Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Bu-lat-lat (boo-lat-lat) verb: to search, probe, investigate, inquire; to unearth facts

Volume 3, Number 21 June 29 - July 5, 2003 Quezon City, Philippines

CULTURE
Espasol versus Nilupak
Ang direksyon ng modernistang panulaang P/Filipino
sang-ayon kay Virgilio S. Almario

Wala sa bokabularyo ng rebolusyonaryong kilusan ang salitang "linyado" kaya't


nakapagtatakang ito ang pagbatayan ng mga haka-haka ni Almario tungkol sa
ipinalalagay niyang mapait na kapalaran ng tula at makata sa loob ng "linyadong
kahon," ibig sabihin, ang Partido Komunista ng Pilipinas.

NI GELACIO GUILLERMO*
Posted by Bulatlat.com

Outstanding, insightful, Bagahe ang pulitika sa pagtula, ito ang pasya ni Virgilio S. Almario sa panayam "Kapag isinangkot ang
honest coverage... pagtula: ang panulaang Filipino tungo sa bagong milenyo" (2000). (Para sa kaugnay na mga idea,
tingnan din ang "Ang makata sa Albanya: isang pagsusuri sa tulang makabansa" (1982; Balagtasismo
Versus Modernismo 1984). Para sa kanya, ang pulitika ay anumang ismong umiinog sa uring
Join the Bulatlat.com panlipunan, kasarian, at lahi.
mailing list!
enter email address Tulad ng ibang mga rebolusyonaryo, ex-rebolusyonaryo o kontra-rebolusyonaryo (kaytagal na nga ng
rebolusyon para makalikha ng bagong pangkat ng ganitong mga nilalang), natutunan ni Almario ang
Click here salitang "bagahe" mula sa "Bakahin ang liberalismo" ni Mao Zedong ("Wala na ngayong Maoista,"
to join anya) na tumutukoy sa istilo ng pag-iisip at paggawa ng mga kasapi ng Partido mula sa mga uring
bulatlat
burgis at petiburgis na nakasasagabal sa pagtupad ng gawaing IPO (Ideolohia, Pulitika, Organisasyon).
Powered by Ngayon, sang-ayon kay Almario, ang pulitikang ito mismo ang bagahe sa pagtula ng makata. Bakit?
groups.yahoo.com Sinisikil ng "linyadong" kahon, anya, ang kalayaan sa paglikha ng makata. "Napakatuwid ng tingin ng
'linyadong' pagsulat," anya, "sa takbo ng kasaysayan at buhay." Nakakasuya ang "linyadong" pagtula,
anya, "lalo na't dumating ang panahong maglaho ang bighani ng taglay nitong politika."

Wala sa bokabularyo ng rebolusyonaryong kilusan ang salitang "linyado" kaya't nakapagtatakang ito
ang pagbatayan ng mga haka-haka ni Almario tungkol sa ipinalalagay niyang mapait na kapalaran ng
tula at makata sa loob ng "linyadong kahon," ibig sabihin, ang Partido Komunista ng Pilipinas.

Tungkol sa unang punto: Ang pagsapi sa anumang organisasyon ay isang malayang disisyon ng
indibidwal, gayundin ang kanyang pagriresayn sa anumang kadahilanan, liban na lamang kung may
mga dahilan para patalsikin siya o gawaran ng mas mabigat na parusa. Bilang bahagi ng organisasyon,
tinutupad niya ang mga tungkulin at responsibilidad sa pagsusulong ng mga layunin ng organisasyon,
bukod sa pagtatamasa ng mga karapatan at pribilehio. Kung siya rin ay makata, inaasahang gagamitin
niya ang kasanayan niya para sa mga layuning ito. Hindi ito paninikil sa kanyang kalayaan sa paglikha;
ito ay ang pag-aayon ng kanyang ispesyal na kasanayan sa mga prinsipyo, patakaran at mithiin ng
organisasyon.

Kung ang organisasyong tinutukoy ni Almario ay ang PKP (na siya namang totoo), hindi maaaring
ipauna ng kasapi ang kanyang pagiging makata, sapagkat siya ay isang rebolusyonaryo una sa lahat, o
kaya'y ihiwalay ang kanyang pagtula sa pulitika ng kanyang organisasyon. Binatikos nina Lenin at
Mao ang dualismo nina Bernstein at Trotsky: proletaryo sa pulitika, burgis sa sining. Sabi nga ni Aime
Cesaire, makatang Afrikano, "Ang kanta [na isang anyo ng tula] ay umiinog sa rebolusyon, at hindi
ang rebolusyon ang umiinog sa kanta."

