Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PANITIKAN

Ang panitikan ay nagsasabi at nagbibigay ng kaalaman patungkol sa damdamin, karanasan,


hangarin at ito rin ay paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan. Ang panitikan
nagmula sa salitang “Pang-titik-an” na nangangahulugang literatura (literature) na ang salitang
literatura ay galing sa latin na litterana nangangahulugang titik. Ang panitikan ay nagpapahayag
din ng tungkol sa lipunan, pananampalataya, at mga karanasang may kaugnayan ng iba't-ibang
uri ng damdamin. Mayroong iba’t-ibang kahulugan ang panitikan ngunit iisa ang kaisipang
nakapaloob dito. Ang panitikan ay bungang-isip na isinatitik na nagpapahayag ng damdamin ng
tao tungkol sa iba’t-ibang bagay, karanasan, kaisipan at pinagdadaanan. Sa madaling salita,
ang panitikan ay realidad ng lipunan, sa pamamagitan ng panitikan naipapahayag ng isang tao
ang kanyang minimithi, paniniwala, opinyon at kaisipan tungkol sa isang bagay. Batay sa
panahon, ang panitikan ay maaaring lipat-dila o pasulat ibig sabihin, dito tinatalakay ang
panitikan mula sa panahon bago dumating ang mga Kastila kung saan hindi pa marunong
magsulat ang ating mga ninuno hanggang sa kasalukuyang panahon.

TUNGKULIN NG PANITIKAN
Ang Panitikan ay may malaking bahagi sa ating buhay sa pang-araw-araw na gawain, ito ay
nagbibigay ng kaalaman sa atin upang malaman ang mga naging buhay ng sinaunang tao, mga
kultura, mga nagawang tula at iba pa. Kahit sa kasalukuyang kaganapan kailangan natin itong
pahalagahan dahil ito ay parte ng ating nakaraan, kasalukuyan at hanggang sa mga darating na
panahon.

ANG MAKABAGONG PANITIKAN SA KASALUKUYANG PANAHON


Kay bilis ng paglipas ng panahon na kasabay ng madaling pagbabago, sa panahon natin
ngayon na pawang mga teknolohiya ang mga pinakamabisang gamit. Kaya naman naging
madali ang pagpapahalaga ng mga tao dahil sa kanilang saloobin sa pamamagitan ng
teknolohiya, dahil na rin sa mabilisang presensya ng input at feedback ng mga impormasyon sa
pamamagitan ng chat, fb, twitter, blog, instagram, tumblr, youtube, email at iba pa. Kaya naman
ang mga libro, dyaryo, at iba pang klase ng limbag na babasahin ay madalang nang nagagamit
at basahin, dahil na din sa mabilisang pagbabagi dulot ng telnolohiya.

ANG PANITIKAN SA KASALUKUYAN


Ang Panitikan ay nagsisilbing tulay para makuha at mabatid natin ang kaugnayan ng
kasalukuyan sa nakaraan, upang sa ganon maharap natin ang darating ng may lakas at talino.
Sa kasalukuyan sinasalin ang mga panitikan hindi lamang sa pahayagan, magazine at aklat,
hindi lamang sa anyo ng pelikula, palabas at telebisyon o kaya’t pang radyo, kundi sa
pamamagitan din ng “high-technology” ang internet, dahil sa internet nagkaroon ng “blogging”,
“video clipping” at “audio airing” na patuloy na bumubuhay sa panitikan hindi lang sa Pilipino
kundi pati na rin sa ibang lahi. Patuloy na dumarami ang mga manunulat na mga Pilipino sa
iba’t-ibang anyo at uri ng panitikan gamit ang iba’t-ibang “media platforms”. Ilan sa mga patunay
nito ay ang mga iba’t-ibang tula, dagli at iba pang akda na mababasa natin sa mga facebook
posts, o kaya ay sa mga blog. Sa kasalukuyan iba-ibang paksain sa iba’t-ibang anyo ng
panitikan ang patuloy na pumapain lang, ito ay dahil sa higit na naging malawak ang karanasan
ng mga Pilipino bunga ng maraming pangyayari sa ating bansa. Mababatid na sumasabay ang
panitikan sa modernisasyon ng mundo, sa pabago-bagong aspekto ng teknolohiya at internet.
Ang modernisasyon na ito ay nagluwal sa makabagong anyo sa pamamagitan ng patula, pa-
kwento at iba pang anyo ng panitikan, dahil dito naging isang kasangkapan ang panitikan upang
masalamin ang kultura at pamumuhay ng pangkasalukuyang lipunan upang mas maintindihan
ito ng mga susunod na henerasyon.

You might also like