Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

4

EPP(Agriculture)
Wastong Paraan sa Paghahanda at
Pagtatanim ng Halamang Ornamental
(Lesson 1-2 | Week 5)

Contextualized Learning Resource

Name: ______________________________
Grade and Section: ____________________

Republic of the Philippines | Department of Education


SCHOOLS DIVISION OF BAGO CITY
Republic of the Philippines
Department of Education
Schools Division of Bago City

TLE/EPP-AGRICULTURE 4 LEARNING PACKET

Kwarter 0 Linggo 5, Aralin 1

I. LAYUNIN:

• Naipapakita ang wastong pamamaraan sa pagpapatubo/


pagtatanim ng halamang ornamental.
• 1.4.3 Paghahanda ng mga itatanim o patutubuin
• Competency Code: EPP4AG-0d-6

II. PAKSANG ARALIN:

PAKSA: Wastong Paraan sa Paghahanda ng mga Itatanim o Patutubuin

III. NILALAMAN:

Marami ang uri ng mga halamang ornamental.

Ang herbs ay mga halamang may


malambot na tangkay at karaniwang nabubuhay
ng isa o dalawang taon.

www.google.com

Ang shrubs ay mga halaman na may iilang


matitigas na sanga na pangkaraniwan nang hindi
tumataas ng mahigit sa 7 metro.

www.google.com

Ang vine o baging/gumagapang na


halaman ay mga halamang hindi nakakatayo sa
sarili kaya’t gumagapang sa lupa o kumakapit sa
sa mga bagay.
www.google.com
Pahina 2
Ang tree o punong-kahoy ay may
malalaking puno at maraming mga sang ana
karaniwang tumataas ng higit sa 7 metro kapag
magulang na.

www.google.com

Ang air plants o aerial plants ay mga


halamang nakakapit sa taas ng punong-kahoy o
sa malalaking bato sa mga bundok tulad ng
orchids at pako.

www.google.com

Ang aquatic plants ay mga halamang sa


tubig nabubuhay tulad ng water lily at lotus.

www.google.com

Ang paghahanda ng layout ng gagawing lugar na pagtataniman ng


mga halamang ornamental ay dapat bigyang pansin upang hindi
masayang ang pagod, lakas, pera, at oras.

IV. PANIMULANG GAWAIN:

PANUTO: Suriin ang mga larawan sa ibaba. Tukuyin kung ang mga
ito ay mga halamang ornamental o hindi. Bilugan ang thumb up ( )
kung ang nasa larawan ay halamang ornamental at thumb down ( )
naman kung hindi.

www.google.com www.google.com www.google.com

Pahina 3
www.google.com www.google.com www.google.com

V. PAMAMARAAN:

A. PAGGANYAK

Nang dahil sa pandemic, natuonan ng pansin ng mga tao ang pag-


aalaga ng mga halaman lalong lalo na ang mga halamang ornamental.
Mula sa pangkaraniwan hanggang sa pinaka-kakaiba, ang mga tao’y
nakahiligan ang itong alagaan. Tingnan ang larawan sa kabilang pahina.
Makikita mo ang larawan ng mga halamang ornamental. Alin sa mga ito
ang meron kayo sa inyong tahanan?

www.google.com www.google.com

Ano ano ang mga halamang ornamental na makikita sa inyong


halamanan? Isulat sa loob ng kahon ang mga halamang ornamental na
matatagpuan sa inyong garden.

Halamang Namumulaklak Halamang Di-Namumulaklak

Pahina 4
B. PAGLALAHAD

Natalakay na natin ang paghahanda ng tatanimang lugar, kaya


kailangan nating suriin naman kung anong mga uri ng halamang
ornamental ang ating ihahanda at itatanim upang patubuin. Sa
pamamagitan ng paggawa ng layout para sa gagawing simpleng
landscape garden dapat ay alamin ang mga halamang ito. Ang mga uri ng
halamang ornamental ay ang herbs, vines, shrubs, at trees. Alamin din
kung saang parte ng bakuran itatanim ang mga halamang/punong
ornamental na ito upang mapabilis at maging maayos ang pagkakaayos
ng gagawing proyekto.

Sundin rin ang mga gabay sa paghahanda ng mga itatanim na


halaman/punong ornamental tulad ng mga lumalaki at yumayabong na
halaman, kulay, laki, lapad, at namumulaklak.