Ang mga manunulat at artista ay kinikilala bilang isang partikular na sektor sa lipunan na may sariling
mga karapatan at interes ng mga organisasyong tulad ng Artista at Manunulat ng Sambayanan
(ARMAS), isang kasaping organisasyon ng Pambansa-Demokratikong Prente.

Tungkol sa ikalawang punto: Tinutukoy ni Almario ang mga tulang nagsisimula tungkol sa opresyon
tungo sa pagbabalikwas at magwawakas sa tagumpay. Ito ay isang karaniwang padron/paradaym na
makikita kapwa sa mga simple at kumplikadong obrang pampanitikan ng anumang uri. Maraming
ganitong likha sa kilusan at may silbi sa paglalarawan ng pagsulong ng kasaysayan sa palargabistang
paraan, na ayaw ni Almario. Pero hindi naman lahat ng tula ay ganito. Tulad nga ng kanyang hatol,
10% ng mga tula sa Mga Tula ng Rebolusyong Pilipino (1982) ay pumasa sa sistema ng kanyang
pagsusuri. Kung nagpunyagi si Almario sa pananaliksik, nabasa sana niya ang mga tulang
naglalarawan ng mga kumplikadong (hindi tuwid, salitang sa ilang pagkakatao'y may dobleng
pagpapakahulugan) karanasan sa kilusan, tulad ng mga kontradiksyon sa pagitan ng personal na
hangarin at kolektibong interes, ng sentralismo at demokrasya, ng taktika at istratehiya, ng rebolusyon
at kontra-rebolusyon, atbp. Ang problema sa mga burgis na intelektwal ay hindi sila sinanay magbasa
ng ganitong mga teksto bilang praktikang panlipunan sa loob ng rebolusyon. Sa halip, ipinaiilalim
kaagad nila ang mga obra sa mga pormal na kategoryang pampanitikan, tulad nang ginawa ni
Bienvenido Lumbera sa tulang awtobayograpikal ni Jose Ma. Sison, ang "Fragments of a Nightmare,"
na sang-ayon sa kanya ay isang alegorya, ibig sabihin, isang pinahabang lambat ng mga
pandekorasyong (hindi organiko) imahen (!).
At tungkol sa ikatlong punto: Ang mga tula, tulad ng anupamang bagay, ay hindi tumatagal; lagi't
laging lilitaw ang mga bagong tula habang isinasapraktika ng mamamayan ang kanilang
pagkamalikhain. Pero ang mga luma ay binabalik-balikan para makakuha ng mga aral na magagamit sa
bagong panahon, muling maramdaman ang kahulugan nito bagamat sa ibang kalagayan, at samakatwid
ay hindi lubusang naglalaho o isinasadlak sa limot, o isinasaisantabi dahil sa pagkasuya. Sa ating
bansa, ang pulitika para sa paglaya ay isang mahabang praktika at nagpapatuloy hanggang ngayon,
kung hindi'y paano ipaliliwanag ang antig sa damdamin ng tula nina Andres Bonifacio, Jose Rizal, Jose
Corazon de Jesus, Amado Hernandez? Walang tulang hindi pulitikal, iba-iba lamang ang pulitikang
dinadala sa paraang direkta, mahinhin o patago, o kaya'y dinadalang konsyus o di-konsyus. Ang mga
tulang may anti-mamamayang pulitika ay muli lamang binabasa bilang babala, halimbawa'y ang
Ferdinand E. Marcos: An Epic ni Guillermo de Vega (o mga ghost writers sa Consensus, isang
ahensyang pampropaganda ng rehimeng Marcos na unang pinagsilbihan ni Almario).

Hindi pwedeng maglaro sa isang salitang inimbento para ilarawan o husgahan ang penomenong
panlipunan tulad ng panulaan sa rebolusyon at ng pulitikang nagbibigay-buhay sa kanya at kanyang
pinaglilingkuran.

