Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

QUARTER 1 SUMMATIVE TEST NO.

2
Mga Layunin CODE Bahagdan Bilang ng Kinalalagyan ng
Aytem Bilang

Natutukoy ang mga elemento ng kuwento. (F4PS-


Natutukoy ang bahagi ng binasang kuwento- Ia-97)
simula, kasukdulan, katapusan 1-10
50% 20
(F4PB-
Ii- 24)

Nakasusulat ng talata tungkol sa sarili (F4PU-


Nakasusulat ng liham na nagbibigay ng 1a-2)
karanasan/pangyayari sa nabasang kuwento 50% 20 11-20
(F4PU-
Ia-2)
Kabuuan 100 20 1 – 20
Name: ___________________________________________ Date: ___________ Score: _______

I.A. Panuto: Basahin ang mga tanong at sagutin. Piliin ang tamang sagot sa loob ng panaklong at isulat sa
sagutang papel.

_____________1. Alin sa mga sumusunod na bahagi ng kuwento ang tumutukoy sa mga gumaganap
sa kuwento?
( panimula, tauhan, tagpuan, wakas )
_____________2. Alin sa mga sumusunod na bahagi ng kuwento ang tumutukoy kung saan ito naganap ?
( panimula, tauhan, tagpuan, wakas )
_____________3. Ano ang tawag sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento?
( banghay, tagpuan, simula, wakas )
_____________4. Kung ang panimula ay nagsasabi kung saan at paano nagsimula ang kuwento, ano naman
ang wakas?
(-Ito ay bahagi ng kuwento kung saan unti-unti nang naaayos ang
problema. )
(-Ito ay nagsasabi kung paano nagwakas o natapos ang kuwento.)
(-Ito ang panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan. )
(-Dito nangyayari ang problema sa kuwento. )

B. Panuto: Para sa aytem 5-8. Basahin ang mga halimbawa ng mga elemento ng kuwento sa loob ng kahon,
Pagkatapos, ibigay ang hinihinging sagot sa pamamagitan ng pagsulat ng titik ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel.
______ 5. Ito ang mga halimbawa ng mga tauhan sa kuwento.
______ 6. Ito ay maituturing na wakas ng kuwento.
______ 7. Masasabi itong panimula ng kuwento.
______ 8. Ito ang pinangyarihan ng kuwento.

C. Panuto: Para sa aytem 9-10, alamin kung ang bahagi ng kuwento ay simula, kasukdulan o
katapusan. Isulat sa patlang ng iyong sagutang papel ang tamang sagot.

9. Masayang-masaya ang mga bata. Nakasakay sila sa bangkang may motor. Nag-aawitan sila sa saliw ng palakpak at
padyak ng mga paa. Umiindayog sila kasabay ng pagtaas at pagbaba ng alon. __________________________
10. Ang mag-asawa ay naging mga paru-paro na aalialigid sa mga bulaklak. _______________________________

II. Panuto: Sumulat ng talata tungkol sa iyong sarili. Ang mga gabay na tanong ay makatutulong sa iyo upang
makabuo ka ng isang talata.Pagkatapos, gawan mo ng pamagat ang iyong nabuong talata. (10pts)

QUARTER 1 SUMMATIVE TEST NO. 2


Mga Layunin CODE Bahagdan Bilang Kinalalagyan ng
ng Bilang
Aytem
Nakapagbibigay ng tamang pagpapasiy (EsP4PKP-
Ic-d – 19). 50% 10 1-10
Nasusuri ang katotohanan bago gumawa ng
anomang hakbang tungkol sa nakalap na
impormasyon na iyong napanood sa (EsP4PKP-
Ic-d – 24). 50% 10 11-20
programang
pantelebisyon at dapat sumangguni sa mga
taong kinauukulan.
Kabuuan 100 20 1 – 20

Name: ___________________________________________ Date: ___________ Score: _______