C. PAGTATALAKAY

Sa pagsasaayos ng mga halamang ornamental sa lugar na


pagtataniman, narito ang ilang gabay na dapat sundin:

a. Ang mga lumalaki at yumayabong na halamang


ornamental ay di dapat itanim sa harapan o
unahan ng mga halamang maliit kung tumubo.

www.google.com

b. Ang mga may kulay na halaman ay pinaplano


kung paano at saan sila magandang patubuin.

www.google.com

c. Ang laki at lapad ng mga dahon ay inuuri kung


saan ito ilalagay ayon sa plano ng landscaping.

www.google.com

Pahina 5
d. Ang namumulaklak na mga halaman ay
kailangan ilagay sa naaarawan at kasiya-siyang
tanawin. Makatutulong ang pagsasama-sama
ng uri o kulay kung kinakailangan.
www.google.com

e. Ang mga halamang magiging malalaking puno


ay dapat ilagay sa hindi makakasagabal sa
darating na panahon.

www.google.com

D. PAGSASANAY

Gawain A

Gamit ang linya, pagtambalin ang mga larawan sa Hanay A sa uri


ng halamang ornamental na nasa Hanay B.

Hanay A Hanay B

1. A. shrubs

www.google.com

2. B. herbs

www.google.com

3. C. air plants

www.google.com

Pahina 6
4. D. aquatic plants

www.google.com

5. E. vines

www.google.com

F. trees

Gawain B

Magplano ng inyong gagawing landscape garden sa inyong bakuran.


Iguhit ang layout sa ibaba sa paggawa ng inyong plano.

Pahina 7
E. PAGSASANIB

Ang kaalaman sa wastong paraan sa paghahanda ng mga itatanim


o patutubuin ay mahalaga upang maging kaaya-ayang tingnan ang
inyong halamanan. Nakatutulong ito upang hindi maaksaya ang pagod,
lakas, pera, at oras ng pamilya kung mayroong plano bago gawin ang
paghahalaman.

F. PAGLALAHAT

Ang mga halamang ornamental ay inihahanda ayon sa makasining


na pagtatanim, at maaaring pasibulin muna ang mga buto o sangang
pantanim upang makatiyak at makasiguro na tatagal ang buhay ng bawat
halamang itatanim.
Gumawa muna ng layout ng pagtatanim ng mga halaman o puno
upang hindi masayang ang pagod, lakas, pera, at oras at makasisiguro pa
na magiging maayos ang pagsasagawa ng simpleng landscaping sa
tahanan o sa paaralan. Ang lupang tataniman ay dapat suriing mabuti sa
ikagaganda ng pagsibol at paglaki ng mga halaman/punong ornamental.
Ang ikatatagal ng buhay ng mga halamang ornamental ay sa
pamamaraan ng paghahanda ng lupang taniman, wastong paraan ng
pagpapatubo ng mga buto at sangang pantanim at ang masinsin nap ag-
aalaga habnag ang mga halamang ornamental ay sumisibol o lumalaki.

VI. PAGTATAYA

PANUTO: Basahin nang mabuti ang sumusunod na pahayag.


Tukuyin kung tama o mali ang isinasaad sa pahayag tungkol sa wastong
pagpili ng halamang ornamental na itatanim. Isulat sa espasyo bago ang
bawat bilang ang T kung tama o M kung mali ang pahayag.
________ 1. Ang laki at lapad ng mga dahon ay inuuri kung saan ito
ilalagay ayon sa plano ng landscaping.
________ 2. Ang namumulaklak na mga halaman ay kailangan ilagay sa
ilalim ng punongkahoy at kasiya-siyang tanawin.

Pahina 8
________ 3. Ang mga halamang magiging malalaking puno ay dapat
ilagay sa hindi makakasagabal sa darating na panahon.
________ 4. Ang mga lumalaki at yumayabong na halamang ornamental
ay dapat itanim sa harapan o unahan ng mga halamang maliit kung
tumubo.

________ 5. Ang mga may kulay na halaman ay pinaplano kung paano at


saan sila magandang patubuin.

VII. PANGWAKAS NA GAWAIN

PANUTO: Pag-aralan ang mga larawan ng mga halamang ornamental


sa ibaba. Tukuyin kung ito ay herb, shrub, vine, tree, air plant, o
aquatic plant. Isulat sa patlang ang inyong sagot.

1. ____________ 2. ____________ 3. ____________

www.google.com www.google.com www.google.com

4. ____________ 5. ____________ 6. ____________

www.google.com www.google.com www.google.com

Pahina 9
VIII. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN:

PANUTO: Matapos gawin ang layout para sa inyong landscape


garden, maaari na ninyong umpisahan ang paggawa nito sa inyong
bakuran.

Mahalang Paalala: Sa paggawa ng inyong landcape garden, humingi


nga tulong sa mga nakatatanda lalo na kapag gagamit ng mga kagamitan
tulad ng asarol, pala, at iba pa. Ibayong ingat ang kailangan sa paggawa
ng inyong landscape garden.

