Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

DR. JOSE P.

RIZAL

ANG ATING PAMBANSANG BAYANI


Si Dr. Jose Rizal ay halimbawa ng isang henyo na may maraming angking talento. Marami
siyang nagawang mga bagay. Siya ay isang doktor, manunulat, pintor, arkitekto, dalubwika, inhinyero,
magsasaka, ekonomista, propeta at marami pang iba. Siya ay isang bayani na namatay sa pagtanggol ng
kanyang bansa at kapwa. At dahil dito, siya ay tinaguriang ating pambansang bayani.
Ang Kapanganakan ni Rizal
Si Rizal ay ipinanganak sa araw ng Miyerkules noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna.
Muntik-muntikan nang mamatay ang kanyang ina sa pagpanganak sa kanya dahil sa kalakihan ng
kanyang ulo.
Bininyagan siya ni Padre Rufino Collantes noong Hunyo 22. (Siya ay 3 araw pa lamang noon.) Si
Padre Pedro Casanas ang kanyang ninong na isang malapit na kaibigan ng pamilya. Pinangalanan siya
ng kanyang ina ng “Jose” na kinuha sa pangalang San Jose.
Nang siya’y bininyagan, si Padre Collantes ay namangha sa kalakihan ng ulo ni Rizal. Kahit ang
pari ay nagsabing: “Alagaan niyo ang batang ito, dahil balang-araw siya’y magiging dakilang tao.”
Mga Magulang ni Rizal
Si Rizal ay ikapito sa labing-isang anak nina Francisco Mercado Rizal at Teodora Alonso
Realonda. Si Francisco Mercado Rizal ay ipinanganak sa Biñan, Laguna noong Mayo 11, 1818. Nakapag-
aral siya ng Latin at Pilosopiya sa Colegio de San Jose sa Maynila. Bata pa lamang siya nang maulila sa
kanyang mga magulang at dahil dito, lumuwas siya ng Calamba at naging magsasaka sa hacienda ng mga
Dominikano.
Si Teodora Alonso na ina ni Rizal ay ipinanganak sa Maynila noong Nobyembre 8, 1826. Nag-
aaral ito sa Colegio ng Santa Rosa at may husay sa panitikan at magaling sa negosyo.
Nagkakilala sila sa Maynila habang nag-aaral doon si Francisco at nagpakasal sila noong Hunyo
28, 1848 at namuhay sa Calamba kung saan sila nagpatayo ng negosyo. Nagkaroon sila ng 11 anak na
nagngangalang Saturnina, Paciano, Narcisa, Olimpia, Lucia, Maria, Jose, Concepcion, Josefa, Trinidad
at Soledad. Ang mga magulang ni Rizal ay namatay sa Maynila. Si Francisco ay namatay noong Enero 5,
1898 sa edad na 80 at si Teodora naman ay noong Agosto 16, 1911 sa edad na 85.
Mga Anak na Rizal
1. Saturnina (1850-1913) – ikinasal kay Manuel T. Hidalgo ng Tanawan, Batangas. Kilala rin bilang
Neneng.
2. Paciano (1851-1930) – sa pagkamatay ni Rizal, sumali siya sa Rebolusyon ng Pilipinas at naging
heneral. Pagkatapos
ng rebolusyon, nagretiro at naging magsasaka siya sa Los Baños. Namatay siya noong Abril
13, 1930 sa edad
na 79 taong gulang. Mayroon siyang dalawang anak, isang lalaki at isang babae, kay
Severina Decena.
3. Narcisa (1852-1934) – kilala bilang si Sisa. Ikinasal kay Antonio Lopez na isang guro sa Morong.
4. Olimpia (1855-1887) – kilala sa pangalang Ypia; ikinasal kay Silvestre Ubaldo na isang operator ng
telegrapo na mula
sa Maynila.
5. Lucia (1857-1919) – nagpakasal siya kay Mariano Herbosa ng Calamba na pamangkin ni Padre
Casañas.
6. Maria (1859-1945) – kilala siya sa pangalang Biang. Nagpakasal siya kay Daniel Faustino Cruz ng
Biñan, Laguna.
7. Jose (1861-1896) – kilala bilang si Pepe. Nang ipinatapon siya sa Dapitan, namuhay siya kasama si
Josephine Bracken,
babaeng Irish na taga Hong Kong. Nagkaroon sila ng anak ngunit namatay ilang oras
pagkapanganak.
Pinangalanang “Francisco” na hango sa kanyang ama.
8. Concepcion (1862-1865) – kilala bilang si Concha. Namatay dahil sa sakit 3 taong gulang pa lamang.
9. Josefa (1865-1945) – kilala bilang Panggoy. Namatay bilang isang matandang dalaga sa edad na 80.
10. Trinidad (1867-1951) – kilala bilang si Trining. Namatay rin bilang isang matandang dalaga sa edad
na 83.
11. Soledad (1870-1929) – kilala bilang si Choleng. Nagpakasal kay Pantaleon Quintero ng Calamba.
Mga Ninuno ni Rizal
Si Rizal ay may dugong Indonesian, Malay, Intsik, Hapones, at Kastila. Ang kanyang ama ay
may lahing Intsik at ang kanyang ina ay may lahing Hapones, Intsik at Kastila. Ang tunay na apelyido ng
mga Rizal ay Mercado. Ang apelyidong “Rizal” ay pangalawang apelyido na pinangalan sa kanila ng
alkalde mayor ng Laguna na kaibigan ng kanyang mga magulang.
Ang Bahay ng mga Rizal
Ang bahay ng pamilyang Rizal ay isa sa mga kilalang bahay na bato sa Calamba sa panahon ng
mga Kastila. Ito ay dalawang palapag, parihabang gusali na binuo sa adobe at matigas na kahoy at may
pulang patong na bubong.
Sa likod ng bahay ay ang manukan na punô ng mga manok at pabo at may malaking hardin na
may atis, balimbing, chico, makopa, papaya, santol, at iba pa.
ANG KABATAAN NI RIZAL SA CALAMBA
Calamba
Ang lupain ng Calamba ay pag-aari ng mga Dominiko. Pag-aari rin ng mga Dominiko ang lahat
ng mga lupain sa paligid ng Calamba. Sa Timog ay ang maalamat na Bundok Makiling at ang lalawigan
ng Batangas. Sa Silangan ay ang Laguna de Bay. Sa Hilaga ay ang Antipolo.
Mga Alaala sa Kabataan ni Rizal
Maraming alaala si Rizal nang siya’y maliit pa lamang. Una ay ang masasayang oras niya
kasama ang kanyang mga magulang sa kanilang bakuran. Pangalawa ay ang pagiging maka-Diyos.
Nananalangin sila ng orasyon at pagdating ng gabi ay nagsasama silang magpamilya na nananalangin.
Pangatlo ay ang mga

alamat na binabasa sa kanya ng kanyang yaya pagkatapos manalangin. At ang huli ay ang paglalakad
nila ng kanyang yaya sa kanilang barangay papuntang ilog lalo na kung bilog ang buwan.
Unang Kalungkutan ni Rizal
Si Concepcion ang pinakamalapit na babaeng kapatid ni Rizal. Isang taon lamang ang agwat nila
sa isa’t-isa.
Ngunit, si Concha ay namatay dahil sa sakit nang siya’y 3 taong gulang pa lamang. At sa kauna-
unahang pagkakataon, siya’y umiyak dahil sa pagmamahal at kalungkutan.
Anak ng Simbahan
Sa edad na 3 taon, si Rizal ay nag-umpisang makilahok sa pampamilyang panalangin. Ang
kanyang ina ang nagturo sa kanya ng mga Katolikong panalangin. At sa edad na 5, kaya na niyang
magbasa ng kaunting Kastilang bibliya.
Dahil sa kanyang pagiging relihiyoso, binansagan siyang “Manong Jose” ng hermanos at
hermanas terceras. At isa sa kanyang idolo ay si Padre Leoncio Lopez, ang pari ng kanilang barangay.
Unang Tula ni Rizal
Sa edad na 8, siya’y nakapagsulat ng pinakauna niyang tula na pinamagatang, “Sa Aking mga
Kababata”
EDUKASYON SA CALAMBA AT BINAN
Sa Calamba at Binan ang mga unang bahagi ng pag-aaral ni Rizal. Ito ay isang tipikal na pag-
aaral ng anak na lalaki ng isang illustradong pamilya. Kahit na ang sistema ng edukasyon ay hindi
perpekto, naihanda ni Rizal ang sarili sa mga gawaing-pangkolehiyo sa Maynila at sa ibang
bansa.
Unang Guro
. Ang ina ni Rizal ang kanyang unang guro. Natutunan niya ang alpabeto at mga panalangin sa
edad na tatlo.
Matiisin at maunawain si Dona Teodora. Siya ang unang nakatuklas ng talento ni Rizal sa
panulaan. Upang
hindi mainip si Rizal sa kasasaulo ng alpabeto, kinukwentuhan niya ito ng iba’t-ibang kwento. Kumuha
ng mga pribadong guro ang mga magulang ni Rizal nang siya’y lumaki. Si Maestro Celestino ang una at
sinundan ni Maestro Lucas Padua. Nang lumaon, si Leon Monroy na dating kaklase ng ama ni Rizal ang
naging guro. Nanirahan ang gurong ito sa bahay ng mga Rizal at nagturo ng wikang Espanyol at Latin.
Sa kasamaang palad, namatay siya pagkalipas ng limang buwan.
Nagdesisyon ang mga magulang ni Rizal na pag-aralin siya sa isang pribadong paaralan sa Binan
matapos mamatay ni Monroy.
Binan
Iniwan ni Rizal ang Calamba kasama si Paciano noong Hunyo 1869. Sumakay sila sa carromata at
narating ang Binan matapos ang isa’t-kalahating oras. Pumunta sila sa bahay ng kanilang tiyahin kung
saan mananatili si Rizal.
Nang gabing iyon, nakilala ni Rizal ang pinsan niyang si Leandro. Nagliwaliw sila sa bayan
ngunit hindi nasiyahan si Rizal dahil sa pangungulila.
Unang Araw Sa Paaralan.
Nang sumunod na araw, dinala ni Paciano si Rizal sa paaralan ni Maestro Justiniano Aquino Cruz.
Ang paaralan ay nasa bahay ng guro na isang maliit na kubo at tatlumpung metro ang layo mula sa
bahay ng tiyahin ni Rizal. Kilala ni Paciano ang guro dahil dati siya nitong mag-aaral. Ipinakilala niya si
Rizal dito bago bumalik sa Calamba.
Unang Away Sa Paaralan.
Isang hapon, habang nagsi-siesta ang guro ay nakilala ni Rizal ang maton ng paaralan na si Pedro.
Galit si Rizal sa kanya dahil palagi siya nitong pinagtatawanan. Kaya hinamon niya ito sa isang labanan
na tinanggap naman ni Pedro. Akala niya ay matatalo niya si Rizal dahil maliit at mas bata ito sa kanya.
Nag-away ang dalawang bata sa silid-paaralan. Natalo ni Rizal ang mas malaking bata dahil
natutunan niya ang lumaban mula sa kanyang Tio Manuel. Dahil dito, naging popular siya sa kanyang
mga kaklase.
Pagkatapos ng klase, hinamon ni Andres Salandanan si Rizal sa isang labanan gamit ang mga
bisig. Pumunta sila sa bangketa at doon nag-away. Nawalan ng lakas si Rizal at muntik nang mabunggo
ang kanyang ulo sa bangketa.
Nang mga sumunod na araw, nagkaroon pa si Rizal ng ibang laban. Hindi siya palaaway ngunit
hindi siya tumatakbo sa isang laban.
Pinakamagaling Na Mag-aaral Sa Paaralan.
Mas magaling si Rizal sa wikang Espanyol, Latin, at iba pang asignatura kaya natalo pa niya ang lahat
ng mga lalaki sa klase. Nainggit ang mga nakakatandang kaklase ni Rizal sa kanya kaya nagsusumbong
sila sa guro tuwing may away si Rizal sa labas ng paaralan. Nagsisinungaling pa sila para mapasama si
Rizal sa mata ng guro kaya siya’y napaparusahan.
Katapusan Ng Pag-aaral Sa Binan.
Bago mag-Pasko noong 1870, nakatanggap si Rizal ng sulat mula kay Saturnina na nagsasabing ang
barkong Talim ang maghahatid sa kanya mula Binan patungong Calamba. Nang mabasa niya ang sulat,
pakiramdam niya’y hindi na siya makakabalik sa Binan kaya siya’y nalungkot. Nagdasal siya sa
simbahan, nangolekta ng mga alaala at nagpaalam sa kanyang guro at mga kaklase.
Iniwan niya ang Binan noong ika-17 ng Disyembre, 1870 matapos ang isa’t kalahating taon ng
pag-aaral. Nagalak siyang sumakay sa Talim dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakasakay
siya ng barko. Nakilala niya dito si Arturo Campos, isang kaibigan ng kanyang ama na siyang nag-alaga
sa kanya sa barko.
Kawalang-Katarungan Para kay Dona Teodora.
Isang kapahamakan ang nangyari sa pamilya Rizal bago sumapit ang Hunyo, 1872. Inaresto si Dona
Teodora dahil pinagbintangan sila ng kapatid niyang si Jose Alberto ng asawa nito ng tangkang paglason
sa
kanya.

