Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

DAILY Paaralan: Malitbog National High Baitang/Antas: 10

LESSON PLAN School


(DLP) Guro: Lodelyn B. Caguillo Asignatura: ARALING PANLIPUNAN

Petsa: January 24, 2024 Markahan: IKAAPAT NA


MARKAHAN

I. LAYUNIN Pagkatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Natukoy ang kahulugan ng Gender Roles

2. Naipaliwanag ang katayuan at gampanin ng babae at lalaki sa Pilipinas


sa iba’t ibang panahon

3. Naipakita ang pagpapahalaga sa pantay na pagtingin sa kababaihan at


kalalakihan sa ating lipunan sa pamamagitan ng isang adbokasiya.

A. Pamantayang Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga epekto ng mga isyu at hamon
Pangnilalaman na may kaugnayan sa kasarian at lipunan upang maging aktibong
tagapagtaguyod ng pagkakapantay-pantay at paggalang sa kapwa bilang
kasapi ng pamayanan.

B . Pamantayan sa Ang mga mag-aaral ay nakagagawa ng mga makabuluhan at malikhaing


Pagganap hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa iba’t-ibang kasarian
upang maitaguyod ang pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng
pamayanan.
C. Mga Kasanayan sa Natataya ang bahaging ginagampanan ng kasarian (gender roles) sa iba’t ibang
Pagkatuto larangan at institusyong panlipunan (trabaho, edukasyon, pamilya,
pamahalaan, at relihiyon).

(AP10IKP-IIId-8)
II. NILALAMAN Gender Roles sa Pilipinas

III. MGA
KAGAMITANG
PANTURO

A. Sanggunian
1.Mga Pahina sa Batayang Aklat: Kontemporaryong Isyu, Modyul para sa Mag-aaral , Hamon at
Gabay ng Guro Paggawa. Pahina 270-272

2.Mga Pahina sa Learning Module Araling Panlipunan Ika-10 Baitang


Kagamitan ng mga Mga Kontemporaryong Isyu, Akda ni Jens Micah De Guzman, JO-ES Publishing
mag-aaral House Inc. Pahina 193-195

3. Mga Pahina sa Pahina 266-269, Pahina 193-195


Teksbuk
4. Karagdagang Mga larawan at video presentation ,(kuha sa pagdownload mula sa google
Kagamitan mula sa chrome).
portal ng Learning
Resource
B. Iba pang Laptop at Powerpoint Presentation
Kagamitang Panturo
IV. PAMAMARAAN

A. Balik-aral sa Panimulang Gawain:


nakaraang  Pagbati
aralin at/o  Panalangin
 Pag-aayos ng silid
 Pagkuha ng attendance
 Pagbalik-aral
Balik-aral tungkol sa konsepto ng Sex at Gender.
Itanong sa mag-aaral:
 Ano ang sex?
(Ang sex ay tumutukoy sa isang biyolohikal na konsepto na
nakabatay sa mga biyolohikal na katangian ng isang tao tulad ng
pagkakaiba ng genitalia(ari) ng mga lalaki at babae).

 Ano ang gender?


(Ang gender ay tumutukoy sa panlipunang Gawain, kilos at gawaing
itinakda ng lipunan para sa babae at lalaki. Ito ay tumutukoy sa
pansarili, panlipunan at pangkulturang perspektibo ng mga tao sa
kanilang kasarian.

 Bakit mahalagang maunawaan ang pagkakaiba ng sex at gender?


(Mahalaga ang kaalaman sa sexual at gender upang maiwasan ang
diskriminasyon at nang magkaroon ng pantay na karapatan sa
pagganap ng mga papel sa lipunan).

B. Paghahabi sa A.) May ipapakitang larawan o pigura ng isang babae at lalake. Suriin ang
Layunin ng larawan at magbigay ng mga katangian o gampanin ng mga babae at
Aralin lalaki na sa inyong palagay ay inaasahang makita sa kanila ng ating
lipunan.