Pahina 10
Republic of the Philippines
Department of Education
Schools Division of Bago City

TLE/EPP-AGRICULTURE 4 LEARNING PACKET

Kwarter 0 Linggo 5, Aralin 2

I. LAYUNIN:

• Naipapakita ang wastong pamamaraan sa pagpapatubo/


pagtatanim ng halamang ornamental.
• Pagtatanim ayon sa wastong pamamaraan
• Competency Code: EPP4AG-0d-6

II. PAKSANG ARALIN:

PAKSA: Pagtatanim ayon sa Wastong Pamamaraan

III. NILALAMAN:

Kalimitan ang mga halaman o punong ornamental ay sa sanga


nagmumula, hindi katulad ng mga halamang gulay na karamihan ay sa
buto nagmumula. May mga halaman o punong ornamental na sa buto rin
nagmumula, gaya ng mga herbs, at vines o halamang gumagapang.

May dalawang paraan ng pagtatanim ng mga halamang ornamental,


ang tuwirang pagtatanim (direct seeding o direct sowing) kung saan
diretso na sa taniman ang pagtatanim, maaaring sanga o buto
(malalaking buto tulad ng sitaw, okra, cucumber at iba pa), at di-tuwirang
pagtatanim (indirect planting) na kung saan gumagamit pa ng kahong
punlaan upang makapagsibol ng bagong halaman, maliliit na buto (tulad
ng kamatis, talong, pechay, at iba pa) at murang sanga naman ang
pinasisibol dito.

Pahina 11
IV. PANIMULANG GAWAIN:

PANUTO: Pagtambalin ang mga larawan ng halamang ornamental


sa Hanay A sa uri ng mga ito na nasa Hanay B.

Hanay A Hanay B

1. A. aerial plant

www.google.com

2. B. herb

www.google.com

3. C. aquatic plant

www.google.com

4. D. vine

www.google.com

5. E. herb

www.google.com
Pahina 12
V. PAMAMARAAN:

A. PAGGANYAK

Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Kaaya-aya tingnan kung ang


inyong tahanan ay puno ng magagandang halaman.

https://www.facebook.com/416866715140735/photos/a.416870515140355/803549559805780

Ngunit alam mo ba kung paano tumutubo ang mga halaman? Aling


bahagi ang maaring itanim? Tunghayan sa araling ito.

B. PAGLALAHAD

Ang wastong paraan ng pagtatanim ng mga halamang ornamental


ay hindi iba sa pagtatanim ng mga iba’t ibang halaman, halos pareho
laman ang paraan ng pagpapatubo at pagtatanim nito.

Sa anong paraan pangkaraniwan pinasisibol ang mga halaman? Ang


mga halamang ornamental ba ay sa ganoon ding paraan pinasisibol at
itinatanim?

Pagmasdan ang mga larawan. Ano ang nais ipakita ng larawan A at


B?

Pahina 13
www.google.com www.google.com

Larawan A Larawan B

Ang larawan A ay gumagamit ng kahong punlaan o seed box upang


makapgpasibol ng mga maliliit na butong pantanim. Ang larawan B
naman ay diretso na sa taniman ang pagpapasibol sa mga butong
pantanim ngunit kailangang malalaking buto ang ipupunla.

C. PAGTATALAKAY

Ang pagpapasibol ng mga butong pantanim ay maaaring gawin sa


dalawang paraan: di-tuwiran at tuwiran. Bukod sa mga butong pantanim,
maaari ring gumamit ng mga sanga sa pagpapasibol ng bagong punla.

Narito ang dalawang paraan ng pagtatanim sa paraang di-tuwiran


at tuwirang pagpapatubo. Isa isahin natin ang mga ito.

Wastong Paraan ng Pagtatanim sa Di-Tuwirang Pagpapatubo

1. Ihanda ang kahong punlaan.


2. Ibabad magdamag ang mga butong pantanim o sangang pantanim
sa tubig.
3. Ipunla sa kahong punlaan at takpan habang di pa lumalabas ang
unang sibol.
4. Kapag nagsisimula nang sumibol ang mga buto, unti-unting ilantad
sa araw ang kahong punlaan.
5. Kapag nakabuo na ng tatlo hanggang apat na totoong dahon,
maaari na itong ilipat sa kamang taniman.

Pahina 14
6. Piliin ang payat at dikit-dikit na punla. Itanim sila na
magkakahiwalay sa kahong punlaan upang lumaki nang malusog
saka sila ilipat sa kamang taniman.
7. Iwasang mapinsala ang mga ugat ng punla kung ito ay ililipat ng
taniman.

Wastong Paraan ng Pagtatanim sa Tuwirang Pagpapatubo

1. Ihanda ang lupang taniman at diligan.


2. Lagyan ng patpat at tali na may buhol upang maging gabay.
3. Gumawa ng mga butas sa ilalaim ng buhol.
4. Maghulog ng 2-3 butong pantanim o sangang pangtanim.
5. Takpan ng manipis na lupa ang bawat butas na may pantanim.
6. Maingat na diligan ang paligid ng butas.

