PANANALIKSIKHAHAHAHA

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Ayon sa pananaliksik ni Kenneth Adu-Gyamfi (2013).

Sinisiyasat ng kanyang pag-aaral ang mga


salik na nag-aambag sa kawalan ng interes ng mga estudyanteng hindi pang-agham sa agham ng
paaralan sa pamamagitan ng paggamit ng 27-item na talatanungan. Nakatulong ito sa paghahambing
ng kakulangan ng interes ng mga lalaki at babae na hindi pang-agham sa agham ng paaralan.
Mayroong 259 lalaki at babae na mag-aaral mula sa tatlong senior high school sa tatlong District
Assemblies ng Ashanti Region ng Ghana na lumahok sa pag-aaral.
Ayon kay Dişlen, G. (2013) Ang pagganyak ay naging pangunahing pokus ng mga guro sa mga
nakaraang taon dahil ito ay nagsisilbing pundasyon para sa proseso ng pagkatuto. Ang pag-aaral ay
isang masalimuot at patuloy na nagbabagong proseso, na ang pagganyak ay mahalaga para sa
pagkumpleto nito. Ang pagnanais na matuto ay isang mahalagang aspeto ng proseso ng pag-aaral, at
ang pagganyak ay gumaganap ng isang mahalagang papel sa paggabay sa mga mag-aaral patungo sa
tagumpay. Gayunpaman, ang mga mag-aaral ay maaaring minsan ay mawalan ng interes sa kanilang
pag-aaral, na humahadlang sa kanilang pag-unlad sa pag-aaral ng wika. Ang pag-aaral na ito ay
naglalayong tugunan ang isyu ng kawalan ng motibasyon sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga
dahilan sa likod ng kawalan ng interes ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng wika at pagtuklas ng mga
paraan upang mapalakas ang motibasyon sa mga nag-aatubili na mag-aaral. Ang pag-aaral ay
nakatuon sa mga guro at mag-aaral sa isang setting ng mataas na paaralan, at ang data ay nakolekta sa
pamamagitan ng mga obserbasyon sa silid-aralan, mga panayam ng guro, at mga talatanungan ng
mag-aaral.
Ayon sa mananaliksik ng paaralan ng Abellana National School (2016) Sa henerasyon ngayon,
madaming nagsabi na lubos na nakaapekto sa kanilang pag-aaral ang computer at iba pang mga
gadyets, o sa madaling salita, ang makabagong teknolohiya. Madaming nakapagsabi na sila raw ay
madalas gumagamit ng compyuter at hindi na masyadong nakakapagaral. Ang iba nama'y cellphone
naman ang kinaadikan. Ang ibay nama'y sa paglalaro ng play station at kung ano-ano pa. Sabi ng
iba'y minsan daw ay sila'y napupuyat dahil sa mga ito. Kaya siguro hindi masyado nakakapag-aral
ang iba sa kanila dahil sa mga gadyets/teknolohiya na ito, kaya bumababa ang kanilang marka at
tinatamad ng pumasok.
Ayon kay A. C. Cason Jr. (2017). Batay sa naging resulta ng pananaliksik, natuklasan na ang
kompyuter games o makabagong teknolohiya, barkada at ang pag-aaway ng kanilang mga magulang
ang nakaaapekto sa pagkawala ng pokus o interes ng mga estudyante sa pag-aaral. Dahil sa pagwala
ng pokus o interes, nagkakaroon na ang mga estudyante ng mababang marka sa eskwelahan at
nagdudulot ito ng hindi magandang epekto sa akademik perpormans ng mga estudyante.
Sa isang proyekto na isinagawa ng mga mag-aaral ng (ICC High School sa Ikawalong Baitang
2015.) ang karaniwang na sinasabing dahilan ng pagkawala ng interes sa pag-aaral ay ang mga
makabagong bagay o gadyets na laganap na sa panahong kasalukuyan, nawiwiling masyado ang ilang
mga kabataan sa impluwensya ng internet, at maging ang kakulangan ng suporta ng mga magulang
ng mga mag-aaral at ang kakulangan ng suplay sa mga kagamitang pang akademiko na magagamit sa
kanilang pag-aaral, dagdag pa, nasabi ng ilang mga guro na 3 hanggang 4 na porsyento lamang ang
nakikitaan ng kawalan ng interes sa pag-aaral, may nagsasabi din na halos lahat sila kinakikitaan pa
ng interes, pero kung ibabatay sa mga nagdaang semestre, sa mga kalagitnaan patungong katapusan
ng semestre ay mula sa 10 porsyento, ang dalawa ay nawawalan pa rin ng interes sa pag-aaral
maraming mga naitalang mga pagliban sa klase at ang iba pa ay hindi na halos nagpapakita.
KABANATA III

