Pagbasa at Pagsusuri Final Module Activities 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

PAUNANG SALITA

Ang modyul na Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik ay nakabatay
sa Gabay Pangkurikulum na binigay ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) bilang opisyal na gabay ng
mga guro sa pagtuturo sa asignaturang ito. Ang modyul na ito ay inihanda para magamit sa pag-aaral ng
mga estudyante na nasa pangalawang semestre ng Grade 11.

Layon ng modyul na ito na maipaunawa ang gamit ng iba’t ibang teksto sa pag-aaral tungo sa
makabuluhang pananaliksik ukol sa kalikasan, wika at kuluturang Pilipino.

Upang maisagawa ito, ang modyul ay hinati sa dalawang unit.

UNIT I - Uri ng Teksto: Diskriptib, Naratib, Impormatib, Persweysib,

Prosidyural, at Argumintatib

UNIT II - Ang Pang-akademikong Pananaliksik

Ang Kasanayan sa Pananaliksik

Sa pagtatapos ng bawat paksa ay may inihandang interaktibong gawain at pagsasanay ang may-
akda para masiguro na magiging makabuluhan at mabisa ang pagkatuto ng mga mag-aaral.

Inaasahan na ang modyul na ito ay ang magiging susi para mapukaw ang interes ng mga mag-
aaral sa pananaliksik at maging madali at epektibo ang pagtuturo nito. Lubos na makatulong nawa ang
modyul na ito sa mga mag-aaral at guro na nagtuturo ng asignaturang Filipino.

- May-akda

1
UNIT II
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG
PAMANAHONG PAPEL
Kasanayang Pampagkatuto:

Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit,


metodo, at etika sa pananaliksik
Nabibigyang kahulugan ang mga konseptong kaugnay ng pananaliksik
(Halimbawa: balangkas konseptwal, balangkas teoritikal, datus empirical, at iba pa)
Naiisa- isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng pananaliksik sa
Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik

Ang yunit na ito ay nauukol sa mga hakbang sa paggawa ng pamanahong papel gaya ng pagpili
ng paksa, pagsulat ng tentatibong balangkas, pagbuo ng tentatibong bibliograpi, pagbuo ng konseptong
papel, pangangalap ng datos, pagsulat ng unang draft at pagsasa-ayos ng dokumentasyon kung saan ang
mga ito ay nagsisilbing preparasyon para sa mga mag-aaral. Ito rin ay nagbibigay ng pagkakataong ihanda
nila ang kanilang sarili sa hinaharap. Sa pamamagitan nito napapalawak nila ang kanilang mga kaalaman
sa napapanahong isyu sa lipunan na nararapat mabigyan ng solusyon at kasagutan.
Ang Sulating Pananaliksik
Ang sulating pananaliksik ay malalim ang pagtalakay sa isang tiyak at naiibang paksa. Hindi lang ito
basta pagsasama-sama ng mga datos na nasaliksik mula sa iba’t ibang primarya at sekundaryang
mapagkukunan ng impormasyon kundi taglay nito ang obhetibong interpretasyon ng manunulat sa mga
impormasyong kanyang nakalap.
Mga Hakbang sa Pagpili ng Paksa

1. Alamin ang inaasahan o layunin ng sulatin


Bago pa man simulan ang pagpili ng iyong paksa ay mahalagang malaman mo muna ang layunin
sa pagbuo ng mga sulating pananaliksik para maihanay o maiugnay mo sa mga layuning ito ang iyong
mga gagawin.

2. Pagtatala ng mga posibleng maging paksa para sa sulating pananaliksik


May mga gurong nagbibigay ng mga paksang maaaring pagpilian ng mga mag-aaral. Ang mga
paksang ito ay nakaugnay sa mga layunin.

3. Pagsusuri ng mga itinalang ideya - Muling balikan at isa-isang basahin ang mga isinulat mong ideya.
Suriing mabuti ang bawat isa gamit ang sumusunod na mga tanong:
*Alin sa mga ito ang kawili-wiling gawin o saliksikin para sa iyo?
*Alin ang posibleng makatulong sa iba kapag naihanap ito ng kasagutan?

2
*Alin naman ang masyadong limitado o maliit ang sakop?
*Alin ang angkop sa iyong antas at kakayanin mong tapusin sa itinakdang panahon?

4. Pagbuo ng tentatibong paksa


Mula sa mga sagot mo sa mga tanong na ito ay matutukoy mo kung alin sa mga nakatala sa iyong
papel ang maaari mong ipursige bilang paksa ng iyong sulating pananaliksik.

5. Paglilimita sa paksa
Maaring sa una’y malawak ang paksang mabubuo mo kaya’t kakailanganin mong limitahan ito
upang magkaroon ng pokus ang gagawin mong pananaliksik.
Makikita sa ibaba ang isang halimbawa:

Malawak o Pangkalahatang Paksa


*Persepsiyon ng mga tao sa mga taong may tattoo sa katawan.
Nalilimitang paksa:
*Persepsiyon ng kabataan sa mga taong may tattoo sa katawan.
Lalo pang Nilimitahang Paksa:
*Persepsiyon ng kabataang nasa edad 13-19 sa mga taong may tattoo sa katawan.
Pagsulat ng Tentatibong Balangkas

Ang tentatibong balangkas ay nagsisilbing kalansay ng iyong isusulat na pananaliksik upang


magkaroon ng pagkakaugnay-ugnay ang kaisipan ng iyong isusulat na research. Nakatutulong ito upang
maging madali ang iyong pag-iisip at ang pagsulat mo ng iyong iniisip nagsisilbing gabay sa direksiyong
patutunguhan ng sulatin.
Dalawang Uri ng Balangkas
May dalawang uri ng balangkas na maaring gamitin: ang paksang balangkas at ang pangungusap na
balangkas.
Paksang Balangkas Ideyang nakahanay sa pamamagitan lamang ng susing salita.
Mga Katangian ng Isang Lider
A.may tiwala
B. may karisma
C. may komitment
Pangungusap na Balangkas Ideyang nasususlat sa pangungusap.

Mga Katangian ng Isang Lider


A. Ang isang lider ay may matibay na pagtitiwala sa kanyang sarili.
B. Mahal niya ang mga tao, kaya mahal din siya ng mga ito.
C. Gagawin niya ang lahat upang matupad ang kanyang layunin.