I. Panuto: Tukuyin ang bawat pangyayari kung ito ay may Tamang Pagpapasiya o Maling
Pagpapasiya. Isulat ang sagot sa patlang.
_________1. Magbahagi ka sa hindi kilalang tao ng mga patalastas na iyong narinig.
_________2. Unang parte lamang ng patalastas ang dapat mong pakinggan sapagkat matalino ka
naman.
_________3. Unawain mo nang mabuti ang mensaheng hatid ng patalastas na binabasa.
_________4. Kapag nakita mo ang larawan ng iyong idolo sa binabasang patalastas, maniwala
kaagad.
_________5. Turuan mo ang nakababatang kapatid na suriin muna ang narinig at nabasa bago ito
paniwalaan.
_________6. Hayaan mo ang iyong kaibigan na makinig ng malalaswang patalastas.
_________7. Iwasan ang pakikinig ng patalastas na walang aral.
_________8. Tangkilin ang pagkakaroon ng tamang pagpapasiya.
_________9. Huwag ng suriin ang nakalap na impormasyon.
_________10. Magsanay sa pagbabasa at pakikinig ng mga impormasyong galing sa lehitimong
pinagkukunan.

II. Panuto: Basahin nang mabuti ang mga pahayag. Isulat ang salitang Tama sa guhit sa unahan ng
bilang kung ito ay nagsasaad ng mapanuring pag-iisip at Mali kung hindi.

______11. Agad kong pinaniniwalaan ang mga balitang aking napapanood sa telebisyon.
______12. Ayon sa PAGASA, may paparating na bagyo na tatami sa bansa sa susunod na linggo kaya
sinabi ko ito sa aking mga magulang.
______13. Tinatanong ko muna sa kinauukulan ang mga impormasyong nakalap sa mga programa
bago ko ito sasabihin sa iba.
______14. Ayon sa aking pananaliksik, ang DOH ay nagpatupad ng mga dapat sundin kagaya ng mga
paghugas ng kamay, paggamit ng facemask at pagsunod ng social distancing para maiwasan ang COVID-
19.
______15. Hindi ko na kinakailangang itanong pa sa aking mga magulang ang mga nangyayaring
kalamidad sa atin ngayon dahil nakikita ko naman ito sa balita sa telebisyon.
______16. Kinakailangang kong sabihin kaagad sa aking mga kalaro na maaari ng maglaro sa labas.
______17. Anomang impormasyong aking nakita ay hindi na kailangan pang alamin ang
pinanggalingan.
______18. Ang pagsusuri sa nakalap na impormasyon ay walang maitutulong sa atin.
______19. Sinabi sa balita na ang gobyerno ay nagbigay ng limang libong ayuda sa mga mahihirap.
Kaya’t nagtanong ako kung totoo ba ito o hindi.
______20. Tinaasan kaagad ni Mang Isko ang kaniyang binibentang LPG nang nalaman niya ang
biglang pagtaas ng presyo nito.

Unang Panahunang Pagsusulit sa Filipino IV


Pangalan:_________________________________ Petsa: :_________________________
Baitang IV_Paaralan: Calaccab Elem. School Iskor:___________________________

I. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.


