Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Filipino 4

Unang Markahan

I. Naibibigay ang kahalagahan ng media (pang impormasyon, pang aliw, at Panghihikayat)


-Nasasagot ang mga tanong sa mabasang tekstong pang impormasyon.
II. Maibibigay any kahalagahan ng media (pang impormasyon, pang aliw at Panghihikayat)
A-Sangunian Unang Markahan Modyul 7:F4PDI-e-2
B. Kagamitan
C. pagpapahalaga; pagbibigay halaga sa makabagong teknolohiya
D. Ipinagsanib na asignatura:
III. Pamamaraan:
A.Panimulang Gawain
1. pambungad na gawain:

Bahay kubo

B.Panlinlang Gawain
1-Paghahabi sa layunin ng aralin: Motivation)

Ano ang inyong nakita sa larawan?


Anong bagyo any inyong alam na dumating sa atin na tumatak sa inyong isipan?
Sino na sa inyo ang nakaranas ng hagupit ng bagyo na hindi niyo malilimutan?
sinong makapagkwento?

2- Pag-alis ng sagabal
a. LPA- Low Pressure Area
B. pumalaot- ito ay tumutukoy at nangangahulugan ng paglisan upang magtungo
sa dagat o karagatan at iba pang uri ng anyong tubig upang makapangisda.
C. Kasagsagan- ay nangangahulugang -kasalukuyan

3-Pag uugnay ng mga halimbawa ng aralin (Paglalahad) (Literacy skills)

Basahin ang kwento.

Ambo, humina bilang Low Pressure Area


ABS-CBN News I Mayo 17, 2020

Habang pinapalabas ang teleseryeng "Ang Probinsyano" bigla ito naputol dahil sa
breaking news ng TV Patrol nailabas na tuluyan ng humina ang bagyong ambo ngayong
Low Pressure Area (LPA) Sabi ngayong linggo ng state weather bureau na pag asa.
Samantalang pinutol ang patalastas tungkol sa Safeguard at lumabas ang breaking news
sa pinakahuling weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 125
kilometro sa hilagang Kanluran ng Basco, Batanes.
Nang biglang dumilim ang panahon dali daling nagsipagalis ang mga grupong may
nagsasayawan ng zumba sa plaza inalis narin ang signal no.1 Sa batanes. pero inaasahan
paring makararanas ng katamtaman ng malalakas na pag ulan doon pirapayuhan parin
ang maliit na sasakyang pandagat lalo nasa batanes at babuyan islands na huwag munang
pumalaot nasa 4 ang naiulat na namatay sa eastern, Samar sa kasagsagan ng bagyo
habang isa naman Sa Quezon province ayon sa mga local na awtoridad.
4.Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasaysayan #1 (pagtatalakay)
A. Ano ang pamagat ng kwentong ating binasa?
B. Anong teleserye ang ipinalabas na bigla itong naputol ?dahil sa breaking news?
C. Tungkol saan ang breaking news?
D. Saan ito narinig? Ano ang pangalan ng bagyo naging Low pressure Area?
sino ang nagbibigay balita tungkol sa bagyo ?
E-Paano ito nalaman ng pagasa na ang bagyo Ambo ay isa nalang Low Pressure Area?
(tuluyan na itong humina?) ( HOTS QUESTIONS)
F. Anong patalastas ang ini-iri nang bigla itong naputol? (safeguard)
G.Saan huling namataan ang bagyo sa huling weather bulletin ng PAG ASA?
H-Bakit dali daling umalis ang mga grupo n Sumasayaw ng zumba ? (HOTS QUESTION)
I. Anong signal ng bagyo ang inalis na namataan sa batanes. (Numeracy Skills )

5. pagtatalakay #2

Sabihin: Tingnan uli ang balita anu ano ang mga salitang may salunguhit sa balita?