3
Mga Batayang Prinsipyo sa Pagbuo ng Balangkas
Bukod pa sa dalawang uri ng balangkas, may mga batayang prinsipyo rin na maaaring sundin sa pagbuo
ng balangkas.
1. Paralelismo
Sa paralelismong pagbuo, tinitingnan ang pagkakatulad ng estraktura ng estruktura ng mga salita,
kung ito ay binubuo lamang ng mga salita, parirala, o mga sugnay. Tignan ang pagkakaiba ng may
pararelismo at walang pararelismo.
Halimbawa ng balangkas na may paralelismo.
Mga Katangian ng Isang Mabuting Lider
A. Matapat sa bayan
B. Matulungin sa kapwa
C. Kapag sinabi niya, tiyak na gagawin niya.
D. May matibay na pananalig sa diyos.
Halimbawa ng balangkas na walang paralelismo.
Mga Katangian ng Isang Mabuting Lider
A. Madasalin
B. Matapat
C. Matulungin
D. Responsable
2. Koordinasyon
Sa pagbuo naman ng balangkas na may koordinasyon, tinitingnan kung may,kaisahan at kung n
konsistent ang pagbabalangkas. Tinitiyak na walang naliligaw na aytem sa ilalim ng bawat paksa. Suriin
ang dalawang halimbawa: ang isa ay di- maayos ang koordinasyon, at ang isa naman ay may maayos
na koordinasyon.

Halimbawa A Halimbawa B
Mga Uri ng Sports Mga Uri ng Sports
*Basketball A.Team Sports
*Football *Basketball
*Taekwondo *Volleyball
B.Martial Arts
*Arnis
*Taekwondo

Mapapansin sa Halimbawa A na inilista lamang sa ilalim ng paksa ang iba’t ibang uri ng sports. Tama
naman ang paglilista ng mga paksa. Subalit sa Halimbawa B, ipinailalim ang iba’t ibang klase ng sports sa
dalawang kategorya. Sa ganito, higit na malinaw ang balangkas sa ipinakikita sa Hanay B. mayroon itong
maayos na koordinasyon.

4
3. Subordinasyon
Sa pagbabalangkas na may ipinakikitang subordinasyon, may paghahanay ng paksa ayon sa antas
ng kahalagahan ng bawat aytem. Naipakikita ito sa pamamagitan ng paghahanay ng mga pangunahing
at suportang mga paksa.

Suriin ang mga halimbawa.

A. Mga Hayop na Malapit nang Maubos (Indigenous)


1. Hayop na Panlupa

a. Tarsier
b. Tamaraw

2. Hayop na Pantubig

a. Butanding

b. Pawikan
4. Dibisyon
Ang pagbabalangkas naman ayon sa dibisyon ay tumutukoy sa paghahati-hati ng mga paksa, ayon
sa mga kategoryang kinabibilangan nito. Kung mag-iisip ka halimbawa ng mga variable para sa iyong
pagsasaliksik, iayos mo ang mga variable ayon sa kanilang kinabibilangan. Tingnan ang mga
halimbawa.
A. Mga Kursong Popular sa mga Mag-aaral 1.
Education
2. Mass Communication
3. InformationTechnology
B. Kursong Nais ng mga Magulang Para sa Kanilang mga Anak
1. Law `
2. Education
3. Engineering

Dalawang Pangunahing Anyo ng Balangkas

Balangkas na gumagamit ng Titik at Bilang. Gumagamit ito ng panandang numerong Romano para sa
pinakamataas na antas ng balangkas, malaking titik sa susunod na antas, numerong Romano sa ikatlo, at
maliit na titik sa ikaapat na antas.
Halimbawa

I. Unang Pangunahing Ideya


A. Unang suportang ideya ng I
1. Unang suportang ideya ng A
a. Unang suportang ideya ng 1
B. Pangalawang suportang ideya ng I
Balangkas ng Decimal. Gumagamit ito ng numerong Arabic bilang pananda sa iba’t ibang antas ng
balangkas.
Halimbawa

5
1. Unang Pangunahing Ideya

1.1Unang suportang ideya ng 1

1.1.1 Ikalawang suportang ideya ng 1.1


2. Ikalawang Pangunahing Ideya
2.1 Unang Suportang Ideya ng 2.1

Pagbuo ng Tentatibong Bibliograpi


Ang paggawa ng bibliograpiya ay isang kasanayang susubok sa sipag, tiyaga, at katapatan ng
isang mananaliksik. Bahagi ng isang pananaliksik o aklat ang bibliyograpiya o talasanggunian. Ito ay
listahan ng mga sanggunian ng mga paghahanguan ng impormasyon na gagamitin sa pananaliksik.
May dalawang dahilan kung bakit kailangang maghanda ng tentatibong bibliograpiya:
 Una, upang itala ang lahat ng publikasyong maaaring gamitin sa pangangalap ng mga datos.
 Ikalawa, upang itala ang mahahalagang impormasyon tungkol sa publikasyon para sa paghahanda
ng pinal na bibliograpiya.
Ilang Halimbawa sa tentatibong bibliyograpi:
Halimbawa ng Tala ng Sangguniang aklat

May-akda pamagat publikasyon taon ng publikasyon

*Dayag, Alma M. Lakbay ng Lahing Pilipino 3. Quezon City: Pheonix Publishing House, 2014.

*Julian,Ailene B. at Nestor S. Lontoc. Lakbay ng Lahing Pilipino 4. Quezon City: Pheonix Publishing House,
2015.

Tala ng Sangguniang Magasin


*Bennet, Dahl D. “Coming Clean” Working Mom, October 2012, 107
*Beigas, Leifbilly. “Publiko kinokondisyon na sa disqualification ni Poe?” Bandera, 19 October 2015,2

Tala ng Sangguniang mula sa Internet


*Clinton, Jerome W. “The Tragedy of Sohrab and Rostam.” December 5, 2014, galing sa
http://www.heritageinstitute.com/zoroastrianism/shahnameh/
* Clinton, Jerome W.(2014, December 5).The Tragedy of Sohrab and Rostam.galing sa
http://www.heritageinstitute.com /zoroastrianism/shahnameh/

Tala ng Sangguniang mula sa Blog


*Kahayon, Lisa. “Masbate Travel Diary.” Scenestealer (blog) October 14, 2015 (8:39 a.m.)
http://www.lissakahayon.com/
*Kahayon, L.2015 October 14 Masbate Travel Diary.Scenestealer.galing sa http://www.lissakahayon.com/

Konseptong Papel

6
Bilang panimulang gawain sa pananaliksik, mahalagang paghandaan ang pagbuo ng isang
konsepto. Ang konsepto ay isang plano na nagpapakita kung ano at saang direksyon patungo ang
paksang nais pagtuunan. Mahalagang ilahad kung paano isasakatuparan ang napiling paksa bago ang
pagsasagawa ng mismong pananaliksik. Makatutulong dito ang konseptong papel na tinatawag ding pang-
unang mungkahing papel, na panimulang mahalagang hakbang bago magpatuloy sa pagsusulat. Nagsisilbi
itong gabay upang maipakita ang potensiyal ng gagawing pag-aaral.

Narito ang mga pangunahing bahagi ng konseptong papel:


1. Pahinang Nagpapakita ng Paksa
Narito ang tentatibong pamagat ng pananaliksik na ginagamit kung hindi pa nakatitiyak sa
magiging pamagat ng saliksik. Ang pamagat ng konseptong papel ay kailangang ganap na naglalarawan
ng pinakabuod ng manuskrito.