Isang mayamang illustrado ng Binan si Jose Alberto. Habang siya’y wala, pinabayaan ng asawa niya ang
bahay at mga anak nila. Kararating pa lang niya mula sa isang paglalakbay-pangkalakal sa Europa nang
malaman niyang nakatira ang asawa niya sa bahay ng ibang lalaki. Galit na galit siya kaya nagdesisyon
siyang hiwalayan ito.
Ayaw ni Dona Teodora ng eskandalo sa pamilya kaya kinumbinsi niya si Jose Alberto na
patawarin ang asawa nito. Naayos ang gulo sa pamilya ngunit nagsampa ng kasong “tangkang paglason”
sa korte ang masamang asawa ni Alberto kasama ang tinyenteng Espanyol kina Dona Teodora at Jose
Alberto.
May hinanakit sa pamilayng Rizal ang tinyente sapagkat tumangging magbigay ng pagkain si
Don Francisco sa kabayo ng tinyente. Naghiganti siya sa pamamagitan ng pag-aresto kay Dona Teodora
sa tulong ng gobernadorcillo ng Calamba na si Antonio Vivencio del Rosario. Ang tinyente at ang
gobernadorcillo ay madalas na mga panauhin sa bahay ng mga Rizal.
Matapos maaresto, sapilitang pinalakad si Dona Teodora ng tinyenteng Kastila mula Calamba
patungong Santa Cruz na may limampung kilometro ang layo. Ibinilanggo sa Kulungan ng Probinsiya si
Dona Teodora nang marating niya ang Santa Cruz. Nagtiis siya ng dalawa’t-kalahating taon bago siya
napawalang-sala ng Royal Audencia (Kataas-taasang Hukuman) ng Maynila.
“Ang aming ina ay walang-katarungang kinuha sa amin ng mga taong naging kaibigan namin at
itinuring na mga kagalang-galang na panauhin”, sabi ni Rizal sa gunita ng kanyang kabataan.
SI JOSE RIZAL SA UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS
Pinakalumang paaralan sa Pilipinas ang Unibersidad ng Santo Tomas na itinatag ng mga
Dominikong prayle. Ito ay matatagpuan sa Espana Street, Sampaloc, Maynila. Ang unibersidad na ito
ang kahuli-hulihang paaralan na pinasukan ni Rizal sa Pilipinas. Nagpatala siya dito nang matapos niya
ang Batsilyer sa Sining sa Ateneo Municipal noong 1877. Nakaranas si Rizal ng diskriminasyon sa lahi sa
paaralang ito. Kahit na siya ang pinakamatalinong mag-aaral, kailanman ay hindi siya nabigyan ng
anumang parangal sapagkat siya’y may maitim na balat. Naniniwala ang mga Dominikano na ang mga
taong may maiitim na balat ay mas mababa kaysa sa mga puting lahi gaya ng mga Kastila.
Unang Pag-ibig Ni Jose Rizal.
Naranasan ni Rizal na magkaroon ng unang pag-ibig nang siya ay nag-aral sa UST. Nakilala niya si
Segunda Katigbak na labin-apat na taong gulang at kapatid ng kaibigan niyang si Trozo. Pumasok sa
parehong kolehiyo kung saan tumutuloy ang kapatid na babae ni Rizal. Binisita ng magkaibigan ang mga
kapatid nilang babae na naging magkaibigan din. Napaibig si Rizal kay Segunda ngunit pinilit niyang
ilihim ito sapagkat si Segunda ay may katipan na. Sa edad na labinwalo, kumilos siya bilang isang
mabuting tao; pinangasiwaan niya ang sarili sa pamamagitan ng pag-uuna ng kanyang pag-aaral at mga
tungkulin. Naakit si Rizal kay Segunda sa angkin nitong kariktan at mga talent, kaaya-ayang tinig,
matatamis at mapangusap na mga mata, at ang kanyang halina at mapanggaping kiyas. Bilang mga
tipikal na magkasintahan, nagkikita sila sa mga pinakamaayos na kalagayan. Gumawa si Rizal ng dibuho
niya at nagburda naman siya ng rosas sa bigkis ng sumbrero ni Rizal. Nang lumaon, nakipagkalas si
Segunda sa kanyang katipan nang walang anumang pamimilit mula kay Rizal. Hindi sinabi ni Rizal ang
kanyang pag-ibig kay Segunda sa kabila ng karikatan at kasanayan nito, hanggang sa magkahiwalay sila
dahil sa bakasyon sa Pasko. Umuwi si Segunda sa Batangas at nang dumaan sa Calamba ay napangiti ito
ng kaytamis kasabay ng pagkaway ng panyo nito, ngunit sa napakamahiyain ni Rizal, kinaway lamang
niya ang kaniyang sumbrero. Wala siyang lakas ng loob na lapitan si Segunda at iyon ang kahuli-
hulihang pagkakataon na nakita nila ang isa’t-isa. Napakalungkot ni Rizal nang bumalik siya sa Maynila
matapos ang pagdiriwang sa “Tatlong Hari” dahil sa kanyang kabiguan sa unang pag-ibig.
Si Jose Rizal Bilang Mag-aaral Ng Medisina.
Mas interesado si Rizal sa Pilosopiya at Letra kaysa sa ibang bagay. Hindi siya halos makilala ng
kanyang ina na si Dona Teodora nang umuwi siya noong 1878 para sa bakasyon sa Pasko sapagkat
nanlalabo na ang mga mata nito dulot
ng mga depekto sa mata. Mahal na mahal ni Rizal ang kanyang ina at hindi niya makaya ang kondisyon
nito. Walang espesyalista sa mata sa Calamba o sa mga karatig-bayan para maipagamot ang mga mata
ng kanyang ina. Nagdesisyong
lumipat ng kursong pinag-aaralan si Rizal mula sa Pilosopiya sa Medisina hindi lamang para magamot
ang mga mata ng kanyang ina kundi makapaglingkod na rin sa mga kababayang Pilipino.
Pumasok siya sa UST Kolehiyo ng Medisina sa simula ng taong 1878-1879. Nag-aral siya ng
buong puso kahit na hindi niya gusto ang napiling kurso at nagpakadalubhasa sa optalmolohiya. Hindi
niya nagustuhan ang paraan ng pagtuturo sa UST sapagkat ang ginagamit nila ang paraan ng
pagsasaulo.
Kasunduan ni Rizal at Paciano.
Noong 1878, malapit sa isa’t-isa ang magkapatid na Jose at Paciano sapagkat sila lamang ang mga lalaki
sa malaking pamilya. May kasunduan sila tungkol sa kanilang pag-ibig sa bayan at kapwa Pilipino.
Napagkasunduan nila na si Paciano ang magbibigay ng lahat ng mga pangangailangan niya gayundin ang
pag-aalaga sa kanilang mga magulang at mga kapatid na babae. Ipaghahanda naman ni Jose ang sarili
bilang isang matalinong tao upang may magawa siyang makapagbibigay ng kalayaan sa mga Pilipino.
Kukuha siya ng isang matibay na edukasyon at paghahanda sa katalinuhan na magpamuno ng may lakas
at kapangyarihan, awtoridad at karangalan, isang samahan na ang pangunahing layunin ay kalayaan
mula sa mga kolonyalistang Espanyol. Nangako si Rizal kay Paciano na ipaghahanda niya ang sarili sa
pakikipaglaban para sa kalayaan ng mga Pilipino. Nagkasundo sila na isa lang sa kanila ang mag-
aasawa.
Si Leonor Rivera
Noong 1879, maraming nakilalang kababaihan si Rizal sa Maynila ngunit hindi siya kailanman
nagkaroon ng malalim na ugnayan sa kanila. Gusto lamang niya makipag-usap dahil sa kanyang kultura
at talino.
Isang hapon, binisita nila ni Paciano ang tiyuhin nila na si Antonio Rivera na may bahay-
pangaserahan sa Maynila. Dito niya nakilala ang pinsan niyang si Leonor Rivera na labintatlong taong
gulang at anak ng Tio Antonio niya. Siya ay may napakagandang kutis, may nakalulugod na tinig at siya
ay may kakayahang magdala ng isang kagiliw-giliw na usapan. Siya ay maganda, may kaakit-akit na mga
mata,

