Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Dula ay isang uri ng panitikan na naglalayong maitanghal sa tanghalan upang makapagturo,

manlibang, makapagmuni-muni at makaantig ng damdamin. Ito’y isang masining na paraan ng


panggagaya sa mga nangyayari sa tunay na buhay. Maaaring bunga rin ito nang malaya at malikhaing
pag-iisip ng isang manunulat. Hinahati ito sa mga yugto at tagpo.
Melodrama naman ang tawag sa dulang nagtataglay ng malulungkot na pangyayari ngunit sa huli ay
may kasiya-siyang wakas.
Mga Elemento ng Sarsuwela
1. Iskrip o nakasulat na dula – Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-
alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip.

2. Gumaganap o aktor – Ang mga aktor o gumaganap ang magbibigay-buhay sa iskrip. Sila ang
bumibigkas ng diyalogo, at nagpapakita ng iba’t ibang damdamin.

3. Tanghalan – Anumang pook na pinagpasyahang pantanghalan ng isang dula ay tinatawag na


tanghalan. Maaaring hindi lamang entablado ang tanghalan ang daan, sa loob ng siid-aralan, at iba pa ay
nagiging tanghalan din.

4. Tagadirehe o Direktor – Ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nagpapasya
sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga
tauhan ay dumidepende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip.

5. Manonood – Ang nagpapahalaga sa dula. Sila ang pumapalakpak sa galing at husay ng


nagtatanghal. Pinanonood nila nang may pagpapahalaga ang bawat tagpo , yugto at bahagi ng dula.

6. Eksena at tagpo- Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang
ang tagpo nama’y ang pagpapalit ng tagpuan.

PANDIWANG PANAGANONG PATUROL O ASPEKTO NG PANDIWA

Ang aspekto ng pandiwa ay nagpapahayag kung kailan naganap o nangyari ang isang kilos o galaw.
Inilalarawan nito kung ang kilos ay naganap na, magaganap pa lamang o kung ipagpapatuloy pa ang kilos
na kasalukuyang ginagawa.

Apat (4) na Aspekto ng Pandiwa

May apat (4) na aspekto ang pandiwa. Ang Perpektibo o naganap, Imperpektibo o nagaganap,
Kontemplatibo o magaganap, at Perpektibong Katatapos o kagaganap.

1.) Aspektong Naganap o Perpektibo – Ito ay nagsasaad ng isang kilos na kung saan na ito ay tapos na, o
naganap na. Ito ay tinatawag din na panahunang pangnagdaan na aspekto ng pandiwa o aspektong
katatapos. Kadalasan itong ginagamitan ng mga salitang kahapon, kanina, noong isang taon, nakaraan at
iba pa. Ginagamitan din ito ng mga panlaping na, nag, um, at in.

Mga halimbawa ng aspektong naganap o perpektibo:

 Kumain ako ng Cheesecake sa isang sikat na restaurant.


 Kanina ikinasal ang kaibigan kong taga Canada.
 Inayos ko na ang mga dadalhin ng anak ko para sa kantang camping.
2.) Aspektong Imperpektibo o Pangkasalukuyan – Ito ay naglalarawan ng isang kilos na laging ginagawa
o kasalukuyang nagaganap. Ito ay pandiwa na nasa panahunang pangkasalukuyan o aspektong
nagaganap. Ito ay ginagamitan ng mga salita na habang, kasalukuyan, at ngayon. Ang kilos o galaw ay
kasalukuyang ginagawa, ginaganap o nangyayari. Ito ay ginagamitan ng mga panlaping na, nag, um, at in.

Mga halimbawa ng Aspektong Imperpektibo o Pangkasalukuyan:

 Kumakain ako ng Adobo.


 Umuulan ng malakas dito sa amin.
 Naglilinis ng kwarto si Jose para paghandaan ang pagdating ng kanyang ate.
3.Kontemplatibo (Magaganap o Panghinaharap)

Ang kilos ay hindi pa nagagawa, nagaganap, o gagawin pa lamang. Ginagamitan ito ng mga
panlaping ma at mag.

Mga Halimbawa ng Pandiwa sa Pangungusap sa Aspektong Kontemplatibo

 Magbabasa ako ng paborito kong manga bukas.


 Maglalaba ako ng aming mga damit sa linggo.
 Bukas ay magbabayad ako ng aming bill sa ilaw.
4. Perpektibong Katatapos (Kagaganap)

Ang aspektong ito ng pandiwa ay nagsasaad ng kilos na sandali lamang pagkatapos ito ginawa. Nabubuo
ito sa pamamagitan ng paggamit ng unlaping ka- at pag-uulit ng unang katinig-patinig o patinig ng
salitang ugat.

Mga Halimbawa ng Pandiwa sa Pangungusap sa Aspektong Perpektibong Katatapos

 Kalalabas ko lang ng Ospital.


 Kabibili ko lang ng pagkain sa tindahan.
 Katatapos ko lang maglaba.

You might also like