Isa iyang paraan ng pag-iisip ni Almario. May naunang bersyon ito. Noong 1982, inimbento niya ang
mga praseng "pansamantalang distansiyang pampulitika" at "taktikal na suspensiyon ng pakikipanig"
para gabayan ang pagtula ng mga kasapi ng Galian sa Arte at Tula (GAT) na kanyang ipinundar. Sa
patuloy na pag-iral ng batas militar noon, maaaring ito'y hakbang pansiguridad para sa ligal na
pagsusulat at paglilimbag. (Ang mga sulatin batay sa panuntunang ito ay bumuo ng tinawag ni
Lumbera na "literature of circumvention" o panitikan ng panlalansi; galing din sa kanya ang terminong
"disposable poetry" (1971) o mga tulang may minsanang gamit, tulad ng kondom, na tumutukoy sa
maraming ahitasyunal na likhang pampanitikan ng mga aktibista bago magbatas-militar.) Bilang
maliwanag na pag-atras, nakabatay ito sa dalawa pang aksyon ng pag-atras na mas malala kaysa sa
nauna dahil, una, kinailangang ilagay sa pagdududa ang pulitika (ang pagbabagong panlipunan, anya,
ay baka matulad lang sa sinabi ng makatang Pranses na si Charles Baudelaire, na paglilipat lang ng
kabayo sa isa ring kwadra) at panulaan ("iisa ang tinig, pare-pareho ang talinghaga") ng PKP; at
ikalawa, kinailangang tapatan ang liberal-burgis na "kritikal at humanistang pagsusulat" ng isang
pampulitikang programang "demokratiko at makabansa" na hango sa programa ng kleriko-pasistang
organisasyon, ang Nagkakaisang Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas (NPDSP) dahil sa
pagkakatulad ng mga idea tungkol sa "awtentikong umanismo," paglaban sa pamumuno ng
proletaryado, at pakikipagkasundo ng mga uri. Ang pag-atras sa (rebolusyonaryong) pulitika ay
hakbang tungo sa pagsusulong naman ng (oportunistang) pulitika sa pamamagitan ng panulaang
ipinaggiitang hindi "apolitikal" o "tiwalag," hanggang ang totoo ay maging katawa-tawa.

Galing din kay Almario ang terminong "partidista." Batay sa kanyang iskema ng tatlong antas ng
pagpapaunlad ng panulaan sa panahon ng batas militar, ang ikatlong antas ay ang pagsulat na
ginagabayan ng programa ng mga partidong pulitikal. Batay sa iskemang ito, walang ipinag-iba ang
PKP, na naglulunsad ng isang pambansang rebolusyon sa pamumuno ng proletaryado, sa mga burgis
na partidong elektoral ng naghaharing sistema. Sa kanyang teknesistang pagtingin, ang panulaan ng
PKP at Kilusang Bagong Lipunan (KBL) ni Marcos ay "magkamukha bagamat nagtutunggali."
Binubura ng korporatistang terminong ito ang distinksyon ng mga imahen batay sa makauring base ng
kanilang kapangyarihan at pinatutungkulan ng pagpapahalaga, at ng paninindigan ng mga makata
hinggil sa rebolusyon at kontra-rebolusyon.

Iniharap lang ni Almario ang ikatlong antas ng pagsulat para takutin ("wala nang urungan") ang
pinapaboran niyang mga makata noon sa peligro ng pagsusulat na nakapanig sa PKP. Mababanggit na
noong 1980, siya ay pinatalsik bilang myembro ng PKP. Siya mismo ang nagbanggit nito sa panayam
bagamat hindi niya inilahad ang (mga) dahilan, pero maliwanag ang intensyong palabasin ang sarili
bilang biktima rin (isang usong pag-angkin ngayon) ng "Stalinisasyon" ng PKP. Noong 1986,
pinatalsik din siya sa GAT ng mayorya ng kasapian nito, na tulad ng sa nauna'y hindi niya binanggit
ang kadahilanan, pero ang bagay na ito ay bahagi ng kaalamang publiko: isa siya sa nagpasimuno ng
Coalition of Writers and Artists for Freedom and Democracy (COWARD) para sa reeleksyon ni
Marcos noong 1986.