2. Kahalagahan ng Gagawing Pananaliksik (Rationale)


Tinatalakay sa bahaging ito ng konseptong papel ang saligan o batayang dahilan sa pagsasagawa
ng pananaliksik upang maipahiwatig na rin ang kahalagahan ng gagawing pananaliksik. Nakatala rito ang
mahahalagang impormasyon tungkol sa paksa at pinagmulang ideya. Ang mga suportang
dokyumentasyon katulad ng mga datos at estatistika ay maaaring banggitin upang mabigyang–diin ang
pangangailangang maisakatuparan ang pananaliksik.
3. Layunin
Sa bahaging ito inilahad ang nais makamit sa pamamagitan ng pananaliksik. Ito ang tinutukoy na
adhikaing nais patunayan, pabulaan, mahimok, maiparanas , o ipagawa ng pananaliksik.Isinusukat ito
bilang mga pahayag na nagsasaad kung hindi nasagot sa kongklusyon ang mga layunin,maaring hindi
nasunod ang wastong proseso , lumihis sa pokus ng pananaliksik, o naiba ang tunguhin nito.
Paano bumuo ng layunin?
Ang mga layunin ng pananaliksik ay kadalasang nabubuo pagkatapos mailatag ang mga tanong sa
pananaliksik. Ibinubuod dito ang mga bagay na nais makamit sa pananaliksik. Sa pagbubuo ng mga
layunin ng pananaliksik, mahalagang isaalang-alang ang mga sumusunod:
1. Nakasaad sa paraang ipinaliliwanag o maliwanag na nakalahad kung ano ang dapat
gawin at paano ito gagawin
2. Makatotohanan o maisasagawang mga pandiwang nagpapaliwang ng proseso:
3. Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa at nagsasaad ng mga pahayag na maaaring
masukat o patunayan bilang tugon sa mga tanong sa pananaliksik.

Ilang mga halimbawa ng mga pandiwang nagpapaliwanag ng proseso:


Matukoy Maihambing Mapili Masukat Makapaghayag
Mailarawan Maipaliwanag Masaliksik Maiulat/Makapag-ulat

7
4. Metodolohiya
Tinutukoy rito kung paano maisasakatuparan ang proyekto.Ibigay ang pangkalahatang ideya ng
metodolohiya maaring gamitinkabilang dito ang lahat ng mga makabagong dulog, teknik, o mga
proseso.

5.Inaasahang Bunga
Nakalahad dito kung sino ang makikinabang sa proyekto. Nakalahad din kung ano ang
inaasahan sa proyekto at paano ito mapakikinabangan.
6. Mga Sanggunian
Ilista ang mga sangguniang ginagamit sa pagkuha ng paunang mga impormasyon, ang mga
sangguniang maaring gamitin, at nabanggit sa mga kaugnay na pag-aaral.
Halimbawa ng nilalaman ng isang konseptong papel:
Epekto ng Global Warming: Isang Malaking Banta sa Seguridad
Kahalagahan:
Isang malaking banta sa sangkatauhan ang paglala ng kalagayan ng mundo ay ang patuloy na
lumalaki ang populasyon ng tao kung kaya patuloy ring tumaas ang pagkonsumo at pangangailangan ng
enerhiya na karaniwang nagmumula sa mga fossil fuel. Dahil sa paggamit ng fossil fuel, pinalalala nito ang
paginit ng mundo na nagbubunga ng pa-iiba-iba ng panahon.
Ang pisikal na epekto ng global warming tulad ng pagpapalit-palit ng panahon, at ang potensyal na
impact nito sa seguridad ng mga bansa tulad ng mga bansang kabilang sa third world ay isang
mahalagang usapin.
Isang mahalagang bahagi ng banta sa kapayapaan at seguridad ay ang posibleng maganap na
alitan sa mga border ng bawat bansang apektado. Ang patuloy na pagkatunaw ng yelo na nagiging sanhi
ng pagtaas ng bahaging tubig at unti-unting paglubog ng mababang lugar na maaaring magbunga ng isang
malaking pagbabago sa anyong lupa. Bunsod nito ang unti-unti na ring paglubog ng mga baybayin na
magreresulta ng pag-iiba ng shipping route. Maaari ding maging suliranin ang pagbugso ng migration o
pandarayuhan bunga ng paglikas mula sa lugar na lumubog. May malaking epekto rin ito sa kabuhayan ng
mga mamamayan lalo na sa agrikultura. Magkakaroon ng kakulangan sa suplay ng pagkain at sa mga
pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan.
Ang pagtutuunan ng konseptong papel na ito ay ang implikasyong panseguridad bilang epekto ng
global warming. Maraming pag-aaral ang naisagawa tungkol sa global warming subalit ang pagiging banta
sa seguridad ng isang bansa ay hindi pa ganap na napagtutuunan ng pansin. Isang malawakang
kampanya ang kailangan palaganapin sa pamamagitan ng medium na maaabot ang interes ng mga
mamamayan. Mahihikayat ang mga kalahok na magsuri at magbigay ng solusyon nang sa gayon ay hindi
na umabot pa sa isang trahedya ang pagsasawalang-bahala ng mga tao.

8
Layunin ng papel na ito na

 Matukoy ang mga implikasyong panseguridad na dulot ng global warming


 Makapaglahad ng mga alternatibong pamamaraan upang hindi lumalala ang epekto ng global
warming sa kabuhayan at teritoryal na pag-aari ng isang bansa
 Makabuo ng malawakang estratehiya upang mapilan ang bantang maaaring ibunga ng global
warming

Metodolohiya
Magpapakalat ng mga questionnaire tungkol sa global warming. Sa pamamagitan ng pagkakaroon
ng malawakang talakayan ay magkakaroon ang mga mamamayan ng ganap na kaalaman tungkol sa
napipintong panganib na dulot ng global warming.
Inaasahang bunga
Ang papel na ito ay isang panimulang hakbang sa pagtataguyod ng adbokasiya ng pagpigil sa
paglala ng global warming. Ito ay maglalaman ng mga datos na magbabalangkas ng mga hakbangin upang
maresolba ito. Ang lahat ng mahahalagang datos na makakalap ay ilalathala. Ilalakip din ang resulta ng
mga survey bilang karagdagang pahina.
Pangangalap ng Datos
Ang pangangalap ng datos at paghahanda ay kadalasang isinasagawa matapos mabuo ang konseptong
papel, sumailalim sa depensa, at rebisyon ayon sa kinalabasan ng depensa. Binibigyang-diin ang
kahalagahan nang malinaw na paglatag ng tunguhin ng pananaliksik ng binuong konseptong papel at tesis
na pahayag dahil ito ang gagabay sa mananaliksik sa pangangalap ng mga datos at impormasyon.
Maaaring makakalap ng mga ideya at impormasyon sa mga aklat at iba pang sangguniang nakalimbag,
maaari din sa mga panayam, pananaliksik, dyornal, website, ulat at iba pa.
May tatlong pangkalahatang paraan kung paano makalap ang kinakailangang datos para sa isang pormal
na pananaliksik.

A. Pamamaraang Deskriptibo - ay upang mailarawan ang mga sitwasyon sa panahon ng pagsasaliksik, at


maipaliwanag ang mga dahilan ng nasabing phenomenon.