1. Ano ang tawag sa bahagi ng pananalita na tumutukoy sa ngalan ng tao, bahay, hayop, lugar at
pangyayari? A. panghalip B. pangngalan C. pang-uri D.
pang-abay
2. Ito ay ang bahagi ng pananalita na ipinanghahalili sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari.
A. panghalip B. pangngalan C. pang-uri D. pang-abay
3. Ano ang tawag sa magkakatunog na mga salita sa hulihan ng bawat taludtod ng tula?
A. pantig B. pangngalan C. panghalip D. tugma
4. Masipag na mag-aaral si Gabriel. Lagi niyang ginagawa ang kanyang mga takdang-aralin. Ang may
salungguhit na mga salita ay ____________.
A. panghalip B. pangngalan C. pang-uri D. pang-abay
5. Labis ang pighati ni Maria dahil sa pagkamatay ng alaga niyang pusa. Ano ang kasingkahulugan ng
salitang nakakahon? A. kasiyahan B. kagalakan C. kalungkutan D. pangamba
6. Maraming mamamayan ang nagdarahop sa ating bansa. Ano ang kasalungat ng may bilog na salita?
A. naghihirap B. mayaman C. dukha D. inaapi
7. Isang umaga ay naglakad-lakad si Princess sa parke kasama ang kanyang alagang matabang aso. Sa
may salungguhit na mga salita, alin ang pangngalang pantangi?
A. Princess B. parke C. mataba D. aso
8. Tuwing Pasko lamang nakakasama ni Patricia ang kanyang ina na nagtatrabaho sa ibang bansa. Ang
salitang may salungguhit ay pangngalan na nagsasaad ng ngalan ng ______________.
A. tao B. bagay C. hayop D. pangyayari
9. Tuwing Hulyo ay ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Nutrisyon. Ang "Buwan ng Nutrisyon" ay
pangngalang ___. A. pantangi B. pahambing C. pambalana D. pasukdol
10. Si Dr. Jose Rizal ay tunay kong hinahangaan. Ang mga suusunod ay mga pangngalang pambalana
para kay Dr. Jose Rizal maliban sa isa. Alin ito?
A. bayani B. pangulo C. doktor D.
manunulat
II. Basahin ang kwento at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Ang Manok at Ang Uwak
Noong araw, magkaibigang matalik ang manok at ang uwak. Madalas dumalaw ang uwak kay inahin at
makipaglaro sa mga sisiw nito.
Isang araw, sa paglalaro nila, napansin ng manok na may magarang singsing ang ibon. “Uy, pahiram
naman ng singsing mo. Ang ganda-ganda!” sabi niya sa uwak.
“Sige, iiwan ko muna ito sa iyo. Bukas ko na lang kukunin uli,” sagot ng uwak na mabilis na lumipad uli.
Naglalakad ang inahin at tuwang-tuwa na ipinakikita sa ibang hayop ang singsing niya nang lumapit ang
isang tandang. “Bakit mo suot iyang di sa iyo? Iyang uwak ay hindi manok na tulad natin, kaya hindi ka
dapat makipagkaibigan diyan. Itapon mo ang singsing!”
Sa kapipilit ng tandang, itinapon ng inahin ang singsing. Kinabukasan, napansin agad ng uwak na di
niya suot ito. “Nasaan ang singsing ko?” tanong ng ibon.
“Ewan ko,” takot na sagot ng manok. “Naglalakad lang ako ay bigla na lang nawala sa mga kuko ko.
Luwag kasi.”

Nahalata ng uwak na nagsisinungaling ang manok dahil nanginginig ito. “Alam ko, itinapon mo siguro
dahil ayaw mo na sa akin. Hanapin mo iyon at ibigay mo uli sa akin. Hanggang hindi mo naisasauli ang
singsing, kukuha ako ng makikita kong sisiw mo at ililipad ko sa malayo.”
Buhat na nga noon, tuluy-tuloy ang pagkutkot ng manok sa lupa para hanapin ang itinapong singsing.
Pati ibang mga manok, sa pakikisama sa kanya, ay naghahanap din. Kapag may lumilipad na uwak sa
itaas, mahigpit ang tawag ng inahin sa mga sisiw at tinatakluban agad ng mga pakpak dahil baka danggitin
ng uwak.

11. Sino ang matalik namagkaibigan?


A. Inahin at Tandang B. Inahin at Sisiw C. Sisiw at Uwak D.
Manok at Uwak
12. Ano ang hiniram ni Inahing Manok kay Uwak?
A. korona B. kuwintas C. singsing
D. hikaw
13. Ano ang ginawa ni Inahing Manok sa singsing?
A. ipinahiram B. itinapon C. ipinagbili
D. itinago
14. Bakit itinapon ni Inahing Manok ang singsing ni Uwak?
A. dahil galit siya kay uwak C. dahil pangit ang singsing
B. dahil sa kakapilit ni tandang D. dahil maluwag sa kanya ang singsing
15. Bakit daw hanggang ngayon ay walang tinggil sa pagkutkot salupa ang mga manok?
A. upang gumawa ng pangingitlugan
B. upang hanapin ang itinapong singsing
C. upang gumawa ng taguan kapag dumating ang uwak
D. upang tabunan ang mga sisiw kapag dumating ang uwak

III. Sa sagutang papel, kopyahin ang talaan na makikita sa ibaba. Punan ang tsart ng mga wastong
pangngalan na makikita sa maikling kwento.
PANGNGALAN Tao Bagay Hayop Lugar Pangyayari
Pantangi 16. 21. 22. 25.
17.
18.
Pambalana 19. 23. 24.
20.