magandang noo, at napakaliit na bibig. Napaibig si Rizal sa kanya sa unang tingin pa lang. Nanatili si
Rizal sa bahay na ito sa isang tiyak na panahon bago siya pumunta ng Europa. Sa pagdaan ng panahon,
nagbalitaan sila sa pamamagitan ng sulat at natigil ito noong 1891.
ANG UNANG PAGLALAKBAY SA EUROPA
Bago ang kanyang pag-alis ay humingi muna siya ng pahintulot mula kay Leonor, sa kanyang
nakatatandang kapatid na si Paciano at ang tiyuhin niyang si Antonio Rivera. Ang kanyang tunay na
motibo sa pag-alis sa Pilipinas ay sikreto lamang sa pagitan nilang magkapatid at yun ay para
makapaghanda siya upang maipagtanggol ang kanyang bayan at ibalik ang kalayaan ng mga
mamamayang Pilipino.
Mula sa Calamba, gumising nang maaga si Jose at humalik sa kamay ng kanyang mga
magulang. Humalik lamang siya sa kanyang mga kapatid na babae habang sila’y tulog pa. Umalis siyang
hindi sinasabi ang mabigat na damdamin sa pagpapaalam sa kanyang mga mahal sa buhay at pinigilan
na lamang niya an gang pag-agos ng kanyang luha. Nang ang carromata na magdadala sa kanila sa
Maynila ay malayo-layo na mula sa kanilang bahay, doon na nagpakawala ng iyak si Jose. Ito ang kauna-
unahang pagkakataon na mahihiwalay siya sa kanilang tahanan at pati na rin ang mapunta sa ibang
bansa. Alam niyang hindi siya papayagan ng kanyang mga magulang na lumabas ng bansa kaya itinago
nila ito sa kanilang dalawa.
Malungkot si Jose sapagkat siya’y mahihiwalay sa kanyang tatlong pinakadakilang minamahal;
ito ay: ang kanyang pagmamahal sa bayan; ang kanyang pagmamahal sa pamilya at ang kanyang
pagmamahal sa para sa mga kaibigan.
Sa Maynila, siya’y nagpaalam sa kanyang mga kaibigan, kay Leonor at sa mga prayle.
Nangulekta siya ng mga liham rekomendasyon mula sa mga Hesuwita sa kanilang mga kasamahan sa
Espanya.
Ang Paglisan
Si Rizal ay naghandang mabuti sa paglalakbay na ito na pinag-usapan nila nina Paciano at ng
tiyuhing si Antonio. Sa araw ng kanyang pag-alis, binigyan siya ni Paciano ng 356 Mehikanong piso. Ang
kanyang pasaporte ay ibinigay sa kanya ng kanyang tiyuhin na may pangalang “ Jose Mercado.” Mahal
ang tiket na kanyang kinuha sa barkong Salvadora na magdadala sa kanya sa Singapore. Hinatid siya ng
kanyang mga kaibigansa daungan sa Ilog Pasig. Siya’y umalis noong Mayo 2, 1882.
Habang paalis na siya ng Maynila, namamayani sa kanyang puso ang kalungkutan. Napansin
niyang siya lang ang nag-iisang Pilipino sa bapor. Karamihan sa mga pasahero ay mga Pranses, Kastila
at mga taga-Britanya. Kinukutya nila ang Pilipinas na kung saan sila yumaman . Ang bapor na kanyang
sinakyan ay nakadaung sa Singapore makalipas ang limang araw. Tumuloy siya sa Hotel de Paz sa
dalawang araw ng pagtigil ng bapor at ginugol niya ang kanyang oras sa pagbisita sa mga
makasaysayang lugar, mga botanical garden, mga templo, art galleries at pagsusulat sa kanyang
taalarawan at mga liham. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita ni Rizal ang Singapore at nabighani
ito sa kanyang kagandahan at kaunlaran. Siya’y namangha sa paggalang ng mga taga-Singapore sa
kanilang pamahalaan at sa kanilang mga opisyal, kung ikukumpara sa mga Pilipinong takot sa mga
Kastilang opisyal. Mula sa Singapore, sumakay siya sa bapor Djemna, isang Pranses na bapor na
naglalayag papuntang Europa. Napansin ni Rizal na ito’y malinis kaysa sa Salvadora sa lahat ng aspeto.
Nasiyahan siya sa hindi pangkaraniwang kalinisan nito at napansin niya rin na ang lahat ay kumikislap.
Sa barkong ito, ang banyo’y napakaganda, ang mga kuwarto ay malinis at maliliwanag. Mayroon ring
silid-aklatan sa bapor. May maraming dayuhang pasahero at siya lamang ang nag-iisang Indiyo.

SI RIZAL SA BARCELONA, SPAIN


Sa ika-15 ng Hunyo 1882, dumating si Rizal sa Barcelona, Spain. Wala siyang mga magagandang
impresyon sa lungsod at sa mga tao nito. Marami sa kanila ay mga malulupit sa mga Pilipino. Iyon ay
tag-araw at marami siyang oras na magsulat ng liham para sa kanyang pamilya at mga kaibigan.
Mayroon na lamang siyang 29 na pisong natitira. Nakatanggap siya ng sulat mula kay Paciano na
makakatanggap siya ng buwanang baon na 35 piso. Sinabi din niya kay Rizal kung gaano kalungkot ang
kanyang mga magulang nang malaman nilang nasa Espanya na siya.
Ang mga Pilipino sa Barcelona ay magiliw na tinanggap si Rizal, karamihan sa kanila ay mga
kaeskwela sa Ateneo. Binigyan nila si Rizal ng salu-salo sa paborito nilang restawran sa Plaza Cataluna.
Masayang-masaya silang makita ulit ang isa’t isa. Nakipagpalitan ng mga balita si Rizal mula sa bayan at
ikinuwento naman nila ang mahahalagang atraksyon ng Barcelona at ang kaugalian ng mga Kastila.
Habang nasa Barcelona, nagsulat si Rizal ng makabayang sanaysay, ang “ Amor Propio” na
nangangahulugang pagmamahal sa sariling bayan. Isinumite niya iyon sa Diariong Tagalog at nilagdaan
ng “Laong Laan.” Ang Diariong Tagalog ay isang diyaryo sa Maynila na naisusulat sa Espanyol at
Tagalog. Si MarceloH. Del Pilar ang tagapagsalin niyon sa Tagalog. Ang artikulong iyon ay humikayat sa
mga Pilipino na mahalin ang kanilang nag-iisa at tanging bansa.
Sa isang liham kay Leandro Lopez, inilarawan ni Rizal ang mga kababaihang Kastila na may mga
kaakit-akit na mata, ilong, bibig at balat ngunit kulang sa ekspresyon at walang kasariwaan at
kainosentehan ang mga mukha.
Si Rizal sa Madrid
Pumunta si Rizal ng Madrid sa Espanya noong Setyembre 1882 para pumasok sa Unibersidad
Central de Madrid. Kumuha siya ng Medisina at Pilosopiya at Letra. Bukod dito, nag-aral din siya ng
pagpipinta, paglililok at iba’t
ibang wika (French, German, at English) sa ilalim ng isang pribadong guro. Nag-aral din siya ng
musika. Nakapunta siya
sa iba’t ibang museo at nakabasa ng mga librong may iba’t ibang paksa kabilang na ang Military
Engineering nang sa ganon ay mapalawak niya ng kanyang kaalaman sa kultura.
Namuhay ng simple si Rizal sa Madrid, walang masyadong gastos sa mga bagay na hindi niya
kailangan. Ginamit niya ng kanyang pera para sa pagkain, damit, upa at mga libro. Ginamit niya ng
kanyang libreng oras para magbasa at magsulat sa kanyang inuupahan at pumupunta siya sa mga
pagtitipon ng mga Pilipinong estudyante at nag-iinsayo ng iskrima at baril sa gym.

Ang mga Pilipino ay dumadalaw sa bahay ng dating mayor ng Maynila noong 1870 na si Don Pablo
Ortiga Y Rey tuwing Sabado ng gabi. Itinalaga siyang Pangulo ng Konseho para sa Pilipinas . Mayroon
siyang anak na babae, si Consuelo Ortiga na umibig kay Rizal. Isa siyang matalinong babae at wala ng
ina mula pagkabata. Maraming Pilipino ang nanliligaw kay Consuelo ngunit ang tanging gusto niya ay si
Rizal. Masaya rin naman si Rizal tuwing magkasama sila ni Consuelo pero bago nahulog ang loob niya,
umiwas si Rizal dahil nakatakda siyang magpakasal kay Leonor Rivera at ang kanyang kaibigan at
kasama sa gawain sa Propaganda Movement na si Eduardo de Lete ay patay na patay kay Consuelo.
Ayaw ni Rizal na masira ang kanilang pagkakaibigan ng dahil sa isang babae.
Rizal bilang Mason
Sumali si Rizal sa Freemasonry sa Madrid dahil siya ay nabighani kung paano batikusin ng
lantaran ng mga Kastilang Mason ang mga batas ng pamahalaan at relihiyosong istilo ng mga prayle na
bawal sa Pilipinas. Naging miyembro siya ng Masonic Lodge Acacia noong Marso, 1883,
Ang kanyang layunin sa pagsali sa masonry ay upang makakuha ng tulong sa kanyang paglaban
sa mga prayle sa Pilipinas. Ginagamit ng mga prayleng Kastila ang relihiyong Katoliko ng Pilipinas
upang payamanin ang kanilang mga sarili. Sa huli ay lumipat siya sa La Solidaridad at naging
dalubhasang mason. Ang tanging masonikong sinulat niya ay isang lektyur sa pamagat na “ Science,
Virtue ang Labor” na binigkas sa Madrid noong 1889. Ang lektyur na ito ay nagpapahayag na “
tungkulin ng modernong tao na gawin ang isang bagay para sa kaligtasan ng sangkatauhan, na tanging
magagawa lamang ng isang kapaki-pakinabang at may dignidad na tao, ito ay magreresulta ng
kaligayahan ng mas maraming tao at pagdusa ng ilan.” Ang paniniwalang ito ay kilala bilang
Utilitaryanismo.
Problemang Pinansiyal ni Rizal
Hindi nakapagpadala si Paciano ng 35 piso para sa kanyang buwanang panggastos. Nagkaroon
kasi ng problema sa pag-aani ng palay at asukal dahil sa tagtuyot, pagtaas ng renta sa lupa ng mga
prayle, naghihirap kaya hindi nakapagpadala si Paciano ng pera. Hindi nakakain ng almusal si Rizal
noong Hunyo 24, 1884 dahil wala na siyang pera. Kahit gutom sa klase ay nakilahok pa rin siya sa
paligsahan sa lengguwahe ng Griyego at nanalo ng ginto sa patimpalak. Nakakain siya ng hapunan
kinagabihan dahil naging panauhing pandangal siya siya sa isang pagtitipon bilang parangal kina Juan
Luna at Felix Resurrection Hidalgo. Nanalo ang Spolarium ni Luna ng unang gantimpala at pangalawa
ang kay Hidalgo sa National Exposition.
Ang kanyang talumpati ay tinanggap ng isang masigabong palakpakan mula sa mga magagaling
na Kastila dahil minsan lang daw silang makarinig ng isang Indiyong walang takot sa pagsasalita na
galing sa Pilipinas, si Jose P. Rizal. Ang kanyang talumpati ay nasasabing isang mensahe para sa mga
prayle. Ang kanyang mga sinabi ay nagkaroon ng epekto sa mga Pilipino, binati nila si Rizal. Nang
nalaman ng ina ni Rizal ang tungkol sa kanyang talumpati sa Madrid ay agad siyang sinulatan ng
kanyang ina at pinaalahanan na huwag niyang kalimutan ang mga itinuro nito sa kanya noong bata pa.
“Huwag kang sumali sa mga bagay na ikalulungkot ko. Huwag mong biguin ang iyong pagiging
Kristiyano. Minsan, ang kaalaman ang siyang sisira sa atin”, aniya ng kanyang ina.
Ang kanyang talumpati ay nag-iwan ng malaking epekto sa mga prayle sa Maynila at itinuring nila
itong labag sa batas. Ang kanyang ina ay nagkasakit dahil sa matinding pag-aalala sa magiging
kahihinatnan ng mga binitiwang salita ni Rizal.
Noong Agosto, 1884, si Paciano ay nakaranas ng matinding problemang pinansiyal na naging sanhi
ng pag-antala ng pagpapadala nito. Malapit nang matapos ni Rizal ang kanyang pag-aaral at ang pag-
uwi niya ay pinag-uusapan na. Dahil sa ilang taon na pagkawala ni Rizal sa Pilipinas ay nasasabik na
siyang umuwi. Ito ang huling taon niya sa pamantasan.
Kursong natapos sa Espanya.
Natapos ni Rizal ang kanyang kursong medisina sa Espanya. Siya ay pinarangalan ng Degree of
Licentiate sa Medisina sa Universidad Central de Madrid noong ika-24 ng Hunyo, 1884. noong 1884-
1885, siya ay nag-aral at nakapasa sa lahat ng kanyang asignatura at nakakuha ng Degree of Doctor of
Medicine. Hindi niya nakuha ang kanyang diploma dahil wala siyang pereng pambayad sa lahat ng mga
gastusin sa unibersidad at ang kanyang thesis na kailangan para makapagtapos siya.
Siya ay nakapag-aral at nakatapos rin ng Pilosopiya at Letra na may mataas na marka. Siya ay
pinarangalan ng Degree Licentiate in Philosophy and Letters ng Universidad Central de Madrid noong
ika-19 ng Hunyo, 1885 (ang kanyang ika-24 na kaarawan) na may mataas na marka. Sa wakes,
nakapagtapos na rin siya ng kanyang pag-aaral sa Espanya. Dahil sa kanyang dalawang kurso, siya ay
naging propesor ng Humanities sa kahit saang Unibersidad sa Espanya. Siya ay naging isa na ring ganap
na doktor.
SI RIZAL AT ANG OPTALMOLOHIYA
Nang matapos niya ang kanyang pag-aaral sa Madrid ay pumunta siya sa Paris at Alemanya
upang maging espesyalista sa mata. Kaya siya kumuha ng optalmolohiya dahil gusto niyang gamutin ang
mata ng kanyang ina.
Sa kanyang paglalakbay patungong Paris ay tumigil siya sa Barcelona upang bisitahin ang
kanyang kaibigang si Maximo Viola na taga-San Miguel, Bulacan at isang estudyante ng medisina sa
Unibersidad ng Barcelona.
Habang si Rizal ay nasa Paris, siya ay pumasok bilang kanang kamay ng isang bantog na
manggagamot sa mata sa Europa na si Dr. Louise de Weckert, noong Nobyembre, 1885 hanggang
Pebrero, 1886. Pagkatapos ng trabaho ay pumupunta siya sa kanyang mga kaibigang sina Juan Luna,
magkapatid na Pardo de Taveras, at Felix Resurrection upang makapagpahinga.
NOLI ME TANGERE
Ideya sa Pagsulat ng nobela tungkol sa Pilipinas
Muling nagkasama ang mga Pilipino sa tirahan ng mga Paterno sa Madrid noong Enero 2, 1884.
Dito nagpanukala si Rizal sa pagsulat ng nobela tungkol sa Pilipinas. Ang kanyang mungkahi ay
tinanggap ng mga nandoon. Ang magkapatid na Paterno (Pedro,Maximo, Antonio); Graciano Lopez
Jaena, Evaristo Aguirre, Eduardo de Lete, Julio Lorente,Melecio Figueroa at Valentin Ventura.