DISENYO AT PAMAMARAAN SA PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamaraang kwalitatibong pananaliksik,


naglalayong maunawaan ang problema o isang paksa mula sa pananaw ng mga respondente ukol sa
kawalan ng interes sa pag-aaral sa 11 GAS. Dahil ninanais malaman ng mga mananaliksik ang mga
dahilan at masamang dulot nito sa kanila tanging interbyu ang gagamitin ng mga mananaliksik at
respondente upang matupad ang pag-aaral na ito.

Disenyo ng Pananaliksik
Ang pananaliksik na ito ay isang deskriptibong disenyo na layuning mangalap ng impormasyon
tungkol sa mga estudyante ng gas 11 na nawalan ng enterest sa pag aaral, layunin ng mga
mananaliksik na malaman kung ano ano ang kanilang mga dahilan. Ang mga mananaliksik ay
gumagawa ng mga katanungan upang maka kuha ng datos.nais rin nila na makakuha ng mga
impormasyon kung bakit o anong dahilan para mawalan ng interest sa pag aaral, sa ganitong paraan
mas mapapadali sa magiging resulta ng pag aaral na makapagbigay impormasyon.

Mga Kalahok sa Pag-aaral


Ang piniling kalahok sa pag-aaral na ito ang mga mag aaral sa senior high school sa pambansang
mataas na paaralan ng prieto diaz partikular sa ika-11 na baitang. Sa general academic strand ay may
pitong kalahok sa pambansang matras na paaralan ng prieto-diaz sa kabuuan nakahanap kami ng
pitong mga kalahok sa pag-aaral na ito. Makikita sa talahanayan I ang mga pangalan ng mga kalahok.

TALAHANAYAN I
Mga Kalahok
Kalahok Bilang
Julius
Stephanie
Angel
GAS Gian
Allysa
Janine
Kate Cara

Kabuuan 7
Ayon sa talahanayan, ang kalahok ay mula sa Gas strand. May pitong (7) kalahok sa Gas strand ng
ika-11 baitang sa Prieto Diaz High School. Ang kabuuang bilang ng mga kalahok ay pito (7) din.
Instrumento

Ang instrumentong ginamit sa pagkuha ng mga impormasyon at datos sa pag aaral ay isang surbey-
kwestyoneyr o talatanungan.Ang mga mag aaral ng Prieto Diaz National High School na nasa
ikalabing-isang antas ng Senior High School Department at nasa strand ng General Academic strand
ay ang ginawang respondente sa surbey tungkol sa kawalang ng interes sa pag aaral.

Paraan ng Paglikom ng mga Datos

Para makalikom ng mahalagang datos para sa pananaliksik sa pagkawala ng interes sa pag-aaral ng