Araw ng mga Puso nang lumabas ng bahay si Anthony para pumunta sa tindahan. Habang naglalakad
siya kasama ang kaniyang alagang aso ay nakasalubong niya si Aling Nora na hawak-hawak ang kanyang
pusang si Muning. “Magandang umaga po, Aling Nora,” bati ni Anthony sa matandang babae.
“Magandang umaga rin sa’yo. Parang nagmamadali kang pumunta kung saan?” tanong niya. “Pupunta po
ako sa tindahan para bumili ng Knorr Sinigang Mix na gagamitin sa pagluto ng sinigang mamayang
tanghali,” sagot ng bata na may ngiti. “Puntahan mo ako sa bahay kung may mga kulang kayong lahok sa
lulutuin ninyo, sabihin mo sa iyong Nanay Linda.” “Opo!” Sabay na naghiwalay ang dalawa patungo sa
kani-kanilang pupuntahan.

IV. Punan ng wastong salita ang mga patlang sa tula. Piliin ang tamang sagot sa kahon sa gilid

V. A. Sa sagutang papel, kopyahin ang talaan na makikita sa ibaba. Punan ang talaan ng mga panghalip
panao na makikita sa maikling kwento. Pagkatapos ay tukuyin ang kailanan at panauhan ng mga ito.

Kailanan (isahan, Panauhan (una, ikalawa,


PANGHALIP dalawahan, maramihan) ikatlong panauhan)
31. 35.
32. 36.
33. 37.
34. 38.

VI. Sagutin ang tanong.

39-40. Ano ang panghalip pananong na makikita sa kwento. Isulat ang maramihang anyo nito.

Talaan ng Ispesipikasyon

NUMBER OF
OBJECTIVES NUMBER
DAYS PERCENTAGE ITEM PLACEMENT
OF ITEMS
TAUGHT

1. Nakapagsasabi ng katotohanan anuman ang


5 12.5% 5 1,11,13,25,35
maging bunga nito

5 5
2. Nakapagsusuri ng katotohanan bago gumawa 12.5% 26-30
ng anumang hakbangin

3. Nakapagsusuri ng katotohanan bago gumawa


ng anumang hakbangin o pagsangguni sa taong 5 12.5% 5
3,8,14,33,34
kinauukulan

4. Nakapagninilay-nilay ng katotohanan mula sa


mga balitang napakinggan at patalastas na 5 5 9,17,23,36,37
12.5%
nabasa o narinig

5. Nakapagpapakita ng pagkamahinahon sa
5 12.5% 5 2,4,5,7,18
damdamin at kilos ng kapuwa

6. Nakapagninilay-nilay ng katotohanan mula sa


mga nababasa sa internet at mga social 5 5 10,12,20,24,31
12.5%
networking sites

7. Nakapagsasagawa nang may mapanuring pag-


iisip ng tamang pamamaraaan/pamantayan sa 5 12.5% 5 6,16,19,22,32
pagtuklas sa katotohanan

8. Nakapagpapakita ng paggalang sa iba sa oras


ng pamamahinga, kapag may sakit, kapag may 5 5
12.5% 15,21,38-40
nag-aaral at nagsasalita

40 100%

AA,k

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP 4


Panuto : Piliin at itiman ang titik ng tamang sagot.