Ang kanyang pagpapauna (prioritization) sa mga konsiderasyong pansining (dahil sa siya'y


kritiko/makata?) ay may epektong pakitirin ang halaga ng malalaking kategorya tulad ng "linyang
pampulitika" at islogang "mula sa masa, tungo sa masa." Tungkol sa "linyang pampulitika," padaskol
niyang sinabing "...[W]ala namang ibig sabihin [ang linyang pampulitika] kundi pagsusulong sa
estetikang nagagabayan ng pagsusuring panlipunan at rebolusyong pampulitika." Hindi naililinaw sa
ganitong pagsasabi ang bigat at ugnayan ng mga kategoryang pangkilusan tulad ng pulitika, estetika at
ideolohia. Ang linyang pampulitika ay ang direksyon ng praktikal na pagkilos tungo sa layunin ng pag-
agaw ng pampulitikang kapangyarihang pang-estado. Sa ganitong batayan nagsisilbi ang panitikan at
sining sa pulitika. Isa itong antas ng pagkakaisa ng dalawang kategoryang hindi pantay batay sa papel
nila sa praktikang panlipunan. Ang isa pang antas ng pagkakaisa ng pulitika at sining ay nakapaloob sa
mismong likhang sining, na ang mapagpasya ay ang pulitika. Ang ugnayan ng pulitika, sining at
ideolohia ang bumubuo sa katangiang partisano ng mga likhang sining. Tuwid nga ang linyang
pampulitika (paano mahahagip ng sibat ang target kung hindi ito tuwid?), pero may iba't iba itong mga
porma at nilalaman, dumadaan sa iba't ibang kalagayan, gusot at panganib, higit sa sapat para biguin
ang buryong ni Almario. At may sapat na paglalarawan ang mga ito sa panitikan ng rebolusyon; ang
husga ni Almario na "iisang tinig, pare-parehong talinghaga" ay batay sa mga halimbawang kanyang
nakita at hindi saklaw ang iba pang mga likhang marahil ay hindi nakaabot sa kanyang pansin.
Samantala, ang walang alam lamang ang magsasabing hindi naging matagumpay ang implementasyon
ng islogang "mula sa masa, tungo sa masa" para mahalukay ang bukal ng panulaang kilala ng masa.
Paano ipaliliwanag ang popular na paggamit ngayon sa mga sonang gerilya ng Bagong Hukbong
Bayan ng salidum-ay, ullalem, napasamak, composo, ismayling, baleleng, ambahan, atbp? Pero tulad
ng gawi ni Almario, hindi wastong ipakat ang islogang ito sa gawaing ito lamang. Ang "mula sa masa,
tungo sa masa" ay isang patuloy, pangkalahatan at palagiang proseso ng pag-alam at pagsasapraktika,
ng pagwawasto ng mga kamalian at pagpapataas ng mga mithi, na sa tuwina ay nakabatay sa gawaing
masa at ginagabayan ng ideolohia ng proletaryado.

Ang gawi ni Almario na pakitirin ang halaga (paano nga ba sasabihin ang "reduce" mula sa
"reductionism"?) ng mga kategoryang pulitikal sa mga usaping pampanitikan ay nagreresulta sa
pagpapababaw ng mga kategorya at pagpapahina sa tunay nilang kapangyarihan. Ganito rin ang
ginagawa niya para sa panitikan: tangka niyang ilabas ito sa sakop ng pulitika (isang imposibleng
gawain), tanggalan ng kahulugan bilang panlipunang praktika, at itaas sa pedestal ng "belles-lettres."
Ito ay maliwanag na pagtalikod, at pagtataksil, sa tinawag niyang "mahabang tradisyon ng panlipunang
pakikisangkot ng panulaang Pilipino."

Ang mga tanong (Ano, Paano) na mahalaga sa paglilinaw sa paraan ng paggawa ng mga
rebolusyonaryong manunulat para maging makabuluhan ang kanilang mga likha sa kanilang odyens,
tulad nang isinasaad sa "Porum sa Yan'an," ay nauuwi na lang bilang teknikal na mga usapin. Ang
responsibilidad ng mga manunulat sa pag-alam sa buhay at pakikibaka ng masang anakpawis at
pakikiisa sa kanilang mithiin at ang paninimbang sa pangangailangan ng popularisasyon at pagtataas
ng pamantayan ay binabale-wala ni Almario para halinhan ng "walang pakundangang pakikipaglaro sa
paksa...upang makapagpanukala ng sariwang parikala."