May ilang uri ang pamamaraang deskriptibo.

Paggawa ng mga Case Study - gumagawa ng pag-aaral ng mga tao o bagay sa loob ng isang takdang
panahon. Sa loob ng panahong binanggit, nagsasagawa ng masusing obserbasyon upang malaman ang
ilang mga pagbabago sa inoobserbahan.
Halimbawa: Kung nais na malaman ang mga ginagawa ng isang batang paslit sa tatlong taong gulang pa
lamang, gumawa ng case study at obserbahan siya sa loob ng isang buong linggo. Alamin kung kailan siya
umiiyak, at bakit siya umiiyak; kalian siya natutuwa, at ano ang nagpapasaya sa kanya. Paano niya

9
tinatawag ang pansin ng kanyang nanay o kanyang tagapag-alaga? Itala ang lahat ng mga obserbasyon,
at igawa ito ng report.
Paglulunsad ng Survey - nangangalap ang isang mananaliksik ng mga impormasyon mula sa isang grupo
ng subjects, na tintawag na populasyon. Sapagkat maaaring napakalaki o napakalawak ng kabuuang
populasyong nais pag-aralan, kumukuha lamang ang isang researcher ng isang grupo mula sa
nasabing populasyon, at ito ang tinatawag na sample population o sample size.
Paglulunsad ng Focused Group Discussion - maaaring mangumbida ng ilang mga miyembro ng sample
population tungkol sa pinag-aaralang paksa. Maaaring magpalitan ng kaalaman sa pamamagitan ng
pagtatanong o pag-uusap-usap. Sa huli, maaaring igawa ng buod ang mga mahahalagang kaalaman o
opinyong nakalap sa naganap na diskurso.
Paglulunsad ng mga Developmental Study - kapag nangangailangan ng mahabang panahon pag-aaral
upang ganap na maobserbahan ang ilang phenomena, kinakailangang magsagawa ng developmental
studies.
Halimbawa: Kung nais na malaman ang epekto ng isang paraan ng pagtuturo,kailangan ang mahaba
habang panahon upang malaman ang tunay na resulta ng pamamaraang ito. Hindi ito makikita sa loob
lamang ng isang linggo o isang buwan. Tulad ng programang “K-12 ng DepEd”, Hindi maaaring makita ang
resulta ng pagbabagong ito sa loob lamang ng iilang taon. Kailangang matapos muna angbuong span ng K
to 12 program bago maipahayag ang resulta ng mga pananaliksik.

Follow-up Study – Ito’y paggamit ng isang partikular na pamamaraan sa pagtuturo. Ipagpalagay na ginamit
ang pamamaraang ito sa unang baitang, at ipagpalagay na naging maganda ang resulta ng ginawang pag-
aaral. Maaaring ipagpatuloy pa ang paggamit ng nasabing pamamaraan kapag tumuntong na ng
ikalawang baitang ang mga mag-aaral upang matiyak kung talagang tama ang sinasabi ng pananaliksik.
Documentary Analysis/ Content Analysis - pinag-aaralan ang sinasabi ng mga dokumento o mga nasusulat
tungkol sa paksa, at saka ito binibigyan ng mga pagsusuri.
Halimabawa: Nais ng mananaliksik na suriin ang ilang mga aklat ng Social Studies kung tama ang mga
nasusulat na impormasyon tungkol sa kasaysayan ng ating bansa.
Feasibility Study - ito ay isang popular na uri ng pag-aaral na isinasagawa muna ng mga negosyanteng
nais na magtayo ng isang uri ng negosyo. Masusi nilang pinag-aralan ang trend o ang pulso ng mga
mamamayan, at ito ang magdidikta kung itutuloy ba nila o hindi ang iniisip nilang negosyong sa pook na
iyon.
Correlational Study - ito ay isang uri ng pag-aaral na gumagamit ng mga variable, at pinag-aaralan ang
epekto ng ginamit na variable sa isa pang variable. Sa pag-aaral na ito, pinahahalagahan ang inaasahang
makikitang relasyon ng mga bagay o konseptong pinag-aaralan.
Halimbawa: May epekto kaya ang kapaligirang tinitirhan ng isang mag-aaral sa kanyang pagkatuto? Kung
nais na pag-aralan ng isang mananaliksik ang paksang ito, kukuha siya ng mga sample population mula sa
iba’t ibang sector ng lipunan at saka niya pag-aaralan kung may pag-iiba ba ang achievement ng mga
mag-aaral sa iba’t ibang kaligirang ito.
Pamamaraang Eksperimental - nagsisimula ang isang mananaliksik sa pamamagitan ng isang suliranin, at
ang suliranin ay pilit niyang hahanapan ng kasagutan sa pamamagitan ng mga pag-aaral.

10
Pagalugad na Pananaliksik - layunin ng mananaliksik na maghanap ng bagong ideya, palawakin ang
kaalaman sa isang pag-aaral, at tingnan kung mayroon bang nadagdag na mahahalagang impormasyon sa
paksang pinag-aralan. Ginamit ang pananaliksik na ito sa agham panlipunan, edukasyon, at kasaysayan.

Sa pamamaraang ito, gumagamit ang mananaliksik ng iba’t ibang paraan upang matiyak ang bunga ng
kanyang eksperimento.
1. Obserbasyon - isa itong gawain at kakayanan ng tao na ginagamitan ng iba’t ibang
pandama upang matamo ang mga kinakailangang impormasyon.
● Natural na Obserbasyon - pagmamasid sa mga natural na pag-uugali ng paksa ng obserbasyon
sa isang normal na sitwasyon. Sa pamamaraang ito, walang gaanong pagsisikap na makuha ang
anumang pagbabago sa pag-uugali ng paksa.
● Personal at Obhektibong Obserbasyon - ang personal na pagmamasid ay may kinalaman sa
damdamin at opinyon ng tagamasid batay sa kaniyang sariling danas kaugnay ng isinasagawang
pananaliksik. Sa kabilang dako, ang obhektibong pagmamasid ay hango sa mga materyal at
lantad na ebidensiyang nakita.
● Direktang Partisipasyon at Walang Partisipasyon - ang direktang partisipasyon sa buong proseso
ng pananaliksik, nakikita siya ng taong inoobserbahan bilang isang tagamasid. Samantala, kung
walang partisipasyon ay nakadistansiya ang mananaliksik o kaya naman ay hindi alam ng taong
inoobserbahan na siya ay inoobserbahan.
● May estruktura at walang estruktura - isinasagawa ito sa isang kontroladong sitwasyon tulad ng
isang silid o laboratoryo upang masubok ang isang teorya. Ang walang estrukturang
obserbasyon naman ay isang eksploratoryong pag-aaral at walang tiyak na pangyayaring
inooberbahan. Sa halip na magamit ang obserbasyon upang makakuha ng kongklusyon, ginawa
ang walang estrukturang obserbasyon upang subukin ang isang kuro-kuro (hypothesis)
2. Sarbey at Talatanungan - ang sarbey ay isang paraan upang makuha, masuri
at kahulugan ang pananaw ng mga taong pinag-aaralan o inoobserbahan. Sa
pagsasagawa ng talatanungan, laging isaalang-alang na gawin itong simple at
maikli.
May dalawang pangkalahatang pormat ang talatanungan.