1. Napili ka ng iyong guro na siyang maging tagapagdaloy ng palatuntunan,ano ang iyong gagawin?
A. Pipilitin ko ang aking kamag-aral na palitan ako.
B. Sasabihan kong ayokong maging tagapagdaloy ng palatuntunan.
C. Lalakasan ko ang aking loob at tatanggapin ang ibinigay na Gawain.
D. Magdadahilan ako na masakit ang aking lalamunan at hirap sa pagsasalita.
2. Maraming nilabhang damit ang nanay. Ipinasampay niya ang mga ito kay Aleirah. Ano ang dapat gawin ni
Aleirah?
A. Itago ang mga damit na ipinasasampay ng nanay.
B. Magkunwari na hindi narinig ang utos ng nanay.
C. Magsabi sa nanay na hindi niya ito kayang gawin.
D. Pagtiyagaang isampay ang mga damit para makatulong kay nanay.
3. Oras ng reses, mahaba ang pila sa pagbili ng pagkain sa kantina. Nasa bandang hulihan ng pila si Ahye. Kung
ikaw si Ahye,ano ang gagawin mo?
A. Hindi na pipila at titiisin na lamang ang gutom.
B. Magtitiis na pumila hanggang sa makaabot sa unahan.
C. Sisingit sa bandang gitna ng pila para mabilis.
D. Pupunta sa unahan ng pila at makikiusap na paunahin siya.
4. Narinig ni Aaron na may parating na bagyo at sinuspinde na ang mga klase sa kalapit na lugar.Ano ang dapat
gawin ni Aaron?
A. Makinig sa radio o manood sa telebisyon para sa mahalagang pahayag.
B. Tawagan ang mga kamag-aral at sabihing wala na rin silang pasok.
C. Muling matulog dahil wala na rin sigurong klaseng kanilang paaralan.
D. Magdasal na lalong lumakas ang ulan.
5. Tuwang-tuwa ka dahil pinasalubungan ka ng tatay ng isang kahong “loombands”.Itinago mo ito bago pumasok sa
paaralan. Pagdating mo sa bahay, Nakakalat ang mga ito at ang iba ay itinapon ng iyong nakakabatang kapatid.
Ano ang gagawin mo?
A. Mag-iiyak ako.
B. Aawayin ko ang aking kapatid.
C. Sasabihin ko sa tatay na paluin ang aking kapatid.
D. Magtitimpi ako at iaayos ang natitirang “loombands”.
6. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagiging mahinahon sa kilos at damdamin?
A. Nakikipag-away sa mga ayaw kumampi kapag may ipinaglalaban.
B. Nakikiayon sa sinasabi ng kapuwa para maiwasan ang gulo.
C. Nakikipag-usap ng maayos sa kapuwa upang magkaunawaan.
D. Kumakampi sa mas marami ang umaayon upang hindi mapag-isa.
7. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng totoong pagiging bukas-palad?
A. Naghulog ng dalawang piso sa collection box kahit walang nakakakita.
B. Ibinahagi ang pagkain sa katabing walang pagkain dahil nakatingin ang guro.
C. Dinala ang mga damit na ayaw ng gamitin para sa mga biktima ng baha para magkaroon nang mas madaming
puntos ang aming grupo.
D. Dumalo sa pag-eempake ng mga relief goods para sa mga nasalanta ng bagyo.
8. Bakit kailangang igalang ang kapuwa?
A. Para mapanatili ang mapayapang pamayanan
B. Para igalang ka din ng kapuwa
C. Para walang magalit sa iyo
D. Para masaya ang lahat