Sa usapin ng kritisismong pampanitikan (isang larangan ng tunggaliang ideolohikal), sinabi niyang


nanahimik ("wari'y may sabwatan") ang mga kritiko kapwa sa magkabilang panig tungkol sa mga
isyung kanyang inihapag (sa ilang pagkakatao'y katulong niya rito si Epifanio San Juan, halimbawa'y
sa usapin ng "functionalism" at "Marxismong may artritis"). Nagbigay siya ng mga dahilan. Sa panig
ng mga "linyado," sinabi niyang "Walang naging artikulasyon ang...panitikang U.G. [underground]
upang gagapin ang batayang estetika...[H]indi... marahil makabuluhan ang naging mga pagsisiyasat..."
Sa panig naman ng mga anti-linyado, sa halip na makipagtagisan ay naghanap na lang ng ibang usapin
- sex, postmodernismo, post-kolonyalismo, atbp. at nagkasya na lamang sa "kritisismong kontext."
Ayon kay Almario, ang kritisismong kontext ay "isang uri ng kritisismong mahilig lumingon sa
pinanggalingan at paligid-ligid ngunit ayaw tumitig sa kasalukuyan." Batay sa kanyang depinisyon,
kaiba ito sa kritisismong isinasaalang-alang ang mga kalagayan, salik at pwersa sa produksyon ng mga
likhang sining at silbi nito sa odyens bilang isang panlipunang praktika.

Para sa kritikong kilala sa pananaliksik, nakakabahala ang paggamit niya ng mga salitang "wari" at
"marahil" sa paggawa ng kongklusyon. Maihahanay ang ilang susing dokumento ng kilusan na
naglilinaw tungkol sa estetika ng panitikan nito: ang dokumentong PAKSA, 1971, na pinangasiwaan ni
Lorena Barros; ang dokumento ng Ispesyal na Komite sa Kultura ng Komisyon sa Edukasyon at
Propaganda tungkol sa sining at panitikan sa mga sonang gerilya, 1984; ang mensaheng "Ang
panitikan at komitment" ni Jose Ma. Sison para sa mga kasapi ng U.P. Writers Club, 1984; at ang mga
batayang dokumento ng PKP, Bagong Hukbong Bayan, Pambansa-Demokratikong Prente at ARMAS.
Ang mga likhang pampanitikan at pansining na lumalabas sa Ulos at iba pang mga publikasyong
pambansa at panrehiyon ay patunay sa patuloy na pagsapol at pagpapakabihasa ng mga
rebolusyonaryong manunulat sa estetikang nakaugat sa pagiging malapit sa masang anakpawis ng mga
organisadong pwersa at kaalyado ng kilusan. Sa mga larangang gerilya sa Cagayan, halimbawa,
mayroon silang ginagamit na terminong pang-estetika: natan-ok (marangal). Ang ikalawang kilusang
pagwawasto sa unang hati ng dekada 90 ay lalong nagpatibay sa kawastuhan at pangangailangan ng
estetikang ito, na tulad ng ibang gawain sa rebolusyon ay nakabatay sa gawaing masa.

