Aral - Pan 6, q2, Random Test

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA REGION
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR
Quarter 2 Division Assessment
SY 2023-2024
Araling Panlipunan 6
Pangalan: ___________________________________ Baitang/Seksyon: _______________
Paaralan: ___________________________________ Petsa:________________________
Guro: _______________________________________Kuha: ________________________
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Pilliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa inyong
sagutang papel. Huwag sumulat ng anuman sa talatanungang ito.
1.Pinayagan ng mga Amerikano na mag-aral ang mga kababaihan at mahihirap na Pilipino gamit ang wikang Ingles. Ano
ang
tawag sa kinilalang unang guro sa panahon ng Amerikano na lulan ng barkong USS Thomas na dumating sa Pilipinas
noong 1901?
A. Gurong Amerikano B. Sundalong Amerikano C. Sundalong Pilipino D. Thomasites
2. Sa bisa ng Executive Order No. 109, itinatag ang Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas (KALIBAP), ang
tanging partidong political na pinahihintulutan ng mga Hapones sa Pilipinas. Sino ang namuno sa bagong tatag na
Preparatory
Commission for Philippine Independence na babalangkas ng Saligang Batas para sa itatatag na Ikalawang Republika at
naging pangulo din dito?
A. Antonio de las Alas B. Benigno Aquino Sr. C. Claro M. Recto D. Jose P. Laurel
3. Alin ang HINDI isinasaad sa batas Gabaldon?
A. Ingles ang gamit sa pag-aaral C. nagtatag ng Department of Public Instruction
B. libre ang matrikula, lapis, aklat at papel D. nabigyan ng tig dalawang pampublikong paaralan ang bawat
lalawigan
4. Sa panahon ng mga Amrikano, nagkaroon ng mga misyong pangkalayaan na nagsusulong tungo sa pagsasarili ng
bansang Pilipinas. Isa na rito ang Misyong Os-Rox na pinamunuan nina Osmena at Roxas. Ano ang layunin nito?
A. Hilingin ang batas ng Pilipinas. C. Magkaroon ng kinatawan ang Pilipinas.
B. Hilingin ang kalayaan ng Pilipinas. D. Magkaroon ng pagmamay-ari ang Pilipinas.
5. Ang mga nasa ibaba ay mga kwalipikasyon sa pagboto sa panahon ng mga Amerikano. Alin ang hindi kabilang dito?
A. lalaking may edad 18 pataas C. nakahawak na ng lokal na posisyon sa bayan
B. nagbabayad ng taunang buwis na P30.00 D. nakababasa,nakasusulat at nakapagsasalita ng Ingles
6. Anong batas ang pinagtibay ng Kongreso ng United States bilang kapalit ng Philippine Bill of 1902 at kilala rin bilang
Batas Jones?
A. Batas Tydings-McDuffie C. Philippine Organic Act of 1902
B. Philippine Autonomy Act of 1916 D. Saligang Batas ng Pilipinas
7. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mahahalagang itinadhana ng Saligang Batas,1935?
A. Ang kapangyarihan ay nasa Pamahalaang Militar.
B. Ang Pangulo at ang Pangalawang Pangulo ay mga halal ng bayan.
C. Ang kapangyarihan ng lehislatibo o tagapagbatas ay nasa Asembleya.
D. Tatlo ang sangay ng pamahalaan na may magkakapantay na kapangyarihan.