ITANONG SA MGA MAG-AARAL:

1. Batay sa inyong ginawa, ano ang inyong mahihinuha?


(Batay sa nagawang gawain, ito ay nagpapakita ng gampanin ng isang tao sa
lipunan depende sa kasarian niya).
2. Ano sa palagay niyo ang paksang tatalakayin ngayong araw?
(Gender Roles sa Pilipinas)

B.) Ipabasa sa mga mag-aaral ang layunin, upang magabayan sila sa kung
ano ang dapat matutunan sa paksang tatalakayin.
C. Pag-uugnay  Tatanungin ang mga mag-aaral kung anoang kanilang impresyon sa
ng Bagong katayuan, tungkulin at gampanin ng babae at lalaki sa pamilya,
Halimbawa sa Bagong pamayanan at bansa noon at sa kasalukuyang panahon.
Aralin
D. Pagtatalakay
ng Bagong Konsepto Ang gender role ay tumutukoy sa kilos, gampanin at gawain na itinatakda ng
at Paglalahad ng lipunan sa babae at lalaki. Ang ibig sabihin nito kung ikaw ay ipinanganak na
Bagong Kasanayan lalaki ang mga katangiang pisikal mo ay panlalaki. Ikaw ay may testicles at ang
#1 hormones mo ay panlalaki. Ang lipunan ay may hinahangad o inaasahan na
karapat-dapat na kilos para sa iyo.
Sa araling ito, matutunghayan kung ano ang katayuan at gampanin ng babae
at lalaki sa iba’t ibang panahon sa kasaysayan ng ating bansa.

PANAHONG PRE- KOLONYAL


 Ang mga datos pang-kasaysayan ay nagpapakita na ang kababaihan sa
Pilipinas noon maging ito man ay kabilang sa pinakamataas na uri o sa
uring timawa, ay pagmamay-ari ng mga lalaki. Patunay nito ang
pagkakaroon ng mga binukot at pagbibigay ng tinatawag na bigay-
kaya.
 Ang binukot ay mga babae na itinatago sa mata ng publiko.
 Bago dumating ang mga Espanyol, ayon sa Boxer Codex, ang mga
lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa subalit maaaring
patayin ng lalaki ang kaniyang asawang babae sa sandaling makita niya
itong kasama ng ibang lalaki.
 Ang Boxer Codex ay isang dokumento o manuskrito na tinatayang
ginawa noong 1595 naglalaman ito ng mga mahahalagang
impormasyon tungkol sa pamumuhay ng mga Pilipino noon.
PANAHON NG ESPANYOL
 Sa sistemang dala ng Espanyol, tinitingnan ang mga kababaihan na mas
mababa sa mga kalalakihan.
 Base mga kaso na naobserbahan mo Dr. Lordes Lapuz, binanggit niya
bilang konklusyon sa kanyang aklat na A Study of Psychopathology and
Filipino Marriages in Crises na: “Filipinas are brought up to fear men and
some never escape the feelings of that upbringing creates.”
 Inilarawan naman ni Emelina Ragaza Garcia, sumulat ng akdang
Position of Women in the Philippines, ang posisyon ng kababaihan sa
Pilipinas noong panahon ng mga Espanyol: “Reared and trained
primarily for motherhood or for religious life, her education principally
undertaken the supervision of priests and nuns.
 Makikita mula sa pag-aaral ni Garcia na limitado pa rin ang karapatang
taglay ng kababaihan sa panahon ng mga Espanyol. Ito ay dahil sa
sistemang legal na dinala ng mga Espanyol sa bansa ay nakabatay sa
kanilang batas na tinitingnan ang kababaihan na mas mababa kaysa sa
kalalakihan.
 May mga Pilipina ring nagpakita ng kanilang kabayanihan gaya ni
Gabriela Silang. Nang mamatay ang kanyang asawang si Diego Silang,
nag-alsa siya upang labanan ang pang-aabuso ng mga Espanyol.

PANAHON NG AMERIKANO
 Ang pagdating ng mga Amerikano ay nagdala ng ideya ng kalayaan,
karapatan, at pagkakapantay-pantay sa Pilipinas. Sa pagsisimula ng
pampublikong paaralan na bukas para sa kababaihan at kalalakihan,
mahirap o mayaman, maraming kababaihan ang nakapag-aral.
 Ang isyu ng pagboto ng kababaihan sa Pilipinas ay naayos sa
pamamagitan ng isang espesyal na plebesito na ginanap noong Abril 30,
1937. 90% ng mga bumoto ay pabor sa pagbibigay-karapatan sa
pagboto ng kababaihan.
PANAHON NG HAPONES
 Dumating ang mga Hapones sa bansa sa pagsiklab ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Ang kababaihan sa panahong ito ay kabahagi ng
kalalakihan sa paglaban sa mga Hapones. Ang kababaihan na
nagpapatuloy ng kanilang karera na dahilan ng kanilang pag- iwan sa
tahanan ay hindi ligtas sa ganitong gawain.
KASALUKUYANG PANAHON
 Sa kasalukuyan, marami nang pagkilos at batas ang isinusulong upang
mapagkalooban ng pantay na karapatan sa trabaho at lipunan ang mga
babae, lalaki at LGBT.
E. Pagtatalakay Gawain ng Mag-aaral: GENDER TIMELINE
ng Bagong Konsepto Ngayong natutunan na ang papel ng mga babae at lalaki sa iba’t-ibang yugto
at Paglalahad ng sa kasaysayan ng Pilipinas, Itala sa gilid ng mga gender symbol ang gampanin
Bagong Kasanayan ng babae at lalaki sa kasaysayan ng ating bansa.
#2
BABAE PANAHON LALAKE
PRE-KOLONYAL
ESPANYOL
AMERIKANO
HAPONES
KASALUKUYAN

Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang mahalagang pagbabago sa papel ng mga babae at
lalaki na napansin mo?
2. Sa anong panahon sa kasaysayan ng ating bansa lubos na naabuso
ang karapatan ng mga kababaihan? Pangatwiranan.
3. Aling panahon nagsimula ang pagbibigay ng pantay na karapatan sa
kababaihan at kalalakihan? Bakit?
4. Nakakaapekto ba ang gampanin/katayuan ng babae at lalaki sa
lipunan/pamayanan? Pangatwiranan.

F. Paglinang sa Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng kanilang opinion ukol sa mga sumusunod
Kabihasnan na mga tanong:

 Bakit mahalagang pag-aralan ang gender roles sa Pililipinas sa ibat’t


ibang panahon?

(Mahalagang pag-aralan ang gender roles sa Pilipinas upang maging bukas


ang ating isipan sa iba’t ibang gampanin at tungkulin ng babae at lalaki sa
lipunan upang maiwasan ang diskriminasyon at pairalin ang
pagkakapantay-pantay ng bawat kasarian).

 Sa iyong sariling pananaw, ano ang iyong mapapansin sa mga


gampanin at tungkulin ng babae at lalaki sa ating lipunan sa
kasalukuyang panahon?

(Para sa akin, naging pantay-pantay na ang karapatan sa lipunan sa


lahat ng kasarian dulot na rin ng maraming batas at pagkilos ukol dito.)
G. Paglapat ng  Ang mga mag-aaral ay gagawa ng adbokasiya sa pagsulong ng
Aralin sa Pang - araw- pagpapahalaga sa pantay na pagtingin sa kababaihan at kalalakihan sa
araw na Buhay ating lipunan.
 Papangkatin ang mga mag-aaral ayon sa kanilang hilig, interes o
talento.
Pangkat ng Manunulat - ipapakita ang adbokasiya sa
pagsulong ng pagpapahalaga sa pantay na pagtingin sa
kababaihan at kalalakihan sa ating lipunan sa pamamagitan ng
pagsulat ng sanaysay, ulat o tula.
Pangkat ng mga Malikhain sa Pagguhit – ipapakita ang
adbokasiya sa pamamagitan ng isang “Poster Slogan”.
Pangkat ng Mang-aawit – ipapakita ang adbokasiya sa
pamamagitan ng isang awitin.
RUBRIKS SA PAGSULAT
Pamantayan Deskripsyon Puntos
Nilalaman Mabisang naipakita 10
ang mensahe na
may kaisahan at
kaugnayan sa tema.
Pagkamalikhai Ang ginamit na istilo 10
n ay malinaw,
organisado,
makulay, masining
at natatangi.
Kalinisan Malinis at maayos 10
ang pagkasulat.
Madaling mabasa at
maintindihan.
Kabuuan 30

RUBRIKS SA AWITIN
Pamantayan Deskripsyon Puntos
Nilalaman Mabisang 10
naiparating ang
mensahe.
Pagkamalikhai Orihinal ang kanta 10
n at angkop ang kilos
o ekspresyon ng
kasapi.
Kalinisan Malinis at maayos 10
ang pagkakaawit.
Lahat ay sabay-
sabay.
Kabuuan 30
RUBRIKS SA PAGGUHIT/POSTER SLOGAN
Pamantayan Deskripsyon Puntos
Nilalaman Mabisang 10
nailarawan ang
mensahe.
Pagkamalikhai Maganda at malinaw 10
n ang pagkaguhit at
pagsulat ng mga
titik.
Kalinisan Malinis at maayos 10
ang pagkakabuo ng
poster at islogan.
Kabuuan 30
H. Paglalahat  Ano ang Gender Roles?
ng Aralin  Ano – ano ang mga gampanin at katayuan ng mga kababaihan
at kalalakihan sa bawat panahon sa kasaysayan ng Pilipinas?
( Sa panahon ng Pre-Kolonyal, Espanyol, Amerikano, Hapones at
Kasalukuyan).
 Sa kabuuan, anong mahalagang aral o mensahe ang iyong
natutunan batay sa paksang tinalakay?
I. Pagtataya ng Sagutan ang mga sumusunod na mga tanong sa isang pirasong
Aralin papel.

