse. Tahimik lang kami
habang umuusad ang sasakyan.

Pagkatpaos ng kasal namin ni Gabriel


agad na umalis ang mga magulang nito.
Liban sa seremonya ng kasal na ginanap
sa library ng bahay namin wala ng ibang ganap.
Walang kahit kunting salo-salo or reception
katulad ng isang pangkaraniwang kasal.
Tanging ilang piraso lang ng papel
ang nagbubukod sa aming dalawa.

Hindi ko na din nakita si Ate Ara


bago kami umalis. Ayon kay Daddy
nagkulong daw ito ng kwarto at
ayaw munang makipag-usap kahit kanino.

Hindi ko alam kung saang bahay na


ako dadalhin ni Gabriel pero sana
maging ok ang lahat sa amin. Sana
hindi niya ituloy ang pagbabanta na
gagantihan niya ako kasi
nakipaghiwalay sa kanya si ate Ara.

“Manong iderecho mo nalang sa


Mansion ang kotse. Hindi pwedeng
sa dreamhouse namin ni Ara titira
si Carissa. Para sa aming dalawa lang
iyon at hindi pwedeng tumira kahit
sinong babae doon.” Narinig kong sabi
ni Gabriel sa kanyang driver.

Parang kinurot ang puso ko sa narinig.


Hindi nalang ako umimik dahil alam
kung wala akong karapatan na magreklamo.

Maya-maya pa pumasok kami


sa maluwang na bakuran.
Nalulula ako sa ganda ng bakuran.
Parang nasa isang paraiso ako hindi
ko akalain na ganito sila kayaman.

May sumalubong sa amin


na isang nakauniform na katulong.
Magandang hapon senyorito”.
Magalang na bati niya kay Gabriel.

“Manang Delia dalhin mo sa


Carissa sa Servants quarter.
Bagong kasamahan niyo siya dito “.
Ituro mo sa kanya ang lahat
ng dapat nyang gawin. “sabi ni Gabriel.

Natulala ako sa kanyang sinabi.


Hindi ko akalain na gagawin niya pala
akong kasambahay. Sabagay ito siguro
ang sinabi niyang ganti sa akin sa nangyari.
Hindi ako umiimik at nakayuko lang.

“Ano po? Sabi ni Madam Moira


asawa niyo po siya”?
Gulat na sabi ni aling Delia.

“Hindi Manang. Wala akong asawa


at kahit kailan hindi ko siya pwede
na maging asawa”. Nakatiim
bagang na sagot ni Gabriel.

“Ah ganoon po ba? Sige po masusunod


po”. Iha halika sumama ka sa akin at
ituturo ko ang maging kwarto mo.
“baling sa akin ni Aling Delia.

Mang Raul, ibaba mo ang mga


gamit ni Carissa sa kotse at
dalhin sa quarter niya. “ utos ni Gabriel sa kanyang driver.

“Masusunod po Senyorito”
sagot naman ni Mang Raul.

“Ano itong narinig ko


na sa servants quarter tutuloy
si Carissa? Gabriel ano ang
ibig sabihin nito? Ano bang kalukuhan
ang pumasok diyan sa utak mo?
” Biglang sulpot ni tita Moira.

“You heard it right Mom.


Sa servants quarter tutuloy
si Carissa kasi kahit kailan
hindi ko siya matatangap
bilang asawa. Iisang babae lang ang
gusto ko maging asawa at yun
ay walang iba kundi si Ara.” Sagot ni Gabriel.
“Gabriel magdahan-dahan ka
Nga sa pananalita mo. Nasa
harap mo ang asawa mo”.
Hindi mo man lang naisip na

Nasasaktan siya diyan sa


lumalabas sa bibig mo.”
Saway ni Tita Moira.

“No Mom tingin ko walang pakiramdam


ang babae na yan dahil sa ginawa
niya sa amin ni Ara.” Sagot ni Gabriel.

“Gabriel kailan ka pa naging bastos?


Hindi ka namin tinuruan ng Daddy
mo para manakit na damdamin lalo na
at asawa mo ang nasa harap mo”.
Nagagalit na sagot ni Tita Moira.

“Sa kwarto mo dapat tutuloy si


Carissa dahil asawa mo siya.”
Sabi ni mommy kay Gabriel.

“No Mom, wala akong asawa at


ako ang magdedesisyon
kung saan ang maging kwarto ni
Carissa dahil may atraso siya sa akin.”
Sagot ni Gabriel.
“Lalong big NO anak.
Huwag mong gawin ito sa asawa mo.
Kahit anong mangyari asawa mo
na si Carissa kaya dapat lang na
turuan mo ang sarili mo na irespito
siya bilang iyong katuwang sa buhay.”
Paliwanag ni Tita Moira.

“Hindi siya tutuloy sa kwarto ko


Mom dahil kapag ipipilit niyo ang gusto
niyo hindi na talaga ako uuwi
sa bahay na ito. Ayaw kong makasama
ang babaeng yan.” Sagot na Gabriel.

Para akong sinampal sa narinig ko.


Masakit ang mga binitiwan na
salita ni Kuya Gabriel. Hindi talaga
maikakaila na galit siya sa akin.

“Tita Moira ok lang po.


“ Sa servants quarter nalang po
ako tutuloy” wag na po kayo magtalo “.
Kimi kong sabi kay Tita.

Nahihiya ako sa mga nangyari.


