Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
Sangay ng Aurora
Distrito ng San Luis
PAARALANG ELEMENTARYA NG BACONG

FILIPINO 5
QUARTER 1
LAGUMANG PAGSUSULIT BLG. 1

Name: ________________________________________ Date: ___________ Score: _________

I.A. Ayusin ang mga titik sa loob ng ulap upang mabuo ang kahulugan ng salita sa loob ng kahon. Isulat sa
patlang ang tamang sagot.

YAANDPEM BAAYNI SKIAT

m alawakang nakagawa ng k aramdaman


pagkalat ng sakit kabayanihan
1 .______________ 2 .______________ 3 .____________
INLODL ASUKAN

natural na phenomena; ang Isang malaking kapinsalaan o


lupa ay yamayanig kalamidad
4 .___________________ 5._____________________

I. B. Basahin ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.


6. Ano ang gagawin kung may nararamdamang pagyayanig ng lupa?
A. magtakbo C. manatili sa kinatatayuan
B. manatiling kalmado D. magsigaw
7. Ano ang dapat ihanda bago ang lindol?
A. survival kit C. mga gamit sa paghahalaman
B. refrigerator na puno ng pagkain D. mga magandang muwebles
8. Ano ang dapat mong gawin kapag lumilindol?
A. tatakbo nang mabilis palabas C. dock, cover at hold
B. sisigaw nang malakas D. mananatili sa kinauupuan
9. Ano ang dapat gawin kung may bagong sakit na natuklasan?
A. magpanic C. huwag pansinin
B. manatiling kalmado D. magsaya
10. Sa pagiging matulungin natin, anong kultura ang ating ipinagmamalaki na hindi natin malilimutan
mula noon hanggang ngayon?
A. Pagiging masipag C. Ang pagkamasinop
B. Bayanihan D. Ang pagiging mapagmahal
II. A. Kilalanin kung pangngalan o panghalip ang sinalungguhitan sa pangungusap.
_______________11. Mabilis na umaksyon ang kapitan ng barangay sa nangyaring sakuna.
_______________12. Anoman ang ipaiiral na mga pamantayan sa “New Normal” na
edukasyon ay nararapat nating sundin.
_______________13. Ang pagpapatala online ng mga guro ay mahalaga upang matukoy ang
paraan ng pagbibigay ng edukasyon sa mga mag aaral.
_______________14. Kahit ang pinakamalayong bayan ay pinupuntahan ng mga guro
upang maitala ang mga mag-aaral na papasok sa darating na
pasukan.
_______________15. Kami ay tumutugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral
para sa nalalapit na pasukan.

III. A. Basahin ang sumusunod na kuwento at sagutin ang mga tanong batay sa binasa.
Ang Matanda
Tanghaling tapat na. Marami sa mga mag-aaral ang nagmamadali nang umuwi. Walang lilim na
masisilungan kahit saan.
Sa gitna ng initan ay may isang matandang babaeng may dalang malaking balutan. Palinga-linga ang
matanda. Parang may hinahanap ito. Maraming batang mabilis na nagdadaan sa tabi niya.
“Mga bata, ” ang sabi ng matanda. Nguni't hindi siya pinapansin ng mga bata. Paminsan-minsan, may ilang
batang napapalingon sa kanya, ngunit patuloy pa rin ang matulin nilang lakad.
Dumating si Nelia. Nagmamadali rin si Nelia na makauwi. Nagugutom na kasi siya.
Napansin niya ang matanda. Nakita niya ang nakakaawang ayos nito.
“Bakit po, Lola?” ang tanong ni Nelia.
“Ay Ineng” ang sagot ng matanda. “Naligaw ako. Saan ba ang papunta sa istasyon ng bus?”
“Doon lang iyon sa kabilang kanto, Lola.”
Kahit na pagod si Nelia, inihatid niya ang matanda.
Bago sumakay sa bus ang matanda ay hinaplos si Nelia sa ulo. “Pagpapalain ka ng Diyos, Ineng,” ang
sabi nito sa kanya.
16. Saan naligaw ang matanda sa kuwento?
A. sa sakayan ng bus B. sa labas ng paaralan
C. sa bahay nina Noel D. sa labas ng simbahan
17. Ano ang panahon nang maganap ang kuwento?
A. maaraw B. Mahangin C. maulan D. Maulap
18. Ano-ano ang hindi pinansin ni Nelia habang kinakausap ang matanda?
A. gutom at pagod B. nanay at tatay
C. ang bitbit niyang mga gamit D. kung saan ang istasyon ng bus
19. Anong ugali ang ipinakita ni Nelia?
A. malinis B. Madasalin C. matulungin D. Mapagmahal
20. Bakit kaya sinulat ang kuwentong “Ang Matanda”?
A. Hatid nito ang isang balita.
B. Nais nitong magbigay ng mungkahi.
C. Nais nitong magbigay ng aliw sa mga bata.
D. Gusto nitong magbigay ng mabuting halimbawa.

You might also like