Grade 8 Filipino Unang Markahang Pagsusulit

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A
Division of Quezon
CALAUAG NATIONAL HIGH SCHOOL
FILIPINO 8 UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
I- Basahin at unawaing mabuti ang tanong, Isulat ang titik ng tamang sagot sa inilaang sagutang papel.
1. Tumutukoy ito sa pinagmulan ng isang bagay, lugar o pangyayari.
a. Alamat b. bugtong c. salawikain d. palisipan
2. Uri ng karunungang-bayan kung saan ay inilalarawan ang pinahuhulaang bagay at nangangangilangan ng talas ng
isip.
a. Alamat b. bugtong c. salawikain d. palaisipan
3. Karaniwang patalinhaga at may nakatagong kahulugan, nagtataglay ng tugma at sukat kung kaya’t masarap
pakinggan kung ipinapahayag.
a. Alamat b. bugtong c. salawikain d. palaisipan
4. Ang kaisa-isang anak ng mag-asawang Datu Makusog at Dawani, bumihag sa puso ni ulap.
a. Dawani b. Daragang Magayon c. Dayang-dayang d. Dalaga
5. Ang pahayag na “baboy ko sap ulo, balahibo’y pako ay isang halimbawa ng;
a. Alamat b.bugtong c. salawikain d.palaisipan
6. Si Mario ay labing pitong taon na at bagong tao. Ano ang ibig sabihin ng salitang mayroong salungguhit.
a.Binata b. Born-Again c. bagong ligo d.Bagong silang
7. Isa itong paraan ng paglalahad na nagbibigay-linaw sa pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawa
o higit pang bagay na pinaghahambing.
a. Pagsasalita b.Paghahabing c. Pagtula d. Pag-awit
8. Parehas na nagtataglay ng talinhaga ang salawikain at sawikain. Ang salitang may salungguhit
ay halimbawa ng;
a. Pahambing na Magkatulad c. Pahambing na di-magkatulad
b. Pahambing na Palamang d. Pahambing na Pasahol
9. Isa ito sa pinakamahirap at pinakanapapabayaang nakrong kasanayan.
a. Pag-awit b.Pakikinig c. Pagtula d. Pagsigaw
10. Sino ang umawit ng Awiting “Dapat Tama”?
a. Gloc-9 b. Freddie Aguilar c. Ben &Ben d. Apo Hiking
11. Ito ang pangunahing layunin ng napakinggang teksto.
a. upang magturo o magbigay impormasyon c. upang manglibang o magbigay linaw
b.upang manghikayat d. lahat ng nabanggit
12. Isang palatandaan na ang isang akda na ating bansa ay naunawaan.
a. naaalala palagi ang akdang binasa
b. nailalapat o naisasagawa ang mga oral sa akdang binasa
c. nakalimutan o naisagawa ang mga aral sa akdang binasa
d. wala sa nabanggit
13. Sa awiting “Dapat tama”, anong pagkakataon kailangan natin na magdesisyon nang tama?
a. kung tutulog b. kung boboto c. kung papasok sa paaralan d.wala kailanman
14. Kailan dapat ipakita ang pagmamahal sa nakatatanda?
a. sa bawat oras o araw b. kapag may pera
c.kung mahal ka din niya d. hindi kailan man
15. Ang sulat ni Nanay at Tatay ay ginawa para sa atin upang;
a. maalala natin sila kung wala na
b. pagtiisan mahalin kung alagaan at pagpasensyahan sa kanilang pagtanda
c. ipaghahanda ng gagamitin kung matanda na
d. lahat ng nabanggit
16. Paano mo maipapakita ang pagmamahall at pagmamahal sa iyong magulang?
a. aalagaan mo sila b. pakakainin at lilibangin kung malulungkot
c. hindi bibigyan ng dahilan para mamroblema d. lahat ng nabanggit
17. Ang magulang ang unang nagmamahal sa atin. Sila ay dapat nating…
a. paglingkuran at mahalin b. pagpasensyahan at unawain
c. bigyan ng sapat na oras d. lahat ng nabanggit
18. Ang alamat ng Daragang Magayon ay nagpapaalala sa atin na kapag lumalapit ang ulap sa
bibig ng bulkan ito ay;
a. Humahalik si Ulap kay Magayon c. Nagagalit si Dawani
b. Umiiyak si Ulap d. Natutuwa si Pagtuga
19. Uri ng karunungang bayan na nagtataglay ng talinhaga, gumagamit ng idyoma, tayutay at eupemistikong
pahayag;
a. Bugtong b. Salawikain c. Sawikain d.Palaisipan
20. Si Jose ay nagdiwang ng kanyang ika-21 kaarawan kahapon, samakatuwid siya ay isa ng
bagong tao . Ang pahayag na may salunggihit ay isang halimbawa ng;
a. Palaisipan b. Sawikain c. Bugtong d. Alamat
21. Higit na magaling sa klase si Ana kumpara kay Marie- Anong uri ng paghahambing ang ginamit?
a. Pahambing na magkatulad c. Pahambing na Palamang
b. Pahambing na pasukdol d. Pahambing na di-magkatulad