mga mag-aaral sa 11-GAS ng PDNHS, sinundan ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na
hakbang. Una, gumawa sila ng liham ng pahintulot at ipinaalam ang mga detalye ng pananaliksik at
pangako ng privacy sa mga kalahok sa pamamagitan ng survey. Pagkatapos nito, bumuo sila ng
talatanungan na naglalaman ng mga tanong ukol sa dahilan kung bakit nawawalan ng interes ang
mag-aaral na inilunsad lamang sa 11 na gas strand na mag-aaral. Tiyak na malinaw at tuwiran ang
mga katanungan upang mas madaling maunawaan at masagot ng mga kalahok.
Pagkatapos ng pagpili ng mga kalahok, isinagawa nila ang survey sa mga oras na hindi
nakakaapekto sa kanilang mga regular na klase kapag may mga bakanteng oras, at ibinigay nila ang
mga kinakailangang tagubilin. Pinangalagaan nila ang privacy ng mga kalahok at tama ang paggamit
ng mga nakalap na datos. Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito, nakalikom ng mahalagang datos
ang mga mananaliksik para sa kanilang pananaliksik, na may paggalang sa mga kalahok at
pagpapahalaga sa kanilang privacy at kalidad ng datos.

Paraan ng Pagsuri ng mga Datos


Tungkulin ng mga mananaliksik na mag karoon ng survey o mag bigay ng mga katanungan sa mga
mag aaral na nawalan ng interest sa pag aaral, tiniyak dito na mag karoon ng panayam, o pagmamasid.
Gumagawa ang mga mananaliksik ng mga kwestyonaryo na may mga tanong na may kinalaman sa
interest sa pag aaral. Linalayon rin na makipag usap sa mga mag aaral upang mas malalim na
maunawaan ang kanilang mga saloobin at karanasan. Pinag aaralan rin ang mga natanggap na datos at
kung ano ang maaaring naging sanhi kaya't nawalat sila ng interest sa pag aaral
Ayon sa pananaliksik ni Noriel Aranza (2015) ang biyaya at pagpapala ng edukasyon ang
pinakadakilang pamana na kailanman ay hindi mananakaw ng sinuman, maraming biyaya at
oportunidad ang naghihintay kapag nakatapos ng pag-aaral, gamit ang susi na lumalarawan sa
edukasyon ay binubuksan natin ang isang pintuan ng maraming mga pagtatagumpay na maaari nating
marating at makamit sa hinaharap at darakuhing mga panahon, at magsisilbi itong saligan upang
maharap natin ang kulay ng realidad. Sa kasalukuyan at maging sa mga nakaraan, kapansin-pansin na
maraming kabataan ang nawawalan ng wisyo o interes na mag-aral na mabuti, nakakaranas ang ilan
nig hirap sa pagharap sa mga balakid na kailangan nilang tawirin tungo sa pagtatagumpay, ilan ritely
ang mabilis na lumalaganap na kahirapan, suliranin sa sarili at sa pamilya, maging ang kakapusan ng
pangangailangan na magagamit upang makatawid sa pang araw-araw na buhay.
Ayon sa sarbey na isinagawa ng Rizal Science High School noong 2009, karamihan sa mga
respondente ay nagpahayag na ang makabagong teknolohiya, tulad ng kompyuter at iba pang gadget.
ay may malaking epekto sa kanilang pag-aaral. Marami ang nagbanggit na madalas silang gumagamit
ng kompyuter sa halip na mag-aral ng mabisa. Kabilang sa kanilang mga pangunahing distractions
ang mga cellphone, mga laro sa PlayStation, at mga katulad na device, na humahantong sa kanila na
mapuyat sa gabi. Dahil dito, ang ilang mga mag-aaral ay nahihirapang mag-focus sa kanilang pag-
aaral dahil sa kanilang pag-asa sa mga gadget at teknolohiya.
Paglalahad ng Suliranin

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay para malaman ang epekto ng pagkakawala ng interes sa pag-
aaral ng estudyante ng ika-11 baitang. Mahalaga na tignan at bigyang pansin ang mga sanhi ng
pagkakawala ng interes upang maka-hanap ng mga paraan upang magbigay inspirasyon at motibasyon
sa mga mag-aaral na magpatuloy sa kanilang pag-aaral.