8. Nagkaroon ng halalan sa pagkadelegado sa Kumbensiyon sa Maynila para sa paghahanda ng Saligang Batas noong
Hulyo 10, 1934. Sino ang nahalal na pangulo sa nasabing kombensiyon?
A. Carlos P. Garcia B. Claro M. Recto C. Ramon Magsaysay D. Ruperto
Montinola
9. Anong programa ng Pamahalaang Commonwealth ang nagbigay ng karapatan sa mga kababaihan na bumoto at
maihalal
sa anumang pwesto ng pamahalaan?
A. Programang Pang-edukasyon C. Programa sa Sining at Agham
B. Programa para sa Kababaihan D. Programa sa Transportasyon at Komunikasyon
10.Noong Marso 29, 1942, sa gubat sa paanan ng bundok Arayat, sa gilid ng mga lalawigang Nueva Ecija, Pampanga at
Tarlac, nagbuklod ang mga komunista at ang higit na maraming mga socialista upang buoin ang Hukbalahap o
Hukbong
Bayan Laban sa Hapon. Sino ang pinuno ng nasabing pangkat?
A. Crisanto Evangelista B. Jose Lukban C. Macario Sakay D. Luis
Taruc
11.Ano ang magandang resulta ng panankop ng mga Amerikano sa bansang Pilipinas?
A. Mas gugustuhin na ng mga Pilipinong mag salita ng Ingles sa halip na sariling wika.
B. Mas pinipili ng mga Pilipino ang pagbili ng dayuhang produkto dahil matibay na mura pa sa halip na sariling gawa
o
produkto
C. Pananamit, estilo, at mga hilig sa musika ng ibang bansa ay isinasabuhay at isinapuso na ng mga Pilipino.
D. Nakapag-aral ng libre ang mga Pilipino, naging mabilis ang pag-unlad ng transportasyon at kumunikasyon ng bansa
at
ipinakilala ang demokrasya na pamamalakad ng pamahalaan.
12.Anong batas ang nagbabawal ng pagwagayway ng watawat ng Pilipinas, gayundin ang mga simbolo at mga
kagamitang nagpapahayag ng pagtutol ng mga Pilipino sa pamamalakad ng mga Amerikano?
A. Batas 1696 noong 1907 B. Batas Gabaldon C. Batas Rekonsentrasyon D. Batas
Sedisyon
13. Sino itong makabansang Pilipino na nagtatag ng Republika ng Tagalog na nagsulong ng tuwirang paglaya ng mga
Pilipino
kaya’t ipinapatay ng mga Amerikano sa salang pagrerebelde noong Setyembre 13, 1907?
A. Alberto Barreto B. Justo Lucban C. Macario Sakay D. Pascual Poblete
14.Ano ang tawag sa kalunus-lunos na pangyayari noong panahon ng Hapon na kung saan pinaglakad ang mga
sundalong Pilipino at Amerikano ng 100 kilometro sa loob ng apat na oras, na nagresulta ng maraming namatay at
pagpapahirap?
A. Battle of Corregidor B. Battle of Manila Bay C. Death March D. Fall of
Bataan
15.Ilang mga Pilipino ang biktima at nasawi sa Death March?
A. 2,000 B. 5,000 C. 20,000 D. 70,000
16.Ano ang tawag sa mga sundalo o sibilyang namundok at patuloy na nakipaglaban sa mga Hapones?
A. HUKBALAHAP B. Gerilya C. Makapili D.
KALIBAPI
17.Ang pagbuo ng Asembleya Filipina ay isa sa paghahanda ng mga Pilipino sa kalayaan. Alin sa mga sumusunod na
pangungusap ang nagpakita ng kakayahan ng mga Pilipino sa pamumuno?
A. paglinang ng likhang – kultural laban sa Amerikano
B. pinagbuti ng mga Pilipino ang pamamalakad sa pamahalaan
C. pagpapaunlad ng impluwensyang Amerikano sa pamahalaan
