Professional Documents
Culture Documents
Filpl First Quarterly Notes
Filpl First Quarterly Notes
Ang akademikong pagsulat ay isinasagawa sa isang akademikong institusyon kung saan kinakailangan
ang mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat. Layunin ng akademikong pagsulat ang magbigay ng
makabuluhang impormasyon sa halip na manlibang lamang.
2. Obhetibo
Ang layunin ng akademikong pagsulat ay pataasin ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa
pagbasa at pagsulat sa iba’t ibang disiplina o larang. Binibigyang-diin dito ang impormasyong gustong
ibigay at ang argumento sa mga ideya na sumusuporta sa paksa (Alejo et al 2005).
3. May Paninindigan
Ang akademikong pagsulat ay kailangang may paninindigan sapagkat ang nilalaman nito ay pag-aaral
o mahalagang impormasyon na dapat idinudulog at dinepensahan, ipinaliliwanag at binibigyang-
katwiran ang mahahalagang layunin, at inilalahad ang kahalagahan ng pag-aaral. Mahalaga rin ang
paninindigan dahil ang mismong daloy ng mga pangungusap, pangangatwiran, at layunin ay depende
sa isinasaad ng paninindigan ng manunulat.
4. May Pananagutan
Mahalagang matutuhan ang pagkilala sa mga sangguniang pinaghanguan ng mga impormasyon. Ang
pangongopya ng impormasyon o ideya ng ibang manunulat o plagiarism ay isang kasalanang may
takdang kaparusahan sa ilalim ng batas.
5. May Kalinawan
Ang sulating akademiko ay may paninindigang sinusundan upang patunguhan kung kaya dapat na
maging malinaw ang pagsulat ng mga impormasyon at ang pagpapahayag sa pagsulat ay direktibo at
sistematiko.
2 | Filpl
2. Nagagamit ang mga kasanayan sa pagbasa sa pagsusuri ng iba’t ibang uri ng teksto na
magagamit sa mga gawain ng akademikong pagsulat.
Ang mag-aaral ay nararapat na nagtataglay ng tatlong antas ng pag-unawa sa pagbasa. Una, ang
pagkakaroon ng literal na pagpapakahulugan kung saan ang mambabasa ay nakauunawa ng mga
salita ng wikang ginamit. Pangalawa, pagbasa nang may pag-unawa. Ang mag-aaral ay
nakapagbibigay ng pagpapakahulugan gamit ang paghihinuha at komprehensiyon sa ipinapahayag na
mensahe ng awtor. Pangatlo, pagbasa nang may aplikasyon. Matapos ang pagbasa, dapat ay
naisasagawa sa isang pagkilos ang mensahe ng teksto na maaaring pasulat o pag-uulat.
3. Natatalakay ang paksa ng mga naisagawang pag-aaral ayon sa pananaw ng may-akda kasabay
rin ang pag-unawa ng mag-aaral bilang mambabasa.
Ang mag-aaral ay inaasahang marunong magsuri ng ibang akda na makatutulong sa kanyang pag-
aaral—kritikal sa pag-iisip, obhetibo sa pagtalakay sa paksa, organisado ang mga ideya at kaisipan,
nakatutukoy ng sanhi at bunga, nakapaghahambing, nakabubuo ng konsepto, at nakalulutas ng
suliranin para sa ikabubuti ng kanyang sulatin.
5. Malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral para makasulat ng iba’t ibang anyo ng
akademikong sulatin.
Inaasahang mapahuhusay pa ang kasanayan ng mag-aaral upang makasusulat ng iba’t ibang sulatin
sa larangan ng akademikong pagsulat.
Sa proseso ng pagsulat, mahalaga ring bigyang-pansin ang mga Bahagi ng Teksto ayon sa sumusunod:
1. Panimula
Dapat bigyan ng kaukulang pansin ang panimula ng tekstong isusulat. Ang bahaging ito ay nararapat
na maging kawili-wili upang sa simula pa lamang ay mahikayat ang mambabasa na tapusing basahin
ang teksto.
2. Katawan
Sa pagsulat ng bahaging ito, matatagpuan ang wastong paglalahad ng mga detalye at kaisipang nais
ipahayag sa akda. Mahalagang magkaroon ng ugnayan at kaisahan ang mga kaisipang ipinahahayag
upang hindi malito ang mambabasa dahil ito ang pinakamalaking bahagi ng teksto. May tatlong
hakbang para maisagawa ang panggitnang bahagi ng sulatin.
Pagpili ng organisasyon
Pagbabalangkas ng nilalaman
Paghahanda sa transisyon ng talataan
3. Wakas
Dapat isaalang-alang ng manunulat ang pagsulat ng bahaging ito upang makapag-iwan ng isang
kakintalan sa isip ng mambabasa na maaaring magbigay buod sa paksang tinalakay o mag-iiwan ng
isang makabuluhang pag-iisip at repleksiyon.
4 | Filpl
PAGSULAT NG SINTESIS
Isang kapaki-pakinabang na gawain ang pagbabasa at panonood. Sa pamamagitan kasi ng mga ito,
nadaragdagan ang kaalaman ng tao at lumalawak ang saklaw ng pagkatuto di lamang sa sariling kultura,
kapaligiran, at pamumuhay kundi sa mga lugar sa ibayong-dagat at maging sa labas ng ating daigdig.
Ang sintesis (synthesis) ay nagmula sa salitang Griyego na syntithenai na ang ibig sabihin sa Ingles
ay put together o combine (Harper 2016). Makikita ang prosesong ito sa mga pagkakataong, halimbawa, pag-
uusap tungkol sa nabasang libro kung kailan hindi posible ang pagbanggit sa bawat kabanata at nilalaman ng
mga ito upang makuha lamang ang kahulugan,layunin, at kongklusyon ng libro.
Madalas na nalilimitahan ng oras ang pagbabahagi ng kaalaman sa iba’t ibang dahilan. Maaaring oras
sa klase, oras ng kuwentuhan, o sukat ng panahon para sa pagsulat ng pagbasa ng artikulo kung nasa anyong
babasahin ang pagbibigay ng kaalaman. Sa ganitong kalagayan, makikita ang kahalagahan na matutuhan ang
paraan ng paglalagom o pagbubuod na tinatawag na pagbibigay ng sintesis.