- Ang probinsyano
-TV Patrol
-Safeguard
-nagsasayaw ng zumba

- Ang mga salitang inyong nabangit Ang probinsyano at Zumba at tinatawag na pang-aliw.
- Ang Safeguard –Ay isang halimbawang panghihikayat
-Ang TV patrol naman ay salitang nagbibigay impormasyon o pang-impormasyon
Sabihin: Ang salitang pang -aliw, panghihikayat at pang impormasyon ay tinatawag
natin na kahalagahan ng media

Ang salitang pang-aliw ay nagbibigay aliw sa mga panonood ng teleserye, variety


shows, music videos, isports. Sa telebisyon, pakikinig sa radyo ng mga musika, paggamit
ng Youtube para manood video, pakikipag-usap sa kaibigan ng gamit ang chat room sa
facebook ito’y nagbibigay kasiyahan at libangan sa mga tao.

Ang pang hihikayat naman ay nanghihikayat ng mga tao upang bumili ng mga
produkto na makikita sa patalastas sa telebisyon, radyo at maging sa internet.

Ang pang impormasyon naman ay isa sa pinakamahalaga sa lahat ng tao sapagkat


dito natin makikita ang mga balitang nagsisilbing gabay sa ating pang araw araw na
pamumuhay. At maari naman natin makukunan ng iba pang kahalagahang pang
impormasyon ay ang:

*Dyaryo Peryodiko - naglalaman ng balita, impormasyon, patalastas.


* Magasin - naglalaman ng maraming artikulo, kalimitang pinupondohan ng
patalastas
*Telebisyon o radyo - ito ay pangmasang panghatid ng libangan, edukasyon, balita o
alok.
* Internet - ito ay makabagong teknolohiya na mapagkukunan ng mga impormasyon
gamit ang ibat ibang website na nagbibigay ng balita pang aliw, pang
hihikayat.

6-paglalahat
Ano-ano ang kahalagahan ng medya? Ano ang medyang nagbibigay
impormasyon? panghihikayat? Pang aliw? Anu-ano ang iba pang makukunan natin
ng medyang impormasyon.

7-paglalapat
Group 1. Mag aaktingan
May isa na magbebenta ng kalamansi juice kailangan netong hikayatin ang mamimili

Group 2.
1. Ito ay pangmasang panghatid ng libangan,edukasyon,balita o alok.(dyaryo o
peryodiko,telebisyon o radio, internet.)
2. Balita sa labas at loob ng bansa ( pang aliw, pang hihikayat, o nagbibigay
impormasyon)
3. Paligsahan sa sayaw ( pang aliw, pang hihikayat, o nagbibigay impormasyon)
4. Pagpapalabas ng variety show ( pang aliw, pang hihikayat, o nagbibigay
impormasyon)
5. pagbasa ng makabagong balita .(dyaryo o
peryodiko,telebisyon o radio, magasin.)

Group 3.
Ang ikatlong pangkat ay maghuhulaan: Sila ay pipili ng isang bata sa
kanilang grupo na Mag aakting sa mga sitwasyong ibibigay. Ang ilang kasama ay
huhula kung anong galaw ang kanyang ipinakikita. Piliin kung itoy pang – aliw,
panghikayat o pang impormasyon.
1. Ngatitinda ng banana cue
2. nagbabalita ng TV Patrol
Nagsasasayaw sa tugtog ng Babylon.

IV. PAGTATAYA

Panuto. Basahin ang sitwasyon sa bawat bilang ibigay kung anong kahalagahan ng
medya ang tinutukoy ng bawat isa. Piliin sa kahon isulat sa inyong papel ang letra ng sagot.

A-Nagbibigay-impormasyon B. Nagbibigay aliw


C. Nanghihikayat

1.Narinig ni mang Juan na may pagpupulong na gaganapin sa kanilang barangay tungkol sa


pagpapatupad ng kalinisan agad siyang nag handa para makilahok sa pagpupulong.

2. Nakahanap ang pamilya ni Aling Rosa sa telebisyon at pinapanood ang paboritong


teleseryeng pambata.

3. Nanunuod si Jorryn at Boggy ng nakakaaliw na video sa youtube tungkol sa batang


magaling mag luto.

4. Habang naglalakad si Gabriel sa mall may nadaanan itong billboard na nagrereport na


balita.

5. Inutusan ni Aling Bebang Si Raffy na buksan ang TV upang makapanuod sila ng Ang
probinsyano dahil tapos na sila kumain ng hapunan.

V. Kasunduan

Magtala ng isang halimbawa kahalagahan ng Media.

You might also like