D. pagsunod ng mga Pilipino sa patakarang pang-edukasyon ng mga Amerikano
18.Sa paanong paraan binago ng mga Amerikano ang sistema ng transportasyon at komunikasyon sa ating bansa?
A. Nagpagawa sila ng maraming kalsada at tulay.
B. Nagpagawa sila ng mga daungan ng barko at paliparan.
C. Pinahaba nila ang riles ng tren at ipinakilala nila ang paggamit ng telepono at radiophone
D. lahat ng nabanggit
19.Paano ka makakatulong sa pagpapanatili ng kalinisan sa mga sakayan o terminal?
A. Iiwanan ko sa aking kinauupuan ang balat ng aking pinagkainan.
B. Ilalagay ko sa aking bulsa ang balat ng kendi na pinagkainan ko.
C. Bantayan na walang may nakatingin at itapon ang balat ng kendi kahit saan.
D.itapon ang balat ng kendi sa gilid dahil wala namang basurahan na makikita sa terminal.
20.Kung ikaw ay nabubuhay sa panahon ng panunungkulan ng mga Amerikano, alin sa dalawang pamahalaan ang pipiliin
mo at bakit?
A. Pamahalaang Sibil upang matigil na ang pananakop ng mga dayuhan sa bansa.
B. Pamahalaang Militar upang madakip kaagad ang mga taong gumagawa ng labag sa batas.
C. Pamahalaang Militar, sapagkat napanatili rito ang kapayapaan sa mga magulong lugar at buong kapuluang Pilipinas.
D. Pamahalaang sibil dahil ang mga Pilipino ay nagkaroon ng karapatang mamahala sa sariling bansa at binigyan ng
pagkakataong makibahagi sa pamumuno sa pamahalaan
21. Alin sa mga sumusunod ang pinakamabuting pagbabago sa panahon ng Komonwelt na naranasan ng mga Pilipino sa
larangan ng pulitika?
A. pagmamay-ari ng sariling negosyo at kabuhayan C. pagiging kawani sa mga tanggapan ng pamahalaan
B. pag-aaral ng libre sa mga pampublikong paaralan D. pagbibigay ng karapatan na makapili at makaboto ng mga
pinuno
22. Bakit patuloy na dumami ang bilang ng mga Pilipinong tumutol sa pamamalakad ng mga Amerikano?
A. Dahil hindi pantay ang pagtingin ng mga Amerikano sa Pilipino sa larangang edukasyon at pulitika.
B. Dahil sa mga batas na ipinatupad ng pamahalaang Amerikano na sumusupil at pumapatay sa mga Pilipinong ayaw
sumunod sa pamahalaang Amerikano.
C. Dahil pinaigiting ng mga Amerikano ang Pamahalaang Militar na tumutugis sa mga Pilipinong nakikibaka sa
Kalayaan
ng bansa.
D. Dahil lahat ng likas na yaman ng bansa ay kanilang inangkin at ginagalugad na walang pahintulot sa mga Pilipino.
23. Bakit naging napakahirap ng kabuhayan ng mga Pilipino noon Panahon ng Kadiliman?
A. Ang mga pananim ay napinsala.
B. Nasira ang mga daan, tulay at iba pang imprastraktura.
C. Wala halos mapasukang trabaho dahil sa pagkasira ng mga industriya at mga pabrika.
D. lahat ng nabanggit
24. Paano pinigilan ng mga Hapones ang pagkanasyonalismo ng mga Pilipino noong panahon ng pananakop?
A. Pinarusahan ng kamatayan ang mga nagkasala.
B. Ginawang bihag ang sinumang hindi sumunod sa mga utos.
C. Pinakulong ang mga kumakalaban na Pilipino sa mga batas.
D. Ipinagbawal ang pag-awit at pagtugtog sa publiko ng pambansang awit ng Pilipinas.