9. Bilang mag-aaral alin sa sumusunod ang paggalang sa karapatan ng may sakit ang kaya mong gawin?
A. Pagbigay ng prutas at damit
B. Pagbisita sa may sakit
C. Pagbibigay ng payo sa may sakit
D. Pagbibigay ng gamot sa may sakit
10. Paano maipapakita ang pag-unawa sa damdamin ng kapuwa?
A. Sa pakikiiyak sa kanila
B. Sa pakikipag-usap sa kanila
C. Sa pagbibigay ng sariling kuwento sa kanila
D. Sa Pakikinig sa oras na may problema sila at pagbibigay ng payo.
11. Inagawan ng baon ng iyong kaklase sa loob ng silid-aralan. Ano ang gagawin mo?
A. Aawayin ko siya
B. Sasabihin kop o sa aking guro na inagaw ang aking baon ng kaklase ko.
C. Hahayaan ko na lang siya
D. Wala sa nabanggit
12. Siningitan ka sa pila ng iyong kaklase sa kantina, ano ang gagawin mo?
A. Sisingit din ako
B. Pababayaan ko na lang siyabaka nagmamadali siya.
C. Sasabihin ko sa kanya na bawal sumingit.
D. Susuntukin ko siya.
13. Itinulak ka ng is among kalaro dahil gusto niyang mauna sa pagkuha ng tubig sa gripo. Ano
ang gagawin mo?
A. Itutulak ko rin siya.
B. Mananahimik na lang ako.
C. Sasabihin ko sa kanya na masama ang nanunulak.
D. Wala sa nabanggit
14. Kinuha bigla ang iyong pencil case ng iyong kaklase. Ano ang dapat mong gawin?
A. Iiyak na lang ako.
B. Sasabihin ko sa kanya na masama ang nangunguha ng gamit ng iba.
C. Mananahimik na lang ako.
D. Aawayin ko siya.
15. Kinukulit ka sa silid-aralan ng mga kalaro mo. Ano ang gagawin mo?
A. sasabihin ko mamaya na lang pagkatapos ng klase.
B. Lalabas at makikipaglaro ako.
C.Tatawagin sa loob ng silid-aralan at maglalaro.
D. Wala akong pakialam.
16. Umiiyak ang iyong kapatid ngunit marami ka pang ginagawang takdang-aralin. Ano ang
dapat mong gawin?
A. Tatapusin ko muna ang aking ginagawa.
B. Hahayaan kong umiiyak ang aking kapatid.
C. Sisigawan ko siya upang tumigil sa pag-iyak.
D. Titigil muna ako sa paggawa at patatahimikin ko siya.
17. Inaway ka ng iyong kapwa mag-aaral, ano ang gagawin mo?
A. Aawayin ko rin siya.
B. Sasabihin ko sa kanya na masama ang nakikipag-away.
C. Mananahimik na lang ako.
D. Wala akong dapat gawin.
18. Ang iyong guro ay may kausap na magulang ngunit may gusto kang iparating na
mahalagang bagay sa kanya. Ano ang gagawin mo?
A. Makikinig sa usapan ng guro at magulang.
B. Makikisali sa usapan nila.
C. Hihintayin munang matapos ang pag-uusap ng guro at magulang.
D. Patitigilin ko sila sa kanilang pag-uusap.
19. Nakita mong namimilipit sa sakit ng tiyan ang iyong kaklase. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi ko siya papansinin.
B. Pagtatawanan ko siya.
C. Sasabihin ko sa aming guro na masakit ang tiyan ng kaklase ko.
D. Hindi ko siya papansinin dahil lagi niya akong inaaway.
20. Ano ang gagawin sa mga kaklaseng maiingay?
A. Makikisali na rin sa mga maiingay na kaklase.
B. Sasawayin ko sila at pagsasabihan na bawal mag-ingay.
C. Mananahimik na lang ako.
D. Susuntukin ko sila upang tatahimik.

21. Pinasalubungan ka ng iyong ninang ng isang malaking balot ng tsokolateng galing Japan. Pag-uwi ninyo ng
nanay mo sa bahay, nakita ng iyong kapatid na bunso ang pasalubong na bigay sa iyo.Namilog ang kaniyang
mga mata, bakas ang tuwa.
A. Aalukin ko siya kung gusto niya.
B. Bibigyan ko siya pati na rin ang iba ko pang mga kapatid.
C. Tatanungin kosiya kung kumakain siya ng tsokolate.
D. Kunwari ay sasabihan ko siya na hindi ko siya bibigyan.

22. Nagmamadali kang umuwi dahil may dadaluhan kang birthday party ng iyong kapitbahay.Paglabas mo ng silid-
aralan, nakita mong umapaw ang basura sa labas. Ikaw na lang ang tao dahil nauna nang umuwi ang iyong mga
kaklase.Ano ang gagawin mo?
A. Pababayaan ang basura dahil baka mahuli sa birthday party na iyong dadaluhan.
B. Mabilisang aayusin ang mga basura sa sako bago umuwi.
C. Magkukunwaring hindi nakita ang umaapaw na basura sa sako.
D. Magkikibit-balikat dahil hindi naman ikaw ang taga-linis sa araw na iyon.

23. Palagi ninyong nararanasan ang pagbaha sa Metro Manila. Ano kaya ang dahilan kung bakit nagyari ito?
A. Maling paraan ng pagtatapon ng basura sa ating paligid na bumabara sa mga estero at kanal.
B. Talagang mas malakas na ang buhos ng ulan sa ngayon.
C. Masyado nang makapal ang tao sa Metro Manila.
D. Tinatakpan ng mga tao ang mga drainage.

24. Bakit kailangang malaman ng mga tao na ipinagbabawal ang pagsusunog ng basura?
A. Maaari itong maging sanhi ng pagkasunog ng mga bahay sa paligid.
B. Puwedeng i-recycle ang mga patapong bagay na susunugin
C. Ang pagsusunog ng basura ay puwedeng magbunga ng maruming hangin at kapaligiran.
D. Ang pagsusunog ay ipinagbabawal ng batas.