Ang kanyang paliwanag tungkol sa "pag-iwas makipagtagisan" ng mga anti-linyado ay maaaring totoo,
pero ikinukubli ng ganitong paliwanag ang pagkilos ng mga anti-linyado para itatag ang mga base ng
kanilang kapangyarihan/kontrol/impluwensya sa mga institusyong pangkultura sa gubyerno (CCP,
NCCA), unibersidad (departamento ng panitikan at wika, sentro ng malikhaing pagsusulat, imprenta),
malaking negosyo (Anvil), masmidya (mga seksyong pang-Lifestyle ng Philippine Daily Inquirer,
Philippine Star, Panorama ng Bulletin Today) atbp. at mula roo'y isulong ang kanilang adyendang
pampanitikan at sikaping pahinain o hadlangan ang paglaganap ng panitikang rebolusyonaryo, o
yakagin sa kanilang "barkada" (termino ni Pantoja-Hidalgo) ang mga dating aktibistang ngayo'y
nakapwesto sa mga unibersidad, o maglatag ng panuntunan para sa kritisismong hindi
komprontasyunal (galing kay Doreen Fernandez ang "smooth interpersonal relationship" na bagay daw
sa kultura ng pakikisama ng mga Pilipino), o itakdang sa panahon ng postkolonyalismo (!) ang
gubyerno at/o akademya ang responsable sa pagbubuo ng "canon" (pulitikal at artistiko, pero kaninong
pulitika, kaninong kredong artistiko?) para sa pambansang panitikan (Lumbera), o pagsilbihin ang
kulturang tradisyunal para sa pagpapalaganap ng "benepisyo" (sa mismong mga magbubukid at
katutubong pinagmumulan ng teknolohia ng mga tradisyunal na pormang pangkultura?) ng Medium-
Term Development Program ng gubyerno (Nicanor Tiongson). Ito ang pinagkaabalahan ng mga anti-
linyadong manunulat/burukrata sa dekada 90, ang panahon ng imperyalistang globalisasyon, ang
pagbagsak ng Unyong Sobyet, at pagpapanibagong-lakas ng PKP mula sa epekto ng malalaking
kamalian at paglihis sa buong kilusan noong dekada 80.

Magkatuwang sa pagkilos na ito ang mga "master poet" (termino ni Ruel de Vera) ng mga panulaan sa
Ingles at P/Filipino. Isang halimbawa ng "partnership" na ito ay ang idinaos na Asia-Pacific Indigenous
and Contemporary Poetry noong nakaraang taon. Sa kasamaang-palad, pinalabas lamang nila ang
kanilang sarili na walang alam tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng panulaan sa hanay ng mga
katutubo sa ating bayan. (Tingnan ang aking sanaysay tungkol dito sa
http://www.highchair.com.ph/index1.html)

Ang sentro ng kapangyarihan para sa pagsasanay sa pagsusulat at pagtuturo ng panitikan ay


monopolisado ngayon ng mga anti-linyado. Halimbawa ng ganitong sentro ay ang mga "creative
writing center " ng UP (sa lahat ng kampus nito sa Luson, Visayas at Mindanaw), Ateneo, UST, La
Salle, na walang ipinag-iba sa pinakaunang bastyon ng Bagong Kritisismo ("New Criticism"), ang
"writing center" ng Silliman University sa pamumuno ng mag-asawang Tiempo at ngayo'y
ipinagpapatuloy ni Edith Tiempo, ang Pambansang Artista ng Cultural Center of the
Philippines/National Commission on Culture and the Arts. Ang regular na gawain ng mga sentrong ito
ay ang pagdaraos ng "writing workshop" sa gabay ng mga "visiting" at "resident writer" sa mga
unibersidad na ito.

Paano at bakit sumulpot ang mga "writing center/workshop"? Bago ang ikalawang digmaang
pandaigdig, walang ganitong institusyon sa Estados Unidos, pero itinayo ang mga ito sa mga
unibersidad pagkatapos ng gera para sa mga manunulat na Amerikano at kalauna'y nagtatag din ng
mga "international writers program" para sa mga dayuhang manunulat mula sa mga bansang
kontrolado o impluwensyado ng imperyalismong US. Sa simula't simula, ang panuntunang gumagabay
sa nga sentrong ito ay ang panuntunan ng Bagong Kritisismo: Walang ismo, walang linya, ang tunay
na trabaho ng makata ay ang paghahanap ng talinghaga, mahusay na lenggwahe at mabisang paraan ng
pagpapahayag sa kanilang nais itula, personal, pandaigdigan ("world-class" ang termino ngayon dahil
sa imperyalistang globalisasyon), walang pagkalaos dahil walang kinakapitang pulitikang ang
bighani'y naglalaho. (Kung sintunog ang mga ito ng mga idea ni Almario, patunay lang na matagal na
siyang nabighani sa mga idea ng Bagong Kritisismo, noon pang dekada sisenta, ayon sa kanyang pag-
amin at mismong praktika sa kritisismo.)

Ito ang mga ideang pampanitikan na ipinalaganap ng imperyalismong Estados Unidos sa lipunan nito
at sa mga dayuhang bansa sa buong panahon ng Cold War (na pormal na nagwakas noong 1989 sa
pagbagsak ng Unyong Sobyet) bilang kasangkapan nito sa kampanyang anti-Komunismo. Ito pa rin
ang panuntunang ipinatutupad ngayon sa panahon ng imperyalistang globalisasyon at gera laban sa
terorismo.