25. Bakit hindi pa rin naging payapa ang buhay ng mga Pilipino sa kabila ng mga pagbabagong inilunsad ng
pamahalaang
Hapones?
A. maraming Pilipino ang nagtaksil C. dahil tumaas pa rin ang bilang ng mga pagdakip at pagparusa
B. Ang ibang Pilipino ay nagsilbing mga espiya. D. lahat ay tama
26. Bakit ipinahayg ni Hen. MacArthur na open city ang maynila?
A. upang malayang makapasok ang mga Hapones sa Maynila
B. upang magkita-kita ang mga sundalong Hapon at Amerikano sa Maynila
C. upang magkaroon ng peace agreement sa pagitan ng mga Hapon at Amerikano
D. upang mapangalagaan at maiwasan ang labis na pagkawasak ng lunsod dulot na pagpapasabog ng bomba
27. Alin ang HINDI layunin ng mga Hapon sa pananakop sa Pilipinas?
A. Pagsama-samahin ang mga bansang magkakaugnay ng lokasyon, kultura at kabuhayan.
B. Ihanda ang Pilipinas upang maging ganap na malaya sa mga dayuhan kaya ipinagbabawal nila ang mga kagamitan
at
patakarang may kaugnayan sa mga Amerikano.
C. Magkakaroon ng mga bansang may mapagkukunan ng mga hilaw na materyales at mapagbebentahan ng mga
produkto.
D. Pagsama-samahin ang mga bansa ng Silangang Asya na itinadha sa Greater East Asia Co-Prosperity Sphere.
28. Alin ang magandang epekto sa mga Pilipino sa mga patakarang pang-ekonomiya na pinairal ng mga Hapon?
A. Natutong mag buy and sell ang mga Pilipino.
B. Sumapi sa kilusang gerilya ang karamihan sa mga magsasakang Pilipino.
C. Naging membro ng Makapili ang ilan sa mga Pilipino upang bayaran ng mga Hapon.
D. Naglimbag ng salapi ang mga Hapon dito sa Pilipinas na tinawag na Mickey Mouse na may malaking halaga na
ikinagiginhawa ng mga Pilipino.
29.Kung ikaw ay nasa panahon nga mga Amerikano, paano mo sasabihin sa iyong magulang na gusto mong mag-aral?
A. gusto kong matuto ng ingles
B. wala po kayong babayaran sa pag-aaral ko
C. Ikukulong po kayo kapag hindi ninyo ako pinag-aral.
D. Payagan ninyo po ako dahil gusto kong matuto at makatulong sa bayan.
30.Bilang isang mag-aaral sa ika-anim na baitang, paano ka makakatulong sa mga guro upang maging mapayapa at
matiwasay ang iyong paaralan ?
A. Hahayaan ko ang aking mga kaklaseng gawin ang nais nila upang walang gulo.
B. Isusumbong sa pangulo ng klase para mailista ang mga magugulo at iuulat sa principal.
C. Magbingi-bingihan upang maiiwasan ang lumalalang kaguluhan at hindi sila pakikialaman.
D. Buong-pusong sundin ang mga patakaran sa klasrum at maging mabuting halimbawa sa mga kamag-aral.
31. Ipaliwanag ang iyong pananaw tungkol sa pahayag na “Tangkilik ang Sariling Atin”.
A. Ang pagbili ng kahit anong dayuhang produkto na hindi inalintana ang epekto nito sa ating kultura.
B. Ang pagkahilig manood ng Korean Dramas ay walang epekto ito sa ating sariling pagkaPilipino.
C. Mas nanaisin ko bumili ng mga mamahaling gamit mula sa ibang bansa upang maging sikat ako sa aming
paaralan.
D. Pagtangkilik sa gawang Pilipino dahil hindi naman nalalayo ang kalidad nito sa ibang bansa at upang ang diwa
ng
ating pagka-Pilipino ay hindi mawawala.
32. Sa palagay ninyo,tama ba ang naging desisyon noon na bigyang karapatan ang mga kababaihang pumili ng mga
pinuno
sa bansa?
A. Tama po, upang mararanasan ng mga kababaihan kung paano ang bumuto ng isang opisyal na mamahala sa bansa.
B. Hindi po, dahil ang mga lalaki lamang ang may Karapatan dahil sila ang haligi ng tahanan na bumubuhay sa
pamilya.
C. Tama po, dahil lahat ng tao, anuman ang kasarian nito ay pantay-pantay kaya nararapat na bibigyan sila ng
karapatang
pipili at bubuto ng magiging opisyal ng pamahalaan.
D. Hindi po, dahil ang mga kababaihan ay nararapat na sunud-sunuran lamang sa mga kalalakihan dahil wala sila
mataas na pinag-aralan na siyang batayan sa pagpili at pagboto ng magiging opisyal sa pamahalaan.
33. Sa ginawang pagmamalupit ng mga Hapones sa mga sundalong sumuko, ano ang naging implikasyon nito sa ating
mga
Pilipino?
A. lumaban sa kanila C. magalit tayo sa mga Hapones
B. huwag nalang pansinin D. ipakita ang pagmamahal sa bayan
34. Bilang kabataang Pilipino, paano nakatutulong sa panahon ngayon ang pagkakaroon ng mga Paaralang Bokasyunal?
A. Nakatutulong ito sa paggawa ng mga gawaing bahay tulad na paglalaba, paglilinis at pagluluto.
B. Nakatutulong ito sa pamamagitan ng pagpapagawa ng bahay.
C. Nakatutulong ito sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga kakanin at kabuhayan sa buong pamilya.
D. Nakatutulong ito upang mas mahasa ang iyong kakayahan at kasanayan katulad ng kasanayan sa pagluluto, pananahi,
pagmamaniho, paghihinang o welding at marami pang iba at ito’y magagamit sa paghahanapbuhay.

