Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Isa sa mga napapanahong isyung lokal at nasyonal ay ang pabahay at kawalan ng seguridad sa pagkain.

Ang pabahay at kawalan ng seguridad sa pagkain ay isang lantarang paghamak sa dangal ng tao at ang
pagkakait ng isang pangunahing karapatang pantao.

Ating bigyan ng kahulugan ang pabahay

Pabahay, isa sa mga pilit na tinutugunan ng ating pamahalaan. Sa pagdami ng populasyon ay batid natin
marami pa ang mangangailangan ng tahanan pagdating ng panahon. Nakakalungkot isipin na kahit ilalim
ng tulay ay ginagawa ng tirahan. Kahit ang mga lupang di nila pag aari ay tinatayuan na rin ng tahanan ng
marami.

Dumako tayo sa isyu na kawalang ng seguridad sa pagkain

Ito ay isang sitwasyon ng limitado o hindi tiyak na kakayahang kumain ng sapat at ligtas na pagkain o
limitado o hindi tiyak na kakayahang makakuha ng mga katanggap-tanggap na pagkain sa mga
katanggap-tanggap na paraan.

Kasama sa seguridad ng pagkain ang sang sukatan ng katatagan sa hinaharap na pagkagambala o hindi
pagkakapit ng kritikal na supply ng pagkain dahil sa iba't ibang mga kadahilanan ng panganib kabilang
ang mga tagtuyot, pagpapaliban sa pagpapadala, mga kakulangan sa gasolina, kawalang katatagan ng
ekonomiya, at mga digmaan.

Ayon sa Social Weather Stations (SWS), nasa humigit kumulang 3 million o 11.8% ng mga pamilyang
Pilipino ang nakararanas ng kagutuman sa nakalipas a tatlong buwan o huling quarter ng 2022.

Napag-alaman sa survey na karamihang nakakaranas ng gutom ay sa Mindanao na may 12.7% na mga


pamilya, sinundan ng Visayas (12%), Metro Manila (11.7%), at Balance Luzon (11.3%)
15TH SLIDE: PABAHAY (SULIRANIN/ISYU)

Ang pabahay ay isa sa mga problema na nakakaapekto sa mga mamamayan sa Pilipinas dahil sa mga
suliranin o isyu na kinakaharap nito kagaya ng:

1. KAHIRAPAN- ito ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao na walang isang halaga ng
mga pag-aaring materyal o salapi.
2. Sunod, ay ang PATULOY NA PAGTAAS NG POPULASYON,
3. At ang, KAWALAN NG TIRAHAN dulot ng natural na kalamidad, at mabagal na pamamahala ng
ating gobyerno.

Napag-alaman na nasa 4.5 Milyon na mga Pilipino ang walang sariling tirahan sa Pilipinas. Sa 3.96 Bilyon
naman na Residential Account Due ng National Housing Authority (NHA), 1.33 Bilyon pa lamang ang
nakokolekta na kung saan may 1.97 Bilyon na Collection Target. Sumakatuwid, tumutulong sa serbisyo
ang NHA at nagbibigay ng pagkakataon upang paangatin at paunlarin ang mga benepesiyaryo. Patuloy
silang nagpapatupad ng mga programa at proyekto upang makatulong sila sa mga mamamayang
nangangailang ng lote o yunit.

Kawalan ng seguridad sa pagkain – mga suliranin/isyu kinakaharap nito:

1. una, Kawalan ng seguridad sa pagkain- ay isa sa mainit na suliranin na kinakaharap ngayon ng mga
mamamayan at ng ating bansa. Malaking problema ang kakulangan ng pagkain dahil kakambal ito ng
gutom. At sa isang tao na nakakaramdam ng gutom, asahan nating sa pagtindi ng nararamdamang
gutom hindi magtatagal ay maiisipan niyang gumawa ng hindi mabuti sa kapwa at komunidad. Mas
malaki ang lilikhaing problema sa komunidad o bansa kapag dumami ang nagugutom.

2. pangalawa, ay ang Kakulangan ng suporta sa sector ng agrikultura mula sa ating pamahalaan – na


siyang nagdudulot ng patuloy na paglaganap ng kagutuman sa ating bansa.

3. At hindi maipagkakaila na ang Kakulangan sa tubig, Tagtuyot, Pagtaas ng temperatura at ang Mga
peste at sakit sa halaman ay kabilang din sa mga suliranin na kinakaharap nito- na siyang nagdudulot ng
pagbaba sa supply ng mga pagkain.

Kasama sa seguridad sa pagkain ang kakayahang makayanan ang mga pagkagambala o kakulangan ng
pagkain dahil sa mga bagay tulad ng mga natural na sakuna, kawalang-tatag ng ekonomiya, o digmaan.

SOLUSYON SA KAKULANGAN SA PABAHAY


Kahit na pinondohan ng gobyerno ang isang proyektong pabahay, ang program na ito ay mabagal pa
ring tumatakbo na nagiging sanhi ng mga problema

Ang mga sumusod ay solusyon sa kakulangan sa Pabahay

Ang unang hakbang sa pagkontrol sa pagdami ng populasyon ay sa pamamagitan ng wastong


pagpaplano ng pamilya.

Pangalawa ay ang pagpapaunlad ng mga lalawigan para hindi na magsiksikan sa lungsod ang mga
mamamayan.

Kapag naipatupad ang dalawang programang ito, bababa ang bilang ng mga pamilyang walang sariling
bahay, at bababa rin ang mga pamilyang umaasa sa programang libreng pabahay mula sa gobyerno,
dahil kaya naman na nilang magpatayo ng kanilang sari sarilibg bahay.

SOLUSYON KAWALAN NG SEGURIDAD SA PAGKAIN

Dahil sa kakulangan ng suporta sa sector ng agrikultura mula sa ating pamahalaan, ang kagutuman ay
patuloy ng lumalaganap sa ating bansa.

Ang mga sumusunod ay mga pangunahing solusyon sa kawalan ng seguridad sapagkain;

Una ay ang Pagsulong ng modernisasyon ng agrikultura at pangingisda.

Kailangang tiyakin na may akma at sapat na pamilihang mapagdadalhan ng kanilang ani ang mga
magsasaka o mangingisda. Kinakailangan ang maingat na paggabay sa mga namumuhunan para
matiyak ang positibong resulta.
Importanteng mapalakas ang relasyon sa pagitan ng munisipalidad at mga umaasang sektor. Habang
may nagtatanim, nagsasaka, nangingisda hindi dapat kumupas o humina ang ayuda ng pamahalaan
para matiyak na magtutuloy-tuloy ang produksyon ng mga pagkaing ilalapag sa bawat hapag. Ibigay
ang dapat ibigay, itulong ang dapat itulong, at tulungan ang dapat tulungan.

Kailangan nating lahat ng sapat na pagkain upang mapanatili natin na tayo ay malusog. Ang
pagkakaruon ng seguridad sa pagkain ay nangangahulugan ng sapat na pag kain sa lahat ng oras at
nangangahulugan din ito na walang sinuman ang nagugutom o natatakot na magutom.

You might also like