Dahil sa akin mukhang
magkakasamaan pa ng loob ang mag-ina.

“Call me Mommy, Carissa.


Simula ng kinasal kayo ni Gabriel
mother in law mo na ako.
Kaya dapat lang na Mommy at Daddy
na din ang tawag mo sa amin ni
Tito Ralph mo.” Sabi sa akin ni
Mommy Moira Nagulat ako sa sinabi nito.

Hindi ko akalain na
ganito ito kabait. Wala akong nakitang

Panghuhusga sa mga tingin nito sa akin.

Parang tangap nito ang mga nangyari.

Sige po Ma....Ma.. Mommy “.


Nauutal kong sagot dito at ng napadako
ang tingin ko kay Kuya Gabriel
matalim itong nakatitig sa akin.
Nakakatakot siyang tumingin.

“Gabriel kung hindi ka pa ready


na makasama ang asawa mo sa
kwarto mo pwede siyang tumuloy
sa isa sa mga kwarto dito sa bahay..
Marami tayong bakanteng kwarto
dito sa bahay na maging komportable
si Carissa. Wag ka sanang maging
malupit sa kanya.” Napakabata niya
pa para magdusa.”
Mahinahong wika ni Mommy Moira.
“Bahala po kayo Mommy basta wag
lang sa kwarto ko dahil kahit kailan
hindi ko matatangap ang babaeng iyan.
Sige po papasok na ako sa loob walang
patutunguhan itong pag uusap na ito.”
Sabay talikod ni Kuya Gabriel sa amin.

“Iha halika na ituturo ko sayo ang


maging kwarto mo. Pag pasensyahan
mo na muna ang asawa mo ha?
Malambing na sabi sa akin ni Mommy Moira.

“Hindi po ba kayo galit sa akin.


Ako po kasi ang sinisisi ng lahat
kaya po nangyari ang gulo na ito “.
May namuong luha sa aking
mga mata na tanong kay Mommy Moira.

“Iha wala ako sa lugar para husgahan ka.


Diba desi-otso ka pa lang?.
Napakabata mo pa para sa ganitong
klaseng problema.”
Nakangiti na sagot ni Mommy.

Hindi ako makapaniwala na


ganito pala kabait ang Mommy ni
Kuya Gabriel. Akala ko talaga istrikta
siya kasi hindi siya kumikibo
kanina nung ikinasal kami ng anak nila.
“Salamat po Mommy.
Ang bait niyo po pala.”
Nakangiti kong sagot sa kanya.

Tinitigan niya ako sa mukha at


hinaplos niya ang aking pisngi.
Medyo masakit pa rin ang aking
magkabilaang pisngi dahil sa sampal
na binigay sa akin ng aking Ina kaninang umaga.

“Halika na Iha ituturo ko sayo


kung saan ang maging kwarto mo”.
Sabay hawak sa aking kamay ni Mommy Moira.

“Mang Raul, isunod niyo ang mga gamit


ni Carissa sa kanyang kwarto.”
Utos ni Mommy kay Mang Raul.

“Opo Madam”. Sagot ni Mang Raul.

“Lets go Iha.... Sabi ni Mommy sa akin.

Hindi ako makapaniwala sa sobrang ganda


ng kwarto na binigay sa akin ni Mommy Moira.
Kulay pink ang kabuan ng kwarto
at talaga namang kitang kita ang karangyaan
sa gamit na nasa loob nito.
Malayong- malayo ito sa hitsura ng kwarto ko
sa aming bahay.
Hindi ko maimagine kung gaano sila kayaman.
Nasa loob nito. Malayong- malayo
ito sa hitsura ng kwarto ko sa aming bahay.
Hindi ko maimagine kung gaano sila kayaman.

“Ito ang magiging kwarto mo Iha.


Yung sa kabilang pinto naman na nadaanan
natin kanina yun ang kwarto ng asawa mo.”
Nakangiti na sabi sa akin ni Mommy Moira.

“Ang ganda po ng kwarto na ito Mommy”


“Salamat po” nakangiti kong sabi sa kanya.

“Bweno iha magpahinga ka muna.


Alam kong pagod ka. Ipapasundo
nalang kita mamaya sa katulong kapag
kakain na ng hapunan.” Sabi ni Mommy Moiraa sa akin.

“Salamat po ulit Mommy.”


Nahihiya kong sabi sa kanya.
Ngumiti lang siya sa akin at lumabas na ng kwarto.

Nang mapag-isa ako sa kwarto


nakatulala akong nakatingin sa kawalan.
Ano kayang maging kinabukasan
ang naghihintay sa akin sa bagong yugto
ng buhay ko. Very thankfull ako kasi
mabait si Mommy Moira sa akin.

Natatakot ako kay Kuya Gabriel na asawa


ko na ngayon. Iba siya kung tumitig sa akin.
Masakit at matalim. Kitang kita
ang galit nya sa akin. Masakit sa akin
dahil pinag bibintangan nila
ako na ako ang may kasalanan.

Hinaplos ko ang aking pisngi na


may namumula pa dahil sa sampal
na binigay sa akin ng aking ina.
Malungkot akong napabuntung-hininga.
Hindi ko alam kung anong kapalaran
ang naghihintay sa akin.

Para na din kasi akong itinakwil


ng sarili kong pamilya.
Galit silang lahat sa akin dahil sa mga nangyari.
Well hindi ko sila masisisi
kasi noon pa man paborito na nilang anak si Ate Ara.

You might also like