Final Lesson Plan Talumpati... Print Na

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9

IKALAWANG MARKAHAN

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng animnapung minutong pagtatalakay ang mga mag-aaral ay
inaasahang;
A. nauunawaan at naipapaliwanag ang talumpati at mga layunin nito;
B. nabibigyang halaga ang mga bahagi at hakbang sa mahusay na
pagtatalumpati; at
C. nakasusulat ng isang talumpati na may kaugnayan sa mga
napapanahong isyu sa kasalukuyan.
D. naipapahayag ang sariling pananaw tungkol sa isang napapanahong
isyu sa talumpating nagpapahayag ng matibay na paninindigan
(F9PS-IId-49)

II. PAKSANG ARALIN


A. Paksa: Talumpati
B. Sanggunian: Ang Panitikang Asyano- Filipino 9, nina Peralta, R., Lajarca, D., E.
et al. (2014)
C. Kagamitan: laptop, papel, mga larawan at bond paper
D. Metodo: Direktang Pagtuturo
E. Literacy: Social Literacy
III. PAMAMARAAN
Gawaing Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

Panalangin

Bago tao magsimula sa ating


panibagong aralin, tumayo muna tayong
lahat para sa ating panalangin. Aira
Amen!
pangunahan mo ang panalangin.

Pagbati

Magandang umaga sa inyong


lahat mga minamahal kong mag- Magandang umaga din po Guro.
aaral.

Pagpuna ng kaayusan

Ayusin ninyo ang inyong mga


upuan mga anak at pulutin ang
Opo Guro masusunod po.
mga kalat sa inyong paligid.

Pagtsek ng Atendans
Wala po Sir!
May lumiban basa klase anak?
B. PAGLINANG NA GAWAIN

1. PAGGANYAK

APAT NA LARAWAN ISANG SALITA!

Panuto: Punan ang hinihinging salita batay sa mga apat na


larawan.

Bubunot ako ng limang maswerteng maglalaro sa harapan at


huhula ng mga larawan na makikita sa pisara. Kapag nakuha ang
tamang sagot ikaw ay mabibigyan ng pagkakataong bumunot ng
iyong premyo. Handa naba kayo mga anak?
Opo sir
Para sa ating unang mga larawan

M K R P N

Ano sa tingin mo ang tawag sa mga bagay na nakikita sa mga


apat na larawan?
Mikropono po Sir

Ano ang gamit ng Mikropono Mary-ann?


Pampalakas po ng
boses kung magsasalita
sa harap ng maraming
tao sir.

Mahusay mga anak!

Bigyan ng tatlong Palakpak. Bumunot ka ng premyo mo sa (Papalakpak)


kahon anak.
Ngayon magtungo na tayo sa susunod

Ano naman kaya ang tawag sa mga taong ito?

P L T K O

Ano ang tawag sa kanila anak?

Mga Politiko po Sir

Ano ang trabaho ng isang Politiko anak Jennifer? Sir ang mga Politiko po
ay mga lider at
namumuo sa atin sila
po ang nagpaplano at
nagsasagawa ng mga
plano para po umunlad
ang ating bansa.

Napakahusay mo anak! Bigyang niyo ng masigabong


palakpakan si Jennifer
(Palakpakan)

Ngayon ay magtungo na tayo sa ating huling mga larawan

Ano naman sa palagay mo ang ang tawag sa ganitong gawain?


T L M P T I

Talumpati po sir

Sino ang kadalasang nagsasagawa ng Talumpati base sa mga


larawan Ericson?
Mga Politiko po sir at
mga taong mataas ang
posisyon at
katungkulan.

Wow napakahuhusay naman ninyo!! Nais kong purihin kayo sa


inyong napakagaling na pagsasagot. Muli palakpakan ninyo ang
inyong mga sarili (MAGPALAKPAKAN)
2. PAGLALAHAD NG ARALIN
Batay sa mga larawan na ipinakita ko at inyong
sinagutan, ano sa palagay ninyo ang paksa natin sa araw
na ito?
Ang paksa po natin ay
tungkol po sa
Talumpati

3. PAG-ALIS NG SAGABAL

Ngunit bago tayo magsimula ay gusto long basahin ninyo


ang mga alituntunin habang tayo ay nagtatalakay.
Maliwanag ba?

Maliwanag po sir

4. Pagtalakay
Kapag naririnig niyo o nakikita ang
salitang talumpati, Ano ang mga
bagay o mga salita na pumapasok sa
inyong mga isipan?

Sir ang mga salita o bagay na naiisip ko


kapag naririnig ko ang salitang Talumpati ay
pagsasalita po sa harap ng maraming tao,
mga politiko o mataas na tao sa lipunan at
pagbibigay saloobin sa isang bagay.
Magaling Hanna!!