⮚ Malayang tugon - naipahahayag ng mga taong pinag-aaralan ang kanilang opinyon. Ang mga
tanong dito ay walang inaasahang tiyak na sagot.
A. Walang takdang bilang
Halimbawa:
Magkano ang naiipon mo sa loob ng isang lingo?________
B. Walang takdang tugon
Halimbawa:
Ano ang opinyon mo sa Bangsamoro Basic Law?______

11
Paano makatutulong ang BBL sa pagpapaunlad g Mindanao?_______
⮚ May pagpipiliang Tugon- ang tinatanong ay walang ibang pagpipilian maliban sa mga nakahaing
sagot sa talatanungan.
Halimbawa:
Pagsunod-sunorin ang mga gadgets ayon sa pagkiling sa mga ito ng kabataan.
Isulat ang bilang ng sagot sa patlang
1. Pinakakinakihihiligan
2. Mas kinahihiligan
3. Kinahihiligan
4. Puwedeng wala
_____cell phone _____ laptop _____ ipad _____ xbox
Mga uri ng talatanungang may pagpiliang tugon
1. Mga tanong na maaari lamang sagutin ng Oo o Hindi (Dichotomous Question)
Halimbawa:
Sumasang-ayon k aba sa BBL? ___Oo ___ Hindi
2. Ito ay mga tanong na nakalagay ang mga pagpipilian. (Multiple Choice)
● Rating Scale
Halimbawa:
Ano ang masasabi mo sa paraan ng pagtuturo ng bagong guro?
Pinakamahusay Mahusay Katamtaman Hindi mahusay
● Pagrarango (Ranking Scale)
Halimbawa:
Bilugan ang ranggo ng paraan ng pagtuturo ng guro, ang1 bilang pinakamababa at 5 bilang
pinakamataas
1. Maayos bang magturo ang guro? 1 2 3 4
● Sang-ayon o Di-sang-ayon (Agreement Scale)
Halimbawa:
Sumasang-ayon ka ba sa K-12?

Lubos na sumasang-ayon Sumasang-ayon Hindi sumasang-ayon

Pagbuo ng Pinal na Draft

Ang pagsulat ng pinal na burador ang pinakamahalagang bahagi sa proseso ng pagsasagawa ng


pananaliksik. Sa bahaging ito sinusuri at kinikilatis kung kompleto na ng mga ideyang inilakip at kung
nasunod ang mga pamantayang inilatag. Mula sa unang burador, inaasahang pinal na ang nilalaman nito
at sumailalim na sa rebisyon, pagwawasto sa balarila, pagbabantas,pagbabaybay at iba pang aspektong
pangwika ang nilalaman ng pananaliksik. Mahalagang tutukan din ang porma. Ang pagsulat ng pinal na
burador ay kailangang sumunod sa tamang porma.

12
Mga Bahagi ng Pananaliksik
MgaPaunangPahina
● Fly leaf ● Talaan ng Nilalaman

● Pahina ng Pamagat ● Talaan ng mga Talahanayan

● Pahina ng Pagpapatibay ● Abstrak

● Pasasalamat ● Flyleaf
I. Kabanata1-AngSuliraninoKaligiranNito
● Introduksiyon-Kaligiran ng Pag-aaral ● Kahalagahan ng Pag-aaral

● Paglalahad ng Suliranin ● Saklaw at Limitasyon

● Layunin ng Pag-aaral ● Teoretikal/ Konseptuwal na Balangkas


II. Kabanata 2- Mga Kaugnay na Pag-aaral o Literatura

III. Kabanata3-DisenyoatParaanngPananaliksik
● Disenyo ng Pananaliksik ● Instrumento ng Pananaliksik

● MgaTinanong/Tumugon sa Talatanungan ● Pagsusuri ng Datos


IV. Kabanata 4- Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos
V. Kabanata 5- Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon
● Bibliograpiya

● Apendiks

Tandaan:
✔ Huwag isulat sa malalaking titik ang pamagat

✔ Huwag maglagay ng mga panipi, salungguhit, o tuldok sa dulo ng pamagat.

✔ Ang mga pangngalang pantangi tulad ng pangalan ng tao, lugar at mahahalagang salita ay kailangang
nagsisimula sa malaking titik maliban sa mga pang-ukol at pangatnig.
✔ Kung ang pamagat ay may daglat, kailangang bangngitin sa simulang bahagi ng talata ang buong
kahulugan ng mga titik.

Halimbawa ng isang pahina ng pamagat

13
Antas ng Kamalayan ng mga Mag-aaral ng International Studies ng

Far Eastern University tungkol sa Pandaigdigang Terorismo

Isang Pamanahong Papel na Iniharap sa Kaguruan ng Departamento ng

Komunikasyon, Lingguwistika at Literatura ng Unibersidad ng

Far Eastern University

Bilang Bahagi ng Pangangailangan sa Filipino 2-- Pagbasa at Pagsusuri ng

Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik Ikalawang Semestre,2019-2020

Ipinasa nina:
Basilan, Ma. Isabela
Genosas, Michaela Louisa
Omos, Karlos Peppa
Secretaria, Juan Bruno

Pagsasaayos ng Dokumentasyon

Ang datos ay kailangan maging maayos. May mga paraan upang maihanda nang wasto at maisaayos ang
mga datos upang makatulong sa epektibong pananaliksik.

Wastong paggamit ng mga materyal na pagkukunan ng datos

Ang aklat at iba pang babasahin ay mahalagang mapagkukunan ng datos. Upang maging madali at
organisado ang pagkuha, may mga paraang dapat tandaan. Ang mga silid-aklatan ay may kard katalog o
elektronikong pamamaraan upang hanapin ang kakailanganing materyales.

Kard katalog ang tawag sa lagayan ng mga impormasyon kaugnay ng pagksa, pamagat, at may-
akda ng isang babasahin. Organisado ito at nakaayos nang paalpabeto upang madaling tukuyin ang
kinakailangang akda. Matapos makuha ang mga impormasyon sa kard katalog (subject card, title card,
author’s card), maaaring magpatulong sa kinatawan ng aklatan. Tiyaking nakuha ang mga impormasyon sa
mga hihiraming sanggunian gaya ng call number. Gabay ang paggamit ng kard katalog upang hanapin
hindi lamang ang mismong hinahanap na sangguniang kaugnay ng pananaliksik. Sa tulong ng kaugnay na

14
paksa sa kard katalog, makikita ang lahat ng sangguniang magagamit upang mapagyaman ang
pananaliksik mula sa dokumentong nakuha sa mga babasahin.