I. Panuto: Sagutin lamang kung TAMA O MALI ang mga pangungusap


na tumatalakay sa gender role sa Pilipinas.

1. Sa Panahon ng Pre-Kolonyal ang mga kababaihan ay walang


matatanggap na anuman kung sila ay makikipaghiwalay sa asawa.
(TAMA)
2. Ang mga kakabaihan sa Panahon ng Espanyol ay may kakayahan ng
bumoto at makilahok sa politika. (MALI)
3. Maipamamalas ang pagkakapantay pantay sa Pilipinas sa pamamagitan
ng paggawa lamang ng mga batas para sa kababaihan. (MALI)
4. Hanggang kasalukuyan natatamasa pa rin ang naiambag ng Panahon ng
Amerikano ukol sa pampublikong edukasyon para sa mga kababaihan at
kalalakihan. (TAMA)
5. Sa kasalukuyan ay marami ng nagsusulong ng aksyon at batas para sa
pagkakapantay pantay sa lipunan. (TAMA )
6. Ang mga binukot ay itinuturing na prinsesa na hindi maaring makita ng
kalalakihan hanggang sa ito ay magdalaga. (TAMA )
7. Sa panahon ng mga Kastila ay nakamit ng kababaihan ang karapatan sa
pagboto at pakikialam sa isyu ng politika. (MALI)
8. Si Gabriela Silang ay ilan lamang sa mga pilipina na lumaban sa mga
Kastila. (TAMA )
9. Ang pagdating ng mga Amerikano ay nagdala ng ideya ng kalayaan,
karapatan, at pagkakapantay-pantay sa Pilipinas. (TAMA )
10. Ang mga comfort women ay itinuring ng mga hapones na kapatid, ate at
magulang ng panahon ng mga hapones. (MALI)

II. Panuto: Tukuyin kung saang panahon ( Pre-kolonyal, Espanyol,


Amerikano, Hapones o sa Kasalukuyan) nakapaloob ang sumusunod
na kilos, katangian at gampanin na ipinapahayag ng bawat
pangungusap. Isulat ang sagot bago ang bilang.

(Amerikano) 1. Ang isyu sa pagboto ng mga kababaihan sa Pilipinas ay


naayos sa pamamagitan ng isang plebisito na ginananap noong Abril 30, 1937.

(Pre- Kolonyal) 2. Ang mga lalaki ay maaring kitilin ang buhay ng kanyang
asawang babae kapag nahuli niya itong kasama ang ibang lalaki.

(Espanyol) 3. Ang mga kababaihan ay inaasahan na maging mahinhin at


mapanalanginin.
(Hapones) 4. Ang mga kalalakihan at kababaihan ay naging biktima ng
pang-aabuso tulad ng panghahalay at pagpatay.

(Kasalukuyan) 5. Tinangap na ng lipunan na ang mga babae ay maaaring


magtrabaho tulad ng mga lalaki.

III. Ipaliwanag.
"Lahat ng tao ay may karapatan kahit na ang taong kakaiba ang
kasarian";Ano ang iyong pang unawa ukol dito? (May pagkakaiba
ang sagot ng mga mag-aaral)

J. Karagdagang Takdang Aralin


Gawain Para sa
Takdang Aralin at A. Magsagawa ng pananaliksik tungkol sa naging katatayuan/gampanin ng
Remediation babae at lalaki sa iba’t ibang panahon sa iyong pamayanan. Alamin din
kung paanong ang katayuan/gampaning ito ay nakaapekto sa pang-
unlad ng pamayanan. Ibahagi sa klase ang ginawang pananaliksik.

B. Magsaliksik tungkol sa kalalagayan ng babae at lalaki sa mga


sumusunod na lipunan; isulat ang sagot sa kalahating papel.
a. South Africa
b. Papua New Guinea
a. Arapesh
b. Mundugumur
c. T’chambuli
c. Arabic Community

Maaring kumuha sa internet o kaya naman sa AP 10 Learner’s Module pp. 274-


277
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba
pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin

D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation


E. Alin sa estratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan


sa tulong ng aking punong-guro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking na dibuho na
nais kung ibahagi sa mga kapwa ko guro?

You might also like