Sa inyong sariling pagpapakahulugan, ano ang


Talumpati?
Ang Talumpati po ay isang pagpapahayag
ng kaisipan o damdamin sa harap ng
maraming mga tagapakinig sir.

Tama ang inyong mga sinabi. Pakibasa nga ang


depinisyon ng Talumpati.

Ano ang Talumpati?


- Ang talumpati ay sining ng
pagpapahayag ng isang kaisipan
tungkol sa isang paksa sa paraang
pasalita sa harap ng tagapakinig.
- Isang komunikasyong pampubliko na
nagpapaliwanag hinggil sa isang
mahalagang paksa. Ang talumpati ay
binibigkas sa harap ng publiko.

Ano ang ipinapahayag natin kung tayo ay


magsasagawa ng talumpati?

Sir ipinapahayag po natin ang ating kaisipan,


ideya at saloobin tungkol sa isang bagay sir.

Mahusay anak.

Ang Talumpati ay isang paraan upang


maipaabot natin ang ating mga ideya, saloobin
at kaisipan patungkol sa isang partikular na
usapin o bagay.
Ngayon dumako naman tayo sa iba’t ibang uri
ng talumpati.

Pakibasa ang unang uri.


1. Impromptu- ito ay biglaang talumpati na
binibigkas sa pamamaraan na maaaring
gamiting gabay sa pagbigkas ng biglaang
talumpati. Ibinibigay ang paksa sa oras
na mismo ng pagsasalita.

Mula sa inyong nabasang kahulugan, ano ang


inyong ideya o nalalaman tungkol dito? Ito po ay isang uri ng talumpating walang
paghahanda.

Ang impromptu ay ang talumpating walang


paghahanda kung saan binibigay lamang sa
oras ng patatalumpati ang paksa. Dito
nasusubok ang kaalaman ng mananalumpati sa
paksa.

Naunawaan ba ang unang uri, klas?


Opo, guro!

Dumako naman tayo sa pangalawang uri.


2. Extemporaneous- ang paghahanda sa
Pakibasa ang depinisyon nito.
ganitong tipo o uri ng talumpati ay
limitado sa oras sa pagitan ng pagkuha
ng paksa at mismong paligsahan dahil sa
kawalan ng kahandaan sa pagbigkas.

Maraming salamat sa pagbabasa. Batay sa


inyong binasang kahulugan, ano ang inyong
ideya tungkol dito? Ang extemporaneous ay isang uri ng
talumpati kung saan binibigyan ang mga
mananalumpati ng limitadong oras o
panahon upang mag isip at maghanda
tungkol sa paksa.

Tama! Napakahusay! Ang talumpating ito ay


ang agarang pagsagot sa paksang ibinibigay sa
mananalumpati at malaya siyang magbibigay
ng sariling pananaw

Naintindihan ba, klas?


Opo, guro!
Kung gayon dumako na tayo sa ikatlong uri ng
talumpati. Ito ay ang isinaulong talumpati.
Pakibasa ito, anak.

3. Isinaulong Talumpati- Sa bahaging ito


ang tagapagsalita ay gumagawa muna
ng kanyang talumpati. Samakatuwid,
may paghahanda na sa ganitong uri ng
pagtatalumpati at kailangang
memoryado o saulado ang pyesa bago
Mula sa inyong nabasang katuturan nito, ano bigkasin
ang inyong ideya tungkol dito?

Ito po ay isang uri ng talumpating mayroong


paghahanda sapgkat binibigay na ang paksa
sa mga mananalumpati kaya maaari nila
Tama! Lagi lamang ninyong tandaan, klas na itong paghandaan.
sa uri ng talumpating ito ay mayroong
paghahanda tungkol sa paksa. Maaari nila itong
ikabisa. Sa bahaging ito ang tagapagsalita ay
ginagawa muna ng talumpati. Samakatuwid,
may paghahanda na sa ganitong tipo ng
pagtatalumpati at kailangang memoryado o
saulado ang piyesa bago bigkasin ang
talumpati.

Maliwanag ba, klas?


Opo, guro! Maliwang na maliwanag po!
Ang panghuling uri ay ang pagbasa ng papel sa
panayam o kumperensya. Pakibasa ang
kahulugan nito.

4. Pagbasa ng papel sa panayam o


kumperensya- makikita sa bahaging ito
ang kasanayan sa pagsulat ng papel na
babasahin sa kumperensya. Ang pag-
oorganisa ng mga ideya at pagsulat ay
dapat na magkakaugnay at may
kaisahan.
Ito ay ang kasanayang pagsulat ng papel na
babasahin sa kumperensya, ang pag oorganisa
ng mga ideya at ang pagsulat ng panimula,
katawan at wakas ay dapat na magkakaugnay
at kaisahan.