Maliban sa kard katalog, karamihan sa mga silid-aklatann ay may elektronikong kard katalog o
mas kilala sa tawag na OPAC (Online Public access Catalog) Sa pamamagitan ng kompiyuter,
mabubuksan sa isang web browser ang OPAC ng silid-aklantan. Katulad ng isang halimbawa ng search
engine, ita-type sa search bar ang gawing keyword sa search bar. Lalabas base sa inilagay na keyword
ang talaan ng mga sangguniang matatagpuan sa silid-aklatan. Bawat aklat ay makikitaan ng impormasyon
na katulad ng nasa isang kard katalog. Malalaman din kung nasa silid-aklatan ang naturang aklat o kaya’y
hiniram.

Matapos na makuha ang mapakikinabangan sa mga aklat, ihanay ang mga may-akda, pamagat, paksa
upang maging organisado ang pangangalap ng datos. Gumawa ng talahanan upang ikategorya o uriin ang
mga nakuhang impormasyon. Makatutulong ang ganitong sistema sa madaling pagsulat ng bahagi ng
pananaliksik at madali na ring mabatid ang tiyak na sangguniang babalik-balikan upang patatagin ang
nilalaman ng pananaliksik

Pansinin ang isang halimbawang paraan.

Paksa May-akda at babasahin Pamagat Nilalaman


Torralba,John Enrico.
Patalastas sa print 2007. MALAY.Tomo Ang mga naratibong Buod ng sanaysay:
ad kaugnay ang XX.Blg.1. Kinapapalooban ng bata Ipinakita ang realidad ng mga
mga bata sa mga print AD print ad at ang implikasyon nito
sa paglikha ng identidad at
realidad ng bata. Lumabas sa
pagsusuri na ang pangunahing
target ng mga print ad na ito ay
mga magulang dahil sila ang
unang ahente ng bata sa pagbuo
ng identidad.
Nakita na ang tatlong uri ng ad

15
ay lumiklikha ng ideal na mundo.
Sa unang uri ipanapakita ang
isang ideal na tahanan at ang
pagkakaroon ng magandang
buhay samantalang ang
pangalawang uri ay naglalarawan
ng ideal na daigdig sa labas nito.
Gayunpaman, may mga
pagkakataong maaaring
mabuwag ang nililikhang ideal na
mundo dahil sa aktuwal na
nangyayari
Tulad ng trahedya, kahirapan, o
iba pang panlipunang suliranin
dahil dito, nakita na
pinagtutugma naman ng
pangatlong uri ng ad ang ideal at
aktuwal.

Bukod sa mga aklat na matatagpuan sa silid-aklatan at mga babasahin sa elektronikong paghahanguan,


isa pang mapagkukunan ng datos ang ibat ibang pinapanood na palabas. Mahalaga pa rin ang pagbuo ng
talahanayan upang isaayos ang mga impormasyon. Mabisa ang pag-uuri o pagpapangkat ng mga ideyal
upang madaling matukoy ang halaga ng bawat isa kaugnay sa paksa o bahagi ng pananaliksik.

Talahanayan
Halimbawa
TALAHANAYAN PAMAGAT PAHINA
Talahanayan 1 Pagkakahati-hati ng mga 54
Tagatugon Batay sa Kasarian
Talahanayan 2 Pagkakahati-hati ng mga 56
Tagatugon Batay sa Edad
Talahanayan 3 Pagkakahati-hati ng mga 59
Tagatugon Batay sa Katayuang
Panlipunan
Talahanayan 4 … …
Talahanayan 5 … …
Grap
Grap 1 pagkakahati-hati ng mga 54
Tagatugon batay sa kasarian

16
Grap 2 pagkakahati-hati ng mga 56
tagatugon batay sa edad
Grap 3 pagkakahati-hati ng mga 59
tagatugon batay sa katayuang
panlipunan
Grap 4 … …
Grap 5 … …

Maayos na pagdodokumento, kapalit ay proteksiyon

Bukod sa pagsasaayos ng mga dokumento upang mapakinabangan sa sistematikong pagsulat sa


pananaliksik, mahalagang maayos at maingat ang pagkuha at pagpapalabas ng ibat ibang dokumento
upang proteksiyonan kaugnay sa mga pananaliksik na may maselan at pagiging pribado ng mga
impormasyon kaugnay sa mga pananaliksik na may maselan o kritikal na isyu.

Dapat tandaan ang sumusunod:


1. Ingatan ang dokumento. Hindi kailangan ilantad ang personal na kasagutan atpagkakakilanlan ng
mga impormante bilang mananaliksik, dapat maipabatid ang bagay na ito sa kanila (impormante)
upang pagkatiwalaan ang isinasagawang panganaglap ng datos kagnay ng pananaliksik.
2. May Proseso sa pagkuha ng dokumento. Hindi madalian ang pagkuha ng mga dokumento. Walang
aayusing dokumento kung hindi ito makukuha sa tamang paraan. Upang ito ay mangyari, mahalaga
ang paghingi ng pahintulot sa pamamagitan ng berbal na pakikipag-usap. Dapat tandaan na hindi
dapat galawin o pakialam ang mga dokumento na hindi nasasakop ng pananaliksik.
3. Sinupin ang iba’t ibang dokumento. Itago ang mga dokumento sapagkat ito ay ng mananaliksik.
Tiyaking ang mga larawan, transkripsiyon ng usapan, at iba pangsensitibong usapin ay mananatili
lamang sa pagitan ng mananaliksik at pinagkunan ng mga datos at dokumento.
4. Bawal ang plagiarism. Gamit ang tamang pagsasaayos ng mga dokumento o datos, agad na makikita
kung tuwiran ba ang isinasagawang pagsipi o pagkopa sa ideya ng iba na hindi dapat mangyari.
Tiyaking may pahintulot ang orihinal na nagbigay ng ideya o dumaan sa angkop na proseso upang
gamitin ang nais na siping bahagi ng naunang dokumento. Kung hindi tama ang isinagawang
pagdodokumento na humantong sa plagiarism o plahiyo, may posibilidad na matanggal sa trabaho o
kaya’y hindi makatapos ng pag-aaral kapag ito ay lubusang mapatutunayan.

KONKLUSYON

Napagtagumpayan mo ang mga dapat malaman at matamo sa modyul na ito. Ang iyong natutunan ay
magagamit sa totoong pangyayari na magbibigay ng kamalayan tungkol sa mahalaga at napapanahong
isyu na maaring mabigyan ng solusyon o mga mungkahi na magagamit mo sa iyong pag-aaral at ang mga
bahagi ng pananaliksik ay lubos na makatutulong sa’yo sa pagbuo ng isang pamanahong papel.

17
Pagbati! Matagumpay mong naisakatuparan ang mga hinihingi ng yunit at ng kabuuan ng modyul na ito.
Ngayon ay tiyak na handa ka na sa susunod na hamon sa pag-aaral.

MARAMING SALAMAT!
TALASANGGUNIAN

Dayag, A.M at M.G Del Rosario M. (2016) Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. Quezon City: Phoenix Publishing House.

Tayla, D.R, Petras, J.D, Geronimo, J.V, at Batnag, A.E (2016) Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. Sampalok Manila: Rex Book Store, Inc.