22. Sa paghahambing ng Salawikain, sawikain at kasabihan, ano ang kanilang pagkakatulad?
a. lahat ng matalinhaga c. lahat ng uri ng karunungang bayan
b. lahat ng nangangailangan ng talas ng pag-iisip d. sila ay mga alamat
23. Ang paghahambing ay katulad din ng;
a. pagtatambis b. paglilinaw c. pagpapahaba d. pag-aanalisa
24. Ang tinta sa daliri ay palatandaan na nagawa mo na ang isang mahalagang desisyon ng pagpili, Kailan tama
ang pagpili?
a. kung nabibigyan ka ng salapi
b. kung nakikita mo sa kanya ang lahat ng katangian na gusto mo
c. kung siya ay madaling lapitan
d.kung siya ay Maka-Diyos, Makatao, Makabayan
25. Ang Karapatan ng bawat tao ay dapat isaalang-alang dahil sa;
a. kapakanan ng sarili
b. Karapatan mo ito bilang mamamayan
c. maibibigay ang iyong mga pangangailangan
d. ang pamayanan na iyong kinabibilangan ay nagtutulungan
26. Ang mahihirap na pamayanan ay bunga ng;
a. maling pagpili ng ibinoto
b. hindi naghahanap buhay para sa sarili
c. pagiging asa o “dependent na mamamayan
d. lahat ng nabanggit
27. Ang mga bagay na magkatulad ay pinaghahambing upang mapalitaw ang kanilang tiyak na katangian,
samantalang ang pagkakaiba ay pinagtatambis upang maibukod ang isa’t isa.
a. paghahawig o pagtutulad b. pagbibigay katuturan o depinisyon c. pagsusuri
28. Ang edukasyon sa new normal ay panibagong o makabagong paraan ng pagkatuto sa pamamagitan ng
makabagong teknolohiya at pamamaraan dulot ng panahon. Ano ang ginamit na Teknik sa pagpapalawak ng
paksa?
a. paghahwig o pagtutulad b. pagbibigay katuturan o depinisyon d. pagsusuri
29. Ang mga mag-aaral sa Grade 8 ay minumungkahi ng guro sa Science na gumawa ng pag-aaral patungkol sa
makabagong kagamitan sa pagpapalaki ng halaman o ornamental. Anong Teknik ang dapat nilang gamiting
Teknik?
a. paghahawig o pagtutulad b. pagbibigay katuturan o depinisyon c. pagsusuri
30. Ang mga katangian ng isang salawikain ay;
a. may talinhaga c. nagbibigay panuto sa buhay ng isang tao
b. may sukat at tugma d. lahat ng nabanggit
31. Isa itong uri ng panitikan na naglalarawan ng mga bagay na pinahuhulaan at kailangan ng matalas nap ag-iisip
a. alamat b. bugtong c. palaisipan d. salawikain
32. Pagkakapareho ng dulong tunog ng mga salita sa saknong, ito ay nangangahulugang ang saknong ay
mayroong ;
a. tugma b. sukat c. bilang d. linya
33. Sa paghahangad ng kagitna isang salop ang Nawala; ang ibig sabihin nito ay
a. nalugi sa Negosyo c. mas malaki ang nawal kumpara sa inaasahan
b. natapon ang laman ng salop d. ang pagnanasa sa higit na darating pa
34. Sa bukid nagsaksakan sa bahay nagbunutan. Ilan ang sukat ng mga salita?
a. 7 b. 2. C. 3 d. 5
35. Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa , isa itong halimbawa ng?
a. alamat b. salawikain c. kasabihan d. sawikain
36. Ang palabas na “24 Oras” sa telibisyon ay mayroong layunin na ______.
a. magturo o magbigay alam c. manglibang
b. manghikayat d. lahat ng nabanggit
37.Sa patalastas na iyong napanood ay Nakita mo si Vice Ganda na gumagamit ng produktong lipstick, Ano ang
layunin ni Vice Ganda sa pagkakataong iyon?
a. manghikayat b. manglibang c. magbigay -aliw d. wala sa nabanggit
38. Ang lalawigan ng Quezon sa pamumuno ni Gov. Suarez at Gov Tan ay kinakikitaan ng malaking pagkakaiba sa
larangan ng pamamalakad. Ano ang ginamit sa Teknik sa pagpappalawak nhg paksa?
a. Pagtutulad o paghahawig c. Pagsususri
b. Pagbibigay katuturan o depinisyon d. wala sa nabanggit
39. Ang Teknik sa pagpapalawak sa paksa na maaring gamitin sa isang survey ay ang;
a. Pagtutulad o paghahawig c. Pagsususri
b. Pagbibigay katuturan o depinisyon d. wala sa nabanggit
40. Isa itong kasanayan na nagpapakita ng kahusayan sa pagpapaliwanag ng mga taong pinag-uusapan at
kinapapalooban ng iba’t-ibang Teknik, Ano ito?
a. Teknik sa pagkatuto c. Teknik sa Pagpapalwak ng Paksa
b. Teknik sap ag-aanalisa d. Teknik sa Pagsulat

“Disiplina, Respeto, Malasakit”


Address: Brgy. Santa Maria, Calauag, Quezon
Email Address: calauagnhs475@gmail.com
Facebook Page: DepEd Tayo Calauag NHS - Quezon

You might also like