Aralin 3 - Telesrye

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

4.

Marimar (Unang pinagbidahan ni Thalia na muling ginawa ng GMA sa pangunguna ni


Marian Rivera) - Isang Mexicanong telenobela na tumalakay sa pakikibaka ni Marimar at
Aralin 3 - TELESERYE ng kanyang asong si Fulgoso.
Ang mga dulang pantelebisyon ang pinakatutukan sa loob ng tahanan ng pamilyang 5. Mara Clara (Unang pinagbidahan nina Judy Ann Santos at Gladys Reyes na sinundan
Pilipino noong dekada 50. Kinilala itong soap opera. Ang soap opera ay kuwento tungkol naman nina Kathryn Bernardo at Julia Montes)- Kwento ng dalawang batang pinagpalit
sa ilang karakter sa kanilang pakikibaka sa buhay, na inilalahad sa naratibo na punong- ng kapalaran dahil sa paghihiganti.
puno ng emosyon (melodrama) at kadalasan, sa eksaheradong paraan. Ang istraktura nito
ay ipinalalabas nang 30 hanggang 45 minuto. Pinalalabas Lunes hanggang Biyernes. 6. Marina (Pinagbidahan ni Claudine Baretto)- kwento ng isang sirena na nagnais
Pinalalabas nang panghapon o kaya sa primetime. Kadalasan ang tema nito ay kuwentong magkaroon ng paa at humiling sa isang Dugong na may masamang plano para sa kanya.
pamilya na nawalan ng anak o nagkapalit ng mga anak, kuwentong pag-iibigan ng
mayaman at mahirap, o agawan ng mana. Ang katangian ng mga soap opera ay 7. Encantadia (Unang pinagbidahan nina Iza Calsado, Karylle, Sunshine Dizon at Diana
masalimuot, may nawawalang bagay o tao, may babawiing bagay o tao at malinaw kung Zubiri na sinundan nina Kylie Padilla, Glaiza De Castro, Gabbi Garcia at Sanya Lopez) –
sino ang bida at kontrabida.( Salazar) kwento ng pagbabalanse ng mundo ng apat na Sangre; sina Amihan, Pirena, Alena at
Danaya. Ngunit nag-iba ang lahat ng mapasukan ng pagiging sakim ng isa sa kanila.
Ang soap opera ay kilalang genre ng mga babae dahil sa karamihan sa mga manonood
nito ay babaeng naiiwan sa bahay (Cantor and Pingree, 1983). Ayon naman kay Hobson, KAHALAGAHAN NG TELESERYE
ang mga tauhang babae sa soap opera ay matatapang at isa ito sa pinasikat na katangian 1. Tinangkilik at inibig ng mga Pilipino dahil ito ay nagpapakita ng tema tungkol sa
ng mga sopa opera. Kitangkita na ang kapangyarihan ng mga babae sa mga soap opera kabayanihan, pananagumpay ng mabuti laban sa kasamaan, pag-ibig at pag-asa.
dahil sa usaping gender equality. Ang mga babaeng api noon ay palaban na ngayon.
2. Nagbibigay-kamalayan ukol sa mga suliraning kinakaharap ng bansa, at mga isyung
Sa taong 2010 ay ganap na ginamit ang salitang “teledrama” ng GMA bilang tatak ng dapat bigyan ng pansin.
kanilang mga dramang pantelebisyon at dramaseryes naman sa TV5. Kalaunan ay naging
GMA telebabad at Primetime bida naman sa ABS-CBN 2. 3. Kinapupulutan ng aral kung saan ay nagagamit na gabay ng mga Pilipino ukol sa
pagharap sa kanilang mga suliranin.
Ang soap opera na kalaunan ay naging teleserye ay dalawang salitang pinagsama, tele
mula sa pinaikling telebisyon at serye mula sa salitang ARALIN Ingles na series. Ang 4. Nagbibigay-pag-asa kasama ng mga bidang tinatangkilik nila sa bawat teleserye.
bawat serye ay kinapapalooban ng isang story line o kuwento na nakasunod sa nakaraang
5. Higit sa lahat, magandang libangan upang maghatid ng kasiyahan at katuwaan.
serye kaya kinakailangang sundan ang bawat serye upang makita ang unti-unting
paglalantad ng kabuuan nito. Ang bawat teleserye ay punum-puno ng drama ng buhay na
ang pokus ay ang tunggalian ng iba’t ibang salik: pamilya, pag-ibig, personal na relasyon,
sex at moralidad. Ang mga salik na nabanggit ang nagpapatingkad ng mga kuwento ng
buhay ng pamilyang Pilipino. Ang pagkahilig ng marami sa panonood ng teleserye ay
bunga na rin ng payak na paglalarawan ng pang-araw-araw na pamumuhay at karanasan
ng mga tao.

MGA TELESERYENG PUMATOK SA TELEBISYON

1. Pangako Sa Iyo (Unang pinagbidahan nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa na


sinundan naman nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo)- Kwento ng isang magandang
katulong na na nagngangalang Yna, umibig siya sa kanyang among si Angelo, na
nagbigay ng daan upang matuklasan ni Yna ang buong katotohanan sa kanyang pagkatao.

2. Esperanza (Pinagbidahan ni Judy Ann Santos)- Kwento ng magkakapatid na


nagkahiwa-hiwalay dahil sa isang trahedya sa bus.

3. Mula Sa Puso (Pinagbidahan nina Claudine Barreto, Rico Yan at Diether Ocampo na
sinundan naman nina Lauren Young, JM De Guzman at Enrique Gil)- Kwento ng isang
ina na patuloy na nangungulila sa kanyang tunay na anak sa katauhan ni Via.

You might also like