Bernales, R.A., Pascual, M.E.A, Ravina, E.A. (2016) Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino. Valenzuala City: JO-Es Publishing House, Inc.

Montera, G.G, Plasencia,N.R. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Cebu
City: Phiazarra Publishing House.

Talegon, Jr., Vivencia, M. (2016) Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. . Quezon
City: Brilliant Creations Publishing, Inc.

St. Cecilia’s College – Cebu, Inc.


LASSO Supervised School
Natalio B. Bacalso South National Highway
Minglanilla, Cebu
Tel. No. 032-268-4746/032-490-0767
A.Y. 2021-2022
IKALAWANG SEMESTRE
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

Final Aktibiti at Lagumang Pagsusulit sa


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Pangalan: ___________________________________________Petsa: _________________

18
Year, Strand, Section: _________________________________Guro: __________________
SURIIN MO!
A. Panuto: Isulat sa patlang ang Tama kung wasto ang ipinahahayag sa bilang. Kung mali bilugan
angsalitang nagpapamali sa pangungusap at isulat sa patlang ang salita o parirala na
magwawasto sa pahayag.
_________1.Tinutukoy na bunga ang elementong di-nakapag-iisa (independent variable).
_________2. Karaniwang isinasagawa ang paghahanda ng datos pagkatapos maidepensa ang
konseptong papel.
_________3. Ang OPAC ay talaan ng mga kard na naglalaman ng lahat ng bibliograpiya na matatagpuan
sa isang silid-ak latan at mauuri sa tatlong kategorya may-akda, pamagat, at paksa.
_________4. Ang internet ang pinakamapagkakatiwalaang sanggunian ng mga impormasyon at datos.
Makasisigurong laging tama ang nilalaman ng mga ito.
_________5. Ang sarbey ay isang paraan upang makuha, masuri at mabigyang kahulugan ang pananaw
ng mga taong pinag-aaralan.
_________6. Ang Walang estruktura ay isinasagawa sa isang kontroladong sitwasyon tulad ng isang silid
olaboratoryo upang masubok ang isang teorya.
_________7. Ang correlational study ay maghanap ng bagong ideya, palawakin ang kaalaman sa isang
pag-aaral, at tingnan kung mayroon bang nadagdag na mahahalagang impormasyon sa
paksang pinag-aralan.
_________8. Ang estrukturang obserbasyon naman ay isang eksploratoryong pag-aaral at walang tiyak na
pangyayaring inoobserbahan.
_________9. Content Analysis- pinag-aaralan ang sinasabi ng mga dokumento o mga nasusulat tungkol sa
paksa, at saka ito binibigyan ng mga pagsusuri.
_________10.Obhektibong Obserbasyon ay isang pamamaraang walang gaanong pagsisikap na makuha
ang anumang pagbabago sa pag-uugali ng paksa.

B. Panuto: Basahin at tukuyin ang hinihingi sa bawat pangungusap. Hanapin sa kahon ang sagot at
isulat ang titik sa patlang na inilaan bago ang bilang.
a. Fly Leaf 1 c. Pahina ng Pagpapatibay e. Talaan ng Nilalaman
b. Pamagating Pahina d. Pasasalamat f. Talaan ng mga Talahanayan

_____1. Dito nakasaad kung kanino iniharap o ipinasa ang papel, kung saang asignatura ito kailangan, at
kung sino ang gumawa at panahon ng kumplesyon.
_____2. Ito ang pinakaunang pahina sa pamanahong-papel.
_____3. Makikita sa bahaging ito ang kompirmasyon ng pagkakapasa ng mananaliksik at pagkakatanggap
ng guro ng pamanahong-papel.
_____4. Dito kinilala at tinukoy ng manaliksik ang maaaring nakatulong sa pagsulat ng pamanahong-papel.
Ito’y maaaring indibidwal, pangkat, tanggapan o institusyon.

19
_____5. Ito’y nakaayos nang pabalangkas ang mga bahagi at nilalaman ng pamanahong-papel at ang
kaukulang bilang ng pahina sa bawat isa.

C. Panuto: Isulat ang PAK GANERN kung ang pangungusap ay tama. LIGWAK naman kung ito’y mali at
hanapin at salungguhitan ang nagpapamali sa pangungusap.
_________1. Ang panimula ay isang maikling talatang kinapalooban ng pangkalahatang pagtalakay ng
paksa ng pananaliksik.
_________2. Sa layunin ng pag-aaral makikita ang mga resulta kung bakit isinagawa ang pag-aaral.
_________3. Makikita sa Definisyon ng Teminolohiya ang mga salitang makailang ginamit sa pananaliksik
at ang bawat isa’y binigyan ng kahulugan.
_________4. Tinutukoy ng saklaw at limitasyon ang pinakasimpleng disenyo ng pananaliksik. Dito itinakda
ang parameter ng pananaliksik dahil tinutukoy nito kung ano-ano ang mga varyabol sa sakop
at hindi sakop ng pag-aaral.
_________5. Inilalahad ng kahalagahan ng Pag-aaral ang signifikans ng pagsasagawa ng pananaliksik ng
paksa ng pag-aaral.

KONSEPTONG PAPEL
A. Panuto: Isulat sa patlang ang konseptong inilalarawan sa bawat pahayag. Piliin ang mga sagot na
makikita sa kahon.

Pahinang nagpapakita ng Paksa Mga Sanggunian Layunin


Rationale Inaasahang Bunga Metodolohiya

________1. Nakalahad dito kung sino ang makikinabang sa proyekto. Nakalahad din kung ano ang
inaasahan sa proyekto at paano ito mapakikinabangan.
________2.Tinutukoy rito kung paano maisasakatuparan ang proyekto.

________3.Tinatalakay sa bahaging ito ng konseptong papel ang saligan o batayang dahilan sa


pagsasagawa ng pananaliksik upang maipahiwatig na rin ang kahalagahan ng gagawing
pananaliksik.
________4. Initala at ginagamit sa pagkuha ng paunang mga impormasyon, maaring gamitin at nabanggit
sa mga kaugnay na pag-aaral.
________5. Dito naman mababasa ang hangarin o tungkulin ng pananaliksik base sa paksa.

B. Panuto: Pagsunod-sunurin ang tamang proseso sa pagbuo ng konseptong papel. Lagyan ng 1 ang
rationale, 2 ang layunin, 3, ang metodolohiya at 4 ang inaasahang bunga.
A.
____ Aalamin ang mga sahog sa paggawa ng hotdog.
____ Ang hotdog ay isa sa mga paboritong almusal ng mga kabataan, subalit, ano-ano nga ba ang
mga ingredient o sahog sa paggawa nito?
____ Bubuo ng isang sulating pananaliksik tungkol sa hotdog na maaaring magingbasehan ng
isang artikulo na tumatalakay sa pagkaing ito.

