Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

1

Kumpidensiyal hangga’t ‘di pa tapos ang negosasyon


Ayon sa testing czar ng Pilipinas, ang lahat ng mga tuntunin tungkol sa kasunduan sa pagitan ng ating
gobyerno at mga tagagawa ng covid-19 vaccines ay mabubunyag lamang sa publiko kapag tapos na ang
negosasyon. Bagamat ang suplay nito ay limitado lamang sa pandaigdigang merkado, tiniyak ng mga eksperto
na ang mga Pilipino ay makakakuha nito. Lahat ng mga nasabing transaksyon ay siniguradong magiging
“transparent”, kabilang na dito ang presyo at dami ng bibilhin na bakuna. Nilinaw ng gobyerno na sinadyang
hindi ilantad kung magkano ang babayarin natin sa mga bakunang galing sa Tsina noong Senate hearing para
sa national vaccination plan dahil posibleng magsiatrasan ang mga kompanyang handang makipagsundo sa
Pilipinas.

Posibleng pagsasagawa ng house to house vaccination


Isinaalang-alang na sa gobyerno ng Pilipinas ang pagpapatupad ng house to house vaccination para sa mga
vulnerable members ng ating pamayanan. Kasapi dito ang mga matatanda at mga mamamayang mayroong
mahinang immune system na hindi makakapunta sa lugar ng pagbabakunahan dahil sa posibilidad na
makaharap ng karagdagang panganib. Alinsunod sa sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III, ang
panukalang ito ay parte na sa programa ng administrasyon. Maliban sa planong ito, ang mga bakuna ay
ibabahagi sa mga nakapirming lugar tulad ng barangay, ospital, at pribadong klinika.

You might also like