1. Ano-ano ang mga dahilan ng pagbaba ng interes ng mga mag-aaral sa pag-aaral?


2. Ano-ano ang mga epekto ng pagbaba ng interes ng mga mag aaral sa kanilang pag-aaral at personal
na pag-unlad?
3. Paano malulunasan ang kawalan ng interes ng mga mag-aaral?
4. Ano-ano ang maaring gawin upang maibalik ang kanilang interes sa pag-aaral?
5. Anong awtput ang maimumungkahi batay sa pag-aaral?
Pagkawala ng Interes sa Pag-aaral ng mga Mag-aaral sa 11-GAS ng
PDNHS Isang Pag-aaral

Kaligiran sa Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang mga dahilan na nagdudulot ng pagbaba ng interes ng
mga mag-aaral sa ika-labing-isang baitang sa pag-aaral. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito,
inaasahan na magkakaroon ng mas malalim na pag-unawa sa mga salik/dahilan na nagdudulot ng
pagbaba ng interes ng mga mag-aaral sa pag-aaral.
Ayon kay Thoman SansoneI Fraughton (2012) mga mananaliksik ayon sa kanilang pag aaral ay
natagpuan na ang interes ng mga mag-aaral sa isang paksa o kurso ng pag-aaral ay may positibong
impluwensiya sa kanilang pag-aaral at kahit ang pagpili ng mga paksa / kurso at karera na ginawa nila
bilang mga mag-aaral. Ang antas at interes ng estudyante sa isang partikular na paksa / kurso o karera
ay nagbabago sa maraming kadahilanan tulad ng kapaligiran, performance sa mga subject, sa mga
magulang, mga kasamahan, at mga guro bilang isa sa mga nakakaimpluwensyahan ng interes ng mga
mag-aaral. Sa pag-aaral na ito ang interes ay itinuturing na na cognitive at affective estado ng mga
mag-aaral kasangkot sa pag-aaral tungkol sa kanilang mga karanasan sa kapaligiran na sumusuporta
sa pagtuturo at pag-aaral ng agham sa paaralan.
Ayon kay Yesmambetova Kazina Nagashibaevna (2019) Ang aking artikulo ay tungkol sa mga
paraan upang mainteresan ang mga passive na nag-aaral sa aralin at ang pagiging epektibo nito.
Ilalarawan ang iba't ibang paraan ng pagganyak para sa mga mag-aaral na hindi gaanong interesado.
Ang mga aktibidad ay makakatulong sa mga guro na hikayatin ang lahat ng mga mag-aaral na
ipagmalaki ang kanilang sarili. Totoo na karamihan sa mga mag-aaral ay nagnanais na masiyahan sa
mga estratehiya upang linangin ang mga kasanayan sa kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral. Ang
ilang mga bata ay mataas ang motibasyon at ang iba ay lubos na mapagkumpitensya at nasisiyahang
makakuha ng higit na tagumpay kaysa sa kanilang mga kaklase.
Ayon kay Sameen Zafar (2021) Sa lahat ng mga estudyanteng huminto sa pag-aaral dahil sa iba't
ibang dahilan sa Pakistan noong 2017, halos 23% ng mga mag-aaral ang huminto dahil hindi sila
interesado sa pag-aaral. Ang labo sa gitna ng kawalan ng interes ay kadalasang nag-iiwan sa mga
stakeholder na walang ideya kung ano ang pinakamagandang gawin para maiwasan ang ganitong
pangyayari. Tinutukoy ng pag-aaral na ito ang mga salik na nauugnay sa paghinto ng mga mag-aaral
sa paaralan dahil sa kawalan ng interes. Ginamit namin ang Pakistan Demographic and Health Survey
2017-18 data at gumamit ng multivariate logistic at multinomial logistic regression models. Ang mga
resulta ay nagmungkahi na ang mga mag- aaral ay mas malamang na mag-drop out dahil sa kawalan
ng interes kapag sila ay naka-enrol sa mas mababang antas ng edukasyon, naulila, nakatira sa mga
urban na lugar, nag-asawa, kabilang sa mga sambahayan kung saan ang pinuno ng sambahayan ay
higit sa 40 taon. o ay babae. Gayunpaman, ang epekto ng status ng kayamanan, kasarian, at paglipat
ng isang miyembro ng pamilya sa pag-drop out ay partikular sa konteksto.

You might also like