D. PAGSASANAY

GAWAIN A

PANUTO: Basahin ang mga pahayag sa ibaba. Lagyan ng


kung ito ay nagpapakita ng wastong paraan ng pagpapatubo ng halamang
ornamental sa pamamagitan ng di-tuwirang pagtatanim. naman kung
hindi.

_______ 1. Ibabad magdamag ang mga butong pantanim o sangang


pantanim sa tubig.

_______ 2. Ipunla sa kahong punlaan at takpan habang di pa lumalabas


ang unang sibol.

_______ 3. Kapag nagsisimula nang sumibol ang mga buto, unti-unting


ilantad sa araw ang kahong punlaan.

_______ 4. Kapag nakabuo na ng tatlo hanggang apat na totoong dahon,


maaari na itong ilipat sa kamang taniman.

_______ 5. Iwasang mapinsala ang mga ugat ng punla kung ito ay ililipat
ng taniman.

Pahina 15
GAWAIN B

PANUTO: Basahin nang mabuti ang mga hakbang sa pagpapatubo


ng halamang ornamental sa tuwirang paraan. Ayusin ang wastong
pagkakasunod sunod ng mga ito. Lagyan ng titik A-F ang bawat hakbang.

_______ 1. Gumawa ng mga butas sa ilalaim ng buhol.

_______ 2. Takpan ng manipis na lupa ang bawat butas na may


pantanim.

_______ 3. Ihanda ang lupang taniman at diligan.

_______ 4. Maingat na diligan ang paligid ng butas.

_______ 5. Lagyan ng patpat at tali na may buhol upang maging gabay.

_______ 6. Maghulog ng 2-3 butong pantanim o sangang pangtanim.

E. PAGSASANIB

Upang maging matagumpay ang pagpapatubo ng mga butong


pantanim o sangang pantanim, nararapat na mayroong sapat na
kaalaman ang nagtatanim. Ang pagkakaroon ng wastong kaalaman sa
dalawang paraan ng papapatubo ay makatutulong upang maiwasan ang
pag-aksaya ng oras, lakas, pera, at mga halamang ipupunla. Ang
kaalamang ito ay makatutulong sa ikagaganda ng halamang ornamental.

F. PAGLALAHAT

Kalimitan ang mga halamang ornamental ay nagmumula sa buto at


sanga. Ang pagpapatubo ng mga ito ay dapat bigyang-pansin dahil dito
magmumula ang ikagaganda ng mga tanim. Tiyakin din na walang ligaw
na halaman gaya ng mga damo na tutubo sa kamang taniman. Kapag
Malaki-laki na ang mga punla (seedlings), bungkalin ng marahan ang
paligid ng halaman upang makahinga ang mga ugat nito at lumaki
kaagad.

Pahina 16
VI. PAGTATAYA

PANUTO: Basahin nang mabuti ang sumusunod na pahayag.


Ayusin ang mga paraan sa paghahanda ng lupang taniman ayon sa
wastong pagkasunod sunod. Lagyan ng bilang 1 – 5 ang espasyo bago
ang bawat bilang.
________ 1. Taniman ng napiling halaman/punong ornamental.
________ 2. Lagyan ng organikong pataba gaya ng tuyong dahon, dumi
ng hayop, dayami, at tinabas na damo.

________ 3. Pag-aralan kung anong uri ng lupang taniman ang


pagtataniman.
________ 4. Bungkalin ang lupang taniman at tanggalin ang mga bato,
matitigas na ugat at mga di kailangang bagay ng halaman.

________ 5. Patagin ang binungkal na lupang taniman upang maging


pantay ito.

VII. PANGWAKAS NA GAWAIN

PANUTO: Gumawa ng isang kahong punlaan na may sukat na 45 cm


ang haba, 30 cm ang lapad, at 7.5 cm ang taas.

7.5 cm

Pahina 17
VIII. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN:

Gawain A
PANUTO: Matapos gawin ang kahong punlaan o seedbox, gamitin
ito sa pagpapatubo ng halamang ornamental na may maliliit na butong
pantanim. Sundin ang wastong paraan sa pagpapatubo ng halaman sa di-
tuwirang pagtatanim.

Gawain B
PANUTO: Maghanda rin ng kamang taniman. Magpatubo ng
halamang ornamental na may malalaking butong pantanim. Sundin ang
wastong paraan sa pagpapatubo ng halaman sa tuwirang pagtatanim.

Mahahalagang Paalala:

1. Sa paggawa ng inyong seedbox, magpatulong sa mas


nakakatanda.
2. Kuhanan ng litrato ang inyong paggawa mula sa simula
hanggang sa tumubo ang itinanim na mga buto.

Pahina 18

You might also like