Ang pabahay ay isa sa mga problema na nakakaapekto sa mga
mamamayan sa Pilipinas dahil sa mga suliranin o isyu na kinakaharap
nito kagaya ng:
1. KAHIRAPAN- na tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang
tao na walang isang halaga ng mga pag-aaring materyal o salapi. 2. Sunod, ay ang PATULOY NA PAGTAAS NG POPULASYON, 3. At ang, KAWALAN NG TIRAHAN dulot ng natural na kalamidad, at mabagal na pamamahala ng ating gobyerno.
Napag-alaman na nasa 4.5 Milyon na mga Pilipino ang walang sariling
tirahan sa Pilipinas.
Sa 3.96 Bilyon naman na Residential Account Due ng National Housing
Authority (NHA), 1.33 Bilyon pa lamang ang nakokolekta na kung saan may 1.97 Bilyon na Collection Target.
Sumakatuwid, tumutulong sa serbisyo ang NHA at nagbibigay ng
pagkakataon upang paangatin at paunlarin ang mga benepesiyaryo. Patuloy silang nagpapatupad ng mga programa at proyekto upang makatulong sila sa mga mamamayang nangangailan ng lote o yunit.
Kawalan ng seguridad sa pagkain – mga suliranin/isyu:
1. una, Kawalan ng seguridad sa pagkain- ay isa sa mainit na suliranin
na kinakaharap ngayon ng mga mamamayan at ng ating bansa. Malaking problema ang kakulangan ng pagkain dahil kakambal ito ng gutom. At sa isang tao na nakakaramdam ng gutom, asahan nating sa pagtindi ng nararamdamang gutom hindi magtatagal ay maiisipan niyang gumawa ng hindi mabuti sa kapwa at komunidad. Mas malaki ang lilikhaing problema sa komunidad o bansa kapag dumami ang nagugutom.
2. pangalawa, ay ang Kakulangan ng suporta sa sector ng agrikultura
mula sa ating pamahalaan – na siyang nagdudulot ng patuloy na paglaganap ng kagutuman sa ating bansa.
3. Sumunod ay ang, Kakulangan sa tubig, Tagtuyot, Pagtaas ng
temperature at ang Mga peste at sakit sa halaman- na siyang nagddulot ng pagbaba sa supply ng pagkain.
Kasama sa seguridad sa pagkain ang kakayahang makayanan ang mga
pagkagambala o kakulangan ng pagkain dahil sa mga bagay tulad ng mga natural na sakuna, kawalang-tatag ng ekonomiya, o digmaan.