25. Naatasan ang iyong pangkat na magtanghal sa palatuntunang inihanda para sa mga mag-aaral mula sa Malaysia
upang maipakilala sa kanila ang Kulturang Pilipino. Alin sa sumusunod ang pipiliin ninyo?
A. Sumayaw ng Pandanggo sa ilaw.
B. Umawit ng nauusong kanta ngayon.
C. Lumikha ng bagong himig at tugtugin sa piano.
D. Sumayaw ng katutubong sayaw ng Malaysia.
26. Hinintay nina Joven at Erika si Renante sa Plasa Mabini kahit na lampas na sa takdang- oras ng kanilang usapan.
Sila ay nagpapakita ng pag-uugaling _______.
A. pagkamatiyaga B. katatagan ng loob
C. pagkamahinahon D. mapanuring pag-iisip

27. Pinilit tapusin ni Pearl ang pagsagot sa takdang-aralin kahit na ito ay may kahabaan. Siya
ay _______.
A. matiisin B. mapagpasensiya
C. bukas ang isipan D. mahinahon
28. Itinapon na lamang ni Mariz ang may punit na damit sapagkat ayaw niyang manahi. Siya ay
walang ugaling ______.
A. pagkamatiisin B. pagkamahinahon
C. matatag ang loob D. pagmamahal sa katotohanan

29. Patuloy pa rin ang ginagawang pagtulong ni Grace sa kanyang kamag-aral na si Nikki kahit madalas itong hindi
nakatatapos sa gawain. Si Grace ay nagpapakita ng ______.
A. pagkamatiyaga B. malakas ang loob
C. pagmamahal sa katotohanan D. mahinahon

30. Natapos nang maayos ni James ang kanyang talumpati sa palatuntunan. Siya ay _____.
A. matatag ang loob B. mahinahon
C. mapagpasensiya D. mapanuring pag-iisip

Panuto: Piliin at isulat ang titik ng ipinakikitang pag-uugali sa mga sumusunod na sitwasyon.

A – Katatagan ng Loob; B – Pagkamatiyaga;


C – Pagkamapagpasensiya; D – Pagmamahal sa katotohanan;
Sitwasyon Pagpapahalagang Ipinakita
31. Sinasabi ang totoo kahit mapagalitan.

32. Hindi nagagalit kahit may ginagawang mali ang kamag-aral o kaibigan.

33. Isinasakatuparan ang iniatang na Gawain kahit hindi madali.

34. Malakas ang loob na humarap sa maraming tao.

35. Ipinakikita ang kakayahan kahit kinakabahan.

36. Nanonod ng balita ang kuya sa telebisyon tungkol sa lindol sa ibang bansa. Nagkataon na
may report kami sa klase tungkol sa balitang napakinggan o napanood. Ano ang dapat
kong gawin?
A. Makikinood upang may maitalakay sa klase. B. Hindi ko papansinin ang balita.
C. Manonood pero ayokong italakay sa klase. D. Matutulog na lang ako.
37. Napakinggan ko sa radyo ang bagong produkto na iniindorso ng isang sikat na artista. Ano
ang gagawin ko?
A. Bibilhin ko kaagad dahil sikat na artista ang nag-iindorso.
B. Bibili ako dahil gusto kong matikman.
C. Titingnan ko muna at babasahin ko ang nakasulat sa nutrition fact.
D. Wala akong pakialam.
38. Kung naitulak ka habang bumibili ng pagkain, pagsasalitaan mo ba nang masakit ang may kasalanan?
A. Opo, dahil nasaktan ako.
B. Opo, dahil ito ang dapat.
C. Hindi po, dahil maling gumanti sa kapwa.
D. pag-iisipan ko pa po
39. Nagagalit kaba kapag maingay ang katabi mo?
A. Hindi po, dahil kakwentuhan ko siya.
B. Hindi po, kasi wala akong pakialam.
C. Hindi po, ngunit pagsasabihan ko sila na huwag maingay.
D. wala sa nabanggit
38. Magiging mahinahon kaba kung may sunog malapit sa inyong bahay?
A. Hindi po, kasi baka abutin kami.
B. Hindi po, magsisisigaw ako sa takot.
C. Opo, kasi kapag di ako huminahon baka mag “panic” ang iba pang tao.
D. Walang pakialam kasi di naman kami ang nasusunugan.

You might also like