Ngayon ay magtungo na tayo sa ibat-ibang


bahagi ng talumpati at ano ang mga kailangan
sa paghahanda nito. Pakibasa ang unang bahagi
nito, _________.
1. Panimula - inilalahad ang layunin ng
talumpati, kaagapay na ang
istratehiya upang kunin ang
atensiyon ng madla.
Sa bahaging simula ng Talumpati ano yung
mga bagay na makikita doon batay sa binasa ng
inyong kamag-aral??

Sa panimulang bahagi po ng Talumpati


makikita yung pagbati ng nagtatalumpati,
yung layunin ng kanyang talumpati at kung
paano po niya magagawang kunin yung
atensyon upang makinig yung mga tao sa
Mahusay anak, Ang mga pagbati, layunin, kanya.
pagpapakilala at pag-agaw atensyon ay
kadalasang makikita sa panimulang bahagi ng
Talumpati.

Pakibasa ang pangalawang bahagi, ________.

2. Katawan – nakasaad dito ang


Ano naman ang mga bagay na makikita sa paksang tatalakayin ng
bahaging katawan? mananalumpati.

Ang makikita po sa katawan ay yung mga


bagay na patungkol sa paksa, mga
Mahusay. Tama ang iyong sinabi. Sa bahaging impormasyon tungkol doon at yung mga
ito nakasaad dito ang paksang attalakayin ng bagay na may kinalaman doon po sa paksa.
mananalumpati.

Pakibasa ang pangatlong bahagi ng talumpati?

3. Pangwakas - ang pinakasukdol ng buod


ng isang talumpati. Dito nakalahad ang
pinakamalakas na katibayan, paniniwala at
Paano naman sa pangwakas, ano yung mga katuwiran upang makahikayat ng pagkilos sa
dapat makita o nakapaloob doon? mga tao ayon sa layunin ng talumpati.

Sa Pangwakas naman po makikita yung


buod, yung pinakapunto at panghikayat sa
Mahusay! Ang pagwawakas ang pinakasukdol
mga tagapakinig.
ng buod ng isang talumpati. Dito nakalahad
ang pinakamalakas na katibayan, paniniwala, at
katwiran upang mahikayat ng pagkilos sa mga
tao ayon sa layunin ng talumpati.

Maliwanag ba ang mga bahaging ng talumpati,


klas?

5. Pagpapahalaga
Ano ang talumpati?

Maliwanag na maliwanag po!

Ang talumpati ay isang uri ng akademikong


Bakit mahalaga ang talumpati? sulatin na naglalayong magpahayag ng mga
kaisapan at ideya tungkol sa isang particular
na paksa.

Mahalaga ang talumpati sapagkat isa ito sa


mga paraan upang maipahayag ang ating
Mahusay! Kung gayon ano-ano ang mga uri ng mga opinyon at saloobin tungkol sa isang
talumpati? paksa at sa pamamagitan din nito
nakakapagbahagi tayo ng kaalaman sa ibang
tao.

Magaling! Ano-ano naman ang mga bahagi ng Ang iba’t ibang uri ng talumpati ay
isnag talumpati?
impromptu, ectemporaneous, isinaulong
talumpati at pagbasa ng papel sa panayam o
Napakakusay! Palakpakan ang inyong mga kumperensya.
sarili dahil masasabi kong naunawaan Ninyo
ang ating aralin sapagkat nasagutan ninyo ang
aking mga kasagutan ng buong kahusayan
Ang mga bahagi ng talumpati ay ang
panimula, katawan at pagwakakas.

6. Paglalapat

Panuto: Pumili sa kahon ng isang


napapanahong isyu at ilahad ang iyong
argumento, sariling pananaw o opinyon sa
napiling isyu o paksa. Ibahagi sa klase ang
sagot sa paraang patalumpati.

 Agawan ng Teritoryo sa West Philippine


Sea
 Patuloy na alitan sa pagitan ng Israel at
Palestine.
 Maagang pagbubuntis
 Pagtaas ng mga presyo ng bilihan

Pamantayan sa Pagsasagawa

Nilalaman: 50%
Tono at boses ng pagpapahayag: 25%

Tindig at lakas ng boses: 25%

Kabuuan: 100%

Pagtataya:

V. TAKDANG ARALIN

Panuto: Magsulat ng sariling talumpati tungkol sa paksang: “Lumalalang Suliranin sa


pagbabago ng klima” at sundin ang ibat-ibang bahagi ng isang talumpati at mga hakbang sa
paghahanda nito.

INIHANDA NI: APRIL BOY V. ABES

You might also like