Tatalakayin ng nobela ang lahat ng bahagi ng buhay sa Pilipinas. Hindi natuloy ang proyektong
ito sapagkat halos lahat ay gustong sumulat tungkol sa mga kababaihan. Nasuklam si Rizal sa kanyang
mga kasama, na sa halip na seryosohin ang pagtatrabaho sa nobela, ay nagsasayang lamang sila ng
kanilang oras sa pagsusugal at pakikipaglandian sa mga babaeng Kastila. Dahil sa kapabayaan ng
kanyang mga kaibigan, nagdesisyon siyang mag-isang sumulat ng nobela.
Binasa niya ang Uncle Tom’s Cabin na tungkol sa mga aliping Negro sa Estados Unidos at ang
kalupitan ng mga amo ng alipin. Ang masamang kondisyon ng mga aliping Negro ang nagbigay
inspirasyon ky Rizal na sumulat ng
nobela na magpapakita ng paghihirap ng mga Pilipino sa ilalim ng kalupitan ng Kastilang prayle
at mga opisyales. Nag-aaral siya noon sa Unibersidad de Central de Madrid.
Ang Pagsulat ng Noli Me Tangere
Ang pagsulat ng Noli ay nagsimula noong 1884 sa Madrid at natapos nito ang kalahati.
Nagpatuloy siya ng pagsusulat ng siya’y nasa Paris noong 1885 pagkatapos mag-aral sa Unibersidad
Cental de Madrid. Pinagpatuloy niya
ang pagsusulat ng siya ay nasa Alemanya. Isinulat niya ang mga huling kabanata ng Noli noong kasama
niya sina Pasto Ulimer at Eilhims Feld sa bakasyon, taong 1885.
Pinakamadilim na Taglamig ni Rizal
Naranasan na ni Rizal ang maraming taglamig sa Europa pero ang pinakamalig ay nangyari sa
Berlin noong 1886. Sa mga panahong ito, walang dumating na pera galing sa Pilipinas dahil nga sa
masama ang panahon. Hindi nakapagdala ng pera si Paciano. Naranasan ni Rizal ang pagkagutom sa
pagkat wala siyang perang pambili ng pagkain.Ang kanyang kalusugan ay naapektuhan dahil sa
kakulangan sa pagkain. Nagkasakit siya dahil sa sobrang lamig sa isang malayong lugar. Tinangkang
sunugin ni Rizal ang libro na kanyang sinulat upang mabawasan ang lamig na kanyang nararamdaman..
Wala na siyang pag-asang nararamdaman ng nakatanggap siya ng telegramang galing kay Maximo Viola
na darating upang bisitahin siya.
Hindi nasundo ni Rizal si Viola sa terminal sapagkat hindi siya makakilos. Nang dumating si
Maximo Viola upang bisitahin si Rizal sa kanyang malubhang karamdaman, muntik na siyang
mapaiyak. Si Viola ay isang doktor, nang suriin niya sa Rizal, hindi niya malaman kung ano ang
kanyang karamdaman. Si Viola ay kakatapos lamang ng medisina at marahil ay si Rizal ang
kaunaunahan niyang pasyente.
Ang pagdating ni Viola sa Berlin ay isang malaking biyaya para kay Rizal.Si Viola ang gumastos
ng pagpapalimbag ng Noli. Pinahiram niya rin si Rizal ng pera para ipagbayad para sa kanyang mga
pangunahing pangangailangan. Ipingadiriwang nina Rizal at Viola ang Pasko sa Berlin noong 1886.
Pagkatapos ng Pasko, tumutok siya uli sa kanayang nobela.Tinanggal ang ibang mga bahagi kasama ang
boung kabanata ng “Elias at Salome” upang pagkasyahin ang kanayang pera sa paglilimbag.
Noong Pebrero 21, 1887, ay natapos ang pagsusulat ng Noli at handa ng ipalimbag. Si Rizal ay
pumunta sa ibat-ibang mga palimbagan sa Berlin upang magsiyasat ng mga halaga sa paglilimbag.
.
1. Ang kanyang mga kaibigan ay nagliham sa kanya ng pagbati at pagpuri sa kanyang obra.
Sumang-ayon din si Blumentritt na ang Noli ang pinakamagaling na obrang sinulat ng isang
pilipino tungkol sa Pilipinas sa kanyang kapanahunan.Si Pardo Tavera ay nagliham sa kanya na
si Rizal ang nagmulat sa buong mundo kung gaano kasama ang pamumuhay sa Pilipinas.
2. Ang mga prayle at karamihan sa mga Kastilang naninirahan sa Pilipinas ay kinmuhian ang libro
at idineklarang makasisirang puri at kahiya-hiya at kontra-Kastila, marahil nakita nila ang
kanilang sarili sa nobela na mga arogante, immoral at kontra Pilipino.
3. Ang ibang manunulat ay binatikos ang Noli dahil hindi ito umabot sa pinakamataas na
pamantayan ng panitikan base sa salita, estilo at kahulugan. Pero si Rizal ay hindi na- apektuhan
sa mga batikos. Ang tanging dahilan niya ay ang kanayang pagnanais na maisalin ang mensahe
sa Pilipino patungo sa kanilang kalayaan sa pammagitan ng edukasyon at kultura,
UNANG PAGBABALIK, 1887-1888
Desisyon sa Pagbabalik
Pagkatapos ng limang taong pananatili at paglalakbay sa Europa, napagdesisyunan ni Rizal na
bumalik na sa Pilipinas. Si Paciano at ilan niyang kaibigan ay di sang-ayon sa naging desisyon niya na
bumalik dahil ang Noli Me Tangere niya ay nakatanggap ng maraming negatibong reaksyon at
nagsimula ng ilang kaguluhan noon sa Pilipinas. Ngunit di sila pinansin ni Rizal. Determinado siyang
bumalik sa Pilipinas dahil sa mga sumusunod na dahilan:
1. Upang gamutin ang mata ng kanyang ina.
2. Upang paglingkuran ang mga kababayan niyang inaapi ng mga Kastila.
3. Upang malaman ang epekto ng kanyang nobela sa mga Pilipino at Kastila.
4. Upang malaman ang dahilan ng pananahimik ni Leonor Rivera.
Pagdating sa Manila
Pagkatapos ng limang taon pagkalayo ni Rizal sa kanyang tahanan, umalis si Rizal sa Roma sa
pamamagitan ng treng patungong Marseilles, France noong ika-3 ng Hulyo,1887. Nakarating siya sa
Djemnah.
Ang bapor ay nasa paglalakbay patungo sa Orientz na Canal Suez. Mula France, ay huminto ito
sa Aden. Mula Aden ay nagpatuloy ang paglalakbay ng bapor hanggang nakarating sa Saigon. Mula sa
Saigon ay lumipat si Rizal sa bapor Hiphong, nakarating sa Manila noong Agosto 1887.
Panandalian siyang nanatili sa siyudad na iyon upang mabisita ang iba pa niyang mga kaibigan.
Napansin niyang wala pa ring pinagbago ang Maynila kahit na 5 taon na ang nakalipas. Napansin pa rin
niya pa rin ang walang pagbabagong simbahan at ugali ng mga tao, lubak-lubak na daan at malalaking
pader na nakapaligid sa lungsod.