Walang "writing center/workshop" sa tipong alam natin sa Estados Unidos noong mga dekadang 20 at
30. Sa panahon ng pagbagsak ng "stock market" sa US, ang mga Amerikanong manunulat tulad nina
James Agee, Ernest Hemingway, John Steinbeck atbp. ay nagsulat tungkol sa kalagayan at pakikibaka
ng mga manggagawa sa minahan, pabrika at taniman. Ang kanilang mga sulatin ay inililimbag ng The
New Masses, isang radikal na "little magazine." Ang ganitong publikasyon (karaniwang apat na beses
lumabas sa isang taon, maliit ang sirkulasyon) ay dumani noong mga dekadang 50 at 60 sa
pagpopondo ng mga ahensyang pangkultura ng CIA, kasabay ng "witch-hunting" ni Joseph McCarthy.
Ang pakikilahok ng mga manunulat sa mga usaping panlipunan ay nanumbalik noong mga huling taon
ng dekada 60 at mga unang taon ng dekada 70 sa panahon ng pagtutol laban sa gera sa Byetnam sa
pamumuno ng mga makatang nasa labas ng mga unibersidad tulad nina Lawrence Ferlinghetti, Allen
Ginsberg, Robert Lowell, atbp. Ang ganitong pakikilahok (ang paglabas ng mga makata sa mga
unibersidad para mamahayag sa kalsada) ay tinutulan ni Lionel Trilling, dating radikal na kritiko at
kalauna'y naging burukratang propesor sa panitikan sa konserbatibong Columbia University.
Kamakailan lang, sumama ang mga makatang tulad nina Rita Dove at (muli) Ferlinghetti sa kampanya
laban sa gera sa Iraq; ilandaang tula ng gayundin karaming makata ang nagsumite ng kanilang mga
tula sa Kongreso ng Estados Unidos bilang testamento ng kanilang pagtutol sa muling pandarambong
sa mundo ng Estados Unidos sa balatkayo ng "war on terror."

Ang "writers workshop" na nakabase sa unibersidad ay nagsimula sa Pilipinas noong ikalawang hati ng
dekada 60. Monopolisado ng mga manunulat sa Ingles ang mga naunang "workshop," ang kalauna'y
paglahok ng mga manunulat sa Pilipino ay kasabay ng kanilang radikalisasyon sa pulitika bunga ng
kilusang propaganda para sa pambansang demokrasya at pandaigdigang mobilisasyon laban sa gera ng
imperyalismong US sa Byetnam. Sina Almario at Amado Hernandez , gayundin si Salvador P. Lopez
ay nagkasama sa ganitong "workshop" noong 1969 at namuno sa pagtataguyod ng panitikang
nakikisangkot. Ang pormal na pagtatayo ng Creative Writing Center sa UP ay inianunsyo ni Marcos sa
Afro-Asian Writers Symposium na idinaos sa Maynila noong 31 Enero - 3 Pebrero 1975. Sa harap ng
mga anti-imperyalistang delegado mula sa iba't ibang bansa sa Africa at Asya, iginiit ni Marcos na "Sa
wakas, hindi na maghahanap ng papel sa lipunan ang malikhaing manunulat." Inilako din ng dalawang
delegado ng Pilipinas, sina Cirilo Bautista at Rolando Tinio, mga produkto ng International Writers
Program sa Iowa University (na pinopondohan ng US State Department), ang mga pagpapahalaga ng
Bagong Kritisismo, ang unibersalismo at natibismo, mga kategoryang labas sa dinamismo ng
kasaysayan at uri.

Ang Bagong Kritisismo ang panuntunan sa pagpapatakbo ng UP Creative Writing Center. Ang mga
salita ni Almario ay sintunog ng mga salita ni Marcos na nagsabing, "Ang pinakadakilang panitikan,
kundiman ang pinakadakilang sining, ay nagtataglay ng lakas na kadalasa'y laban sa pulitika.
Tinatalikuran nito ang silakbo ng aktibismo na para bang natural nang alam na ang kapusukan ng
aktibismo ay halik ng kamatayan.")