35. Kung ikaw ay nabuhay noong Panahon ng mga Hapones, ano-ano ang gagawin mo upang makapamuhay ka nang
maayos at marangal sa kabila ng kahirapan ng buhay?
A. Magtatrabaho sa mga Hapon upang magkapera agad.
B. Mag-aalaga ako ng mga hayop upang pagkakikitaan at iwasan ang mga bagay na magdudulot ng kapahamakan sa
aking pamilya.
C. Tutulong sa pagsumbong at pagdakip sa mga Pilipinong lumalaban sa Hapon upang mabigyan ng pabuya.
D. Mag-aral ng wikang Hapones upang maunawaan ang kanilang mga sinasalita at makapaghahanda sa gagawing
pagplano ng paglaban at paglusob sa kanila.

36. Ang pinaglagaan ng dahoon ng manga o abokado ay ginagawang kape o tsaa ng mga Pilipino sa panahon ng Hapon.
Dahil sa kakapusan sa pagkain, ang laman ng niyog ay inihahalo nila sa lugaw at giniling na mais upang gawing
bibingka. Ano ang ipinahihiwatig ng buong salaysay?
A. Ang mga Pilipino ay maaasahan sa lahat ng oras.
B. Ang mga Pilipino ay masayahin sa oras ng kagipitan.
C. Ang mga Pilipino ay mapamaraan at malikhain sa panahon ng kagipitan.
D. Ang mga Pilipino ay marunong magtiis at magsakripisyo alang alang sa pamilya.

37. Sa panahon ng pananakop ng mga Hapon sa bansa ay binaliwala ang mga karapatan ng mamamayang Pilipino. Kung
ikaw ay nabubuhay sa panahong iyon, paano mo ipakikita ang diwang makabansa?
A. Sasali sa Makapili upang manatiling payapa ang buong bansa.
B. Maging espiya ng mga Hapon at tulungan sila sa kanilang programa alang alang sa kalayaan ng buong bansa.
C. Bubuo ng Samahan na magsusulong ng kapayapaan at kaayusan sa buong bansa gamit ang panulat.
D. Sasali sa Samahan ng Gerilya at patuloy na makipaglaban sa pamahalaang Hapon sa anumang paraan.

38. Para sa iyo, ano ang naging epekto ng pananakop ng mga Hapones sa mga Pilipino?
A. Sistemang Demokrasya ang pinaiiral ng bansa kaya malaya ang mga Pilipino sa panahon ng Hapon.
B. Naging maganda ang pakikitungo ng mga Hapones sa mga kababaihan at mga matatanda.
C. Napakalaki ng epekto sa buhay at ari-arian ng mga tao dahil napinsala nang husto ang ating bansa dulot ng
pagbobomba.
D. Nagtatag ng mga bangko pangkomersyo na nagpapautang sa mga magsasaka upang maging panggastos sa pagsasaka
sa bukid at pampuhunan sa pagnenegosyo.

39. Sa iyong palagay, dapat bang patuloy tayong maging bihasa sa wikang Ingles? Opo o Hindi po, bakit?
A. Opo, nararapat lamang na bihasa tayo sa Ingles upang makipagsabayan sa pagsasalita sa buong mundo at matatawag
din tayong matalinong Pilipino.
B. Opo, sapagkat lahat ng bihasa sa pagsasalita ng Ingles ay magaling sa lahat ng aralin sa klase at ipagmamalaki ka ng
iyong mga kaklase at guro.
C. Hindi po, dahil mawawala po ang ating diwang makabansa dahil mas pinagtutuunang pansin ang Ingles sa halip na
wikang Pilipino.
D. Opo, dahil Ingles po ang ginagamit na wika sa halos buong mundo, kaya nararapat po na bihasa din tayo nito ngunit
huwag po nating kaligtaan ang diwang makabansa sa anumang aspeto ng ating PagkaPilipino.

40. Sang-ayon ka ba sa paraan ng paglutas ng mga Pilipino sa suliraning pangkabuhayan sa panahon ng mga Hapon?
Bakit?
A. Hindi po, dahil naghirap sila nga sobra.
B. Opo, sapagkat naging matiisin sila.
C. Opo, dahil naging mapamaraan, masipag at madaling naibsan ang kanilang problema.
D. Opo, dahil sa kabila ng kanilang mahirap na buhay ay patuloy parin silang nagsakripisyo para lamang matugunan ang
pangangailangan ng buong pamilya

You might also like