Masayang Pagbabalik
Bumalik si Rizal sa Calamba noong ika-8 ng Agosto, 1887. Nadatnan ni Rizal na nasa maayos na
kalusugan ang buong pamilya niya. Napaiyak ang lahat nang muli siyang makita. Nagtanong sila kay
Rizal za mga nagging karanasan niya sa Europa.
Napawi ang kanilang kasiyahan nang napukaw ang pag-aalala nila sa seguridad ni Rizal. Hindi
siya iniwan ng kapatid niyang si Paciano sa unang araw ng pagbabalik niya upang maprotektahan siya sa
mga maaaring mangyaring pag-atake kay Rizal. Ayaw din siyang palabasin nang nag-iisa ng kanyang
ama upang makaiwas sa kahit na anumang masamang mangyari.
Nagbukas ng klinika sa Rizal sa Calamba at nagsimulang manggamot. Una niyang pasyente ay
ang ina niyang halos hindi na makakita. Ginamot niya ito ngunit hindi niya ito nagawang operahan
sapagkat hindi pa maaring galawin ang catarata ng mga mata ng ina niya. Tinulungan at ginamot din
niya ang ilang mga tao at hindi nagtagal ay naging sikat na siyang espesyalista sa mata. Hindi nagtagal ay
tinawag siya sa pangalang”Dr. Ulman”. Upang mapaiwas niya ang kanyang mga kanayon sa mga
pagsusugal, nagbukas siya ng gymnasium para sa mga kabataan at ipinakilala sa kanila ang ilang laro sa
Europa tulad ng fencing at shooting.
Sa loob ng anim na buwan ay nakaranas si Rizal ng kabiguan sa kanyang panantili sa Calamba
—kabiguang makita si Leonor Rivera. Sinubukan niyang puntahan ito sa Dagupan, subalit pinagbawalan
siya ng kanyang mga magulang na pumunta dahil ayaw sa kanya ng ina ni Leonor. Walang nagawa si
Rizal kundi ang sumunod kahit na napakabigat sa kanyang damdamin.
Kaguluhan sa Noli
Pagkatapos ng ilang lingo sa Calamba, nakatanggap ng sulat si Rizal mula kay Gobernador-
Heneral Emilio Terrero, naglalaman ng isang imbitasyon sa Malacañang. May nakapagsabi sa
Gobernador-Heneral na may hindi kaaya-ayang nilalaman ang Noli. Pumunta naman si Rizal. Nang
tanungin siya ng Gobernador-Heneral ay agad niya itong tinanggi, pawang katotohanan lamang daw ang
ipinalabas niya at hindi siya gumawa ng anumang masasamang
ideya. Naniniwala naman siya kay Rizal subalit takang-taka pa rin siya sa kontrobersiyang
nakabalot sa Noli kaya mas
minabuti niyang humingi ng kopya upang siya mismo ang makabasa. Walang maibigay na kopya noon si
Rizal sapagkat ang tanging kopya na mayroon siya ay nasa kanyang kaibigan. Subalit pinangakuan
naman niya ang gobernador-heneral na bibigyan ng kopya. Pagkatapos mabasa ni Gobernador-Heneral
Terrero ang Noli ay wala siyang makitang masama sa kanyang nabasa. Ngunit masyadong
makapangyarihan ang mga kalaban ni Rizal. Ang Arsobispo ng Maynila, si Msgr. Pedro Payo (isang
Dominiko) ay nagpadala ng kopya ng Noli kay Fr. Rector Echavarria ng Unibersidad ng Sto. Tomas
para pag-aralan ito ng “Committee of the Faculty”.Ang komite na binubuo ng mga dominikong
propesor, ay nagpasa ng ulat kay Fr. Rector, kung saan agad naman itong isinumite kay Arsobispo Poyo.
Walang sinayang pagkakataon ang arsobispo at ipinasa ito kaagad sa obernador-heneral. Ang ulat ng
mga miyembro ng komite ay nagpahayg na ang Noli ay kinalaban ang simbahan, lumabag sa batas,
siniraan ang pamahalaan ng Espanya pati na rin ang pampulitikal na pamamalakad nito.
Pero di pa rin nakumbinse si Gobernador-Heneral Terrero sa mga ulat ng dominikong pari dahil
alam niyang ayaw lamang ng mga pari kay Rizal. Ipinadala niya ang nobela sa Permanent Commission of
Censorship na binubuo ng mga pari at karaniwang tao. Isang sulat naman ang ipinasa ni Fr. Salvador
Font, isang Agustinian, noong ika-29 ng Disyembre, 1892, na nagrerekomenda na ang pagpapalabas at
paglalathala ng nakakahiyang libro na ito ay ipagbawal.
Nang inilathala ng Censorship Comission ang ulat ni Fr. Font ay alalang-alala si Rizal at ang
kanyang mga kaibigan subalit ang kanilang mga kalaban naman ay tuwang-tuwa. Nagpatanyag sa Noli
ang pagbabawal nito, sapagkat halos lahat ay gustong makabasa ng nobela. Kumalat kasi sa mga
mamamayan ang balita ukol sa dakilang libro. Kabaliktaran kasi ang nararamdaman ng mga
mamamayan kaysa mga Kastila. Kahit na ipinagbawal ng pamahalaan at bantay sarado ng mga
guwardiya sibil ay marami pa ring mga Pilipino ang nakakuha ng kopya at patagong bumabasa tuwing
gabi.
Salamat kay Gobernador-Heneral Terrero at walang ipinakulong na Pilipino. Ayaw niya kasi ng
mga pamamaraan ng pagparusa sa mga mahuhuling bumabasa nito.
Kalaban ng Noli
Ipinadaan ang laban sa Noli sa mga maaanghang na salita. Ang sumusunod ay ang mga
nangungunang kumalaban sa Noli:
1. Fr. Font (isang Agustinian) - ipinakalat ang ulat niya tungkol sa kotrobersyal na nobela.
2. Fr. Jose Rodriguez (Agustinian)- nagpalabas ng mga maliliit na babasahin sa CUESTIONES DE
SUNO INTERES (Questions of Supreme Interests) upang matigil na ang pagpapalabas ng Noli
at iba pang babasahing kumakalaban sa pamahalaang Kastila.
3. Mga Kastilang Senador na sina: Jose De Salamanca, Gen. Luis De Pando, Fernando Vida.
Inatake ang Noli sa session hall sa senado ng mga Kastila.
4. Vicente Barronte- siniraan ang Noli sa kanyang ipinalabas na artikulo sa La Espanya Moderna
(diyaryo sa Madrid) noong Enero 1890.
Tagapagtanggol ng Noli
Habang ang Noli ni Rizal ay kinakalaban ng mga Kastila, lalung-lalo na ng mga prayle, mayroon din
naming nagtatanggol nito;
1. Marcelo H. del Pilar, Dr. Antonio Ma. Regidor, Graciano Lopez Jaena, Mariano Ponce at iba
pang repormista sa mga dayuhang lupain ay tumulong sa pagpapalabas ng katotohanan.
2. Fr. Sanchez- ang paboritong guro ni Rizal sa Ateneo na ipinagtanggol ang Noli at pinuri sa harap
ng maraming tao.
3. Don Segumundo Moret (dating ministro); Dr. Miguel Morayta ( propesor ng Kasaysayan at
isang pulitiko; Propessor Blumentritt, iskolar na bumasa at nagustuhan ang nobela.
4. Fr. Vicente Garcia- pinakadakilang tagapagtanggol ng Noli, isang theologian ng Manila
Cathedral at nagsalin sa Tagalog ng “ Imitation of Christ.” Ang ginagamit niyang pangalan sa
panulat ay Justo Desiderio Magalang. Sinagot niya ang mga atake ni Padre Rodriguez.

a. Hindi isang ignorante at aroganteng tao si Rizal sapagkat siya ay nakapagtapos sa mga
unibersidad sa Espanya.
b. Hindi kinakalaban ni Rizal ang pamahalaan at Espanya, sapagkat ang tanging kinakalaban
ni Rizal sa Noli ay ang mga masasamang pinuno ng Espanya at hindi ang Espanya, at ang
masama at kurakot na mga pari ng simbahan at hindi ang simbahan.
c. Sabi ni Padre Rodriguez ay isang kasalanang mortal ang pagbasa ng Noli. Dahil sa
nakapagbasa na rin si Padre Rodriguez ibig sabihin nito na pati siya ay nagkasala ng mortal.
Si Rizal at si Taviel de Andrade
Sa kalagitnaan ng labanan sa Noli, binigyan ni Terrero si Rizal ng tagabantay upang maging
ligtas ito. Ito ay si Don Jose de Taviel Andrade. Isang napakagandang pagkakaibigan ang namuo sa
kanilang dalawa. Si Rizal at Andrade, parehong bata, edukado ay nakaugaliang mamasyal sa mga
luntiang kapaligiran ng bansa. Naging tagahanga ni Rizal si Andrade pagkalipas ng panahon.
Ang nagpagulo ng mga masasayang araw ni Rizal sa Calamba kasama si Lt. Andrade:
1. Ang pagkamatay ng kapatid niyang si Olimpia.
2. Ang walang katapusang pinapalabas na kuwento ng mga kalaban niya na siya raw ay isang
“espiya ng mga Aleman, ahente ng Bismark, isang Protestante, isang mason, isang
mangkukulam, kaluluwang malayo sa kaligtasan, atbp.”
Kaguluhang Agrarian sa Calamba
Habang ang gulo sa Noli ay nagpatuloy, nasangkot si Rizal sa mga problemang agrarian sa Calamba.
Nagsimula ito noong nag-utos ng imbestigasyon si Gobernador-Heneral Terrero sa mga ari-arian ng mga
pari na may kinalaman sa mga buwis at renta. Isa sa mga ari-arian nilang naapektuhan ay ang renta sa
lupain. Pinakiusapan ng mga nangungupahan sa mga lupain si Rizal na pamunuan ang pagkuha at
paglista ng mga reklamo nila upang magpalabas ng reporma sa institusyon ang pamahalaan Tinanggap
ito ni Rizal at nag-imbestiga tungkol sa mga haciendang pinagmamay-arian ng mga Dominiko. Ito ang
mga nalaman ni Rizal:
1. Ang lupain ng mga Dominiko ay hindi lamang sa palibot ng Calamba kundi sa buong bayan ng
Calamba.
2. Labis-labis ang pagpapataas ng renta.
3. Walang kahit na anumang sentimo na ibinigay ang may-ari ng lupa sa anumang selebrasyon,
edukasyon ng mga kabataan, at pagpapaganda ng agrikultura.
4. Ang pinaghirapan ng mga umuupa ng lupain ay binibenta nila at kinukuha nang walang kahit
na anumang dahilan.
5. Mataas ang tubo ng upa kapag hindi sila nakabayad sa takdang oras at kinukuha ang kanilang
mga kalabaw, kagamitan at mga bahay kapag hindi sila nakabayad.
Muling Paglisan
Dahil sa pagbunyag ni Rizal sa masamang pamamalakad sa lupain, lalong nagalit ang mga prayle sa
kaniya. Pinilit nilan ang Malakanyang na paalisin si Rizal subalit walang pormal na kasong isinampa sa
kaniya kaya tumanggi si Gobernador Heneral Terreo na ipatapon si Rizal. Subalit dahil na rin sa payo ng
mga kamag-anak at mga kaibigan ay muling umalis si Rizal.
Si Rizal Sa Japan
Nabighani si Rizal ng Japan dahil sa kalinisan nito, kagandahan ng paligid kasimplehan ngunit kaakit-
akit na kasuutan ng mga Haponesa at walang makikitang mga pulubi sa kalsada.
Pag-ibig kay O-Sei-San
Nabighani si Rizal ng isang Haponesang nagngangalang Seko Usui o O-Sei-San Nagpatulong siya sa
hardinero upang makikilala ang magandang dalaga. Nakita niya ang lahat ng mga katangiang
hinahanap niya sa isang babae kay O-Sei-
San: kagandahan, katalinuhan at kasimplehan. Umibig siya ng matindi sa dalaga ngunit dahil sa
mayroon siyang misyon para sa bayan ay napilitan siyang lisanin ang Japa upang ipagpatuloy ang
paglalakbay sa Europa. Malungkot ang wakas ng kanilang pag-iibigan.
Si Rizal sa London
Mula sa Amerika ay sa London si Rizal pumunta. Nanirahan siya sa bahay ng mga Becket. Malapit
kasi ito sa museo na kung saan mayroong kopya ng Sucesos de Las Islas Filipinas, isang aklat tungkol sa
kasaysayan ng Pilipinas na isinasalin ni Rizal. Itinuturing niya ang pagkasulat nito tungkol sa Pilipinas
na pinakamagaling.
La Solidaridad
Ang mga Pilipino sa Madrid ay nagtatag ng samahang Asociacion Hispano-Filipina na may layuning
magkaroon ng pagbabago sa Pilipinas. Si Don Miguel Morayta ang pangulo.
Itinatag din nila ang La Solidaridad, ang pahayagan ng samahan sa pamumuno ni Graciano Lopez-
Jaena. Ito ay upang masagot nila ang mga masasamang sinusulat ng mga Kastila. Sumulat din si Rizal
dito gamit ang mga pangalang Dimas Alang at Laong Laan.
Romansa kay Gertrude Beckette
Sa kanyang pamamalagi sa bahay ng mga Beckett, si Rizal ay nagkaroon ng malapit na
kaugnayan kay Gertrude- ang panganay sa tatlong magkakapatid na babae ng pamilya Beckett. Ang
babaeng Ingles ay nahumaling sa matalinong binata. Nahulog ang loob niya kay Rizal dahil sa madalas
na pagkikita sa bahay at pagtulong niya kay Rizal sa kanyang mga ginagawa.
Ang kanyang pagiging tapat kay Leonor Rivera ana nagpamulat sa kanya na ang
pakikipagkaibigan kay Gertrude ay nagiging seryoso. Nahuhulog na ang kanyang loob kay Gertrude,
pero umiibig pa rin siya kay Leonor Rivera. Nalaman niya na hindi niya magawang mapasaya si
Gertrude kaya hindi niya pinagsamantalahan ang pagmamahal na ibinigay nito sa kanya. Si Rizal ay
nagpasyang tumungo sa Paris para maiwasan niya si Gertrude.
Si Rizal sa Paris