20
____ Mananaliksik sa internet, gagawa ng sarbey tungkol sa paboritong pagkain ng mga bata at
kapanayamin ang ilan sa mga nasarbey na bata kung bakit nila paboritong pagkain ang
hotdog.
B.
_____ Makikipanayam sa mga director ng indie films at mag-ooberserba sa proseso ng paggawa
ng ganitong pelikula.
_____Sa pamamagitan ng camera at editing app ng smartphone ay makagagawa ng isang
maikling indie film.
_____Tutukuyin ang mga paraan ng pagbuo ng maikling-maikling indie film gamit lang ang camera
at editing app ng smartphone.
_____Bubuo ng isang sulating pananaliksik tungkol sa indie films na maaaring maging basehan sa
paggawa ng isang maikling indie film gamit ang camera at editing apps ng isang
smartphone.

C.
_____ Aalamin ang pinagmumulan ng spam messages.
_____ Magsasaliksik ukol sa pinagmumulan ng spam messages.
_____ Nayayamot ang maraming tao sa tuwing makakikita ng spam messages na pumupuno sa
kanilang inbox.
_____ Makabubuo ng isang sulating pananaliksik na maaaring maging basehan ng isang artikulo
tungkol sa mga spam messages.

Gawain Pagganap Blg. 1 ( PERFORMANCE TASK)


Panuto: Pumili ng isang napapanahong isyu ngayon sa lipunan at ito’y pag-aralan. Pagkatpos, buuan ito
ng konseptong papel na naglalaman ng layunin, metodolohiya, inaasahang bunga, at
talasannggunian. Pagbatayan ang rubric na makikita sa ibaba at isulat ito sa likurang bahagi ng
pahinang ito. (75 pts)
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA NG KONSEPTONG PAPEL
KRITERYA 15 13 10 8 5

Higit na Napapanahon Hindi gaanong Hindi Walang


napapanahon ang ang paksa ng napapanahon napapanahon kaugnayan ang
NAPAPANAHON paksa ng pag- pag-aaral ang paksa ng ang paksa ng pag-aaral sa
aaral pag-aaral pag-aaral lasalukuyang
panahon

21
Tiyak na tiyak ang Tiyak lamang Hindi gaanong Hindi tiyak at Walang
paksa ng pag- ang paksa ng tiyak ang paksa may kakulangan katiyakan at
KATIYAKAN NG aaral pag-aaral ng pag-aaral sa paksa ng magulo ang
PAKSA pag-aaral paksa

Higit na maayos Maayos at Hindi gaanong Hindi maayos at Walang


at sistematikl ang sistematiko maayos at hindi sistematiko kaayusan at
SISTEMATIKO pagkakabuo ng lamang ang sistematiko ang ang pagkakabuo walang Sistema
pag-aaral pagkakabuo ng pagkakabuo ng ng pag-aaral ang pagkakabuo
pag-aaral pag-aaral ng pag-aaral

Napakahusay at Mahusay at Hindi gaanong Hindi mahusay Walanag


napakalinaw ng malinaw lamang mahusay at at hindi malinaw kahusayan at
NILALAMAN kabuuang ang kabuuang malinaw ang ang kabuuang kalinawan sap
nilalaman ng pag- nilalaman at kabuuang pag- pag-aaral ng ag-aaral na
aaral sa paksa ilang bahagi ng aaral at paksa isinagawa
pag-aaral mayroong mga
kakulangan

PAGGAMIT NG Wastong-wasto at Wasto at angkop Hindi gaanong Hindi wasto at Walang


WIKA angkop na angkop lamang ang wasto at angkop angkop ang kawastuhan at
ang pagkakagamit pagkakagamit ang pagkakagamit walang
ng wika, mga slita, ng wika, mga pagkakagamit ng wika, mga kaangkupan sa
pagbabaybay at salita, ng wika, mga salita, paggamit ng
paggamit ng pagbabaybay at salita, pagbabaybay, at wika, mga salita,
bantas sa pagbuo paggamit ng pagbabaybay at paggamit ng pagbabaybay, at
ng pag-aaral mga bantas sa paggamit ng mga bantas sa paggamit ng
pagbuo ng pag- bantas sa pagbuo ng pag- mga bantas sa
aaral pagbuo ng pag- aaral pagbuo ng pag-
aaral aaral

Content Analysis
Panuto: Pumili ng isang napapanahong isyu sa kasalukuyan na maaring ito’y napanood mo sa telebisyon,
narinig sa radyo, o maging nabasa sa mga iba’t ibang lathalain. Pagkatpos, unawain at suriin ang
mga impormasyong nakapaloob nito at bumuo ng pag-aanalisa ng nilalaman. Isulat ito sa likurang
bahagi ng pahinang ito. Pagbatayan ang rubrik na makikita sa ibaba.(45 pts)

PAMANTAYAN NAPAKAHUSAY MAHUSAY DI-GAANONG KAILANGAN PA NG


15 10 MAHUSAY PAGSASANAY
8 5

22
Kalidad ng Ang impormasyon ay Ang impormasyon Ang impormasyon Ang impormasyon
impormasyon nauugnay ng tiyak sa ay malinaw na ay malinaw na ay may kaunti o
pangunahing paksa at nauugnay sa nauugnay sa walang kinalaman
nagdaragdag ng pangunahing paksa. pangunahing paksa. sa pangunahing
bagong konsepto. Nagbibigay ito ng Walang mga paksa o simpleng
Kasama sa hindi bababa sa detalye/o mga muling isinasaad
impormasyon ang ilang isang halimbawa ang ang pangunahing
mga sumusuportang sumusuportang ibinigay. Nagbibigay konsepto na hindi
detalye at/o mga detalye o ng dokumentasyon nito isinusulong ang
halimbawa. Patuloy na halimbawa. kapag hiniling. talakayan ay hindi
nagtatatag ng mga nagbibigay ng
ideya sa pinagmumulan dokumentasyon
ng dokumentasyon. para sa mga
mapagkukunan.

Kritikal na pag- Patuloy na pahusayin Ang ilang kritikal na Sumasagot sa mga Hindi tumutugon sa
iisip ang proseso ng kritikal pag-iisip at tanong ngunit hindi baseng pagtatanong
na pag-iisip sa pagninilay ay nakikibahagi sa ng facilitator.
pamamagitan ng ipinakita sa pagmumuni-muni sa
pagninilay at talakayan ng lugar.
pagtatanong sa sarili at manunulat at
sa iba. Ang isang tagatugon.
kalidad na tugon na
sumusulong sa
pasulong ay
nagdaragdag sa
talakayan ay isang
kritikal na tugon.
Masining na Ang propesyonal na Ang propesyonal na Ang propesyonal na Hindi ginagamit ang
gamit ng wika bokabularyo at istilo ng bokabularyo at istilo bokabularyo at istilo propesyonal na
pagsulat ay patuloy na ng pagsulat ay ng pagsulat ay bokabularyo at istilo
ginagamit sa madalas na ginagamit ng pagsulat.
pamamagitan ng ginagamit sa buong paminsan-minsan
talakayan. talakayan. sa buong talakayan.
Kabuuan

23

You might also like