Ang 2000 panayam ni Almario ay isang demonstrasyon ng kanyang istilo ng pagsusuri: sa isang banda
ay ang mga tulang "mabuti" at sa kabilang banda ang "masasama." Sa kanyang paggamit, hindi mga
terminong moral ito kundi teknikal, tulad ng paliwanag sa The Stuffed Owl, an anthology of bad verse
ni Wyndham Lewis; gayunman, teknikal na'y pinakitid pa ni Almario ang "trabahong pangmakata"
para itampok lamang ang mga teknikang kinasanayan ng mga makata ng Bagong Kritisismo.
Halimbawa, ang talinghaga ("metaphor") ay isa lamang sa maraming porma ng panulaan, at higit na
mas marami ang teknikang pang-retorika na nagagamit ng mga makata (sa panulaang Anglo-
Amerikano, may limang dantaon ng panulaang binabalikbalikan ang mga makata sa Ingles para sa
kanilang modernistang layunin). Sinamantala ni Almario ang pagpapakitid na ito para itampok ang
tinatawag niyang mga "kahinaan" ng mga tula nina Lilia Quindoza, Tomas Agulto at Pete Lacaba. Ito'y
pangunguto na lamang ("nitpicking," ang sabi ni Mao) sa mga "linyadong" tula na inunahan na niya ng
kanyang prehuwisyo.

Nakarurok sa panuntunan ng panunuri ni Almario ang kategorya ng aliw sapagkat nakapaloob dito ang
kanyang paningin-sa-daigdig. Lubos ang paghanga niya sa tula ni Vim Nadera, ang "Espasol," isang
tipikal na produkto ng Bagong Kritisismo - pira-piraso't magkakaibang tibtib mula sa materyal na
mundo na ipinapaloob sa kalooblooban (psyche?) ng makata para ilarawan o buuin ang isang
damdamin o idea, na nakalahad sa unahan pa lang ng tula: ....Abentura ang turing ko sa iyo/
Mapanglaw ngunit di mapanganib." Sinagpang ito ni Almario para ibandila ang kasukdulan ng
kanyang panlasa: "Tulad ng sining, kahit ang pagkain lamang ng espasol ay tigib ng tentatibong
pagbabakasakali at di-inaasahang pangyayari. Ang ganitong pakikipagsapalaran ang totoong alindog
ng sining at pagtula."

Ngayo'y huli na marahil para himukin si Almario na basahin ang isa namang tula ni Jimmuel Naval,
"Ang paggawa ng lupak" (Bigkis 1994). Sa pormang pamilyar sa nagbabasa ng kukbuk ni Aling
Charing, inilarawan ni Naval ang proseso ng paggawa ng lupak at ang mga pwersang panlipunan na
nagpapawis para sa produksyon ng mga sangkap. Ganito niya winakasan ang tula: Pagsama-samahin,
haluin/ ilagay sa malalaking bandehado/ ihain at likumin muli/ matapos tikman at paglaruan/ ng anak
ng asendero.

Narito ang istratajem para sa tunay na aliw ng sining at pagtula ng mga nagbabangong uring
panlipunan, sapagkat ang paglibak at pagkamuhi sa mga naghaharing uri, at ang pagtatawa sa kanilang
ugaling matapobre, ay isa ring anyo ng pyesta ng mamamayan para gawing ilihitimo ang paghahari ng
mga hari-hari sa lipunan. Ang api ma'y mayroon ding makauring "frisson aesthetique" (aliw pang-
estetika)!

Sundan natin ang mga bagong pakikipagsapalaran ng mga gumagawa ng lupak (at nagsusulong ng
agraryong rebolusyon), kumakain ng pinawa (at sumusumpa sa Pulang bandila), at nanghuhuli ng
isdang-bato (at pinatutuloy ang mga kasama sa kanilang mga dampa). Silang wala sa toreng garing ni
Virgilio S. Almario/Rio Alma. Posted by Bulatlat.com

*Tungkol sa may-akda: Dumaan din si G. Guillermo sa International Writers Program sa Iowa


University, 1970-71. Kinatawan niya ang Pilipinas sa 27th Poetry International Festival sa Rotterdam,
Holland, 1996.

Back to top

We want to know what you think of this article.

You might also like