Ang pamumuhay sa Paris ay puno ng kasayahan ngunit hindi ginugugol ni Rizal ang kaniyang panahon
sa mga kasayahang ito. Sa pagbabasa niya binubuhos ang kaniyang panahon at pagbisita sa mga
kaibigan ang mga libre niyang oras.
Ang tagumpay ni Rizal sa Paris ay ang pagpapalimbag ng Sucesos de Las Islas Filipinas na inialay
niya sa mga Pilipino upang malaman nila ang kanilang magandang kasaysayan. Napatunayan ni Rizal sa
aklat na ito na bago pa dumating ang mga Kastila ay sibilisado na ang mga Pilipino.
Si Rizal at ang Magkapatid na Boustead
Sa Paris ay nagkaroon ng kaugnayan si Rizal kay Adelina Boustead. Ngunit ang nakatatandang
kapatid nito na si Nelly ay may gusto rin kay Rizal. Subalit ang kaibigan ni Rizal na si Antonio Luna ay
may gusto kay Nelly. Upang maiwasan ang away sa kanilang magkaibigan ay pinagtapat niya kay
Antonio na ang minamahal niya ay si Adelina. Ngunit si Rizal talaga ang minamahal ni Nelly sa kabila ng
paglakad nito para kay Antonio.
Naghihinagpis si Rizal dahil sa malapit nang pagpapakasal ni Leonor sa isang Ingles. Niyaya niyang
magpakasal si Adelina ngunit tumanggi ito dahil: 1) Nagdadalawang-isip si Adelina na mahal nga siya ni
Rizal o dahil bigo lang ito, 2) Tinanggihan ni Rizal ang pakiusap ni Adelina na maging Protestante si
Rizal at 3) Ayaw ng ina niAdelina kay Rizal dahil hindi itomayaman. Nanatili silang magkaibigan.
Si Rizal sa Brussels
Pumunta si Rizal sa Brussels dahil magastos ang pamumuhay sa Paris. Naging abala siya dito sa
pagsulat ng ikalawang nobela. Dito ay nakatanggap siya ng masamang balita sa nangyayari sa Calamba
lalo na sa kaniyang pamilya. Nagdesisyon siyang bumalik sa Pilipinas sa kabila ng babala ng mga
kaibigan na baka ikapahamak niya iyon. Ngunit nagbago ang kaniyang plano. Dumaan muna siya sa
Madrid upang kunin ang serbisyo ni Marcelo H. Del Pilar bilang abogado ng kaniyang pamilya na
nahaharap sa isang kaso sa Calamba.
Ugnayan kay Suzanne Jacoby
Dahil sa pangungulila kay Leonor, nahulog ang loob ni Rizal sa pamangkin ng may-ari ng kaniyang
inuupahan. Subalit kagaya ng ibang babae, luha ang naging wakas para kay Suzanne nang lumisan si
Rizal dahil sa misyon nito para sa bayan.
Sa Madrid
Labanan sa Pagitan ni Rizal at Del Pilar
Nagkaroon ng botohan para sa pinuno ng Asociacion Hispano-Filipina sa Madrid. Nahati sa dalawang
pangkat ang mga Pilipino sa Madrid, kay Rizal at kay Del Pilar. Upang maiwasan ang pagkasira ng
samahan, parehong umayaw ang dalawa ngunit hindi pumayag ang mga tagasunod nila. Ngunit alam ni
Rizal na matatalo siya dahil sa pagpansin nito sa masasamang ugali ng mga Pilipino sa Espanya. Kaya
nagdesisyon siyang umalis. Ito ay upang maiwasan na rin ang pagkawatak-watak ng mga Pilipino
Kataksilan ni Leonor Rivera
Nasa Madrid si Rizal nang matanggap niya ang liham mula kay Leonor Rivera, na magpapakasal na
siya sa isang Ingles na lalaki (sa kagutuhan ng kanyang ina). Humihingi rin siya ng kapatawaran. Ito ay
isang malaking dagok kay Rizal. Siya ay nabigla at umiyak. Lubos siyang nasaktan.
Sa hindi magagandang pangyayari sa Madrid, si Rizal ay nag-empake ng kanyang mga gamit at
umalis sa lungsod. Sinabi niya sa kanyang sarili na hindi na niya gustong makita ang lungsod na ito ng
Espanya. Naranasan na niya ang parehong tamis at pait na alaala sa lungsod na ito. Bumalik uli siya sa
Brussels upang tapusin ang kanyang ikalawang nobelang El Filibusterismo.
Si Rizal sa Hongkong
Maganda ang pagtanggap ng mga kaibigang Pilipino kay Rizal sa Hongkong. Bago dumating ang
Pasko ay nagsidatingan ang kaniyang pamilya kabilang naang ina na halos bulag na. Ang Pasko noong
1891 sa Hongkong ang isa sa pinakamasaya niyang Pasko.
Desisyong Bumalik sa Maynila
Noong Mayo 1892, napagpasyahan ni Rizal na bumalik sa Maynila. Ang desisyong ito ay dahil sa:
1. Pakikipagpulong kay si Gobernador Despujol tungkol sa proyekto niyang kolonyalisasyon sa
Borneo
2. Pagtatag ng La Liga Filipina sa Maynila
3. Ipakita kay Eduardo de Lete na mali ito sa pagsabing inabandona ni Rizal ang sariling bansa
IKALAWANG PAGBABALIK AT LA LIGA
Pagdating sa Maynila
Dumating sa Maynila si Rizal at ang kapatid niyang si Lucia ng Linggo, Hunyo 26, 1892, lulan ng
barkong Don Juan.
Pumunta sa Malacañang si Dr. Rizal upang tumugon sa tawag ni Gobernador Despujol, pero
sinabihan siyang bumalik na lang sa gabi. Noong 7:00 ng gabi ay bumalik siya sa Malacañang at
nagkaroon ng pag-uusap sa gobernador- heneral, na pinalaya ang kanyang ama pero hindi si Paciano at
mga bayaw. Sinabihan siya na bumalik ulit para sa susunod na pag-uusap.
Pagtatag ng La Liga Filipina
Sa mga sumunod na araw ay naggging abala si Rizal. Ang kanyang pamamalagi sa Maynila ay
nagpasiklab sa damdamin ng mga Pilipino na nakita at nakausap siya. Sa kabilang dako, ang mga
Kastila ay nag-aalinlangan at natatakot sa kasikatan ni Rizal.
Si Rizal kasama ang ilang kaibigan ay sumakay sa tren sa Tutuban Station, Maynila para
bumisita sa Malolos (Bulacan), San Fernando (Pampanga), at Tarlac (Tarlac) – at Bacoor (Pampanga) sa
pabalik na biyahe.
Bawat galaw niya ay minamanmanan. Lahat ng tirahan na tumatangap sa kanya ay
sinisiyasat at bawat Pilipino na nakakasama niya ay pinaghihinalaan.
Sa ika-3 ng Hulyo, 1982 ng gabi, isang linggo pagdating niya galing Hongkong, itinatag ni Rizal
ang La Liga Filipina sa bahay ni Doroteo Ongjunco, Ilaya Street, Tondo, Manila.
Mga layunin ng La Liga Filipina na isinulat ni Rizal para sa kanyang konstitusyon ay:

1. Pag-isahin ang kapuluan


2. Proteksiyon sa bawat kagustuhan at pangangailangan
3. Depensa laban sa lahat ng kaharasan at kawalang hustiya.
4. Pagpapayamanan, sa edukasyon, pag-aagrikultura at pangangalakal.
5. Pag-aaral at pagpapairal ng pagbabago.
Pagpapatapon sa Dapitan
Sa ika-7 ng Hulyo, 1892, pinapunta si Rizal sa Malacanang. Tinanong siya ni Gobernador
Despujol kung gusto niyang bumalik sa Hongkong. Si Rizal ay sumang-ayon. Pagkatapos ng pag-uusap,
ipinakita ng Gobernador-Heneral ang mga kasulatang nakita diumano sa ilalim ng unan ni Lucia nang
sila ay dumating galing Hongkong. Ang mga kasulatang ito ay ang artikulong “Pobres Frailes”, (mga
prayleng kastila) isang latin na sinulat ni Padre Jacinto. Ito’y pinalimbag sa “Imprenta de los Amigo,
Manila.” Ang artikulong ito ay panunuya laban sa mga mayayamang dominikong may kagulat-gulat na
kayamanan sa kabila ng pangakong mamumuhay ng mahirap. Si Rizal ay pinahinalaang ssumulat ng
nasabing artikulo. Siya ay kaagad inaresto at dinala sa Fort Santiago sa pamumuno ni Don Ramon
Despujol, pamangkin at kanang-kamay ni Gobernador Despujol. Sa araw ding iyon, ika-7 ng Hulyo,
1892, ipinalabas sa Gaceta de Manila, isang pahayagan, ang kautusang pagpapatapon kay Rizal .Sa
hatinggabi, ika-14 ng Hulyo, 1892, si Rizal ay isinakay kasama ng mahihgpit na guwardya sa Bapor
Cebu.a ika-15 ng Hulyo, 1892, sa 1 :00 ng umaga, naglayag ang bapor patungong timog at nakarating sa
Dapitan ng Linggo, Hulyo 17, 1892 sa oras 7:00 ng gabi
Si Rizal sa Dapitan
Ang bapor na naghatid kay Rizal patungong Dapitan ay siya ring nagdala ng sulat galing kay Fr.
Pablo Pastells, superyor ng Jesuit Society sa Pilipinas, para kay kay Fr. Antonio Obach, misyonaryong
Jesuit sa Dapitan. Tumira si Rizal sa bahay ng komandante na si Kapitan Carnicero. Ang relasyon sa
pagitan ng Carnicero (ang alkalde) at si Rizal (ang bilanggo) ay parang malapit na magkaibigan. Si
Carnicero ay naging malapit kay Rizal dahil sa katangian at personalidad nito. Sila ay kumakain sa
iisang mesa at masayang nakikipagkuwentuhan. Alam ni Carnicero na si Rizal ay hindi kriminal at hindi
pilibustero. Magagandang balita ang nireport ni Carnicero kay Gobernador Despujol tungkol kay Rizal.
Binigyan niya ng kalayaang pumunta kahit saan si Rizal at makipagkita lamang sa kanya minsan isang
linggo. Noong ika-4 ng Mayo, 1893, si Kapitan Carnicero ay umalis ng Dapitan. Pinalitan siya ni Kapitan
Juan Sitges, isang mahigpit na komandante. Tumanggi siyang makasama si Rizal sa iisang bahay dahil
ito’y bilanggo. Pinalipat niya si Rizal at pinapareport sa kanya tatlong beses araw-araw. Sa kalaunan ay
nagustuhan niya rin ang ugali ni Rizal. Ibinalik niya ang kalayaang tinatamasa ni Rizal noon.
Ang Maganda at Mapayapang Buhay
Sa Dapitan, si Rizal ay namuhay nang matiwasay. Siya ang nanungkulan bilang manggagamot,
inhinyero, magsasaka, negosyante, imbentor at guro sa mga mamamayan ng Dapitan
Dinadalaw siya ng kanyang pamilya para mabawasan ang kanyang kalungkutan sa Dapitan,
isang himpilan ng kapangyarihan ng kastila sa lupain ng Moro. Ang mga ito ay ang kanyang ina, mga
kapatid at mga pamangkin na sina Teodosio, Estanislao, Maurisio, .
Rizal at Josephine Bracken
Nagdulot ng matinding kalungkutan kay Rizal ang pagkamatay ni Leonor Rivera noong Agusto
28, 1893 at ang pangungulila nito sa pamilya. Kailangan niya ng kasamang magpapawi sa kaniyang
lungkot.
Sa panahong ito dumating si Josephine Bracken, isang magandang Irish na pinanganak sa
Hongkong at naulila. Inampon ng Amerikanong si Mr. Taufer na nabulag sa kalaunan.
Pumunta sila ng Dapitan upang magpagamot ang Amerikano kay Rizal. Sa unang pagkikita ay
kapuwa umibig sa isa’t isa si Josephine at Rizal. Pagkalipas ng isang buwan ay nagpasiyang magpakasal
ngunit tinanggihan ni Padre Obach, pari sa Dapitan dahil walang pahintulot ng Obispo ng Cebu.
Hindi sumang-ayon si G. Taufer sa balak ni Rizal at Josephine na pagpapakasal. Tinangka
niyang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbutas ng kanyang lalamunan. Napigilan siya ni Rizal.
Upang maiwasan ang anumang trahedya, sumama na lamang si Josephine kay Taufer sa Maynila na
hindi ito napagaling dahil malubha na ang kaniyang mata.
Dahil walang pari na magkakasal sa kanila, hawak kamay nilang kinasal ang kanilang sarili sa
mata ng Diyos.
Noong 1986, masaya si Rizal dahil nagdadalantao si Josephine ngunit sanhi sa isang biro na
ikinagulat ni Josephine ay napaanak ito na wala sa oras sa walong buwang sanggol na lalaki na 3 oras
lamang nabuhay. Ang anak na namatay ay pinangalanang “Francisco” sa ngalan ng kanyang ama.
Inilibing ito sa Dapitan.
Si Rizal at ang Katipunan
Habang si Rizal ay naghihinagpis sa pagkamatay ng kanyang anak, naging madilim ang
Pilipinas sa mga pag-aalsa. Ang sikretong samahan ay tinawag na “Katipunan” na itinatag ni Bonifacio
noong Hulyo 7, 1872 na nagkaroon ng maraming kasapi.
Dumating si Dr. Valenzuela sa Dapitan ng gabing ng Hulyo 21, 1896. Magalang ni Rizal na sinalubong
ang kanilang bisita. Pagkatapos nilang kumain ng hapunan, nag-usap sila nang masinsinan sa hardin.
Sinabi ni Valenzuela ang plano ng katipunan at ang suporta. Tutol si Rizal sa madugong digmaan. Hindi
niya sinang-ayunan ang balak ng katipunan na iligtas siya dahil sa binitiwan niyang pangako sa
pamahalaang Kastila na hindi siya tatakas.
Ang Pagtulong Bilang Doktor sa Cuba
Pinayuhan ni Blumentritt si Rizal na ibigay ang serbisyo nito bilang manggagamot sa Cuba
dahil sa kakulangan ng mga doctor doon. Kasalukuyang may rebolusyon noon sa nabanggit na bansa.
Pinayagan naman siya ni Gobertnador Blanco.
Paalam Dapitan
Makalipas ang apat na taong pamamalagi sa Dapitan ay nilisan na ito ni Rizal kasama si Josephine,
si Narcisa at anak nito na si Angelica. Sumama rin ang anim na matatapat nitong mga estudyante upang
ihatid si Rizal sa Maynila. Ikinalungkot ng mga taga-Dapitan ang kaniyang pag-alis.

ANG PAGLILITIS KAY RIZAL


Mga Tangkang Pagliligtas ng Katipunan
Ang Katipunan (isang lihim na samahang rebolusyonaryo na itinatag in Bonifacio) ay nag-aalala na sa
kanyang buhay. Sinabi ni Dr. Pio Valenzuela, isang lihim na mensahero ng Katipunan sa Dapitan, kay
Rizal noong nag-usap sila sa gabi ng Hunyo 21, 1896 na plano ng Katipunan na iligtas at ipuslit siya sa
isang barkong patungong Japan, ngunit, tutol si Rizal sa plano kaya ito’y hindi natuloy.
Binalak nina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, at iba pang matatapang na Katipunero na iligtas si
Rizal sa sinakyang barko, ang Castilla, na nakatigil noon sa Manila Bay. Nagbalatkayo sila bilang mga
manlalayag sa de-motor na Caridad. Nagtagumpay sila sa pagrampa sa barkong Castilla.
Nilapitan ni Jacinto si Rizal na nasa kubyerta noon at ibinulong sa kanya: “Mga Katipunero kami.
Marami kaming armas at narito kami upang iligtas ka”.
Ngunit magalang na tinanggihan ni Rizal ang pagliligtas sa kanya. “Iwanan niyo na lang ako,” sabi
niya, “alam ko ang dapat kong gawin.”
Maari na sana tumukas si Rizal sa tulong ng Katipunan. Ngunit pinili niya na maiwan sa hawak ng
Espanya kaysa tumakas na tulad ng isang karaniwang kriminal. Bilang taong may karangalan, inakala
niya na may karangalan rin ang mga Kastila. Ito ang kanyang pagkakamali.
Sa loob ng 26 na araw, mula Agosto 6 hanggang Septyembre 2, 1896, nanatili sa Castilla si Rizal.
Samantala, may mga importanteng pangyayari na naganap. Noong Agosto 29, 1896, ang balak na pag-
aaklas ng Katipunan laban sa Espanya ay nadiskubre ni Padre Mariano Gil, isang Agustinyang pari ng
Tondo. Noong ika-26 ng Agosto, itinaas ni Bonifacio at ang mga nasyonalismong Pilipino ang “Sigaw ng
Balintawak” – ang sigaw na nagsimula ng rebolusyon ng Pilipinas. Sa wakas, nagsimula na ang
pambansang laban para sa Pilipinas.
Noong Septyembre 3, 1896, umalis si Rizal papuntang Espanya sakay sa bapor na Isla de Panay. Iyon
ang ika-apat niyang pag-iiwan sa Manila Bay upang mangibang-bansa. Sa mga panahong iyon, patuloy
na ang rebolusyon sa mga probinsya.
Si Rizal sa Singapore
Narating ng bapor ang Singapore, isang kolonya ng Britanya, sa gabi ng Septyembre 7.
Kinaumagahan, bumaba sina Don Pedro Roxas at ang kanyang anak na lalaki na si Periquin at mga
kasama na pasahero ni Rizal. Pinilit ng mga kaibigan sa Singapore, kasama si Roxas si Rizal na manatili.
Ngunit hindi sinunod ni Rizal ang kanilang payo. “Hindi,” sabi niya. “Hindi ako maaaring maging
isang takas. Hindi ako takot dahil ako’y walang kasalanan.

