Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

KARUNUNGAN KAYO RIYAN!!!

ALAM MO BA???

𝗡𝗔𝗚𝗔𝗡𝗔𝗣 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗨𝗡𝗔-𝗨𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗟𝗔𝗚𝗧𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦


Noong April 6, 1924, naganap ang kauna-unahang balagtasan sa Pilipinas, na idinaos sa Instituto de
Mujeres sa Tondo, Manila. Dalawang mahuhusay na manunula ang nagpalitan ng linya – sina Jose
Corazon de Jesus at Florentino Collantes. Siyam na araw bago idaos ang unang balagtasan, nagtipun-
tipon ang mga mahuhusay na manunulat sa tanggapan ni Rosa Sevilla de Alvero upang maghanda sa ika-
136 taong anibersaryo ng kapanganakan ng Filipinong manunulat na si Francisco Balagtas (isinilang April
2, 1788). Layunin ng mga manunulat na magtampok ng kakaiba sa publiko, kung kaya’t naisipan nalang
baguhin ang ‘duplo’ hanggang sa isilang ang ‘balagtasan’. Ang dúplo ay isang tradisyonal na larong mala-
dula na itinatanghal kung may lamayan at tinatampukan ng mga makatang-bayan. Sa balagtasan,
binawasan nila ang dami ng kalahok at iniklian ang oras ng debate. Ginawa ring iisang paksa laman ang
debate sa duplo. Ang unang balagtasan na idinaos noong April 6, 1924 ay kinatampukan ng tatlong pares
ng manunulat. Higit na tumatak ang tagisan nina De Jesus at Collantes. Ang kanilang paksa ay "Bulaklak
ng Lahing Kalinis-Linisan." Nagwagi sa kauna-unahang balagtasan si De Jesus at itinanghal na unang
‘Hari ng Balagtasan’. Sa pagpanaw ni De Jesus noong 1932, nasalin ang titulo kay Collantes na kanyang
hinawakan hanggang kamatayan noong 1951. Inquirer Research. (April 6, 2018). DID YOU KNOW: The
first balagtasan took place at Instituto de Mujeres in Manila. Retrieved from
https://newsinfo.inquirer.net/980504/did-you-know-the-first-balagtasan-took-place-at-instituto-de-
mujeres-in-manila) Project Vinta. (April 6, 2021). The First Balagtasan. Retrieved from
https://www.facebook.com/pvinta/photos/a.1962088134038450/2928364360744151/

You might also like