Pagdakip at Pagkabillanggo
Sa hapon ng Septyembre 30, matapos huminto ang bapor sa Port Said at iniikot na nito ang Dagat
Mediterranean, inaresto si Rizal ng Kapitan ng barko, si Kapitan A. Alemany, mula sa mga
telegrapikong utos galing Manila.
Namuhi si Rizal sa kawalang katarungan ng Espanya. Pinagbawalan siyang lumabas sa kanyang
cabin sa buong paglalakbay ng barko.
Nabigong Pagliligtas sa Singapore
Nakarating sa mga kaibigan ni Rizal sa Europa at Singapore ang paghihirap ni Rizal. Mula sa
London, nagpadala sina Dr. Antonio Ma. Regidor at si Sixto Lopez ng ma-emosyonal na liham sa isang
abogadong Ingles sa Singapore na si Mr. Fort na nakiusap sila na iligtas si Rizal mula sa bapor pagdating
ng Singapore batay sa writ of habeas corpus.
Sa kasamaang-palad, tinaggihan ng hukom ng Singapore (si Mr. Fort) ang writ sa kadahilanang
karga ng bapor ang mga tropa ng Kastila papuntang Pilipinas, kaya ito ay pandigmaang bapor ng
dayuhan. Tumuloy ang bapor papuntang Manila – sakay si Rizal.
Pagbalik sa Manila
Noong Nobyembre 3, dumating sa Manila ang bapor. Si Rizal, sa ilalim ng mahigpit na pagbabantay,
ay dinala sa Fort Santiago.
Habang naka-“incommunicado” si Rizal sa Fort Santiago, naghanap ang mga Kastila ng ebidensya
laban sa kanya. Maraming Pilipino – tulad nina Deodato Arellano, Dr. Pio Valenzuela, Moises Salvador,
Jose Dizon, Domingo Franco, Timoteo Paez, at iba pa – ang pinahirapan upang idamay si Rizal sa mga
isasabi nila. Si Paciano, nag-iisang lalaking kapatid ni Rizal, ay dinakip at walang-awang pinahirapan.
Panimulang Imbestigasyon
Sa Nobyembre 20, nagsimula na ang panimulang imbestigasyon. Si Rizal, ang akusado, ay
humarap sa Hukom-Tagataguyod, si Kolonel Francisco Olive. Siya ay isinailalim sa isang matinding
limang araw na imbestigasyon. Ipinaalam sa kanya ang mga akusasyon; pinasagot siya sa mga tanong ng
Hukom-Tagataguyod; ngunit hindi siya pinayagan na harapin ang mga sumaksi laban sa kanya.
Pagpili ni Rizal sa kanyang Tagapagtanggol
Ang nag-iisang karapatan na ibinigay ng mga Kastila sa kanya ay ang pagpili ng kanyang
tagapagtanggol. At kahit ito ay masyadong hinigpitan ng mga Kastila. Dapat pumili lang siya sa isang
listahan na ipinasa sa kanya.
Sa Disyembre 8, araw ng Kapistahan ng Immaculate Concepcion, isang listahan ng isandaan na mga
una at ikalawang tinyente sa Sandatahang Kastila ang ipinakita kay Rizal. Tiningnan niya ang listahan at
isang pangalan ang nakakuha sa kanyang interes. Iyon ay si Don Luis Taviel de Andrade, unang tinente
ng Artilleriya. Pamilyar sa kanya ang pangalan kaya pinili niya ang tinyente para maging tagapagtanggol
niya sa korte.

Si Tinyente Luis Taviel de Andrade ay kapatid ni Tinyente Jose Taviel de Andrade, ang badigard ni
Rizal sa Calamba noong 1887. Nang ipaalam sa kanya na siya ang pinili ni Rizal, malugod niyang
tinanggap ito. Naikuwento na sa kanya ng kanyang kapatid na mabuting kaibigan si Rizal. Siya rin ay
humanga rito.
Mga Akusasyong Binasa kay Rizal
Sa Disyembre 11, ibinasa kay Rizal ang mga akusasyon laban sa kanya kasama ang kanyang
tagapagtanggol. Sa mga tanong, sumagot si Rizal na
1. Hindi niya kinukuwestiyon ang kapangyarihan ng hukom.
2. Wala siyang dapat i-ayos, ngunit, simula noong pagtatapon sa kanya noong 1892 sa Dapitan,
hindi siya sumali sa pulitika.
3. Hindi niya inamin ang mga akusasyon laban sa kanya.
4. Hindi niya inamin ang idineklara ng mga saksi laban sa kanya.
Ang Paglitis kay Rizal
Ang paglitis kay Rizal ay isang makapangyarihang patunay ng hindi makatarungan ang hustisya ng
mga Kastila. Maliban na parang perya, iyon ay isang maling paglilitis. Si Rizal, isang sibilyan, ay nilitis sa
korte militar na ang mga kasapi ay dayuhang mga militar. Hindi pa nililitis ay hinusgahan na siya; siya
ay hinatulang nagkasala bago ang aktwal na paglilitis. Ang korte militar ay hindi nilitis si Rizal, kundi
inakusahan at hinusgahan. Tinanggap nito ang lahat ng kasalanan at testimonya laban kay Rizal na hindi
nito pinansin ang mga argumento at ebidensya na pabor sa kanya. Dagdag pa rito, si Rizal ay hindi
binigyan ng karapatan upang harapin ang mga saksi laban sa kanya sa korte.
Nakaupo si Rizal sa isang upuan sa gitna ng dalawang sundalo. Nakatali sa likod ang dalawa niyang
kamay, siko sa siko, tulad ng isang karaniwang kriminal. Siya’y nakasuot ng itim na Americana at itim
na kurbata. Kalmado siya at kagalang-galang ang itsura.
Si Rizal ay inakusahan ng tatlong kasalanan: (1) rebelyon, (2) sedisyon, at (3) illegal na pagtatag ng
isang samahan. Ayon sa pamahalaang Kastila, ang parusa sa rebelyon at sedisyon ay mula sa
habambuhay na pagkabilanggo hanggang sa kamatayan, at ang parusa sa pagtatag ng isang illegal na
asosasyon ay koreksyonal na pagkabilanggo at pagbayad ng 325 hanggang 3,250 na pesetas.
Ang korte militar, sa pagiging hindi makatarungan ay hindi nakinig sa mga pakiusap ni Rizal. Ang
presidente na si Tinyente Kolonel Togores Arjona ay dineklara na tapos na ang paglilitis at pinalabas na
ang mga tao. Matapos ang maikling deliberasyon, pinataw ang parusang kamatayan kay Rizal.
Sa araw ring iyon, isinumite ang desisyon ng korte kay Gobernador Polavieja. Hiningi ang pagsang-
ayon ni Hukom Tagataguyod Heneral Nicolas de la Peña sa naging pasiya ng korte. Sinang-ayunan nito
ang desisyong pagpatay kay Rizal.
Pinirmahan ni Polavieja ang Desisyon Laban kay Rizal
Sa Disyembre 28, 1896, inaprubahan ni Gobernador Polavieja ang desisyon ng korte at inutos
ang pagpatay kay Rizal sa Bagumbayan (Luneta), Disyembre 30, 1896.
PAGKAMARTIR SA BAGUMBAYAN
Sa pagkakarinig ng desisyon ng korte, alam na ni Rizal na wala ng ibang paraan para mabago iyon
at tinanggap na niya ang kanyang tadhana. Sa Disyembre29, 1896 sa alas sais ng umaga, binasa sa kanya
ni Kapitan Rafael Dominguez ang opisyal na utos ng pagpatay sa kanya. Agad inilipat si Rizal sa kapilya
ng bilangguan, kung saan iginugol niya ang natitirang oras niya sa mundo.
Sa loob ng kapilya, abala si Rizal sa pagsulat sa kanyang mga kaibigan at pamilya, bilang
pamamaalam. Nakipag-usap din siya sa mga kaibigang Heswitong pari. Walang tigil ang pagdating ng
kanyang mga panuhin.
Alas diyes ng gabi, isang kasulatang hinanda ni Arsobispo Bernadino Nozalenda ang ipinakita kay
Rizal, ngunit hindi niya ito tinanggap sa dahilan na masyadong mahaba ito. Ipinabasa ni Padre Balaguer
ang isa pang sulat na galing kay Padre Pio Pi na nagustuhan ni Rizal ngunit gusto na ibahin ang ibang
bahagi. Sa Alas 11:30 ng gabi, pinirmahan ni Rizal ang kasulatang itinatakwil niya ang pagiging mason –
saksi dito ay sina Juan del Fresno (Puno ng Guardia Detalya) at si Eloy Moure (Katulong ng Plaza).
Nangumpisal si Rizal kay Padre Villaclara, at, pagkatapos noon, natulog siya. Makalipas ang
dalawang oras, nagising siya at nagdasal at nangumpisal ulit. Sa loob ng kapilya, lumuhod siya sa altar
at nagrosaryo. Sa pangatlong pagkakataon, nangumpisal siya kay Padre Villaclara, at, nang matapos,
binasa ang “Imitacion de Cristo” ni Tomas á Kempis.
Alas 3:30 ng umaga ng Disyembre 30, 1896, nagmisa si Padre Balaguer, at nangumpisal ulit si Rizal
at tumanggap ng komunyon. Sa 5:00 ng umaga, kumain siya ng huling almusal niya at pinirmahan ang
mga maiiwang alaala tulad ng mga relihiyosong larawan at libro na iniwan niya sa kanyang ina at ang
kanyang kapatid na babae, si Trinidad.
Dumating si Josephine Bracken, kasama si Narcisa at sa pakiusap ni Rizal, kinasal sila ni Padre
Balaguer. Binigay ni Rizal ang “Imitacion de Cristo” bilang regalong pankasal. Sa huling pagkakataon,
sumulat siya sa kanyang mga magulang, kay Ferdinand Blumentritt, at kay Paciano.
Pagdating ng Alas 6:30 ng umaga, nagsimula na ang martsa ni Rizal papuntang Bagumbayan. Suot
niya ang kanyang itim na Americana, itim na kurbata, itim na sambalilo, itim na sapatos, at puting
tsaleko. Kalmado siyang naglakad mula sa bilangguan papunta sa Bagumbayan kasama si Tinyente
Taviel de Andrade at sina Padre Estanislao March at Jose Villaclara.
Itinali si Rizal sa likod mula siko hanggang siko, ngunit maari pa niyang maigalaw ang kanyang mga
kamay. Sa kanyang kanang kamay, hawak niya ang isang rosaryo na hawak niya hanggang sa huling
hininga. Ilang metro mula sa Bagumbayan, nakita niya ang mga nakaabang na tao. Habang
nagmamartsa nakita niya ang mga kilalang mukha at lugar; naalala niya ang kanyang kabataan at ang
saya kasama ang pamilya at kaibigan.
Sa Bagumbayan, kinamayan ang mga kamay ng dalawang pari at ng tinyente, at namaalam.
Binasbasan siya ng isang pari at binigyan ng krus na hinalikan niya. May isang kahilingan naman si
Rizal: na barilin siya na nakaharap, ngunit hindi ito natupad dahil patalikod ang utos ng kapitan. Isang
doctor, si Dr. Felipe Ruiz Castillo ang nagulat na ang vital signs ni Rizal ay normal, lalo na rin ang
kanyang pulso – talaga bang hindi takot si Rizal na mamatay?
Kasabay ng firing squad ang tunog ng tambol. Sa pagsigaw ng “Fire!”sabay ang lahat sa pagbaril kay
Rizal. Si Rizal, sa kanyang naiiwan na lakas ay humarap sa firing squad at natumba, ang mukha
nakaharap sa asul na langit, at ang ulo ay nakatungo sa umaakyat na araw sa silangan.
Ang mariring naman sa mga Kastila ang kanilang mga malakas at klarong boses na nagsisigaw na
“Mabuhay ang Espanya! Kamatayan sa mga traydor!” Namatay si Jose Rizal at eksatong oras ng Alas
7:03 ng umaga ng Disyembre 30, 1896.

You might also like